Halos hindi makapagsalita sina Calix at Meng sa narinig kay Yñigo. Dahan-dahan at pilit namang ibinangon ni Yñigo nang bahagya ang kalahati ng katawan niya. "T-tumakas ako sa ospital kasi may gusto akong siguraduhin. Naalala ko kasi noong gabi na masunog ang bahay, may narinig akong parang malakas na kalampag. Tapos parang sa likod-bahay kasi iyon nanggaling but I ignored it kasi nawala naman at gusto ko na ring magpahinga," inumpisahan ni Yñigo ang pagkukwento. "S-sa likod-bahay? Pero wala namang ibang maaaring makadaan doon kung hindi sa magkabilang bahay manggagaling, 'di ba?" paniniyak ni Meng. "Exactly. Tapos narinig ko nga kay Calix noon bago ka niya puntahan sa Pangasinan, na umalis sina Maia sa kanila pagkatapos ng sunog dahil nadamay daw ang bahay nila. Pero nagkaduda ako na ba

