Chapter 4

3016 Words
Coffee I looked at the side mirror as Walter drove the car away as soon as he got inside and settled down. Rojan was still standing in the same position and staring at the side mirror like he was looking back at me through it. Hanggang sa nakaliko na ang sasakyan ay kita kong nanatili pa rin ang kanyang panonood sa aming pag-alis. I bit my lower lip before I faced in front. I let out a deep sigh to exhale the heavy feeling inside me. This was only my first day at work, but it felt like I've been working nonstop for more than three days already. "Kriesha..." Humilig ako sa backrest ng upuan at saka ipinikit ang aking mga mata. "Magpapahinga lang ako saglit. Gisingin mo na lang ako kapag nasa apartment ko na tayo." Hindi naman na ako pinigilan at ginulo pa ni Walter. Napabuntong hininga na lamang siya at medyo binilisan ang patakbo sa kanyang sasakyan. Pinilit ko ang aking sarili na makatulog kahit papaano sa sandaling byahe ngunit hindi ako nagtagumpay. Masyadong ginugulo ng makabuluhang pangyayari ngayon ang aking isipan. Paniguradong mahihirapan din ako sa pagtulog mamaya, pero sana ay hindi naman. Nang naramdaman kong unti-unting huminto ang sasakyan at pinatay ni Walter ang makina ay nanatili pa rin akong nakapikit at kunwari'y natutulog. I felt him moved closer to me and fixed my hair that's almost covering my face. Isang malalim na buntong hininga ulit ang pinakawalan ni Walter bago ko siya naramdamang lumayo sa akin. "Kriesha," he called me and lightly tapped my cheek two times. "Nandito na tayo. Gumising ka na." In a very natural way, I acted like I came from a nap by slowly opening my eyes and rubbing them with my hand. I even yawned before turning to look at him and glancing at the apartment outside the car. "Salamat sa paghatid," simpleng pasasalamat ko sa kanya at saka agad na lumabas ng sasakyan. Hindi pa ako tuluyang nakalalabas ng sasakyan ay narinig kong mas nauna pa siyang lumabas. Nang tuluyang akong nakababa ay nakarating na siya sa aking harapan. Hindi ko mabasa ang ekspresyon na pinapakita niya ngayon. Hindi ko rin alam kung bakit pa siya bumaba ng kanyang sasakyan. "Makiki-ihi ka ba?" tanong ko sa kanya dahil maaaring iyon ang dahilan. "Gusto kitang makausap ng maayos," seryosong sabi niya sa akin. Itinikom ko ang aking bibig dahil mukhang alam ko kung ano ang gusto niyang pag-usapan naming dalawa. Malas niya nga lang dahil ayaw ko nang pag-usapan pa iyon. Kailangan ko na siyang pauwiin ngayon. Alam kong kahit mapaalis ko siya ay hindi niya makakalimutan ang mga katanungan sa isipan niya pero ang mahalaga ay mas maayos na ako. Not now that I could feel my vulnerability peeking out. "Hindi ba puwedeng sa susunod na lang, Walter?" pakunwaring inaantok kong tanong sa kanya. "Inaantok na ako. Maaga pa akong kailangang pumasok sa trabaho bukas." Ang kanyang nakatitig sa akin ay tila nanantiya. Hindi ko alam kung paano ko pa nagawang umarteng humihikab at inaantok gayong kinakabahan ako sa kanyang tingin. Ang huling beses ko siyang nakitang ganyan ang pinapakitang ekspresyon sa akin ay noong nalaman niyang sinagot ko na si Rojan noon. He confronted me before about Rojan and got mad when he knew that I was hiding the fact that Rojan's courting me before. "Sige na. Umuwi ka na. Ingat ka!" sabi ko na lang at nagpaalam na sa kanya. I turned my back on him to walk inside my apartment. But just when I was about to escape from the confrontation, he held my arm and stopped me from doing so. Mabilis niya akong hinarap sa kanya at muntik pa akong masubsob kaya agad ko siyang itinulak papalayo sa akin. "Baliw ka ba?!" singhal kong tanong sa kanya. "Paano kung sumubsob ako sa'yo at nabuwal tayong dalawa?" Kaysa makipagsagutan sa akin gaya ng natural naming pag-aaway ay hindi niya ginawa. Nanatili lamang siyang tahimik habang nakatingin pa rin sa akin. Mas lalo tuloy akong kinabahan. He's being so indifferent and unusual that it's making me nervous so bad. "Looks like you're ready to talk now," he said. Bahagyang napaawang ang aking labi. Hindi na ako puwedeng mag-inarteng inaantok ngayon dahil tila isang pampagising ang kanyang ginawa sa akin. "Pagod na ako, Walter, kaya puwede ba—" "Mahal mo pa ba si Rojan?" Napatikom ang aking labi nang diretsahan niya akong tinanong. Walang halong pagbibiro ang kanyang ekspresyon. Hindi ko alam kung paano siya sasagutin. Ito ang aking iniiwasan kaya ayaw kong magkausap kami. "Ano ba 'yang tanong mo, Walter?" Nagkunwari akong natatawa. "You should know the answer to it by now. Ako nga ang nakipaghiwalay sa kanya noon, 'di ba?" "And I also know the reason why you broke up with him and it is not because you don't love him anymore," he said. "You still love him." "Walter, puwede bang huwag mo akong pangunahan—" "Kaya ba kahit anong pilit ni Drew na ayain kang sa kompanya niya na mamasukan ay ayaw mo pa rin? Gusto mong dito ka talaga mapasok dahil gusto mong mapalapit ulit sa kanya," walang tigil niyang sabi at ramdam na ramdam ko ang gigil sa kanyang titig. Kung galit siya sa akin ay unti-unti na ring namumuo ang aking galit sa kanya dahil inaakusahan niya ako ng isang bagay na kahit kailan ay hindi sumagi sa isipan ko. I didn't want and plan to be near Rojan again, but I've grown tired of applying for jobs and they're offering me a nice pay. Bakit hindi ko na lang tanggapin sa ngalan ng pera gayong kailangang-kailangan ko ito? "Alam mo kung bakit ayaw kong mamasukan sa kompanya ni Drew. I don't want to get any help from you two! I want to stand on my own!" Hindi ko na napigil ang pagtaas ng aking boses sa kanya. "Kung ganoon ay bakit nag-apply ka pa sa Sarto na 'yan?" mas lalong dumiin ang kanyang boses. "Ayos lang sana kung isang clerk ang trabaho mo gaya ng sinabi mo sa akin, pero ang maging sekretarya ng boss mo na dati mong boyfriend... Nahihibang ka ba, Kriesha?" "You know I badly need a job, Walter," dahilan ko. "Kailangan kong padalhan ang pamilya ko sa Bela Isla at pambayad na rin sa renta ng apartment ko pati ang panggastos ko rito. Wala akong halos naipon sa dati kong trabaho. Kailangan kong kumita ng pera para mabuhay!" "Kaya kitang pahiramin, Kriesha, at ganoon na rin si Drew. If only you'd ask, I'm gonna give you everything that you need until you're finally settled with a new job," he said without inhibitions. Ang suwerte ko na sana dahil mayroon akong mga kaibigang katulad nilang dalawa ni Drew pero ayokong umasa sa kanilang dalawa. The reason why I chose to study and work in Manila was to be independent. If I will rely on the help they can give me, then, I already failed myself. Siguro ay isa sa mga pagsubok na pagdadaanan ko ang pangyayaring ito. How far can I go for my dreams? "Ilang beses ko bang sasabihin, Walter? Ayaw ko ngang humingi ng tulong sa inyo. I want to be independent!" I tried to make him understand my reason. "Talaga ba?" he mocked me with a smirk on his lips. "Ang sabihin mo, gusto mo lang talagang mapalapit sa kanya ulit kaya mo tinanggap ang trabaho na 'yan. What now, Kriesh? You regret breaking up with him? Will you beg him to get back with you—" He suddenly stopped from speaking and just stared at me. Nawala ang ngisi sa kanyang labi at agad napalitan nang pag-aalala ang kanyang ekspresyon. Unti-unti at maingat siyang lumapit sa akin na para bang kapag naging marahas siya sa paglapit ay masisira ako. He slowly raised his hand up to my face. I wasn't aware that I was already shedding tears, but when he carefully wiped my cheek using his thumb finger and I felt something cold, I knew I was already crying. "I'm sorry..." he apologized in a very soft voice before he pulled me into a hug and wrapped me around his arms. Hindi ko alam kung bakit pero kapag mayroong nagpapatahan sa akin ay mas lalo kong nararamdaman ang sakit. I cried harder and his embrace got tighter. He gently combed my hair using his fingers and whispered how sorry he was for being insensitive and for making me cry. Ang totoo niyan ay hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan at lumuluha ngayon. Maybe meeting Rojan again triggered all the emotions I kept hidden all at once. Basta ang tanging alam ko lang ay sobrang bigat ng aking pakiramdam at para gumaan ito ay kailangan kong umiyak. Nang bahagyang kumalma ang aking damdamin ay pumasok kami ni Walter sa loob ng aking apartment. Tulala lang akong nakatingin kawalan at si Walter ay tahimik lang din sa aking tabi. Ipinikit ko ng mariin ang aking mga mata at saka sumandal sa backrest ng couch. Bumuntong hininga ako ng malalim at saka hinilot ang aking sintido dahil medyo sumakit ang ulo ko dahil sa pag-iyak. "Are you feeling better now?" nag-aalangang tanong sa akin ni Walter. I slowly opened my eyes and turned to him. Tipid akong ngumiti sa kanya at saka tumango. He sighed in relief, but the concern was still etched on his face. "I'm really sorry... You know how protective I am of you. I just don't want you to get hurt again no matter what the reason is," he apologized and explained himself before he bowed his head. "The first time I saw you cry so hard was because of him. Ayokong makita kang umiiyak ulit nang ganoon, Kriesh. Ni hindi ko alam kung paano kita mapapatahan at mapapagaan ang loob mo. You were shutting us out of your life." I remembered when he and Drew tried to ask me out every night after I broke up with Rojan, but I never accepted their invites. Inabala ko ang sarili ko sa pag-aayos ng mga requirements na kailangan kong maipasa bago ang aming graduation. Naging okay lamang ako ulit noong araw ng graduation dahil dumating ang pamilya ko rito sa Maynila. But even though I became fine after my worst fall, I never got back to who I really was. I already locked my true self inside my mind. I put some barriers to keep it solid and put on a mask to appear strong and brave. Although tonight, the mask I was wearing for almost two years got removed and the locks got unlocked. Maswerte na lang talaga siguro ako dahil si Walter ang nakasaksi no'n. Kampante ako na siya ang kasa-kasama ko ngayong gabi dahil kahit na gusto kong mapag-isa, masaya akong nandito siya. "You're the strongest woman I know, Kriesh... but because of him, you suddenly became weak," sabi niya. "Alam kong kahit na halos dalawang taon na ang nakalipas ay patuloy mo pa ring binubuo ang sarili mo. Ayaw ko lang na masira at masaktan ka ulit―" Hindi ko na siya pinatapos pang magsalita at inubos ko ang distansyang namamagitan sa aming dalawa upang mayakap siya. I felt him slightly stiffened because of my sudden embrace, but he immediately relaxed and hugged me back. "Salamat dahil nandito ka ngayon..." buong sinseridad kong pagpapasalamat at saka hinayaang magpahinga ang aking pisngi sa kanyang balikat. "Thank you for being here with me." "I'll always be here whenever you need me. Always remember that, Kriesha..." he seriously said. "But I know you're trying to be independent, so, I'll let you go on your own until you tell me you need me. There's only one thing I ask of you... please, guard your heart." Habang papasok ako ay baon ko ang mga salitang binitawan sa akin ni Walter. It made me confidently and professionally walked down the hall to my office. Laurel still wasn't here because I was an hour early. Sinamantala ko ang oras na 'yon para i-scan ang mga files na nasa cabinet at nireview ang schedule ngayon ni Rojan. Just like yesterday, his schedule wasn't hectic, though he's going to attend a party later. I read the details of the party and saw that it was a charity event. Ang mga imbitado sa party na 'yon ay ang mga mayayaman na personalidad na nagdonate sa isang charity foundation na itinatag ng isang malaking kompanya. "Aba! Aba! Ang aga natin ngayon ah!" Matining ang boses ni Laurel nang batiin ako. "Good morning, sis!" Napangiti naman ako at tumayo sa aking kinauupuan. Lumapit siya sa'kin upang bumeso sa aking pisngi. Nilagyan niya pa iyon ng tunog na para talagang hinalikan ako gamit ang labi. Pagkatapos ay bahagya siyang lumayo sa akin upang pasadahan ng tingin ang lamesa kung nasaan nakakalat pa ang mga binasa kong files. Mabilis naman akong kumilos upang ligpitin ang mga iyon. Nakalimutan ko na mayroon pa pala akong kasalo rito sa aking opisina. "Pasensya na, ang kalat ko. Nagbasa kasi ako..." paghingi ko ng pasensya habang nililigpit at binabalik sa cabinet ang lang files. "Ano ka ba? It's okay!" he laughed in a girly way. "Nagulat lang ako na nagbabasa ka." "Hmm... I just want to be more knowledgeable about the company..." I told him. "As Rojan's secretary, I know I need to learn these things." "Hindi ba't dito ka nag-OJT noon kasama ni Rojan?" tanong niya sa akin. "I'm sure you know Sarto more than just its surface." Maingat ko namang isinara ang kabinet at saka hinarap muli si Laurel na kuryosong nakatingin sa akin. "Siguro... Pero magaan lang ang work load ko noon. Wala masyadong pinapagawa sa akin. Minsan nga ay wala talaga. Nagp-prisinta na lang ako minsan para mayroong magawa." Humalakhak naman si Laurel. "Paniguradong mayroong kinalaman si Rojan no'n kung bakit magaang sa'yo ang employees ng Sarto," sabi niya. "Ang pinsan ko ay dito rin nag-OJT. Lagi siyang umuuwi na parang galing sa giyerahan. Madami raw pinapagawa sa kanya." Lumabi naman ako at napaisip. "Kinausap ko si Rojan noon dahil diyan. Naghinala rin ako pero ang sabi niya'y wala siyang ginagawa. Siguro ay magkaibang department kami na-assign." "Hmm! Whatever," sabi na lang niya at saka pakunwaring may inaayos na mahabang buhok. Natawa naman ako sa kanyang ginagawa ngunit nang tumunog ang intercom ay awtomatikong naglaho ang aking ngiti. Ilang segundo ring tahimik ang kabilang linya ngunit matapos ang limang segundo ay nagsalita na si Rojan. "Miss Flamiano, are you there already?" he asked, and I could feel his slight hesitation. Nilingon ko naman si Laurel na nakangisi at nakataas ang kilay sa akin. Napailing na lang ako sa kanyang pang-iinis at saka nilapitan ang intercom at pinindot bago nagsalita. "Yes, Sir," I simply said. "Do you need anything?" Ilang segundo pa ulit ang lumipas bago siya nagsalitang muli. "I need my morning coffee," sabi niya. "I also want to confirm my schedule for today." "No problem, Sir. I'll be there in a few," sabi ko na lang at saka binitawan ang button ng intercom. Binaba ni Laurel ang kanyang bag at saka inayos ang suit na suot. Pati ang kanyang buhok ay inayos ang pagkakahawi. He looked so manly again as he got serious. "Halika na sa pantry. Tuturuan kita kung paano itimpla ang kape ni Sir Sarmiento," mas pormal niyang pagkakasabi. Agad naman akong umiling bilang pagtanggi. "Ako na lang," sabi ko. "Alam ko kung paano ang gusto ni Rojan sa kape niya. I used to make him coffee before." "Oo nga pala..." tumango-tango siya at saka ngumiti ago ibinagsak ang sarili sa upuan. "Sige na. Kaya mo na 'yan." Laurel started to keep himself busy by checking his nails while pouting. I just excused myself from him before going out of the office and on my way to the pantry. Dinala ko na ang aking iPad upang maipakita sa kanya ang kanyang schedule ngayong araw. Mabilis kong natimpla ang kape ni Rojan dahil may nakahanda nang mainit na tubig sa pantry. I couldn't believe that I can still remember how many teaspoons of coffee, sugar and cream he wanted his coffee to have. Siguro'y kapag madalas at palagi mo talagang ginagawa ang isang bagay noon ay kahit gaanong katagal na ang lumipas na panahon ay matatandaan at maaalala mo pa rin ito. No matter how many times we deceive ourselves that we can forget someone or something, the truth is we can't really do that, especially if we're doing it consciously. Only amnesia could make us truly forget. I exhaled a deep breath before I entered the office. Rojan immediately fired a stare at me from his computer. He watched me walk to him, and I carefully placed the coffee on his side table. Umayos naman ako ng pagkakatayo at saka binuksan ang iPad na agad nang nasa calendar kung saan nakasulat ang schedule ni Rojan para sa araw na 'to. "You only have one schedule for today and that's the party happening tonight for a charity you participated in," I informed him. "It's going to be at Resorts World at exactly 7PM." He nodded and played with his fountain pen on his lips for a while before he put his pen down on the table and darted his eyes on me. "We will have to leave after lunch." Nanlaki naman ang aking mga mata. "Ha? I mean... ano po, Sir?" gulat kong paninigurado sa kanya. "You'll be going with me to the party tonight and that's an order," he said with finality before he took a sip on his coffee. Bahagya siyang napahinto pagkainom ng kape. Ibinaba niya ang tingin niya sa kape at nanatili ang kanyang titig doon nang matagal bago ibinaba sa lamesa. "You may go back to your office now," he said. "But before you go... Next time you make my coffee, don't add a creamer anymore. Hindi ko na gusto 'yon." Mariin kong kinagat ang aking labi upang mas maramdaman ko ang sakit galing doon kaysa sa aking puso. Tumango na lamang ako bilang pag-intindi sa kanyang pagbabago at saka siya tinalikuran upang bumalik sa aking opisina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD