Dinala ang dalawang lalaki sa presinto, ayon kay Major Fernandez, ay mukhang wala talagang alam ang dalawa kung sino talaga ang amo nila. Isang nag- ngangalang Wilson daw ang nagbigay ng pera sa kanila para gawin ang panglalason sa mga alagang hayop sa hacienda. Hindi daw nila nakilala kung sino ang nag-utos kay Wilson. Tanging ito lang daw ang nakakakilala. Pinapahanap na nila ito, pero walang Wilson na nakita ang mga pulis, siguro ay natunugan na niyang huhulihin siya kaya ito tumakas at nagtatago na. Wala ng nagawa si Lance, lalo pa at lumapit na sa kanya ang pamilya ng dalawang nahuling lalaki. Nakiki-usap at nagsusumamo na palayain na sila dahil kung hindi ay magugutom ang mga pamilya nila, dala ng kahirapan sa buhay kaya daw nila ito nagawa. Nung una ayaw talaga nilang pumay

