LANCE POV : Kanina pa ako dumating ng mansion, pero hindi ako napansin ni Astrid. Mula sa malapit, ay tanaw na tanaw ko siya dahil sa liwanag na nagmumula na buwan. Kanina ko pa pinagmamasdan ang kanyang maamong mukha. Tila isang dyosa sa ilalim ng gabi, ang ganda niyang pagmasdan mula ulo hanggang paa, at talagang namamangha ako sa kanya ngayon. Kung dati parang wala lang siya sa akin, pero aminado ako na high school palang ay meron na siyang puwang sa puso ko. Binalewala ko ang lahat sa pag-aakalang lilipas din ito sa pagdaan ng mga araw. Alam kong wala pa itong naging boyfriend. Kahit nasa malayo ako, ay updated ako sa mga mangyayari sa buhay niya. Kay Nick ako laging nakikibalita, at nalaman ko rin na madaming nagpapalipad ng hangin sa kanya at isa na ang kaibigan kong si Br

