Saya's POV, Hinahayaan ko na mabasa ako ng tubig dito sa banyo ng villa ko. Magaling naman ako eh. Mamaya na ako magpapaturok ng gamot, kanina lang ako nakauwi dito sa villa ko. Nakamulat ako pero halos puro itim ang nakikita ko. Hinatid ako dito kanina ni Flower at Kate. Kahit na hindi ako makakakita umaagos ang luha sa mata ko. Ang sakit sakit. Sa tuwing pumapasok sa isip ko na mabubulag na ako napapaiyak ako. Ito na nga siguro ang karma ng kasamaan ko noon. Hindi ako ganito sa nakalipas na apat na taon. Mamatay tao ako. Mas masahol pa ako sa hayop kung pumatay wala akung awa. Katulad ng ginawa ko sa mga kalaban ko. Ito na nga siguro ang parusa ko. Habang buhay na parusa at pagdudusa, masakit man sabihin pero I deserve this kind of pain. Wala pa ito sa kinuha kung buhay, maraming tao

