Prologue
Bilog na bilog ang buwan ngayon.
Napangiti ako.
Aakyat na naman ng ligaw si Joseph sa akin.
Sinara ko ang glass door sa balcony at lumabas ng kwarto.
Bumaba ako sa hagdan hawak ang laylayan ng gown na suot.
Isang vintage medieval gown ang suot ko as usual. Iba nga lang ang kulay ngayon. Kakulay ng dugo at bagay na bagay sa maputi kong kutis.
Bumukas ang double door at iniluwa noon si Joseph.
Tila natigil naman ang aking puso sa paghinga nang masilayan ang angking kagwapuhan ng aking manliligaw.
Ngumiti siya sa akin at sinabit ko naman ang aking buhok sa likod ng tainga.
"Magandang gabi Calixta," nilahad niya sa akin ang isang bouquet ng rosas.
Masaya ko iyong tinanggap at inamoy.
Kay bango talaga ng mga rosas.
"Narito ka na pala iho," biglang sabi ng aking ina kaya umayos ako ng tayo.
Batid kong ayaw nila ni ama sa aking manliligaw pero sa tatlong buwang pagbalik balik ng binata sa amin ay nahulog na rin ang loob ko rito.
Pag-ibig o responsibilidad, dalawang bagay na pagpipilian ko. Ang mga ito rin ang siyang makapagsasabi sa magiging takbo ng aking buhay sa pagtungtong ko sa edad na labingwalo.
"Magandang po, Ginang Java," yumuko si Joseph sa harap ng aking ina.
"Magandang gabi rin sa iyo iho pero sa tingin ko ay dapat ka nang umuwi. Inaasahan ko ang pagdating ng mapapangasawa ng aking anak ngayong gabi at hindi ikaw iyon," deretsong sabi ng aking ina saka umalis sa aming harapan.
Gulat at sakit ang aking nakita sa mukha ng manliligaw at wala akong magawa upang mapawi iyon.
"Totoo ba?"
Napalunok ako at dahan-dahang tumango.
Bumagsak ang maliit na box sa aking harapan, kasabay noon ang pagtalikod ni Joseph sa akin hanggang sa sumarado ang double door ng aming bahay.
Pinulot ko maliit na box at binuksan.
Napaawang ang aking labi sa nakita.
Isang singsing na may dyamante sa gitna.
Lumapit ako sa may pintuan at binalak na buksan ang pinto pero pinigilan ako ng dalawang utusan ng aking mga magulang.
"Pasensiya na Binibini ngunit hindi maaari ang iyong nais"
Dinikit ko na lang ang singsing sa aking dibdib at hinayaan ang isang butil ng luha na dumaloy sa aking pisngi.
Nang marinig ang mga yapak na nasisiguro kong pagmamay-ari ng aking mga magulang ay agad kong pinunasan ang luha at humarap sa mga ito. Tinago ko ang singsing sa loob ng aking damit, sa bandang dibdib.
Tumikhim ako at ngumiti sa kanila.
"Ano ang ginagawa mo diyan Calixta? Mag-ayos ka na at malapit nang dumating ang mapapangasawa mo"
"Ah—"
"Sige na, siguraduhin mong maayos at presentable ang iyong itsura"
"Opo"
Bumalik ako sa kwarto at naghanda.
Isang asul at may mga maliliit na bulaklak ang gown na suot ko. Vintage medieval pa rin katulad ng iba ko pang gowns.
Inayos ko ang aking buhok at hinayaan itong nakalugay.
Naglagay na rin ako ng kaunting powder sa mukha at manipis na lipstick sa labi.
Pagkatapos ay lumabas ako sa kwarto.
"Binibining Calixta, dumating na po ang inyong mapapangasawa," sabi ni Manang Baby sa akin, hinihingal pa ito na parang galing sa takbo.
Bumuntong hininga ako at bumaba sa hagdan.
Hindi ko na talaga maiiwasan pa ang ganitong pangyayari.
"Narito na siya, ang aking anak," sabi ni ina sa kaharap nito.
Nang makalapit ako ay doon ko nakita ang sinasabi nilang mapapangasawa ko raw.
Nagtama ang aming mga mata. Walang kangiti-ngiti ang aking kaharap at ganoon din ako.
Hindi maipagkakaila ang pagiging magandang lalaki nito. Sa tindig pa lang ay nakakakuha na ng atensyon, ang mga pangang tila inukit ng isang magaling na eskultor. Ang ilong na matangos, mga labing nakakaakit.
Nakakahalina ang mukha ngunit ang mga mata'y walang laman.
"Ano'ng problema Ginoo? Hindi mo ba nagustuhan ang ayos ng aking anak?" tanong ng aking ina rito.
Nanatili lamang itong nakatingin sa akin.
"Gustong gusto ko ang ayos niya na hindi ko maialis ang aking tingin sa kanya," gigil nitong sabi.
Napakurap naman ako.
Kakaiba ang lalaking ito. Nagawa niyang sabihin ang mga katagang iyon sa harap ng aking mga magulang.
Mapangahas at agresibo, dalawa sa mga katangiang ayaw ko sa isang lalaki at tila ang mga iyon ang sumisimbolo sa isang ito.
Kinuha nito ang aking kamay at hinalikan.
Napalunok naman ako sa klase ng titig na iginawad nito sa akin.
Para bang kahit ano'ng oras ay kakainin niya ako nang buhay.
Tumawa ng mahina ang aking ina. Ang aking ama naman ay tahimik lamang na nakamasid.
"Ganoon naman pala, sa tingin ko'y walang magiging problema sa inyong dalawa"
Ngumisi ang lalaki sa sinabi ng aking ina.
Hindi nito binitawan ang aking kamay.
Tumayo ang aking mga magulang.
"Iiwan na muna namin kayo. Gamitin niyo ang oras upang kilalanin ang isa't isa," sabi ng aking ama.
Tuluyan nilang nilisan ang sala at tanging kami na lang ng lalaking ito ang natira.
Hawak pa rin nito ang aking kamay, tila walang planong bitawan ito.
Hindi naman ako nagsalita at hindi na rin tumingin sa kanya.
Katahimikan ang bumalot sa paligid namin.
Tumikhim siya.
Hindi naman ako nagpatinag sa aking posisyon. Hindi ko siya pinansin.
Ilang minutong pananahimik ay nagsalita siya.
"Hindi na ako makapag-intay sa araw ng ating kasal."
Napabuntong hininga ako at sinubukang kumawala sa hawak niya ngunit humigpit lamang iyon.
"Masakit," mahinang daing ko.
Ngumisi siya. "Masakit ba? Huwag mo kasing kunin ang kamay mo"
Kumurap ako at lumunok.
"Bitawan mo na ang kamay ko"
Umiling ito.
"Bakit ko gagawin iyon?"
Pilit kong hinila ang aking kamay mula sa kanyang hawak.
"Nasasaktan na ako," sa bawat galaw ko ay siya ring paghigpit ng hawak niya sa akin.
"Dapat lang. Dapat kang masaktan para matuto ka. Matuto kang sumunod sa mapapangasawa mo," mahina ngunit may halong galit nitong sabi.
"Paano kung ayaw kong magpakasal sa iyo?"
"Aray!" sumigaw ako sa sakit nang paghila niya sa buhok ko mula sa likuran.
Mababali na yata ang mga buto ko sa braso dahil sa sobrang higpit ng hawak niya rito.
"Tama na"
Binitawan nito ang aking buhok at hinaplos ang gilid ng aking mukha.
"Alam mo bang wala sa bokabularyo ko ang salitang 'ayaw?"
Lumunok dahil sa pag-iba ng kulay ng kanyang mga mata.
Pula na ang mga ito at lumabas din ang mga pangil nito.
Diyos Ko!
Isang bampira ang mapapangasawa ko?
Nang makita ang gulat at takot sa aking mukha ay bumalik sa dati ang itsura nito. Dahan-dahan din nitong binitawan ang aking braso at yumuko.
Hinihingal na tiningnan ko ito.
"Oh bakit ganyan ang itsura niyo?" tanong ng ina sa amin.
"I-ina!" tumayo agad ako at lumapit sa aking ina.
"Ano'ng nangyayari sa iyo Calixta?" nagtatakang tanong ng aking ina sa akin.
Tumingin ako sa lalaki.
Nakatitig din ito sa akin na para bang sinasabihan akong huwag gumawa ng ikakapahamak ng aking buhay.
"I-ina!" tinuro ko ang lalaki sa aming harapan.
"I-isa po siyang—"
"Bampira," tinuloy ng aking ama ang sasabihin ko sana.
"Ama!"
Lumapit ako rito at humawak sa damit nito.
Binaklas ng aking ama ang kamay ko.
"Pumasok ka muna sa kwarto mo Calixta"
Nagtataka kong tiningnan ang ama. Ang aking ina nama'y hindi makatingin sa akin.
Bumaling ako sa lalaki. Nakangisi ito sa aking ama.
"Ama, ala—"
"Pasok sa kwarto Calixta!" sigaw ng aking ama na nagpaigtad sa akin.
Patakbo kong tinungo ang kwarto at doon ay hinayaan kong tumulo ang luha sa aking mga mata.
Nakakatakot.
Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Tiyak na kahit saan pa ako magtago ay mahahanap pa rin ako ng lalaking iyon.
"Ahhhh!"
Sigaw ng aking ina ang narinig ko mula sa baba.
Binuksan ko ang pinto at mabilis na bumaba upang tingnan ang nangyari.
Bumulaga ang katawan ng aking mga magulang sa harapan ko. Kapwa walang malay at naliligo sa sariling dugo ang mga ito.
Napaawang ang aking labi at napatingin sa lalaki.
Dinidilaan pa nito ang kamay na nababalot ng dugo. Tila uhaw na uhaw.
Nanginig ako habang nakatingin sa lalaki at hindi ko maihakbang ang aking mga paa upang tumakbo.
Ano'ng nangyayari sa akin?
Pilit kong ginalaw ang aking paa patakbo.
Napahinga ako ng maluwag nang magawa ko nga iyon.
Ilang hakbang pa lamang ang aking nagawa nang may humablot sa aking buhok at hinila ito.
"Aray! Tama na!" sumigaw ako nang sumigaw.
Niyakap nito ang aking bewang at hinapit palapit sa katawan nito.
Nagpumiglas pa rin ako kahit na masakit ang aking anit sa pagkakahila nito sa aking buhok.
"Wala ka nang mapupuntahan ngayon."
Dinilaan nito ang aking leeg at nandiri ako sa ginawa nito.
Hinampas ko ang brasong nakapulupot sa aking bewang at kinurot nang kinurot.
Hinawakan nito ang aking panga at iniharap dito saka nilakumos ng halik ang aking labi.
Agresibo, may halong gigil at galit. Ramdam ko ang pagdurugo ng aking labi sa maparusang halik nito.
Napaluha na lamang ako at umiyak.
Wala akong kalaban laban. Higit na mas malakas siya kesa sa akin at ikinagalit ko iyon.
Hinaplos nito ang aking pisngi at dinilaan.
"Akin ka na ngayon. Wala ka nang kawala!"
All Rights Reserved.
MonogamousVagabond © 2017