His Women

1530 Words
Chapter 3 His Women Marcelina's p.o.v Sa dami ng mga information na ibinahagi sa akin ni Miss Natasha, pakiramdam ko hindi pa rin ito nag-si-sink in sa utak ko. Mula sa do's and dont's. Grabe kaya 'yon halos mapuno lecture ko sa mga bagay na hindi dapat at dapat na sundin ayon sa patakaran ng amo ko. Idagdag pa ang mga pangalan ng mga taong kasama sa business clan nito. The given names were about  thousands. Diyos ko, kung hundreds nga hirap ko nang makabisa yon pa kayang libo na? Nagbigay din ng pangalan si Miss Natasha, mga pangalang hindi nararapat na pagkatiwalaan.  At isa sa mga pangalang tumatak sa akin ay ang pangalan ni 'Vladimir', ang pinsang buo ni Sir Clyde. Bakit nasama ang pangalan niya sa 'Most Avoided Person'? E, pinsan naman niya yon? Pambihira talaga boss ko. Napabuntong-hininga ako. At panghuli mga babae ni Sir Clyde. Ang dami-dami nila.. Sa sobrang dami nila wala akong matandaan ni isa man sa mga nabanggit na pangalan. May models, actresses, business associates 'daw',. Naku don't me Sir, e lahat naman yata nang babaeng nasa listahan niyo e, pinaglalaruan niyo lang. "I want to see Clyde.." Speaking of. Ito na yata ang trahedya na hinihintay ko. Nagsisimula nang magsidatingan ang mga babae ng boss ko, actually nabalaan na ako nito ni Miss Natasha kaya hindi na rin ako nabigla. Bahagya kong ini-angat ang ulo ko.. "Good morning ma'am! How may I help you?" Kunwari masaya ko siyang binati. Pinag-aralan ko ang mukha ng babae. Sobrang ganda niya. Makinis at maputi ang kulay ng balat niya. Sexy, matangkad, malalaki ang 'ano', ang hinaharap niya. Pero nadismaya ako sa kasuotan niya, halos lumuwa na kasi ang 'ano' niya sa sleeveless blouse na sout niya. Napailing ako, lalo na ng masilayan ko ang suot niyang short shorts. Diyos ko naman kulang na kulang sa tela e, Kinuha ko ang lecture ko at binuklat ito.. "Pangalan po ma'am?" Nakangiti kong sabi. "I beg your pardon?" Taas ang kilay na tanong niya. Ang taray naman nito. Kailangan kong malaman ang pangalan niya bago ko siya papasukin sa loob ng opisina ni Sir Clyde. Hindi ko siya pwedeng papasukin ng walang valid reason. Ako malalagot sa boss ko nito pag nagkataon. "I'm his fiancee, so why bother?" Nag-flip pa siya ng buhok niya. Pangalan lang naman ang hinihingi ko mahirap bang ibigay yun? At saka fiancee? Ang sabi ni Miss Natasha walang balak patali si Sir sa kahit na kaninong babae. "Pangalan po ma'am," Ulit ko. Nanatili akong nakaupo sa puwesto ko. Ramdam kong nakatingin na rin sa amin ang ilang empleyado. Pambihira mapapasubo pa yata ako ngayong araw. "Damn it!" Sigaw nito sabay hampas ng mesa ko. Malakas pagkakahampas niya dun a, hindi kaya siya nasaktan? Sa nipis ng balat niya tiyak mamumula ang palad niya. Paano ba siya nakapasok? Si Manong guard talaga.. Porke't sexy lang pinapasok na kaagad, samantalang sa akin hindi kaagad naniwalang dito na ako magtatrabaho. Haiist... "Sorry po ma'am, kung hindi niyo sasabihin sa akin ang pangalan niyo---" "I don't care! My name's not there on the list so why should I bother? Stupid!" Akala ko ba fiancee siya? Naku, napakasinungaling talaga! Na alarma ako ng magsimula siyang maglakad papunta sa direksiyon kung saan naroon ang opisina ni Sir Clyde. 'Ano ba yan.. Kailangan kong pigilan ang obsessed na babaeng ito. Hindi pa man matatanggal agad ako nito sa trabaho ko e. Kung kaya naman naging mabilis ang ginawa kong pagkilos. Iniharang ko ang sarili ko sa pintuan. Mas matangkad ang babae kumpara sa akin. "Get. Out. Of. My. Way." Bawat salitang bibibitawan niya'y tila patalim na tumatarak sa akin. Nakakatakot din ang mga titig na ipinupukol niya sa akin. "I said get out of my way!" Umiling ako. "Ma'am nagmamakaawa po ako, matatanggal po ako sa trabaho ko e, naka ban po kayo rito." Kulang na lang lumuhod ako sa harapan niya. "Get out of my way! Moron!" Ako pa? "Please po---" Hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari. Sa lakas ng sampal niya sa akin, hindi lang hapdi at sakit ang naramdaman ko dahil pati kuko niya naramdaman ko ring lumapat sa gilid ng mga labi ko. Shocks..may sugat kaya ako? Babae ba talaga itong kaharap ko?  Sobra kasing malakas yung pagkakasampal niya sa akin. Nahilo ako dun.. Saktong napahawak ako sa door knob tsaka naman bumukas ang pinto. Inaasahan ko nang lalapat ang likod ko sa sahig pero hindi... Teka, anong nangyari? May sumalo ba sa akin? Clyde's p.o.v After receiving a call from a client. I decided to go outside from the office and have some talk to my new Secretary. The woman had been rejecting my calls. I wonder what she's been doing? Hindi yata naturuan ng maayos ni Natasha. Damn! She's wasting my time. Doesn't she know that even a single second is so much damn precious to me? I opened the door forcefully only to see her falling into the ground, but I made a move, I grab her waist as fast as I could. Kung hindi ko naagapan sa malamig na sahig sana ang bagsak niya. Fuck! Ang lambot pala ng katawan ng babaeng ito. Nakapikit ito at mahigpit na nakahawak sa kuwelyo ng polo shirt ko. Ngayon ko lang napagmasdang maigi ang mukha niya.. Our faces are just inch away. Vlad's right she's very innocent and yeah she's beautiful too.. "Hey what happened?"  Dagli niyang iminulat ang mga mata niya at aligagang inalis ang mga kamay na mahigpit na nakahawak sa kuwelyo ng polo shirt ko, at tarantang tumayo. "Sir s-sorry po," 'Sorry for what?' Naguguluhan kong tanong sa sarili. "Ayaw niya kasi akong papasukin babe.." Nilingon ko ang nagsalita. "Samantha?" "I miss you so much, that's why I came. You're not answering my calls..--" Lumapit ito at akmang yayakapin ako, ngunit mabilis kong inilayo ang sarili ko sa kanya. "Apologize to her,"  Salubong ang kilay na wika ko dito. "You're kidding," Pagak pa itong tumawa na mas lalong nakapag painit ng ulo ko. "Can't you see it Samantha? There's a blood on her lower lip. You should say sorry at least.." "You know I can't do that. I cant imagine myself apologizing to a what? A slave? Pathetic." Umirap ito at umismid. Brat as always! "Don't you dare insult my people in front of me. You know what? Just leave. Just leave Samantha. You're making a scene here." "Wow. So kinakampihan mo yang babaeng yan? Ganun?" Sabay turo sa nakayukong si Marcelina. "I can sue you for this,.." I said devilishly. "Seriously Clyde? What the hell!?" "Leave before I call the security," Narinig ko ang mahihinang mura nito. "You're wasting my time Samantha, gusto mo bang umabot pa ito sa ama mo? Or even in press, how's that? Namutla ito sa sinabi ko. Kayang-kaya kong sirain ang ama nito in just a second, Papanigan ako ng press and of course with my business partners.. "I'm so sorry. There I said it. Happy now?" Obviously, labas sa ilong ang paghingi nito ng tawad. Ano pa ba ang aasahan ko sa babaeng ito? Akmang tatalikod na ito ng-- "And one more thing," "Yeah?" Tamad na wika nito. "Can you please, stop stalking me. Masyado mo na akong inaabala. Wala ka namang mapapala sa pagsunod-sunod mo sa akin. It's not healthy you know." I glared at her, with so much anger in my eyes.. Nakita ko ang sunod-sunod niyang paglunok. Even her face turns pale, it's visible. Her make-up couldn't cover it. Naglaho ang kaninang matapang na personalidad. Nakita kong nakatingin sa akin ang mga empleyado ko. "What are you waiting for? Get out of here! And I don't wanna see your face, ever again. Are we clear?" Pumula ang pisngi nito. Wala akong pakialam kong napapahiya na siya. "I'm asking, Are we damn clear?!" Hiyaw ko. Napaigtad ito sa ginawa kong pagsigaw. Nangilid na rin ang luha sa mga mata.. "Clyde..." Subok niya. Akmang hahawakan ako sa braso. Pero dahil nanginginig na ako sa galit at naubos na rin ang natitirang pasensiya, pinandilatan ko na naman siya ng tingin. "Get lost!" Mas malakas na sigaw ko sa kanya. Dahil doon, walang likod lingon itong tumakbo. Ilang beses itong kamuntik matumba. Sa sobrang takot. Serves her right.. I held my breath and.. "All of you back to work!" Nahuli ko ang mga empleyadong nagbubulong-bulungan habang sinusundan ang daan na tinahak ni Samantha. Halos di magkandaugaga ang mga trabahador sa lakas ng boses na pinakawalan ko. Nakita ko rin ang pag-pa-pa-nick ng ilan.. " At ikaw naman." Baling ko kay Marcelina. Nagsimula siyang maglakad papunta sa mesa niya at sinimulang magligpit ng mga gamit. "What the hell are you doing?" Kalmado na ang boses ko pero curious ako sa ikinikilos niya? "I'm fired na po di ba?" What? "And who told you?" "A... e, ako po?" Nagkamot na naman siya sa ulo niya. Sa simpleng bagay na ginagawa niya gaya ng pagkakamot sa ulo, ewan ko pero I find it cute. "Come inside." Sabi kong nagpatiuna nang pumasok. Subalit bago pa man ako nakapasok sa loob ng opisina ko, nakita kong nagliwanag ang mukha niya at inihinto ang ginagawa niyang pagliligpit ng mga kagamitan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD