Chapter 2

1985 Words
Flour Maagang natapos ang party. Hindi rin naman kaya ni Lola na hanggang gabi ang party kaya hanggang hapon lang 'yon. Marami akong nakahalubilo, mga pinsan ko at ang mga kaibigan din nila. They are all nice, wala naman akong problema doon. Nasa kwarto ako ngayon at nag-aayos. Naligo ako at nagbihis, parati kong ginagawa. I really want to feel clean every time I sleep, para bang ang sarap lang sa pakiramdam. Matutulog na sana ako nang may marinig akong kumakatok sa pintuan ko. I fixed myself before opening the door. "Oh? Ba't ka nandito, Pixie? Dito ka ba matutulog?" "Hindi ba sinabi nila Tito at Tito sayo, Ate? I am staying here for 1 week. Bakasyon. Dito na lang din ako matutulog sa kwarto mo because you know? I miss you!" "I miss you too. Kumain ka na ba? Gusto mo bang bumaba muna para kumain. Baka hindi ka nabusog kanina, ha?" Sabi ko sa kanya. Hindi ko na rin kasi muli siyang nakita kasi sa lamesa lang ako nakatambay buong party. Pumupunta lang ang mga ibang pinsan ko sa lamesa para kausapin ako kaya hindi rin ako na-bored. "Sige, Ate. Tulog na rin siguro sila Tala, Aga at Hati, diba?" "Oo. Napagod na rin kasi." Sabi ko sa kanya. Hinila niya ako papunta sa baba. Hindi tuloy ako nakapagrobe. Sobrang lamig na tuloy. "Tita and Tito are in the dining room, Ate. Kumakain ulit at nag-uusap. Nandoon din nga pala ang boyfriend ko. He will stay here rin po ng isang linggo." Napahinto ako nang banggitin niya ang boyfriend niya. To be honest, I am not comfortable with him being around. He's too intimidating. Hindi nga rin siya palasalita kapag kasama niya ako. Siguro dahil sa hindi rin kami close dalawa? "Hindi mo sinabi na nandoon ang boyfriend mo, Pixie. Look what I'm wearing. It's too revealing!" "Ate naman! You're so conservative. Damit ko na yan kapag pumupunta ako sa bar, eh. Okay na 'yan. Bagay na bagay nga sa'yo." She said trying to lift my spirit up. Nang makarating na kami sa dining room ay agad na kaming umupo sa available na upuan. I stared at Pixie. Hinalikan siya ulit ng boyfriend niya sa ulo. They are so sweet, so perfect for each other. Huminga ako ng malalim. Bagay na bagay, so I should be happy for them. "How old are you ijo?" Tanong ni Mommy. "I'm 23, Ma'am." Nakangiting sabi ng boyfriend ni Pixie. I still don't know his name, so boyfriend ni Pixie lang ang i-a-address sa kanya. "Oh? Ma'am? Stop it. You can call me Tita. Boyfriend ka na ni Pixie at alam kong sa kasalan ang tuloy niyang dalawa. You look so perfect for each other, diba?" Sabi ni Mommy. Hinarap niya pa ako. "Yes, Mommy." Mahinang sabi ko pero sapat na rin para marinig nila. "So kailan ba ang kasal?" Tanong ni Daddy. He drank his wine while looking at Pixie. Ngumiwi si Pixie at mahinang sinuklay ang buhok niya gamit ang kanyang kamay. "I'm 18 pa, Tito. What kasal are you talking about? At Tito, 4 months pa lang naman kaming dalawa. Hindi naman ako sigurado na magkakatuluyan kaming dalawa." Nabigla ako sa sinabi ni Pixie. She's making the atmosphere awkward. "4 months? Oh? Malapit ng mag 1 year! Pwede nga na pagkatapos mong mag-aral ay ikasal ka na. Huwag kang gumaya kay Sol na hanggang ngayon ay wala pa ring boyfriend. She has so many suitors lining up pero walang sinasagot ni isa." Why is Mommu saying that? Hindi ko naman sinasagot sila dahil ayaw ko at ayaw din naman niya. She likes men who has tons of money, bahala na kahit masama ang ugali mo basta't mayaman ka. "Tita, if I am that pretty! Hindi ako magkakasintahan ng isa lang, pagsasabay-sabayin ko pa." She even chuckled. Pasimple akong ngumiwi at itinago ang hindi pagkagusto sa sinabi niya gamit ang pag-inom ng tubig. "Well, same." Tahimik lang akong nakikinig sa kanilang dalawa na nagsasalita. I didn't even bother to butt in. I don't like their topics, it's making me feel uncomfortable. "Model ka diba, hijo? You even own a modeling agency, diba? Why not scout my daughter? She's pretty but she doesn't know how to ramp, mapag-aaralan din naman." Kumunot ang noo ko, "M-Mommy.. no." "Why not? Kaysa naman sa café ka lang aasa? Marami ka bang makukuhang pera doon? Hindi diba? Join the agency, Sol. It's not that bad, okay?" How can she even say that? Marami akong naipon na pera and that's because of the café. I love baking and making coffees, I don't want to quit. "Tita, okay lang. Mukhang hindi niya naman gusto 'yon. And besides, sobrang sarap kaya ng mga pagkain ni Ate!" Sabi ni Pixie. Mommy scoffed, "Masarap nga, marami bang bumibili?" She's just saying that because she doesn't know. Hindi na lang ako nagsalita. Ayaw kong palakihin pa at baka magalit pa si Mama saakin. Tumayo na si Mommy at mukhang busog na sa kanyang nakain. Sumunod na rin si Papa at tumayo na rin ako para pumunta na sa kwarto ko. I left the door open kasi baka akalain ni Pixie na sinirado ko ang pinto. I am not feeling great but I still want to be with Pixie. I want to make her happy. Naalala ko bigla ang sabi ni Mama. Mama is always against with my decision. She was never proud of me at hindi rin naman kami close. Hindi ako lumaki na kasama siya. She was with my siblings habang ako ay nasa puder ni Lola. Ngayon lang talaga na nakapagtapos ako ng pag-aaral na nakasama siya. Even though, hindi ako lumaki dito. My siblings always visits me kaya nakaka-bonding ko rin silang lahat. "Are you okay?" Napabangon ako sa pagkakahiga ko nang makita ang boyfriend ni Pixie na nasa pinto ko. "O-of course. N-nga pala, asan si Pixie? Nasa baba pa ba?" "Papunta na rin siya dito. Lighten up, will you?" He softly said. "Oh, don't worry. Hindi ko naman gagawing human diary si Pixie. I will let her sleep at peace." Nginitian ko rin siya para mapanatag ang kanyang loob. "That's not what I'm sayin—" "Oh, babe! Akala mo ba ay nakabalik na ako? You're so sweet, baby!" Sabi ni Pixie at harap-harapang hinalikan ang kanyang boyfriend sa labi. She even moved her lips, what is happening? "O-oh.. baby.. I should really sleep there with you." Hindi ko alam ang gagawin. Para akong tuod na nakatingin sa kanilang dalawa. She was moving her lips with delight habang pinaglalaruan ang buhok ng kanyang boyfriend. Her boyfriend gently pushed her. Buti na lang talaga at alam niyang nandito pa ako. Pixie chuckled and stared at me while grinning. "Ate, is it okay na doon lang muna ako sa tabi ng boyfriend ko? Don't worry! We will practice safe sex." My eyes widened when I heard her say that. She's only 18 for Pete's sakes! "Is she drunk?" Hindi ko mapigilan na tanong. "Ate, drunk? Me? No way! Inaantok lang talaga ako. Let me sleep with you, please." Sabi niya sabay harap sa boyfriend niya. Nginitian ko silang dalawa, "Just let her sleep with you. You won't do anything naman, diba? I trust you with my cousin." Lumapit ako sa kanila at sinirado na ang pinto. I shouldn't really meddle with their business. Kung gusto nilang dalawa, gawin nila. It's not my life and I don't have any rights. Alam din siguro nila ang gagawin nila, diba? Bumalik na ako sa kama ko at humiga na. Ipinikit ko ang aking mata hanggang sa tuluyan na akong dalawin ng antok. Kinabuksan ay maaga akong nagising para pumunta sa café ko. I texted Angelina that we will open the café today. Ang akala ko kasi kahapon ay mag-st-stay si Lola dito sa Montecarlos. Sinakyan ko ang yacht namin para pumunta na rin sa town. I am wearing a red long puff sleeves top dress paired with my white sandals. I let my hair down and I didn't bother to wear makeup, mahuhulas din naman mamaya. "Good morning, Ma'am!" Bati ni Angelina pagkalabas ko sa aking sasakyan. Tinanguan ko siya at pumasok na sa café. Pumasok ako sa kitchen at kumuha ng apron at pinalitan ang aking suot na sandals. I wore a white fluffy slippers, it makes me comfortable. "I'll be baking today. Asikasuhin mo ang sa labas." Sabi ko sa kanya. Nakasunod pa rin kasi siya saakin ngayon. Tumango siya saakin at hindi pa rin umaalis. Mukhang may gustong itanong. "What is it?" "May nahanap ka na ba na Mr. Right, Ma'am?" "Stop pestering me, Angelina. Wala, okay? I have my family." Nakangiting sabi ko sa kanya. She made a face, mukhang hindi naniniwala sa sinasabi ko. Ilang minuto ang lumipas at naging busy naman ang café. Inilikom ko ang aking buhok at tinali 'yon. Pinagpapawisan na rin ako kahit sobrang lamig naman ngayon. I am having a bad feeling today. "M-ma'am! May naghahanap po sayo." Kumunot ang noo ko. Sino naman ang maghahanap saakin ngayon? Wala naman akong hinihintay na bisita? "Why are you stuttering, Angelina?" Kinakabahan na ako ngayon. Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niya na naghahanap saakin! "Kasi naman, Ma'am!" Mas lalong kumunot ang noo ko, "Ano sabi?" "Kasi ang gwapo po niya. Gwapo gwapo, Ma'am! Makalaglag panga ang dating, oh la la! I really thought that I was Cinderella and he was my Prince Charming." Inayos ko ang sarili ko para lumabas na rin. Sinamahan ako ni Angelina papunta sa sinasabi niyang naghahanap saakin. She guided me hanggang sa nakapunta kami sa lalaking nakatalikod ngayon. Pumunta ako sa harapan niya at nakitang boyfriend ni Pixie 'yon. Where is my cousin? Bakit siya lang ang nandito? "Yes? You're looking for me raw?" "Yes. Pixie will be here in any moment. Busy kasi siya." She's busy, huh? "Aren't you busy?" Tanong ko rin. Kung busy si Pixie, hindi ba dapat ay mas busy rin siya? Model siya tapos alam kong sobrang dami niyang schedule sa isang araw lang. He really loves my cousin. "Well, technically, I am." Hindi na ako nagsalita. I felt a little bit conscious about my face when he's looking at me like that. Para bang nakakatunaw ang pagtingin niya. "What is it?" "You got something on your.." "On my what?" Tumayo siya at pinunasan ang kung ano sa noo ko. My heart started to beat fast, gosh. What is happening to me? "It's flour." Halos mamula ako na kasing pula ng kamatis dahil sa pagkahiya. Did I really face him while looking like that? I look stupid! "B-babalik na lang ako kapag nand'yan na si Pixie. S-sige." "You don't have to." "H-huh?" "I said you don't have to. Pixie will be here in any minute. She's just with her friends." Pinaghihintay niya ba talaga 'tong boyfriend niya? "Oh. Sige.. pwedeng umupo dito?" "Pwede naman. Why? Are you uncomfortable with my presence?" Wow. I am uncomfortable because he's too intimidating. Kapal naman ng mukha niya. I swear, I have never been this angry before. Breath, Mirasol, Don't cross the line. Don't cross it. "With what again?" "My presence." "With what?" "My presence." "What?" "Are you purposely doing that?" He chuckled. "Why would I do something like that?" I innocently said. Tumawa siya habang tinitigan pa rin ang aking mukha. His stares are too deep, deep like an ocean. "Galit ka na n'yan?" "I am not—" "Babe, hinintay mo talaga ako? Aww! So sweet of you! Grabe ka talaga. I am not sorry for being late, ginusto ko rin naman. I had fun." Agad akong napatayo at ibinigay sa kanya ang upuan. "What do you want to eat, Pixie?" "Ate, I want a cupcake. Singular, so isa lang. Ikaw ba, babe? What do you want?" "Best seller." Tumango ako, "I'll be right back." Para akong kinakabahan kahit wala naman akong masamang ginagawa. Anong nangyayari saakin? #PWFFlour
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD