Saya's POV, Pumikit ako ng mariin ng maramdaman kung dumadaloy ang gamot sa katawan ko. Kakaturok lang sa akin ni Wind ng gamot na ginawa niya. Sa oras na hindi ito gumana tuluyan na akung mabubulag. At kailangan ko itong tanggapin. Sa isip ko hindi mawala si Grey. Ng matapos kami kaninang mag-usap hindi ko na siya nakita dito. Maski ang ibang Mafia's hindi ko nakita. Hindi naman nag tanong sa akin sina Kuya alam ko naman na naiintindihan nila ako. Ito ang kailangan ko. Kaunting oras lang para lumaban pero kapag hindi talaga wala na akung magagawa. Sobrang sakit ng puso ko gusto kung magwala pumatay at mangbugbog ng tao pero sino? Kasi ako ang may kasalanan kung bakit nangyari ito sa akin. Gusto ko mang bawiin ang sinabi ko kay Grey pero hindi pwede kasi ito ang tama. Kung sakaling gu

