bc

Longing For Your Love (Tagalog)

book_age18+
578
FOLLOW
8.1K
READ
billionaire
HE
heir/heiress
sweet
bxb
bold
brilliant
campus
multiple personality
assistant
like
intro-logo
Blurb

A 31 years old CEO and a former Scout Ranger. It was Lance Saavedra.

Tall dark and handsome,ganyan kung ilarawan si Lance. Maraming nagkakandarapang mga babae. Pero wala siyang balak na pansinin ang mga ito. Isang babae lang ang tinatangi ng kanyang puso. Makakamit pa kaya niya ang pinahihintay niyang pagmamahal. Kung nakatakda na ito para sa iba? Hindi niya alintana ang mga banta sa kanyang buhay,sanay na siyang maki-paghabulan kay kamatayan. Hindi na ito bago sa kanya dahil na rin sa kasanayan niya bilang isang Scout Ranger. Paano kung dumating ang panahon na ang pinakamamahal na niya ang malagay sa peligro? Hahayaan na lang ba niyang mapunta sa iba ang babaeng pinakamamahal niya? Wala ba siyang gagawin para mabawi ang mahal niya?

Astrid Laine Mendez,28 years old,only daughter. At sa edad niya ,ay hindi pa naranasang magka- boyfriend. NBSB ika nga. In short, she's still a virgin and innocent. At handang ipagkaloob ang sarili sa nag-iisang lalakeng kinaiinisan niya, at hinding hindi niya mamahalin kahit na kailan. Lahat pala yun ay babalik sa kanya,dahil hulog na hulog na nga indenial pa siya.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 001 (The Accident)
NOTICE : There are some scenes that are not suitable for very young reader's. The story may contains of s*x, drug's, and violence. PROLOGUE: Isang malakas na pagsabog, isang sasakyang umuusok,at isang duguang lalake. Isang aksidente! Yan ang mga imaheng biglang nag-flashed sa isipan ni Astrid pagkatanggap niya sa isang masamang balita. Nanginginig, natatakot, at nakatulala na lamang siya, wala ng anumang salita ang lumalabas sa kanyang bibig. Nanghihina na siya habang sapu-sapo ang kanyang dibdib. Pakiramdam niya ay nawalan na siya ng dugo, dahil sa labis pamumutla. At biglang rumagasa ang mga luhang tila naghahabulan sa kanyang mga mata. Naninikip narin ang kanyang dibdib, hindi na siya makahinga. Pero pilit niyang nilalabanan ang kanyang nararamdaman. "Diyos ko si Lance, Lord please! Huwag naman po! Please maawa po kayo!" Nasa ganoong hitsura siya, nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Hindi niya ito pinansin noong una. Hindi niya ito alintana hanggang sa patuloy pa rin ito sa pagri-ring. Halos mapatalon siya sa gulat ng makita kung sino ang caller. Nanginginig man ang mga kamay ay nagawa pa rin niya itong tingnan. Lumaki ang kanyang mga mata, ng makita kung sino ang tumatawag. Lance is calling.. Nanginginig siya habang hawak ang kanyang cellphone,hindi niya malaman kung sasagutin niya ito o hindi. Nanatiling hawak lang niya ang kanyang cellphone. Hindi niya kaagad ito nasagot dahil shocked parin siya sa mga nangyari, sa balitang natanggap niya na nasangkot sa isang aksidente si Lance. "He-hello?" Mautal-utal pa niyang sabi. "Can you please come over? Andito ako sa hacienda.Call for Nick now!" pasigaw na sabi nito. "Kailangan talagang sumigaw! My God dadagdagan pa talaga ang tensyong nararamdaman ko! Kainis halos himatayin na nga ako!" Mabuti nalang at nakausap na niya ito, kahit papaano ay nabawasan ang nerbiyos na kanyang nadarama. Kahit galit, kahit sumisigaw atleast alam niyang ligtas ito. Napabuga pa siya sa hangin para humugot ng lakas ng loob. "Thank you Lord, Lance is safe!" Sabay na nagpunta sina Nick at Astrid sa hacienda.Isang umuusok at nakatagilid na sasakyan.Isang tubuhan na animoy binagyo at dinaanan ng isang bulldozer. Yan ang tanawing nadatnan nila Astrid at Nick pagdating nila ng Hacienda Saavedra. Nakakunot ang noong tinitigan siya ni Lance. Umiwas ng paningin si Astrid, at ibinaling sa kawalan. "Hey bro are you ok? Thank's God, you're safe!" It was Nick one of his friends and his best buddies. Sanggang dikit ang dalawa, at halos magkapatid ang kanilang turingan. "Sino namang gago ang gagawa sa iyo nito bro? Wala man lang ka thrill-thrill hahaha!" Tawa pa nito at sabay suntok sa balikat ni Lance. Pansin din nila ang mga galos nito sa braso at sa mukha. " Ouch bro! Lamog na nga yung tao, dadagdagan mo pa. Gusto mo naba akong tuluyan? Kapag ako talaga natuluyan sa ginagawa mo, mumultuhin kita gago ka!" Naiiling iling na sabi nito. Natatawa naman si Nick, dahil sa kayabangan ng kaibigan. Nalagay na nga sa alanganin ang buhay nagagawa pang magbiro. "You know what dude, tinatakot ka lang siguro nung taong gumawa sayo nito whooah! Ibang klase, pang-ilan naba ito?" natatawang sabi pa nito. "Yeah,I know!" nakangising sabi ni Lance. "Humanda siya dahil hindi pa niya alam kung paano magalit ang isang Lance Saavedra, f**k that son of b***h! Malaman- laman ko lang kung sino siya, babalian ko talaga ng leeg ang gago. Gagawa-gawa ng kalokohan palpak naman, tsk!" ngingiting-ngiting sabi pa nito. "Hoy,n***o! Ang yabang mo,halos himatayin na ako sa nerbiyos samantalang ikaw nagagawa mo pang tumawa,for God's sake Lance please umayos ka!" sigaw ni Astrid sa kanyang isipan. "Astrid, pwede mo ba siyang samahan hospital? Just to make sure if Lance is ok! Wala ba talagang masakit sayo dude? Ang dami mong galos, para malinisan na din ang mga iyan!" "Nah! I'm fine bro, no worries. Don't bother Astrid, wala lang ito sanay na ako sa mga ganito. Malayo ito sa bituka!" Sabay tawa pa nito. "Are you sure?" Naiiling-iling nalang si Nick dahil sa katigasan ng ulo nito. Hirap talagang pasunurin ang kaibigan niya. "Ang yabang talaga ng n***o na ito hmmmp! Nakakagigil, nakakainis ang sarap batukan,nanghihina parin ako parang ang lambot lambot pa ng mga buto ko dahil sa nangyari sa kanya, tapos heto siya nakatawa lang. Hibang kana talaga Lance!" Nanghihina at nanginginig parin si Astrid, dahil sa nangyari kay Lance. Hirap siyang maka-get over.Kaya mas pinili na lang manahimik, at huwag ng magsalita. Dahil tiyak naman na hindi rin ito makikinig dahil sa katigasan ng ulo nito. Kanina pa nagpipigil si Astrid sa sarili, gustong gusto na niyang sugurin ng yakap si Lance, lalo nang maabutan nila itong may mga galos at may dugo sa mukha. Pero hindi niya magawa, dahil tiyak siyang lalaki na naman ang ulo nito. Tahimik lang siyang nakatingin sa dalawang magkaibigan, habang nag-uusap ang mga ito. Pang ilang beses na bang may nangyari sa kanya? Hindi na niya mabilang. Dahil narin siguro sa naging trabaho nito dati, sa pagiging isang Scout Ranger nito, ay hindi maiiwasang marami siyang nasagasaan. Lalo pa noong nasa serbisyo pa ito. Puro kamalasan na lang ang inabot nito, simula noong bumalik ito galing Maguindanao at nag resign sa serbisyo. Ilang beses nang nalagay sa panganib si Lance. Kabilaan ang mga banta sa kanyang buhay. Natatakot si Astrid para kay Lance, paano nalang kung isang araw makita na lang niya itong wala ng buhay? Paano kung dumating ang araw na iyon? Anong gagawin niya? Kakayanin kaya niya? "Diyos ko Astrid,kung anu-ano nalang ang pumapasok sa isipan mo!" Takot na takot si Astrid sa isiping iyon. Hindi niya kakayaning mawala sa kanya ang lalakeng kinaiinisan niya at lihim niyang minamahal. Kahit pa sabihing arogante ito at mayabang, ay hindi parin niya deserve ang ganito. Hanggang kailan siya mangangamba, para sa kaligtasan ng lalakeng mahal niya. Hindi niya kakayaning may mangyaring masama dito. Dahil sigurado ikamamatay niya ito. Tanging panalangin nalang ang pwede niyang kapitan, hinihiling niya sa Diyos ang araw-araw nitong kaligtasan, at ilayo ito sa kahit na anong kapahamakan. Continuation on the next chapter .

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
95.9K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
29.6K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
175.3K
bc

His Obsession

read
103.8K
bc

The naive Secretary

read
69.6K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook