CHAPTER 3:Red Dress

1779 Words
Maaga akong nagising para makapaghanda ng almusal ng mga bata. At para na rin maihanda ang dapat na dadalhin ko mamaya. Matapos tumulong sa pagluluto ay naligo na ako at nagbihis. Inihanda ko na rin ang resume ko baka sakaling kailanganin mamaya, wala akong choice ngayon kun'di tanggapin ang alok ni Alexander na trabaho. Mahirap maghanap ngayon at kailangan ko rin ng trabaho. Nagpaalam na ako kay sister Yvonne at sabihin nalang sa iba na maaga akong aalis at mayamaya ay nandito na 'yon si Alexander. Naghintay na ako sa labas pero lumipas ang oras na hindi pa rin siya dumating. Naiinip na ako, hanggang sa nakatanggap ako ng mensahe mula sa kanya. Humingi ito ng tawad na hindi ako masusundo at may inutos daw sa kanya ang ina at magkita na lang daw kami sa kompanya nila.Napasimangot naman ako. Matapos mag-reply sa kanya na ayos lang, ay napabuntong hininga akong ibinalik ang cellphone ko sa bag. Nag-ayos pa naman ako ngayon. Suot ko na agad ang binigay niyang red dress at pinatungan lang ito ng white na jacket. Nilugay ko lang ang buhok kong hanggang balikat. Naglakad na ako papuntang sakayan at mabilis naman akong nakasakay. Pasalamat na lang ako at hindi na ako naipit pa sa traffic. Nang makababa ay nalula ako sa taas ng building, hindi ito ang unang nakita ko ang building na ito, dahil minsan na akong isinama dito ni Alexander dahil may kinuha siyang importanteng dukomento noon at magkasama kami. Inayos ko muna ang suot ko at nagsimula ng maglakad papasok. Mabuti at pinapasok na ako ni kuya guard. Kung sa iba ay hinaharang pa, siguro ay nasabihan na siya ni Alexander. Lumapit naman agad ako sa receptionist at nagtanong. Kahit alam ko kung nasaan ang opisina niya ay hindi naman ako pwedeng basta-bastang umakyat doon. Baka ano pang isipin ng mga tao dito. Hindi naman ako nahirapan pa at iginiya ako nito sa elevator at sinabing naghihintay na raw si Alexander sa taas. Pinindot ko na ang 30th floor ng makasakay sa elevator. May kasama din ako at pinagtitinginan nila ako. May masama ba sa suot ko? Sinipat ko naman ang sarili at wala akong makitang mali. Pinabayaan ko nalang sila at ng makarating sa 30th floor ay lumabas na ako at nakatingin pa rin sila sa akin. Napakunot-noo na lang akong nagpatuloy sa paglalakad at hinanap ang opisina ni Alexander. Nang makita ito ay lumapit ako sa secretary niyang parang manganganak na sa laki ng tiyan. Nakangiti akong lumapit sa kanya at agad naman itong tumayo. "Ikaw po ba si Miss Avyanna?" nakangiting tanong niya at nakangiti naman akong tumango. "Hinihintay na po kayo ni sir sa loob. Pasok na po kayo." saad nito at iginiya ako sa pinto. Kumatok siya at mayamaya naman ay narinig ko ang boses ni Alexander na pwede na kaming pumasok. Nang makapasok ay nakita kong nakatutok siya sa computer niya at abala. Tumikhim ako para maagaw ang atensyon niya. " Tere, what is it?" tukoy niya siguro sa secretary niya, hindi pa rin ito nag-aangat ng tingin. "Ganyan ka ba talaga ka-busy? Ni ayaw mo akong tingnan?" saad ko at agad naman itong nag-angat ng tingin. Gulat itong tumayo at lumapit sa akin. "Good morning, nandito ka na pala. " "Hindi, carbon copy ko lang 'to." pabalang na sagot ko at natawa lang ito. "I'm sorry at hindi na kita nasundo. May pinakuha kasing dress si mommy sa akin at wala ang driver niya ngayon." tugon nito at niyakap ako. Napaikot na lang ako ng mata at gumanti ng yakap. Humalik ito sa ulo ko at humiwalay sa yakap. Tiningnan nito ang suot ko at napangiti siya, pero bigla rin na napangiwi. " Bakit ka nakangiwi, may hindi ba maganda suot ko? Ikaw kaya ang nagbigay nito, kaya 'wag mong sabihin na hindi maganda." pagbabanta ko sa kanya at lumakas na ang tawa niya. "Bakit ba kasi, masasapok na kita!" tinakpan niya ang bibig niya at pinipigil ang tumawa. "Isa, Alexander Hace!" sigaw ko sa kanya at tumikhim naman ito at sinusubukan na magseryoso, pero natatawa pa rin. "Avyanna, I know that you like the dress. But you should at least remove the tag." at napahawak na siya sa tiyan niya at tumawa ng tumawa. Nanlalaki ang matang napakapa ako sa katawan ko. Hanggang sa balikat ko sa bandang likod. At parang gusto ko na nalang na kainin ng lupa ngayon sa hiya.Pero hindi pala lupa ang kinatatayuan ko. Kaya siguro ako pinagtitinginan kanina sa elevator dahil dito. Napatakip naman ako sa mukha ko at dinig ko pa ang halakhak niya. Mayamaya naman ay naramdaman ko ang yakap nito pero tumatawa pa rin. Hinampas ko siya sa braso niya at lumayo sa kanya. "Bwesit ka! Sige, tumawa ka pa!" naiinis kong turan sa kanya. Pumunta naman ito sa mesa niya at may kinuha. Nang bumalik ay may dala na itong gunting. Giniya niya akong maupo sa sopa at naupo kaming dalawa. Nakakagat labi pa rin ako, nakakahiya! Kainis, ano ba kasing katangahan 'to. Hindi ko manlang napansin na may tag pa!Lumapit siya sa akin at siya na mismo ang nagtanggal ng tag. " There, wala na." natatawa pa rin niyang saad. Sinamaan ko lang siya ng tingin. Binigay ko naman sa kanya ang resume ko at nagtataka itong napatingin sa akin. "What's this?" tanong niya at binuksan ito. Nang makita ang laman ay tumango siya. "Come on, ipapakilala kita kay Tere. Sasabihin niya sayo ang mga dapat mong gawin. Hanggang bukas nalang siya dito kaya dapat alam mo na ang mga dapat gawin bago siya umalis." natatawa pa rin siya kaya nahampas ko na naman siya. "Alexander isa pang tawa masasapok na talga kita." "Ang brutal talaga nito, hindi na." Lumabas na kami at pinakilala niya ako sa secretary niya. Nagkamay kami at iniwan naman agad kami ni Alexander at bumalik sa loob para ipagpatuloy ang trabaho niya. Tinuro niya sa akin ang lahat, kung ano ang trabaho ko. Kung anong dapat gawin lalo na kapag may meeting daw ito ay dapat kasama ako at mag-notes. Pati pagkain na kailangan na bilhin tuwing lunch, pati ang kape na gusto ni Alexander tuwing hapon. Dumating ang lunch at sabay kaming kumain ni Tere at ipinasok ko lang ang pagkain ni Alexander sa opisina niya. Wala ito at nasa itaas daw at ipinatawag ng ama niya. Nang makarating sa canteen ay pinagtinginan na naman kami. At siguro naman hindi na dahil sa tag na hindi ko natanggal sa dress ko ang dahilan. "Naku,hayaan mo sila. Bagong mukha ka kasi kaya nakatingin sila sayo. Masasanay ka din, halika na at kumuha na lang tayo ng pagkain." saad ni Tere at hinila ako nito sa mga nakahilerang mga pagkain. Matapos kumuha ng pagkain ay naghanap na kami ng upuan at naupo. Masayang kausap si Tere at nalaman ko rin na kabuwanan na pala niya talaga. Pinilit niya lang pumasok ngayon at wala daw magtuturo sa akin. Wala daw kasing mahanap na papalit sa kanya at mapili daw ang boss namin. Matapos kumain ay umakyat na kami at ipinagpatuloy ang trabaho. Sinilip ko si Alexander sa loob bago pumasok dahil may kailangan siyang pirmahan. Napakunot ang noo ko ng nakita na hindi pa niya nagagalaw ang pagkain niya. Tuluyan na akong pumasok at nakatalikod ang swivel chair niya. Tumikhim ako at hindi man lang ito gumalaw. Kaya lumapit na ako sa harap niya at tiningnan ito. Nakapikit siya! "Sir ayos lang po kayo? "tanong ko sa kanya at dahan dahan naman itong nagmulat ng mata. Pagod na pagod ang tinging ibinigay niya sa akin bago ito pumikit ulit. " It's Alexander for you Avyanna. " " Nasa trabaho po tayo at boss kita, kaya sir ang itatawag ko sayo. At bakit hindi ka pa kumakain? Ala una na oh. Kumain ka na, may problema ba?"umiling naman ito at napabuntong hininga. Napanganga ako sa sunod niyang sinabi. " Can you help me find a wife? "dumilat siya at napakunot-noo naman ako sa narinig. " Anong sabi mo? Baka iba pagkakadinig ko. "saad ko at hinawakan pa ang tenga ko. " You heard it right Avyanna . I need a wife as soon as possible. That's my father condition before passing his position to me. "at tuluyan ng tumigil ang hininga ko. Napaatras ako at nakatingin lang siya sa akin. " Avyanna! "tawag niya sa akin at napasinghap naman ako. Tumigil talaga ang paghinga ko sa narinig. Anong klaseng tanong ba 'yon. " Ayos ka lang? "napaayos siya ng upo. At ng mag sink-in sa' kin ang gusto niyang manyari, nataranta ako. " Alexander hindi pwedeng basta-basta na maghanap ng mapapangasawa. At wala ka bang girlfriend? "umiling ito at pumikit ulit. " We broke up a month ago." sagot niyang nakapikit pa rin. At parang nahilo ako bigla. Biglang may ediyang pumasok sa isip ko. Alam kong kahangalan ang nasa isip ko ngayon, pero wala akong ibang maisip. " Kung ganoon ako nalang! "napadilat naman siya agad at napakunot noo. " Ako na lang, keysa maghanap pa tayo. At magpapanggap lang naman di'ba? " Kahit na ang totoo ay gusto ko talaga siyang makasama. Kahit ganoon nalang, makasama ko lang siya. Kahit sa ganoong paraan, kahit magpanggap lang siya. Ayos na sa'kin. Tumayo ito at hinawakan ang magkabila kong balikat. " Avyanna, are you sure? But, I can't take advantage of you. Best friend kita at ayoko na madamay ka dito." umiling naman ako sa sinabi niya. " Hayaan mo akong tulungan kita. Palagi na lang na ikaw ang tumutulong sa akin,sa'min. Hayaan mong ako naman ngayon." tugon ko at niyakap naman ako nito. " Thank you, I really appreciate your help. Pero sigurado ka ba talaga? Kapag naging mag - asawa tayo titira ka na sa bahay ko at hihinto ka din sa pagtatrabaho mo. " Napamulagat ako sa narinig at napahiwalay ng yakap sa kanya. Pero malapit pa rin kami sa isa't isa. Nakahawak pa rin ako sa beywang niya, at siya ay sa balikat ko. " At bakit ako hihinto sa pagtatrabaho. Kailangan ko ngang magtrabaho para makapag-aral eh, baliw ka ba! "nahampas ko naman siya at natawa lang ito. " I'm going to be your husband so let me help you out on your study. Tapusin mo na lang ang pag-aaral mo. "saad niya na hinaplos ang pisngi ko. Para akong nahihipnotismong napatitig sa kanya. Kaya sa huli ay wala na ako nagawa at napapayag niya ako. "Fine, may magandang maidudulot naman pala ang pagpayag kong maging asawa ka." natawa naman siya at natawa na din ako. Niyakap niya ulit ako at gumanti rin ako ng yakap. Napapikit na napapangiti. Yes, I'm getting married to my best friend.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD