It's been 10 years and Isla Montecarlos is still the same. Maganda pa rin ang lugar at masarap ang simoy ng hangin. Walang nagbago kahit kaunti. I roamed my eyes and held onto my luggage. Uuwi ako ngayon saaming mansion, matagal-tagal na rin ang huling punta ko roon. Na-mi-miss ko na rin ang mga kapatid ko. 10 years without communication is hard. Nang pumunta kasi ako sa ibang bansa, tinanggalan ako ng connection sa mga tao sa lugar na ito. It was really hard for me because I was always missing them. Minsan nga ay umiiyak lang ako sa kwarto ko at tinitingnan na lang ang picture nila sa photo album.
"Ma'am Venice, tutulungan ko na po kayo sa dala ninyo." Kinuha niya ang dala kong luggage at siya na ang nagbuhat nun. Kumunot ang noo ko nang mapansin ang mukha niya. Sobrang bata pa niya noong huli ko siyang nakita tapos ngayon ay dalawang na. She was 7 years old back then, sobrang bata pero tumutulong na rin sa gawaing bahay. Anak kasi siya ng tagapamahala ng bahay namin.
"Kira, right?"
"Hala! Opo, Ma'am. Naalala niyo pa pala ako. Ang akala ko kasi ay nakalimutan niyo na." Nakangiti na sabi niya sa'akin pero kita pa rin ang pamimilog ng kanyang mata. Mukhang hindi niya inaasahan na maalala ko siya.
"Why would I forget? You're like a ray of sunshine." Hindi ko na siya hinintay pa na magsalita at naglakad na palayo. Gustong-gusto ko na na makita ang mga kapatid ko.
Nang makapasok na ako sa mansion ay agad kong pinuntahan ang mga kwarto ng mga kapatid ko. Nagbabakasakaling nandoon sila at naglalaro naman ng cellphone gaya ng dati. I furrowed my brows when I saw that there was no one inside. Asan kaya sila pumunta? Alam ba nilang dadating ako ngayon?
"Ma'am Venice, si Ma'am Luwalhati, Ma'am Tala at Sir Vagabond po ay may pinuntahan. Pumunta po si Ma'am Luwalhati sa falls po kasama ang mga kaibigan niya habang si Ma'am Tala at Sir Vagabond po ay pumunta sa bayan." Sabi ni Kira na kakarating lang. Inilapag niya ang luggage ko at tinulungan ako sa pag-alis sa makapal na jacket ko.
"Alam ba nila na dadating ako?"
"Hindi, Ma'am. Ako lang naman po ang nakakaalam. Hindi ko rin po alam kung bakit hindi sinabi ng inyong Papa na darating kayo rito." Inalis rin niya ang dala kong shoulder bag at inilapag sa sofa. Inayos niya ang buhok ko at nginitian ng malapad.
Ang akala ko ay napatawad at nalimutan na ni Daddy ang nangyari dati. Ang akala ko ay okay na ang lahat, hindi pa pala. Sumama ang pakiramdam ko kaya umupo na lang ako sa sofa at bumuntong hininga.
"Kung gusto niyong magpahinga, Ma'am. Sabihan niyo lang po ako at aayusin ko ang kwarto ninyo. Kung gusto niyo rin po na gumala, sasamahan ko kayo."
Bigla kong naisip ang falls na malapit lang dito. Nandoon si Hati, ang bunsong kapatid ko. Bigla tuloy akong ginanahan. Tumayo ako at inayos ang suot ko. I was wearing my satin champagne top and denim fitted jeans paired with my white peep-toe heels. Inalis ko na rin ang makapal na jacket ko kanina kaya kita na rin ang balat ko.
Hindi na ako nag-abala na magpalit ng damit dahil gustong gusto ko na na makita ang kapatid ko. 10 years old pa lang siya noon at alam kong ngayon ay dalagang dalaga na siya at sobrang ganda pa.
"Kira, samahan mo na lang ako sa falls. Hindi naman malayo 'yon dito sa mansion. Gusto ko lang makita ang kapatid ko."
Tumango siya at tiningnan ang ayos ko, "Hindi po ba kayo maliligo doon, Ma'am? Kung gusto niyo po, dadalhan ko kayo ng damit."
"Huwag na, Kira. Mabilis lang naman tayo doon. Gusto ko lang makita si Hati." Tumango na lang siya at tumabi saakin para sabay kami sa paglabas ko. Nginitian ko siya at pumunta na rin sa falls.
Hindi ko na masyadong tanda kung asan na banda ang falls. Ang alam ko lang ay may shortcut daw papunta doon. "Ma'am, Sa likod ng mansion po tayo dumaan. Dito po kasi ang shortcut papunta sa falls."
Tumango ako at sumunod na lang sa kanya. Hindi ko rin kabisado masyado ang lugar na 'yon dahil hindi naman ako palaging pumupunta doon. Nakapunta lang ako doon dahil inaya ako ng kapatid ko na si Hati. Siya kasi ang may hilig na pumunta at maligo doon dahil nakakalma raw.
"Marami pong kasama si Ma'am Luwalhati po doon. Hindi lang po ang kaibigan niya, 'yon ang sabi niya. Nga pala, Ma'am. Kilala niyo po ba ang mga kaibigan niya? Mga taga-Maynila po kasi sila."
Umiling ako. 14 years old pa lang si Luwalhati noon at wala masyadong kaibigan bukod sa'amin na kapatid at pinsan niya. Hindi kasi siya palasalita kapag hindi close ang isang tao pero siguro ngayon ay nagbago na rin siya. Nang makarating kami doon ay narinig na namin ang ingay at hiyawan ng mga tao na para bang sayang saya sila sa mga pinaggagawa nila.
Iginala ko ang tingin ko at hinanap si Hati. Hindi na rin ako lumapit masyado sa kanila dahil hindi ko rin naman sila kilala. I pursed my lips at hinanap ulit siya. Nang makita ko si Hati na susulong na sana sa tubig ay lumaki ang aking mata. Sobrang ganda niya at sobrang tangkad na rin. Alam kong napansin niya na may tumitingin sa kanya kaya iginala niya ang tingin at nang makita ako ay umawang ang kanyang labi.
Ngumiwi ako nang marinig ang matinis na tili niya. Mabilis siyang tumakbo saakin at niyakap ako ng mahigpit. Sobrang basa rin ng kanyang katawan pero di na ako nagreklamo dahil sobrang miss ko na rin siya.
"Ate! Hindi ko alam na ngayon ka pala babalik! Gosh, sobrang ganda mo na at elegante pa rin gaya noon! Grabe, alam po ba ni Ate Tala at Kuya Aga na ngayon ka dadating? Kainis naman! Hindi nila ako ininform." Reklamo niya.
Ngumiti ako at ginulo ang kanyang buhok. Siya pa rin ang kapatid ko, walang nagbago.
"Kulit mo, ha. Sige na, balik ka na doon. Babalik na rin ako sa mansyon, hihintayin kita doon at doon na lang din tayo mag-usap." Nakangiti pa rin na sabi ko sa kanya. Ngumuso siya at inilayo ang ulo niya para hindi ko ulit guluhin.
"Naku, Ate! Alam mo naman na matagal na kitang nakita at nakasama, diba? Iiwanan ko na lang sila at sasamahan na lang kita! Sobrang tagal na rin, Ate. Marami akong tsismis sayo, okay."
Tumawa ako at pinisil ang kanyang pisngi, "Cute. Sige na. Huwag mo naman silang iwan dahil bisita mo sila. Huwag mo na akong pansinin, okay? Makakasama mo rin ako sa matagal na panahon. Dito na rin ako kasi ulit titira."
"Hoy grabe! Totoo 'yan, Ate? Hindi ba 'to prank?" Tumango na lang ako at niyakap ulit siya ng mahigpit bago tumalikod. Rinig ko ang pagkawala niya ng halakhak kaya napangiti ako.
Naglakad na rin ako paalis pero nang may nakita akong pamilyar na mukha ay napatigil ako at umawang ang aking labi. Pasimple kong pinisil ang aking kabilang kamay. Hindi panaginip 'to.
"Bumalik ka na pala, Venice." Sabi ng kaibigan niyang lalaki na hindi ko na tanda ang pangalan.
"Gago! Halata na nga, sinasabi pa. Bobo naman." Natatawang sabi ng isa sa mga kaibigan niya. Kumunot ang noo ko at inisip ang pangalan niya. Thorn? 'Yon ata ang pangalan niya.
"Ilang years na ng huling punta mo rito, ah. Ilang years nga 'yon? 9 or 10 ba?"
"10." Mahinang sabi ko pero sapat na rin para marinig nila. Tumango siya sa'akin at pasimpleng tiningnan ang katabi niya.
His eyebrows were furrowed and his lips were pursed. Mukhang nagtataka na nakita ako dito. Pasimple ko siyang tiningnan. His messy hair is still there, his scowling eyes and bushy brows can still melt everyone's heart, and his body is now buffer than before.
Sila na kaya ng pinsan ko?
Umiwas siya ng tingin at naglakad na rin palayo saamin. I bit my lips and let my heart cry in pain. Naglakad na rin ako ng palayo kasama si Kira. Ipinikit ko ng mariin ang aking mata at ngumiti ng mapait. I will never do what I did before because look what I've become? Sobrang baba na ng tingin ko sa sarili ko. I am ruined and that's because of love.
"Okay lang po ba kayo, Ma'am?"
"Okay l-lang." Hindi ako okay. Ilang taon na ang lumipas pero ang puso ko, hanggang ngayon ay siya pa rin ang tinitibok. Sobrang dali lang niyang mahalin pero sobrang hirap kalimutan. I deserved this.
Bumalik ako sa mansyon na masakit pa rin ang puso pero agad din 'yon napalitan nang makita ko ang mga kapatid ko. Sobrang tangkad na ni Tala at Aga. Agad ko silang dinaluhan ng yakap at halik.
"A-Ate.." Sinuklian ako ng yakap ni Tala. Ngumiti ako nang maramdaman ang pagkabasa ng balikat ko. She's crying. My poor sister..
"Miss mo na ako?"
Mabilis siyang tumango, "B-bakit kasi pinagbigyan mo si Daddy na pumunta sa Canada! Alam mo naman na mamimiss ka namin tapos pumunta ka pa doon. Break naman sila noong naging kayo, Ate! Pero bakit ngayon, pinamumukha nila sayo na ikaw ang nang-agaw at third party ka! Sasampalin ko ang pagmumukha nila isa't isa."
"S-shhhh.. don't cry. Okay lang naman, Tala. Nakalimutan ko na ang mga ginawa nila sa'akin dati. Bagong buhay nga, diba? Kalimutan mo na 'yon." Sabi ko sa kanya at hinalikan ang kanyang ulo. Mahina niya akong pinalo sa balikat.
"It's never okay! What they did to you is barbaric! Parang hindi magkadugo kung umasta. Mga hampaslupa!" She's still crying. Napatingin ako kay Aga at sinabing kunin na niya si Tala.
Kinuha niya saakin si Tala at mahinang pinisil ang pisngi. Kumawala siya ng halakhak nang ngumuso si Tala. "Nakakatawa ba? Bobo ka."
"Asan nga pala si Daddy?" Tanong ko kay Aga. Napatingin siya sa'akin at sasagot na sana nang unahan siya ni Tala.
"Nasa ibang bansa, Ate." Tumango ako at hinalikan ulit sila isa-isa sa ulo. Ngumiwi sa'akin si Aga at pabirong tinrapuhan pa ang kanyang ulo.
"Kulit mo! Para namang dati ay hindi ka nagpapahalik kay Ate sa ulo, e." Natatawang sabi ko sa kanya.
"Feeling cool naman kasi. Ate, hindi pa ba nakarating si Hati? Kanina na 'yon naliligo, a. Siguro ay nilamon na siya ng tubig o baka naging mermaid na."
Ang akala ko pa naman ay maaga siyang uuwi dahil nalaman niyang nandito na ako at naghihintay na rin sa kanya. Malapit ng mag-alas sais tapos wala pa siya. Ngumiwi ako at lumabas na lang para doon na lang siya hintayin. Hindi ko rin naman siya matatawagan dahil wala naman akong cellphone.
Umangat ang tingin ko nang makita ang isang pamilyar na sasakyan na papasok sa gate ng mansyon. Hinintay ko na pumarada siya sa harapan ko bago 'yon pinuntahan. Nagulat ako nang lumabas si sa sasakyan. Oo nga naman. Paano ko ba naman makakalimutan ang sasakyan niya?
Bago na ang suot niya ngayon. He was wearing a white long sleeves rolled up against his elbows and black pants. Mukhang kanina ay may pinuntahan siyang meeting. Sobrang formal niya kasing tingnan ngayon.
Kasama niyang lumabas ang kapatid ko. Dinaluhan kaagad ako ni Hati at niyakap ng mahigpit. "Ate, hinatid na ako ni Kuya dito dahil sobrang gabi na rin. Pumunta pa kami kasi sa bayan ng mga kaibigan ko tapos nakita ko rin siya."
"Talaga? Sige na. Pumasok ka na sa bahay. Ikaw na lang ang hinihintay namin at kakain na rin kami." Sabi ko sa kanya. Tumango siya sa'akin at tiningnan ulit si
"Kuya, gusto mo bang pumasok muna at kumain? Pasasalamat ko na rin sayo dahil hinatid mo ako."
"Is it okay to your Ate?" He said while looking at me straight into the eyes. Kanina ay mukhang iniiwasan niya ako tapos ngayon ay may lakas siya na titigan ako?
"Bakit hindi naman magiging okay? Para naman kayong others, oh! Ate, papasukin mo na si Kuya! Naku naman, mga pabebe nations pala kayo, eh!" I really don't know what she's planning. Gusto niya bang paglapitin kami ni . Ayaw ko na nga, ayaw ko ng ulitin ang nangyari dati.
Nauna ng pumasok si Hati kaya naiwan na kaming dalawa sa labas. Lumunok muna ako bago nagsalita. "Thank you dahil hinatid mo si Hati."
"You're welcome, Mirasol."
Mirasol.. siya lang ang tumatawag sa'akin n'yan..
#PWFSimula