NANDITO na ako sa bahay at dire-diretsyo lang ako sa kwarto. Dahil wala ako energy dahil sa nangyari. Mas lalo ginulo pa lalo ni Mr. Cohen ang isipan ko. Kanina pa naninikip ang dibdib ko nung makita ko ang reaksyon niya. He looked in pain. Nasaktan ba talaga siya sa pagpili ko kay Sir Primo? He should know that's the right thing to do. He's married and has a wife. Let's just say that he doesn't love his wife, ngunit hindi naman mapapatulog ang kunsensiya ko kung alam kong may masasaktan sa gagawin namin dalawa. Aaminin ko... alam ko sa sarili ko na may gusto ako sakaniya. Parang pantay lang sila ni Eros. Ayon ang hindi ko maintindihan. Kahit puyat ako ay hindi pa rin ako tinatamaan ng antok. I felt somehow guilty. Guilty of not choosing him. Was it big deal? But the looks of his face?

