"Mommy!" sigaw ng kanyang anak, saktong kadarating lang nilang mag-ama, ay natapos narin siyang magluto sa wakas. Lumapit sa kanya anak at binigyan ng isang mahigpit na yakap. Hinalikan din niya ito sa noo at sa pisngi. Habang si Lance naman ay ginawaran siya ng halik sa kanyang mga labi. "How was your day with your Lola's? Did you enjoy your day baby?" "Yes Mom, Carmela and I enjoyed our swimming lesson! Si Lola Amanda po, nagkwento about the story of Malakas at si Maganda!" "Wow! Pagod ang baby ko for sure!" Dinala ni Astrid ang anak sa kanyang silid upang mabihisan ito bago kumain. Pagkatapos ay binalikan niya ni Lance na nakaupo sa mahabang sofa sa may sala. Ngunit pagbalik niya ay nakaidlip na ito. Dahil narin sa pagod sa trabaho kaya siguro ito nakatulog sa sofa. Bigla siyang

