Custard Cake
"What restaurant do you like, Ate?" Tanong saakin ni Pixie. She was holding her phone while asking me that. Kami lang ngayon dalawa ang naiwan sa sasakyan ng kanyang boyfriend.
Pagkatapos kasi nilang kumain ay isinama nila ako. Pupunta raw kami ngayon sa bahay ng boyfriend niya, may party raw doon. I declined pero pinilit niya ako. Wala raw siyang makakausap doon and the party will totally bore her, she said.
Hindi ko nga alam na dito pala nakatira ang boyfriend niya, eh. Isla Montecarlos is a big place, pero ang buong akala ko ay sa Maynila ang hometown niya. Nakakapagtaka dahil ang hometown nito ay ang isla na kung saan pinanganak ako at tumira.
"Kahit saan, Pixie." I politely said while staring at her. Umarko ang kanyang kilay na para bang may nabasa na hindi gusto sa kan'yang cellphone.
Mabilis niya itong dinutdot at pumakawala ng isang mahabang buntong hinga. Nagulat ako nang kinuha niya ang air freshener na nakabitay sa kanyang harapan at binuksan ang bintana ng sasakyan. Itinapon niya ito na para bang sa kan'ya. It was frustrating to watch, actually.
"You don't like the smell?" I asked her. Hinarap niya ako at mahina siyang umiling. Hindi naman pala niya ayaw tapos bakit niya itinapon?
"I texted him kasi, Ate. And he said that the line was so long. Sobrang tagal na nating naghihintay dito. I mean he could do something, diba? Para naman mapadali tayo."
I didn't say a thing. Matagal ko ng nakita si Pixie at dati ay sobrang bait nito, hindi nga makabasag pinggan. Hindi ko lang alam ngayon. She's acting like the boss of him and I don't like that.
"He's really frustrating me these days."
Pagkasabi niya nun ay bumukas ang pinto ng driver's seat. Pumasok na ang kan'yang boyfriend at binigyan siya nito ng isang milk-tea at isang box ng donut. Hindi siya nagsalita at binigyan din niya ako ng milk-tea.
"So, babe, pupunta na ba tayo ngayon or mag-sta-stop over ka na naman? Ang tagal mo kasi at baka naghihintay na sila Tita and I don't want to look bad to them. Their impressions matter to me, okay? Kung ako kasi sayo, sumingit ka na lang doon at ipinakita na kaya mong bilhin ang buong shop nila. You're too humble, kung ako pa lang 'yon. Kanina na rin kami naghihintay ni Ate dito, ipinasama ko pa naman siya. Can you please be considerate?"
Nanahimik ako at hindi na lang sumasali. I don't like sticking my nose to other's business and I don't want to add fuel to the fire. Siguro ay ganoon din ang boyfriend niya, hindi kasi siya nagsasalita. Nakatuon lang ang atensyon niya sa harap.
"Are you even listening to me? Gosh! I feel like talking to a dead person here. Ni wala ka man lang salita, ni-ha ni-ho." Minasahe niya ang kan'yang sintudo.
Pinaandar na ng boyfriend niya ang sasakyan at nakita ko ang pagkariin ng hawak niya sa manibela. Hindi ko na lang inisip 'yon at tumingin na lang sa dinadaanan namin.
Nang makarating na kami sa bahay ng boyfriend ni Pixie, lumabas na kami sa sasakyan at pumasok doon. Their house was big—it looks like a mansion. Aaminin kong mayaman nga sila pero sa sinabi ni Pixie na dapat ay ipangalandakan niya na kaya niyang bilhin ang buong shop, hindi ko nagustuhan 'yon. Mabuti nga at kahit mayaman sila ay hindi niya ipinapangalandakan 'yon at hindi siya nagmamayabang.
"Their house looks amazing, diba? Mayaman 'yan sila, Ate. Old rich din sila gaya niyo."
Tumango na lang ako. Nagsalita ulit siya at dinala ako sa living room na para bang sa kaniya ang bahay. Ipinaupo niya ako doon at pinag-usapan naman namin ulit ang tungkol sa kanyang pag-aaral.
"Tourism is very hard, Ate. Lahat nga ng grades ko ay pasang-awa. Buti na lang talaga at maganda ako kaya okay lang na bumagsak. Bumagsak man ako, sobrang ganda naman. Hindi ba, Ate?"
"You should not say that, Pixie. Mahalaga ang pag-aaral." Mahina kong sabi sa kanya. Ngumiwi siya na para bang hindi nagustuhan ang sinabi ko.
"Marami ngang nakapagtapos ng pag-aaral pero wala namang nararating sa buhay. How can you say something like that?"
"Depende 'yan sa tao and you should not use that as an excuse to not study hard. Porket wala silang nararating sa buhay ngayon ay sasabihin mo na 'yan. Believe me, they will become successful"
"You're being serious all of a sudden, Ate."
Ngumiti na lang ako sa kan'ya. Kinuha niya ang cellphone sa bulsa at dinutdot ulit 'yon. Hindi na siya muling humarap saakin. Hindi siguro nagustuhan ang sinabi ko.
Iginala ko na lang ang tingin ko sa bahay nila at pinagmasdan ang interior ng bahay. The house is styled modernly. Hindi gaya ng bahay namin na puro antique ang nakapalibot at ang kulay naman nito ay brown. Ayaw kasing baguhin ni Mommy 'yon. Maganda rin naman kasing tingnan, napaka-elegante.
"Oh, who are you?"
Lumingon ako at nakitang isang lalaki 'yon na may kasamang dalawang maliliit na bata. Lumapit sila saamin at umupo sa tabi ko. Hindi ko alam kung anong gagawin, sobra kasi ang pagtitig niya.
"Shut up, Leon. Pinsan ko 'yan." Sabi naman ni Pixie na nasa tabi ko.
"Bakit ba galit ka? I'm not even doing a thing. I'm just asking."
"Asking blah blah. Kung ako sayo, paki-tahi na lang ang bunganga mo at pumunta sa girlfriend mo. Aso ka."
My eyes widened when she said that. Hindi maganda pakinggan na sinasabi niya 'yon. Calling someone a dog is not even pleasing to the ears.
Hindi sumagot si Leon at kinausap na lang ang mga bata na nasa tabi niya. The kids were playing rock-paper-scissors. Tiningnan ko ang bata at napangiti habang nagtatawanan silang dalawa. Talo kasi 'yong isa kaya ngumuso ang kasama niya.
"Baby," Dumating na ang kanyang boyfriend kasama ang kanyang mga magulang. Lumapit siya kay Pixie at hinalikan ang tuktok ng ulo nito.
"Good afternoon po, Tita and Tito." Tumayo siya at umamba ng yakap sa mga magulang ng boyfriend niya. Her boyfriend's mother grimaced and avoid her hug. Nakaramdam ako ng second hand embarrassment sa ginagawa ng Mommy niya.
"I heard what you said to Leon, ija. I don't like your attitude. Please change it." Mariin na sabi nito. I can feel the tension between my cousin and her boyfriend's mother.
"Mama.." Suway ng boyfriend ni Pixie.
"What? Hahayaan mo bang gaganyanin ang pinsan mo ng babae mo? I don't peg you as a person who tolerates someone's behavior, ijo. If someone is acting bad then you must speak up. Hindi 'yong para kang tuta na nauulol nang dahil sa babae mo. Dios mio!"
"Mama," Suway ulit nito.
"I rest my case. Kumain na kayo sa dining room at nandoon na rin ang ibang pinsan mo."
Nahihiyang tumayo si Pixie at lumapit na rin saakin. Hinawakan niya ang aking braso, she was sweaty and shaking. Hinawakan ko ang kanyang kamay at mahigpit itong pinisil, I even smiled at her.
Pumunta na kami sa dining room nila at umupo sa may bakanteng upuan. It was not a party—It was a get together. Nahihiya tuloy ako na umupo at kumain nang sabay sa kanila. Nagsimula na silang kumain nang dumating ang mga nakakatanda. Before eating, they prayed first.
"I baked that custard cake. Tikman mo at sabihin mo saakin kung anong lasa niya."
Kumuwit si Pixie doon at kinain kaagad, "Masarap po siya."
"Ang itinatanong ko kung anong lasa niya. Can you please elaborate what you've just said?"
"L-lasang custard p-po.."
"Ganoon?" Maarte itong kumurap at tumingin saakin. "Ikaw, ija? Taste what I've baked."
Ginaya ko ang ginawa ni Pixie, "Wow. It's mouth watering po. It is not that sweet—perfect for everyone. There is an aftertaste rin po, but it's still delicious. Hands down."
Ngumisi ito saakin, "I think you're a baker and a cook. You know how to cook ba? Can I ask who are you again? Hindi rin naman kita pamangkin, diba?"
"Venice Mirasol Vallejo, Ma'am. Pinsan ko si Pixie."
"You're the owner of the famous cafe in town right? It's hard, right? Traveling there then working?"
"Yes po. It was hard at first, pero bearable naman po ngayon." Tumango siya at humarap kay Pixie. She smiled at Pixie which was completely out of the blue. She became nice all of a sudden.
"You, ija, are you still studying or working?"
"Studying po. I am studying Tourism."
"Ganoon ba? Are you planning to take business in the future or not? You will not study again?" Tanong ulit niya kay Pixie. She likes to grill Pixie a lot.
"No, I am not really a fan of business po and tourism is stressing na rin po. Hindi ko po kayang pagsabayin 'yon and it's also a waste of time."
"What do you mean by waste of time?" Naningkit na tanong nito kay Pixie.
"Ma, let's eat before the food gets cold."
Habang kumakain kami ay tahimik lang si Pixie pero alam kong hindi maganda ang pakiramdam niya. Her left hand was free, so I decided to squeeze it to let her know that she's safe and that I am here.
Tiningnan niya ako at nginitian. I know that sometimes she's not nice, but she's still the pixie that I've spent time with when we were young. She's still bubbly, sometimes brutally honest, but she's bubbly.
Pagkatapos naming kumain ay lumabas na kaagad kami. Papasok na sana ako sa sasakyan kaso bigla akong hinila ng hindi ko alam kung sino. Humarap ako doon at naibaba ko agad ang tingin ko nang makitang Mama 'yon ng boyfriend ni Pixie.
"I really like you, ija. Visit me often and you can also bring your cousin if you want." Sabi niya saakin.
I lifted my chin and stared at her while smiling, "Of course po. My cousin really loves your son and she's also lovable if you get to know her."
"I trust you. Sige na at baka magabihan pa kayo. Malayo ba ang bahay niyo dito? If it's not, then I'll take you home. Kung okay lang 'yon sayo."
"Tra-travel po ako papunta sa Cafe ko. I'm sorry po."
Marahan niya akong tinapik saaking balikat. Dumating na sila Pixie at ang boyfriend nito. They were holding hands while walking. Habang pinagmamasdan ko sila, nakita ko kung paano umangat ang labi nila at kung paano kumikislap ang mga mata nila. They look too good to be true.
"Ma, ihahatid ko muna si Pixie at ang pinsan niya."
Tumango ang Mama niya at bumaling ulit saakin. She gave me a nod, then she turned her back to us. Lumapit saakin si Pixie at hinawakan nang mahigpit ang aking braso. She was smiling brightly.
"Ate, I overheard what you've said to Tita. I don't regret bringing you here. You are really an angel. Kung ako lang si Tita, inampon na kita. You are so nice. You are really an angel incarnate."
"You don't have to say that, Pixie." Nahihiyang sabi ko sa kanya. Ngumisi siya saakin at hinila ako papasok sa sasakyan ng kasintahan niya.
"Babe, doon na lang ulit ako matutulog sa bahay nila Ate. If you want, you can also stay there. Hindi naman magagalit sila Tita. Malakas kasi ako sa kanila." Sabi nito. Nakita ko kung paano tumango ang kasintahan nito pagkatapos ay pinaandar ang kanyang sasakyan.
"Hindi naman malayo ang bahay nila Ate. Maganda rin kung gabihin tayo, pero alam kong pagod na si Ate kaya mas mabuting umuwi na lang talaga tayo. Ilang days pa ako mag-sta-stay dito, so marami pa akong pwedeng gawin. Ate, gusto mo bang pumunta tayo bukas sa falls? Paborito 'yon ni Luwalhati, diba? Gusto kong pumunta doon para naman masulit ko ang bakasyon ko dito." Mabilis na sabi nito. I gave her a nod, para naman manahimik na rin siya.
"I'll call you mamaya, babe. Let's talk about what will happen tomorrow. I'll also bring my friends, if that's okay with you. Marami na akong naging kaibigan dito at lahat sila ay mayayaman just like you." Sabi niya sa boyfriend niya.
Buong byahe ay salita pa rin siya nang salita. Ipinikit ko ang aking mata, she really loves to speak. Hindi ka talaga ma-bo-bored kapag kasama mo siya. Ngumiti ako nang palihim, I also don't regret being with her today.
#PWFCustardCake