LANCE POV: Sinong mag-aakala na magiging ganito ako kasaya. Nagbalik nang muli ang kulay sa aking buhay. Ang mundo kong minsan naging madilim ay unti-unti ng nagliliwanag. Akala ko talaga mawawala na siya sa akin ng tuluyan. Sobrang takot ko sa isiping magpapakasal sa iba ang babaeng kay tagal kong hinintay. Yes finally! I'm going to marry the most beautiful creature that God has given to me! Nakakatawang isipin na pinagkaisahan nila akong lahat. Pero thanks to them, dahil hindi ako magpupursige ng ganito para mabawi lang siya. Nakahiga na kami, hindi na ako pinakawalan ni Hanz na umalis pa! Gusto niyang tabihan ko siya sa pagtulog. Dahil mahal na mahal ko ang anak ko pinagbigyan ko ito. Chance ko narin ito, para magpaka-ama sa anak ko. Pero syempre katakut-takot na pakiusap ang ginawa

