Prologue •TUS•
[0.0] •TUS•
" Limang buang, walang iwanan, kahit bumagsak sa exam" Sabay sabay na sigaw nang limang studyanteng nasa ika-siyam na baitang na sina "Ruiz", "Jace", "Meryelyn", "Tifanny" at "Keviel" Habang sila ay naglalakad patungo sa pinapasukan nilang unibersidad.
Ang Kanilang pagka-kaibigan ay masasabing mas matibay pa sa bato dahil sa mga pagsubok na kanilang pinagdadaanan kahit sila ay highschool palamang
Sila ay scholar lamang sa VNU, ang kanilang katalinuhan at kasipagan lamang ang kanilang nagiging puhunan sa gitna nang kahirapan
Si Ruiz at Tifanny ang tumatayong kuya't, ate sa kanila
Si Meryelyn at Jace naman ang mga laging bumubuhay sa barkada dahil sa kanilang hilig sa pagpapatawa
At si Keviel ang pinaka baliw sa kanilang lima pero siya ang pinaka matalino at mabait kahit may pagka topak
Pangako nila sa isa't isa na walang mag-iiwanan, ano man ang mangyari't dumaan na pagsubok sa kanilang lima.
Sa kanilang murang edad, isang matibay na relasyon ang nabuo sa kanilang lima na malabong matibag.
Mataas ang pangarap nilang lima, minsan panga'y naiisip nila na bilihin ang VNU at kung ano ano pang mga unibersidad na sikat sa kanilang lugar kunh sakali man daw na sila'y maging mayaman sa "Future"
Ngunit ano nga ba ang maari o puwedeng makatibag nang kanilang matibay na pagkakaibigan?
May makakatibang ba nito?
at ano kaya ang dahilan bakit ang limang magkakaibigan na ito ay napunta sa "worst section" o mas kilala bilang
" The unbothered Section" o "TUS"
Mababago ba nang kinabibilangan nilang section ang kanilang nabuong matibay na relasyon bilang magkakaibigan?
Ating alamin ang kanilang kuwento at ang kuwento nang
"THE UNBOTHERED SECTION" o "TUS"