"What? No, hindi ako nagtext sayo. At ikaw Mitch, anong ginagawa mo rito?" "Nagpunta ako dito kanina diba? Remember? Nag-inuman pa tayong dalawa,dala ng kalasingan, hindi na tayo nakapagpigil kaya ayun may nangyari sa atin. Lance ginusto mo naman diba? Nag-enjoy ka naman sa akin diba?" pilyang sabi ni Mitch, na tila nananadya pa ito dahil kay Astrid ito nakatingin habang nagpapaliwanag kay Lance. Sapo ni Lance ang ulo, habang inaalala ang lahat. Uminom sila kanina ni Mitch pero isang beses lang siyang sumimsim ng alak. Wala na siyang matandaan. Nag-aalalang sinundan niya si Astrid palabas ng kanyang condo. Hindi siya papayag na hindi sila magkausap ngayong gabi. "Babe, wait! Babe hear me out please!" "Ang sakit-sakit Lance, binigay ko sayo ang lahat. Tapos ngayon lolokohin mo lang a

