Intimidating
I carefully arranged the figurines that my brother loves. Sobrang kalat kasi ng kwarto niya, para bang walang naglilinis. Wala naman akong gagawin kaya naisipan ko na ayusin at linisin ang kwarto niya. Nang matapos na akong gawin 'yon ay tiningnan ko ang kabuuan ng ginawa ko. Nice and clean, that's what I like.
"Hala! Ma'am, bakit niyo po nilinis 'yan? Kaya naman po naming gawin 'yan." Manang Tising said. Nginitian ko siya at mahinang tinapik ang kanyang likuran.
"Okay lang, Manang. Wala naman akong ginagawa at hindi ko gusto na walang ginagawa sa bahay." I said, the reason why she let out a sigh. "Tara na po, Manang. Bumaba na po tayo."
Inayos ko ang aking sarili at tumalikod na. Nandito kasi ako sa bahay ngayon dahil rest time ko. Sobrang daming taong pumupunta sa Café ko kaya ang sabi ko sa workers ko, magpahinga muna kami at magbubukas na lang bukas. And that's not only the reason why I'm here, I want to spend time with my siblings. Nakakamiss na rin kasi sila. Hindi ko masyado sila nakakasama dahil sobrang dami kong ginagawa ngayong week na ito.
"Ate, gusto mo po bang mag-swimming doon sa falls? I brought your swimsuit, so you can't say no." Sabi ni Hati na kakarating lang. May hawak siyang bag at ipinakita pa saakin 'yon para malaman na nandoon ang swimsuit ko.
"How can't I say no to my baby girl? Nasaan na ba ang Kuya Aga at Ate Tala mo? Sabihin mo sa kanila, sabay na tayong pumunta doon."
"They're already there, Ate. Ikaw lang naman talaga ang hinihintay namin. Kasama nila ang ibang mga kaibigan nila pati na rin ang mga pinsan natin."
Kumunot ang aking noo. Anong araw ba ngayon? Ba't pati mga pinsan namin ay nandito sa Isla Montecarlos? Wala namang birthday— Oh! How can I forgot this day? Birthday ngayon ni Lola Imelda. I forgot her birthday but when it's my birthday, she always remembers it.
"Hindi ba sa dagat dapat pumunta? Ba't sa falls ka?" She grimaced that made me chuckle. Hilig talaga niyang pumunta sa lugar na 'yon. Kung favorite ko ang baking, ang favorite naman niya ay ang falls at ang mag-swimming.
"Let's go there after the party, okay? Special day ni Lola Imelda ngayon kaya dapat lahat tayo ay present. We should not spoil her day." Tumango siya at hinawakan na lang ang aking kamay para sabay na kaming pumunta sa dagat. Masyadong malayo ang dagat sa mansion kaya kailangan pa naming sumakay sa sasakyan.
Lumabas na kami at nakita na namin kaagad ang sasakyan. "You should go inside." Sabi ko at kinuha ang phone na nasa bag ko. Tatawagan ko pa ang mga trabahante ko na huwag munang magbukas ng café bukas. Bukas na siguro ang uwi ni Lola kaya dapat ako rin ang maghahatid sa kanya.
Tumango siya, so I started to dial the number of my assistant.
"Good morning, Ma'am! What can I do for you po?"
"Angelina, let's not open the café tomorrow. I have something special to do." Mahinang sabi ko sa kanya pero sapat na para marinig niya.
"Okay, Ma'am. I heard that its your Grandmother's birthday today po. Happy birthday po sa kanya and baka it's your time po na magkaroon ng boyfriend to spice up your life?"
Ngumiwi ako. What is she even saying?
"Oh, I don't need a man to spice up my life. I have my family. Okay, Angelina. Good bye." Mabilis kong binaba ang tawag. Angelina is always like that, but I am not offended. Sanay naman ako sa kanya.
Pumasok na ako sa sasakyan at pinasadahan ako ng tingin ni Hati. "Really, Ate? You're really wearing that? This is not a formal occasion, Ate. Why are you wearing your long dress here? It's too elegant that I can't even bear to see it."
"Kanina ko na sinusuot 'to, Hati. Manners, please? Para bang hindi ka na sanay na ito ang suot ko." Ngumuso siya.
"You're too beautiful. Para ngang ikaw ang may birthday. Nakakainis naman. Why are you so pretty while I look like a potato? Am I even your sister?"
"Potato? You look fine, Hati. How can you even say that to yourself?" Magsasalita pa sana siya nang biglang huminto ang sasakyan namin. Hinarap ko si Mang Lito para malaman kung anong dahilan kung bakit kami napahinto?
"Ano pong problema, Mang Lito? Nasiraan po ba tayo?"
"Hindi ko rin po alam, Ma'am. Siguro po ay naubusan ng gas ang sasakyan or baka na-flat po ang tire?"
"Let's check the car po." Sabi ko sa kanya at lalabas na sana nang makita ko si Hati na nakakunot ang noo. "Lumabas ka na rin, Miss Potato. Let's talk mamaya."
Tumango siya habang nakakunot pa rin ang noo at nakanguso. She's really cute. She's still a baby. Bumaba na ako at tiningnan ang sasakyan. Normal naman, wala namang umuusok tapos di rin naman flat ang tire ng sasakyan. Baka ubos na nga ang gas.
"Malayo pa rito ang gas station, Ma'am."
Mabilis kong kinuha ang phone ko at tinawagan si Tala. Ilang ring pa bago niya sinagot.
"Hello po? Ate, saan na kayo? Hinahanap na kayo ni Lola." Bumuntong hininga ako bago siya sinagot.
"Huminto ang sasakyan namin. Paki-sundo na lang kami dito, Tala. Masyado pang malayo ang gas station dito kaya hindi rin namin pwedeng itulak ang sasakyan."
"Okay, Ate. Papapuntahin ko na lang si Aga d'yan." Sabi niya bago ibinaba ang tawag.
Inayos ko ang aking buhok at sinuklay 'yon gamit ang aking kamay. I maintained my body composure. Binalingan ko ang sasakyan at tiningnan si Hati na nasa loob pa rin ng sasakyan. Pinaypayan niya ang kanyang sarili, sobrang init sa loob.
Kinatok ko siya para palabasin. Ngumuso siya at sumunod na rin. Ginulo niya ang kanyang buhok kaya napangiwi ako. Nilapitan ko siya at inayos ang kanyang buhok, pati na rin ang kanyang damit. She's wearing a baby blue crop top and a high waist denim shorts.
"Your belly button is showing. Cover it up."
"Grabe ka naman, Ate. Crop top nga diba at syempre, makikita rin naman talaga ito." Naiinis naman na sabi niya. Ngumiti ako at nagpatuloy na ayusin ang kanyang damit.
Hindi na ako nagsalita at pagkatapos ayusin si Hati. Inayos ko ulit ang aking sarili. Pinagpapawisan na rin ako dahil sa suot kong white long sleeved dress.
Ilang minuto kami naghintay hanggang sa may dumating na sasakyan sa harapan namin. Ngumiti ako at lumapit doon para buksan ang sasakyan. "Ang tagal mo—"
My mouth went agape. Sino 'tong nasa sasakyan? Pinsan ba namin 'to na di ko na maalala?
"I went here to pick the three of you." He obviously said. Hindi ako sumagot at binitiwan ang pagkahawak sa kanyang sasakyan. Halos mapatili ako nang bumisina siya at binuksan ang kanyang bintana para ilabas ang kanyang ulo at tawagin ang kapatid ko.
Napatingin ako kay Hati na ngayon ay malapad na ang ngiti. Kilala niya ba 'tong lalaki na 'to?
Tumakbo si Hati papunta saamin at muntik na niya akong matulak dahil pumasok siya at umupo sa shotgun seat. "Ate, sumakay ka na sa likod. Gusto ko na dito umupo sa tabi ni Kuya!"
Tumango na lang ako at mahinang pumunta sa likod para umupo doon. Nagpaiwan na si Mang Lito dahil walang magbabantay sa sasakyan namin. Bumuntong hininga ako at nanatiling tahimik. Pagsasalita lang ni Hati at ang lalaking katabi niya ang tanging naririnig ko.
"Kuya, nandito rin si Ate Pixie? Matagal ko na po 'yong di nakita! Sa Manila na siya nag-aaral diba? Ikaw po ba? Asan ka po nagtratrabaho ngayon? Sa Modeling Agency niyo pa rin po ba? Sana all."
"Dahan-dahan sa pagtatanong, Hati. Hinga muna, okay?" Natatawang sabi ng lalaki. His laugh is raspy but pleasing to the ears.
Tahimik akong nakikinig sa kanilang dalawa hanggang sa makarating na kami sa pupuntahan namin. Naunang lumabas si Hati kaya naiwan kaming dalawa sa sasakyan. Pasimple akong tumikhim, "Thank you."
Napatingin siya saakin at mahinang tumango. Tumango rin ako at lumabas na rin ng sasakyan. Isang mahigpit na yakap ang natanggap ko pagkalabas ko pa lang. It's from Pixie.
"Grabe, Ate! Namiss kita. Gandang ganda mo pa rin hanggang ngayon, ha. What's your secret?"
"Maganda ka rin naman, Pixie. Kamusta ang Maynila? Are you doing great there?" Mabilis siyang tumango saakin.
"I am doing great. Minsan nahihirapan sa school, but it's all part of life! Kayo po? Kamusta po ang business niyo? Gusto ko nga pong pumunta doon, you cook and bake great po kasi, Ate."
"You can go there and visit me anytime. Ipaghahanda kita ng mga masasarap na pagkain na I'm sure you will love!"
"Love? Naku, magseselos boyfriend ko n'yan! Masarap ang food mo, Ate. Pero may mahal na ako."
Kumunot ang noo ko. Sino naman ang boyfriend niya? Mukhang napansin niya ang pagtataka ko kaya agad siyang lumapit sa sasakyan at binuksan ang pinto. "Lumabas ka d'yan babe. Ipakikilala kita kay Ate Sol."
Boyfriend niya 'yong lalaki na 'yon? Well, he's handsome alright pero di ko alam na may boyfriend na si Pixie. I am not against them being together, hindi naman ako ang parents ni Pixie at wala naman akong karapatan. But he looks like a nice guy, pwedeng pwede kay Pixie.
Lumabas 'yong lalaki at hinagkan si Pixie sa buhok bago tumingin saakin. "Nice to meet you."
"You're very formal! Dapat close kayo n'yang si Ate Sol. Parang ate ko na rin siya." She nudged her boyfriend.
"Okay lang, Pixie. Punta muna ako kay Lola. Iiwan ko muna kayo dito." Nginitian lang ako ni Pixie. I bid them goodbye at umalis na para hanapin kung asan si Lola.
Hinanap ko si Lola at nang makita ko siya na na nakaupo katabi ang mga magulang ko ay lumapit kaagad ako. Lumaki ang mata ni Lola nang makita ako, tumayo siya para ambahan ako ng yakap.
"Ang ganda-ganda talaga ng apo ko. Manang mana sa Lola. Buti na lang talaga at nakadalo ka sa kaarawan ko, Sol." Sabi ni Lola.
"Of course, Lola. Sino ba naman ako para palampasin ang birthday ng isang pinakamagandang babae sa Montercarlos?" Tumawa siya nang malakas.
"Umupo ka muna, Sol. Dadalhan kita ng pagkain." Akmang aalis na sana siya nang pigilan ko siya. I don't want the birthday celebrant to serve me. Hindi tama 'yon.
"Ako na, Lola. What do you want to eat po? You should just rest there and sit gracefully. Ako na po ang bahala." Tumango siya. Hindi pa siya nagsimulang kumain, siguro dahil hinihintay pa niya ako an dumating.
Lola and I are close, super close. Noong bata pa kasi ako ay siya na ang nag-aalaga saakin. Mommy and Daddy are both busy with their jobs. Hindi na nila ako naasikaso but it's okay, I love them and I am thankful for all the sacrifices that they made just for us, their children.
Nagsimula na akong maglakad para pumunta sa buffet table. Nandoon si Aga at si Tala, mukhang nagbabangayan naman. Nilapitan ko sila kaya napatingin kaagad sila saakin.
"Gutom ka, Ate?"
Umiling ako at sinabi na gusto ni Lola ng pagkain. Hindi pa 'yon kumakain kaya paniguradong gutom na rin si Lola.
"Ikaw maghatid ng pagkain, Aga. Pabigat ka lang naman dito. Tsismis lang naman kinuha mo dito at mga chix eh. Kapal ng mukha mo." Sabi ni Tala kay Aga. Ayan na naman silang dalawa.
"Really? Ikaw nga nag-sa-sight seeing ng mga lalaki, prinoproblema ko ba?"
"Dami mong alam. Malandi ako pero hindi pabigat. Kaya mo 'yon? Kaya mo?" Naiinis na sabi ni Tala. Ngumisi si Aga kaya agad akong pumagitna sa kanila. Hindi sila matatapos kung hahayaan ko lang silang dalawa.
"Ako na lang para wala ng problema."
Umiling si Aga, "Huwag na, Ate. Ako na lang. Ako lang naman talaga parati, diba?"
"Ew. Kadiri. Sad boy ang bobo." Sabi naman ni Tala. I sighed, hindi talaga sila mapipigilan. Sobrang galing magsalita, pwedeng-pwede ng mag-debate.
Magsasalita na sana si Aga kaso pinigilan ko siya, "Kayo na lang dalawa maghatid ng pagkain kay Lola. Siguradong magiging masaya 'yon. Huwag na kayong magbangayan, okay? Hindi magandang tingnan."
Ngumuso si Tala at Aga, "Opo, Ate. Sorry na."
Ginulo ko ang buhok nila at kumuha ng pinggan para lagyan 'yon ng pagkain. Healthy na mga pagkain pero paniguradong gustong gusto ni Lola. Pagkatapos kong lagyan 'yon ay ibinigay ko na sa kanilang dalawa. Tumango sila at tumalikod na rin.
I smiled while looking at my family. They are so happy. Looking at them also makes me happy. Huh, sana parati na lang ganito.
Napapiksi ako nang may narinig na nahulog na pinggan. Agad akong napabaling doon at nakita ang boyfriend ni Pixie. He doesn't know what to do. Ngumiti ako at agad lumapit doon para tulungan siyang linisin ang nabasag na pinggan. Kapatid na para saakin si Pixie kaya para saakin, kapatid o kaibigan na rin ang turing ko sa mga mababait sa kanya.
"Ako na." Mahinang sabi ko sa kanya. Kumukunot ang noo na napatingin siya saakin.
"What?"
"P-pumunta ka na kay Pixie. Ako na ang bahala dito. Bisita naman kayo." Why am I stuttering? Is it because he looks intimidating?
"No. Ako ang nakabasag n'yan. Ako na ang maglilinis." Sabi niya pa. Umiling ako. Hindi pwede, baka makita siya ni Pixie na naglilinis dito.
Hahawakan ko na sana ang nabasag na pinggan kaso pinigilan ako ng kamay ng boyfriend ni Pixie. Para ang napaso nang maramdaman ko ang pagkahawak niya saakin. Agad akong napatayo at inayos ang aking sarili.
"A-ah.. Sige. H-huwag mo ng linisin. Tatawagin ko na lang ang maglilinis d'yan. Pasensya na." Mabilis akong tumalikod. Hindi na nag-abala na lumingon pa.
#PWFIntimidating