Tahimik na kumakain sina Calix at Meng nang gabing iyon. Hindi rin sila nagtatangkang tumingin sa isa't-isa. Sa parte kasi ni Meng, tila nahihiya itong makipag usap muna kay Calix dahil nga sa nangyari sa kanila ni Maia kaninang wala ito. Kay Calix naman, gumugulo pa rin sa isipan niya ang kung sinumang may hawak ng litrato nila ni Yñigo. Kasama rin sa iniisip niya ng mga sandaling iyon ay si Yñigo mismo. Tila nakararamdam kasi siya ng lungkot na hindi na nakikita sa bahay na iyon si Calix. Ilang sandali pa ay tumayo na si Calix. Pagkainom niya ng tubig ay dinala na niya sa lababo ang kaniyang pinagkainan at saka siya naglakad palabas ng kusina. Umakyat na siya at balak ng sa kuwarto magkulong hanggang sa igupo na lamang siya ng antok. Nang makarating siya sa kuwarto ay hihiga na sana siy

