Lance_________ Nakatanggap ako ng tawag mula kay Lola, nasa hacienda daw sila ngayon ni Nathalie. Pinapupunta niya ako sa aming Villa. Gusto niyang ayain ko si Astrid dahil namimis na daw niya ito. At may importanteng pag-uusapan tungkol sa negosyo. Hindi ko na lang inabala si Astrid, dahil alam kong pagod na pagod siya. At wala pang matinong tulog simula kagabi. Naawa naman ako sa kanya, dahil alam kong ako ang dahilan kaya di siya makakilos ng maayos. Pinaghanda ko rin siya ng makakain, sakaling magising siya ay may makakain siya. Nakailang beses na akong tumingin sa aking phone, pero ni isang reply ay wala akong natanggap mula sa kanya. Ilang beses ko na rin siyang tinawagan. Pero ring lang ng ring. Nag-aalala na talaga ako sa kanya. Kinausap ko naman si Lola na kailangan kong p

