[Sydney Paralejo's POV] It has been a week since that incident and I still can't get my mind straight after what happened. Nguminginig pa rin ang mga kamay ko dahil sa takot. Naaalala ko ang pagtutok sa akin ng baril, ang mukha ni Cairo na naghihingalo, at ang mukha ni Mama na takot na takot noon. I can't think properly. The news eventually spread around our whole school at pinayagan muna akong hindi lumabas ng bahay until I am able to recover from the immense trauma I am currently experiencing. Wala akong ganang kumain pero alam kong mas mag-aalala si Mama kapag papahirapan ko pa ang sarili ko kaya pinipilit ko pa ring palakasin ang sarili ko. Gustuhin ko mang bisitahin si Cairo pero pinapangunahan ako ng aking takot. Takot na baka kung ano ang sasabihin niya, takot na baka makasalubon

