Flashback -1
Astrid POV :
I have known Lance since we are in
high school crush ng bayan, a varsity player, a basketball hearthrob,
at kahit sinong babae ay magpapakamatay mapansin lang ng isang Lance Saavedra.
Sa dami ng mga babaeng umaaligid at nagpapansin sa kanya,ay wala akong nabalitaan na naging girlfriend nito. Isa na si rito Mitch Lopez, na palaging nakabuntot at palaging nakadikit sa kanya, maganda, sexy, matangkad at sopistikada.
Ngunit wala pa sa bokabularyo nito ang magka girlfriend. Sa dami ng nagkakagusto sa kanya ay nanatili itong isang manhid.
"A big distractions!" ika nga niya.
Kapag may nagpapapansin sa kanyang mga babae ay sinusungitan niya kaagad ang mga ito. Napapaisip tuloy ako kung isa ba siyang tunay na lalake. O sadyang suplado lamang ito.
"Sorry girls, you're not my priority !"
Yan ang palagi niyang sinasabi.
Tall, dark and handsome. Yan ang ideal man ko. At pinakagusto ko sa isang lalake ay yung mga matatangkad. And knowing Lance, nasa kanya na ang mga katangian na gusto ko sa isang lalake. Gwapo na matangkad pa, hindi naman siya kaputian sakto lang. May matangos na ilong, makapal na mga kilay at may magandang hubog ng katawan. At ang mga labi nitong may kakapalan at tila ba kay sarap halikan. Ewan ko ba kung bakit isa sa mga gusto sa lalake ay yung mga matatangkad at may morenong kulay.
But there is a side of Lance that I hated the most. Arogante,mayabang,matigas ang ulo at walang kinakatakutan,makuha ka sa isang tingin, yan si Lance Saavedra.
Kilala ang mga Saavedra sa pagiging mga haciendero,may mga malalawak na lupain, taniman ng mais, taniman ng mga palay, taniman ng mga pinya at malawak na taniman ng mga tubo at ang kanilang ekta-ektaryang taniman ng mga mangga. May sarili silang mga bodega ng palay at mais. At nag-eexport din sila ng kanilang mga aning bunga ng mangga.
Marami din silang mga alagang hayop, mga baka, kabayo at ang malaki nilang paultry farm supply. Idagdag pa ang malawak nilang palaisdaan.
May sarili din silang produksyon ng mga itlog at karne.
They also produced dairy product's, like yoghurt's cheese and milk, and aside from that, they also owned a lot of businesses.
And one of their businesses ang Saavedra's Hotel and Restaurants.
Ganyan kayaman ang mga Saavedra, isa ang pamilya nila sa mga tinitingala sa lipunan, isa sa mga may kayang pamilya sa bayan ng Valencia.
And I swear, kahit nasa kanya na ang lahat ng katangian na gusto ko sa isang lalake, hinding-hindi ako magkakagusto sa kanya. I wont fall into him, ever!
Naiinis ako sa kanya, dahil sa sobra niyang kayabangan, sobrang bilib sa sarili at pagiging isang arogante at matigas ang ulo.
Nathalie Saavedra,
my one and only best friend and the younger sister of Lance Saavedra.
Lagi kaming magkasama, magkasundo sa lahat ng bagay. We're partner's in crime, and even sa mansion ng mga Saavedra ay palagi akong sumasama. Doon na ako natutulog at doon narin ako nakikikain, in short doon na din ako nakatira.
Kaya nakapalagayan ko narin ng loob ang kanilang mga magulang na sina Tita Josephine at Tito William and specially their Lola Amanda, na halos apo kung ituring ako.
Dahil sabik ako na magkaroon ng lola ay talaga namang napamahal na siya sa akin ng husto.
Mula pagkabata ay hindi ko na nakagisnan ang aking mga lolo at lola. Dahil parehong maagang naulila ang aking mga magulang.
I am Astrid Laine Mendez
the only daughter of Amelia and James Mendez.
Nabibilang ang pamilya ko sa mga may kaya sa buhay. Hindi naman kami kasing yaman ng mga Saavedra,kumbaga nasa itaas sila kami nasa pangalawa lang.
Pero may mga negosyo rin at mga lupain ang aking pamilya.
At sa sobrang busy nila sa trabaho ay pati ako na nag-iisang anak nila ay nakakalimutan na nila.
Hindi naman sila nagkukulang sa akin sa lahat ng bagay, ibinibigay ang lahat ng aking pangangailangan.
At nabibili ang lahat ng aking gustuhin. Pero kahit ganoon, hindi parin ako masaya. Lahat nasa akin na, pero palaging may kulang, dahil kulang ako sa atensyon at pagmamahal.
At sa ibang pamilya ko pa ito nahanap, na tanging sa mga Saavedra ko lang
naramdaman na may nagmamahal at nagpapahalaga sa akin.
Tulad ng pagmamahal nina
Lola Amanda at Nathalie na walang katumbas.
Ganito na talaga siguro kapag mag-isang anak ka lang. Wala kang makakasama wala kang karamay sa lahat ng bagay. Kaya mas pinili kong manirahan sa kanila, mabuti nalang at naiintindahan naman ako ng aking mga magulang.
Open din ang mag-asawang Saavedra na sa mansion nila ako mamalagi. Dahil alam nila kung paano ang turingan naming dalawa ni Nathalie. At ganoon din kay Lola Amanda. Masaya sila na sa kanila ako nakatira.
Sa mga Saavedra feeling ko safe ako,
sa mga Saavedra feeling ko hindi ako nag-iisa. I found my second home,
my second family with the Saavedra's.
At sobrang thankful ako dahil nakikilala ko sila, lalung lalo na si Lola Amanda, na mahal na mahal ko at mahal din ako. Hinding hindi ko kakalimutan ang mga pangaral niya sa akin. Lalo na pagdating sa pag-ibig. Hindi daw ito dapat madaliin, bagkus ay pag-aralang mabuti ang iyong damdamin bago pumasok sa isang relasyon.
Huwag magtitiwala agad-agad sa mga matatamis na salita. Huwag ibibigay ang lahat-lahat, kailangang magtira para sa sarili. At higit sa lahat huwag basta-basta isusuko ang iyong dangal sa taong hindi ka naman sigurado. Ipagkakaloob lang sarili sa taong iyong pakakasalan at makakasama sa habang buhay.
And I made a promised to Lola Amanda, na tanging ang lalakeng mamahalin ko at makakasama ko sa habang buhay ang pagbibigyan ko ng aking buong pagkatao, at ng aking pinaka iingat- ingatan kong dangal.
Hindi ko sisirain ang tiwalang ibinigay nila sa akin, mahal ko ang mga Saavedra tulad ng pagmamahal ko sa aking sariling pamilya.
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _
Continuation on the next chapter