PAGGISING ko ay wala na siya sa tabi ko. Bumangon na ako at inayos ko muna ang kama niya bago ako maligo. Natutuwa ako habang naliligo sa banyo ni Eros dahil naamoy ko yung mga sabon niya. After my daily routine, kumuha muli ako ng damit ni Eros. Mas kumportable pa ako suotin ang damit niya, e. Lumabas na ako at nakita ko siya sa kusina. Nakangiti ako at yumakap sa likod niya. Parang nagulat siya sa pagsulpot ko. "Baby..." he called. He took my hands and kissed my knuckles. Hinarap niya ako at ngumiti siya saakin. Maski siya ay good mood, ah? "Good morning..." I greeted. He smiled at me. "Good morning, baby." Kuntento na ako na ganito lang kami ni Eros. Natutuwa rin ako na nirerespeto niya ako. Hindi nga ako kaagad nakatulog ng maaga kagabi dahil sa sinabi niya, e. Kapagkuwan kumain

