Rule

1496 Words
Chapter 4 Rule Nang pumasok ako sa opisina ni Sir hinintay ko munang alukin niya akong umupo sa isang mahabang couch na naroon. Hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang bigat ng kamay ng babaeng yon. Medyo mahapdi rin ang ibabang labi ko. Tiyak kong nasugatan ako, doon kasi tumama ang matutulis na kuko ng babae. Huminto sa kinauupuan ko si Sir Clyde at tumabi sa akin? E? Tumabi sa akin? "Let me see.." aniya. Lihim akong lumunok.. Habang tinitingnan kasi ni Sir Clyde ang sugat sa labi ko, hindi ko ring maiwasang mapatingin sa mga labi niyang sing pula ng makopa. Diyos ko, ang pupula ng mga labi niya. Para namang hindi lalaki ito. Pumikit na lamang ako upang alisin ang pagnanais na ma- hawakan ang kanyang mga labi. Naramdaman kong may malambot na bagay na  lumapat sa labi ko. Bigla akong dumilat. Sa ginawa ko nagtama ang mga mata namin ni Sir Clyde. Naman o! Sobrang bilis ng t***k ng puso ko, sing bilis ng takbo ni muning sa tuwing nahuhuli ko siyang nagnanakaw ng pagkaing nakahain sa mesa namin noong mga araw na nasa probinsiya pa ako. Maya-maya pa'y nakaramdam ako ng hapdi. Yung bulak pala na nakalapat sa gilid ng labi ko, nilagyan ni Sir ng alcohol. Ginagamot niya ako? "S-sir a-ako na lang ho.."  Akmang kukunin ko sa kanya ang bulak na hawak niya pero mali yata ang ginawa ko dahil mas lalong nagkadikit ang mga katawan namin habang magkalapat ang mga mata namin. Tila ako nayayanig sa lakas ng t***k ng puso ko na mas lalo pang lumakas ng maglapat ang mga mata namin. 'Inaakit niya ba ako?' Diyos ko, ano ba itong pinag-iisip ko? Ako na ang nagbawi ng tingin at marahang inilayo ang katawan ko kay Sir Clyde. "That bitch..," usal nito."Aside from this, ano pang ginawa niya sayo?" Nalanghap ko ang amoy ng hininga niya. Ang bango! Omg! Naliyo ako sa na amoy ko. Ang bango! Parang nagising ang lahat ng natutulog na ugat sa katawan ko.. Ang bango, bango talaga! Bukod sa mamahaling pabangong naaamoy ko sa boss ko, amoy ko din ang natural na amoy niya. Oh men! Lalaking lalaki! Masarap kaya ang mahalikan ng isang Clyde Dela Cerna? Ano kayang pakiramdam nun? Kahit siguro hindi ko na i-claim ang napanalunan ko sa Lotto panalong-panalo na ako.. Haay.. Kawawa naman tong boss ko hina harass ko na sa utak ko. Dahil sa babaeng yun, kung anu-ano nang kamanyakan ang pumapasok sa utak ko. Seryoso, tinatanong ko talaga ang sarili ko sa bagay na yon? Napakagatlabi ako.. Sobrang hapdi nung alcohol. Pumikit na lang ulit ako. Baka kasi kung ano pa ang isipin ng boss ko. Ako na nga itong nilalapatan ng lunas ako pa itong nag-iinarte. Narinig kong bumuntong-hininga siya. "Damn.." Hala nagmura pa. Naramdaman niya kayang nag-iinarte ako? Iminulat ko ang mga mata ko at umaktong natural kahit na ang totoo sobrang naiilang na ako. "Did that b***h slap you?" Medyo kunot ang noong tanong nito. "Okey lang ho Sir. Hindi na naman ho masakit," "Seriously? You should look  yourself in the mirror.. dahil namumula dito." Tukoy nito sa kaliwang pisngi ko. Baka nga, mabigat pa rin kasi sa pakiramdam ang bahaging iyon. "Fiancee niyo ho ba talaga iyon?" Para mapagtakpan ang takot, mabilis kong iginala ang tingin sa kabuoan ng loob ng opisina, mula sa glass window kita ko ang nagtataasang building sa labas.. Ang mga muwebles sa loob ng opisina ng boss ko ay tiyak na di matatawaran ang presyo  kabilang na itong  kinauupuan ko. May mga paintings ding nakasabit sa pader. Ang ilan di ko maintindihan kung ano ibig sabihin nakakahilo abstract kasi. Mahilig pala sa ganun ang amo ko. Kunsabagay, sing talino niya siguro ang gumuhit niyon. "I don't believe in marriage," tipid na sagot niya at sinabayan pa ng ngisi. Hala bakit ang sexy tingnan nung ginawa niya? Sexy? Kanina, halik? Tapos ngayon naman sexy? Tsk. 'Di kaya nahawa na ako doon sa Samantha? Lumipat ang kalandian niya sa akin? "Ganun po ba? Magkaiba ho pala tayo." Umayos ako ng upo. Tapos na kasi si Sir Clyde sa panggagamot niya sa akin. "No boyfriend since birth, pero naniniwala ka sa marriage, isn't it weird?" "E, noong high school kasi ako. Puro aral lang ang ginagawa ko, tapos nung mag-college naman ako bantay sarado pa ako ni Kuya Ethan. Ang ugok na 'yon. Samantalang siya panay ang gala. Halos araw-araw ibat'-ibang babae ang dinadala sa bahay, at naku Sir, nagkukulong pa sila sa kwarto niya." Narinig kong bahagya siyang tumawa. "Nung tinanong ko si Kuya, kung anong ginagawa nila sa loob? Ang sagot ni kuya gumagawa lang naman daw sila ng project. Baliw talaga tapos binatukan pa ako." Doon tuluyang natawa si Sir Clyde. Hala ang babaw naman pala ng kaligayahan niya. "Hindi ka ba na curious? Buti hindi ka sumilip?" "E, di pinatay naman ako ni Kuya." Tumayo si Sir sa kinauupuan niya, naglakad patungo sa kanyang mesa at umupo sa swivel chair niya. Medyo nakahinga na ako ng maluwag. Pakiramdam ko kasi malalagutan ako ng hininga sa tuwing magkakadikit ang mga balat namin. "Bakit nga ba wala kang boyfriend?" Angat ang kilay na tanong niya. Habang nakapangalumbaba." Walang nanligaw sayo?" Alanganin akong ngumiti. "Meron.." Sumeryoso ang mukha ni Sir at halatang naghihintay sa susunod kung sasabihin.. "Kaso... umalis siya e, iniwan ako." Kibit-balikat na sabi ko. Naman! Ang awkward naman ng topic. Sa tuwing naaalala ko kasi iyon, hindi ko mapigilang di masaktan. Pakiramdam ko kahapon lang nangyari ang lahat. Ang dami kong luhang sinayang. Ilang taon na nga ba akong naghihintay? Babalik pa kaya siya? Babalikan pa kaya niya ako? Tutuparin pa kaya niya ang mga pangako niyang iniwan sa akin? "Pero hanggang ngayon hindi pa rin siya bumabalik---" Haisst.. Ayokong napag-uusapan ang lovelife ko e. Kaso ewan ko ba panahon na rin siguro upang mailabas ko ang lahat ng sakit na kinikimkim ko. "Sabi niya kasi sa akin hintayin ko daw siya. E, ako namang si tanga naghintay din." Nagkatitigan kami ni Sir Clyde. Tama ba ang nababasa ko sa kanyang mga mata? Naku baka naman imagination ko lang yun. "What does he tells you before he left?" "Yon nga po, hintayin ko daw siya. Kasi pagbalik niya magpapakasal na raw kami, papakasalan daw niya ako. Alam niyo Sir, nung na-kwento ko to kay Kuya medyo nagalit siya, pero hindi naman niya ako binatukan. Niyakap niya ako tapos sa isang iglap umiyak ako. Hindi ko alam kung naiyak ako dun sa yakap ni Kuya? O dahil pakiramdam ko naawa siya sa akin?" "Do you still love that man?" Mahal ko pa nga ba siya? "Kung hinihintay mo pa ba ang isang tao, ibig sabihin ba nun hanggang ngayon umaasa pa rin akong isang araw ay babalikan niya ako?" "Saan ba siya nagpunta?" "Ang alam ko kasi sa Europe.  seaman kasi siya e.." "Then stop waiting," Napakurap ako. At tumitig sa mukha ng gwapo kong boss. Nakasandal ang malaking katawan nito sa swivel chair. 'Stop waiting daw?' Siguro nga tama siya, alam kong may patutunguhan ang mga sinabi ni Sir. Lalaki din siya at maraming babaeng uma-ali-aligid sa kanya alam niya ang lahat ng  kahinaan ng isang ka-baro niya. Sa totoo lang, wala naman itong karapatang pagpasyahan ang mga nararamdaman ko. Dahil ako ang dapat na makakapagsabi kung kailan at kung hindi na nga ba dapat na maghintay pa kay 'Conradd'. May ilang taon na rin kasi akong naghihintay. Panahon na rin sigurong kalimutan siya di, ba? "Kayo ho ba Sir, once in a blue moon ba nagmahal na kayo?"  Pag-iiba ko ng paksa. "No. Not even once." Tipid na sagot uli nito. "B-bakit ho? Siguro ho naman sa dami nila may bukod tanging---" He interrupted me through his burning eyes and chuckled. Nakakatakot ang mga titig na ibinibigay niya ngayon. "I don't believe in love. Falling in love makes you weak." "And makes you even better and stronger." Dugtong ko sa sinabi niya. Totoo naman a, kasi yun ang naranasan ko. Kahit na iniwan ako ni Conradd natuto akong lumaban, natuto akong harapin ang lahat ng mga bagay na makakapagpasaya sa akin o kahit ang makasakit pa sa akin. "Well maybe," Humupa na ang nag-aapoy na mga mata nito kanina. Kalmado na ulit ito ngayon.. "By the way, did Natasha tells you about your salary?" Tumango ako. "If you want para madagdagan yon, araw-araw naman tayong magkasama sa trabaho, gagawin kitang personal assistant ko.." Personal Assistant? Ibig sabihin, parati kaming magkakasama? Yung parang alalay ng isang artista? Na kung saan ang taping o shooting nandun din ako? "But there's one rule.." Napakunot-noo ako sa sinabi niya. Parang alam ko na kasi ang sasabihin niya. "Don't fall in love with me," Sabi na e, Epal din itong boss ko e, Oo na. Ikaw na gwapo, pero hello? Imposibleng magustuhan niya ako, at isa pa alam ko naman kung saan ako lulugar no? "B-baka h-ho kayo ang ma fall sa akin.." nakangiti kong wika, "joke.." Sabay peace sign.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD