Planned "Luluwas kami riyan sa bagong taon para sama-sama tayo," sabi ni Mama nang tinawagan nila ako ngayong araw ng Pasko gaya ng madalas nilang ginagawa kapag hindi sila nakakaluwas. Napanguso naman ako. "Kung gusto ninyo po ay ako na lang ang uuwi riyan para mas makatipid sa pamasahe." "Nako, Kriesha, huwag ka nang mag-abala," agad na pagpigil sa akin ni Mama. "Gusto ring mamasyal ng kapatid mo riyan sa Maynila at inggit na inggit na sa'yo. Wala na raw siyang mapuntahang ibang lugar dito sa atin. Kapag hindi nasunod ang gusto nito ay alam mo naman kung paano magtampo." Bahagya naman akong napatawa. That really sounded like my brother. Stubborn as ever. "Mga ilang araw kayo rito, Ma? Para mapagplanuhan ko na kung saan ko kayo maipapasyal lalo na si Kristoff," sabi ko. "Siguro ay h

