Pagkarating na pagkarating ni Asrtid sa kanyang condo, ay agad itong naghanda. Hinanda na ang kaniyang damit na susuotin, at nilapag na lahat sa kanyang kama ang lahat ng gagamitin bago ito pumasok sa shower room para maligo. Pinatuyo muna niya ang buhok, bago isuot ang kanyang dress. Nag apply lang siya ng light make-up. Hindi na niya kailangan ng maraming kolerete sa mukha, dahil sadyang maganda na siya. Bago lumabas ng condo ay sinipat muna niya ang kanyang sarili sa kanyang vanity mirror. Napangiti naman siya ng makita ang kaniyang kabuuan. Saktong alas siyete ng gabi, nang makarating siya sa hotel kung saan ang party ni Mikael. Confident siyang naglakad papasok sa party hall. She is wearing a backless red long dress, and a long cut on the cleavage part. Nakapusod naman ang b

