MONICA POV FLASHBACK (2 years ago) Isang buwan na din ang nakakalipas nang mangyari ang lahat ng iyon. I mean 'yung burol, pagkuha ng custody ng asawa ni Isko, at mga gulo sa pagitan ni Wendel at ni Steven. Parehas ko silang kaibigan, at ayokong may kinakampihan sa kanilang dalawa hanggat hindi ko pa nalalaman ang buong pangyayari. Hanggang ngayon hindi ko parin maabsorb ang mga kaganapan ngunit kahit papaano, natahimik na ang paligid ko. Nakakarecover narin naman ang mag-ama, slowly. Sa ngayon... Nayanig na naman ako nang magising ako sa kasarapan na ng tulog ko. May kumalampag sa pintuan ng bahay ko, dis-oras na ng gabi. Nang silipin ko sa bintana, hindi ko inaasahan ang bisita. Nanakbo ako pababa at pagbukas ko ng pinto, "Wendel, anong ginagawa mo- anong nangyari sayo?-" kita sa

