"Listen to me." Bigkas agad niya pagkaupo niya sa driver seat. Nakatulala lang ako sa kanya ay hinintay ang sasabihin niya. "That's nothing. She's nothing." Pinapaliwanag pala niya iyong nangyari sa bar. Kita ko ang halong pagkabanas at frustration sa mukha niya noong titigan niya ako pabalik. "What?" Sabi niya. Napatawa ako sa di kinalamang kadahilanan kaya lalong naging iritado siya. "Kung akala mong nagseselos ako sa nangyari, well hindi. Okay lang, Von. Chill." Mas lalong kumunot ang noo niya kasabay ng pagkalaglag ng kanyang panga. "What?" Tumawa siya ng pagak. "Are you saying you don't care? What the, Ven?" He shouted. Natulala ako. Ano bang kinagagalit niya? Di ba okay na kami? Bakit gumagawa na naman siya ng issue? Hindi ko lang n

