Mabilis lumipas ang mga araw. Naging maayos ang lahat sa pagitan nila Astrid at Lance. Tulad ngayon nakatanaw lang si Lance sa monitor niya, tuwang tuwa siyang makita ang dalaga habang kumakain ito. Sino ba naman ang hindi matatawa ang aga-aga kung anu-ano ang kinakain ng nobya. Saan ka ba nakakita ng kumakain ng singkamas at sinasawsaw sa ketsup. May mainit na kape at sinasabayan niya sa pagkain ng fries. Naiiling na lang siya dahil nagiging wierdo na ito sa nakalipas na mga araw. Napapansin din niya ito na palaging inaantok at wala sa mood. Palagi ring nagsusungit sa kanya ang dalaga. Naisipan niyang puntahan na lang ito sa office niya dahil baka mamaya ay sumakit pa ang tiyan nito sa dahil sa mga kinakain niya. "Good morning Sir! May kailangan po ba kayo?" Nilock muna niya ang pi

