Tahimik na nakaupo sina Meng at Calix sa hotel na tinuluyan nila pansamantala. Sina Hazel at mga magulang ni Irene ay nagsipag-uwi na. Si Hazel sa Pangasinan at ang mga magulang ni Irene naman ay sa Isabela. Gustuhin mang magstay ng mga magulang ni Irene sa Manila hangga't wala pa silang malinaw na balita sa anak ay hindi naman nila kakayaning umupa ng kuwarto kagaya nina Meng at Calix. Subalit may mga naka assign na na mga pulis na magbabantay sa labas ng bahay ng mga magulang ni Irene sa Isabela. Ang lumalabas kasing suspek sa imbestigasyon sa pagkakawala ni Yñigo ay si Irene dahil sa singsing na ibinigay ng taxi driver na inihagis umano ni Yñigo bago ito makidnap. "Hindi ka naniniwala sa akin, tama?" maya-maya'y untag ni Meng kay Calix. Matapos kasi ang komprontasyon sa police station

