Apoy 17

1167 Words
PAKIRAMDAM ko'y mamamatay na ako nang oras na iyon at hindi ko naman inaasahang makikita ko ang katawan ng aking nanay na malapit sa akin. Palapit naman nang palapit si Marco sa akin nang sandaling iyon. Nakangisi siya at nababalutan ng itim na aura ang buong katawan. "Ra Ha Ha Ha! H'wag kang mag-alala, bata... Hindi naman kita papatayin dahil ireregalo kita kay Panginoong Lucifer! Tiyak na siya'y matutuwa 'pag naibigay kita sa kanya at baka gawin niya na akong isang pangunahing alagad... Ra Ha Ha Ha!" sabi pa niya at buong lakas niya akong sinuntok. Sa lakas noon ay bumaon pa ang aking katawan sa lupa't nagkabitak-bitak pa ito. Halos iluwa ko na nga ang aking bituka dahil doon. Tanging pandinig ko na nga lang ang aking inaasahan at dinig na dinig ko ang kanyang pagtawa. "K-katapusan ko na siguro..." Nang mga sandaling iyon ay wala na akong pakialam kung ano ang mangyayari sa akin. Ang tanging inaalala ko na lang ay ang aking nanay... sana'y walang mangyari sa kanyang masama. Dahil kung hindi... titiyakin kong hindi na sisikatan pa ng araw ang Marco na ito! NABIGLA ako nang bigla akong nakaramdam ng init sa aking katawan. Habang ako'y nakapikit ay isang apoy ang biglang aking nakita. "Magkaroon ka lang ng tiwala sa iyong sarili...Magtiwala ka sa iyong kakayahan! Protektahan mo ang mga mahalaga sa iyo at magliliyab ang natutulog mong kapangyarihan!" Naisip ko si Nanay matapos ko iyong marinig. Kung mananatili akong ganito ay paano ko siya mapoprotektahan? Hahayaan ko na lang bang may mapahamak dahil sa kahinaan kong ito? Hindi ito pwede...Alam kong kaya kong talunin ang Marco na 'to. Tatalunin ko siya! Hindi ko na alam kung anong nangyari, hindi ako makapaniwalang muli akong nakatayo. Ramdam kong parang unti-unting bumabalik ang aking lakas. Nagulat pa ako nang maging kulay puti ang apoy sa aking mga palad. Napakaliwanag nito at mukhang mas mainit kumpara sa kulay pula kong apoy kanina. Maging si Marco nga ay pansin ko ring medyo nagulat sa aking nagawa. "P-paanong nakabangon ka pa?" medyo nagulat niyang sinabi. Pagkatapos noon ay muli niyang pinaitim ang kanyang kanang kamao at mabilis na tumakbo palapit sa akin. Bigla na naman siyang nawala at mabilis ko naman siyang hinanap. "Wala ka nang lakas bataaah!" sigaw niya nang bigla siyang lumitaw sa aking likuran. Buong-lakas niya akong sinuntok subalit nagulat siya nang bigla na lang akong maglaho sa kanyang harapan. "Saan siya napuuu---" Hindi na niya naituloy ang kanyang sasabihin nang tumama sa kanya ang nagliliyab kong suntok. HINDI ko alam kung paano ako lumitaw sa likuran ni Marco pero hindi na rin ako nagdalawang-isip at ginamit ko ang pagkakataong iyon. Nagliyab ang puting apoy sa aking kanang kamao at ubod ng lakas ko siyang sinuntok. Ramdam na ramdam ko ang pagtama ng aking suntok sa kanya. Kumalat sa hangin ang pabilog na talsik ng aking apoy mula sa aking kamao, tumagos din ang puti kong apoy sa kanyang katawan at kasunod noon ay ang mabilis na pagtilapon ng ilang metro mula sa akin ng kanyang nasusunog na katawan. Isa pang pagsabog ang aking nasaksihan nang bumagsak siya sa lupa. Nang lapitan ko nga ito upang tingnan ay doon ko nakitang umaatungal siya habang tinutupok ng aking apoy hanggang sa ito'y maging abo. "Isang suntok..." sabi ko sa aking sarili habang aking pinagmamasdan ang kakaibang kulay ng aking apoy sa aking mga palad. Hindi ko nga malaman kung paano ko ba nagawa ang lahat ng ito. Alam kong malakas si Marco pero hindi ko lubos maisip kung paano ko siya natalo, o kung patay na nga ba talaga siya. "Dahil nagtiwala ka sa iyong sarili..." Nabigla na lang ako nang marinig ko ito sa aking isipan. Balak ko pa nga sanang maglakad pero bigla na lang akong nakaramdam ng panghihina. Biglang kumirot nang napakasakit ang aking mga sugat hanggang sa bumagsak ako sa lupa't nagdilim ang aking paningin. NARAMDAMAN kong tila may malambot na bagay ang parang dumampi sa aking noo, kasabay rin nito ay ang pagmulat ng aking mga mata. "V-venus?" bulalas ko. "Ma-mars?!" bulalas naman niya. Bumungad sa akin ang mukha ni Venus na nasa tapat mismo ng aking mukha. Wala akong kaide-ideya kung ano ang ginagawa niya pero isa lang ang agad pumasok sa aking isipan... nakakailang ang sitwasyon naming ito. Mabilis na lumayo si Venus sa akin at tumawa nang 'di ko alam ang dahilan kung bakit. "Sabi ko na nga ba't magigising ka na, eh. Ha Ha Ha Ha!" sabi niya na parang labas naman sa ilong. May mga sinabi pa siya pero 'di ko na naintindihan. Nagtataka kasi ako kung bakit parang namumula siya, parang may mali... Pagkatapos naman no'n ay bigla siyang natahimik at nakakabinging katahimikan ang bumalot sa loob ng silid kung saan ako'y nakahiga. Pasimple ko siyang sinulyapan at agad kong napansin ang kanyang paghikbi. "Ve-venus?" nasabi ko na lang at nabigla ako nang bigla niya akong yakapin. Tila may kung anong bagay ang nagpabagal ng oras habang nakayakap siya sa akin. Hindi ko maipaliwanag pero parang gumaan ang pakiramdam ko sa kanyang ginawang iyon. "S-sira k-ka tal-talaga...P-pi-pinag-alala mo ak-ako... ng so...bra..." sumbat niya sa akin habang umiiyak at nakayakap sa akin. Bigla pang kumabog ang aking dibdib nang marinig ko iyon, hindi ko na tuloy napigilan ang aking sarili na haplusin ang kanyang buhok. "T-tahan na...'D-di bagay sa 'yo ang umiiyak..." bulong ko sa kanya at seryoso niya akong tiningnan pagkatapos niyang bumitaw sa akin. Napalunok agad ako ng laway dahil may talim ang kanyang mga tingin sa akin. Napaisip agad ako kung may masama ba akong nasabi... "Hmmp... A-ano ba talagang nangyari sa 'yo?" tanong niya sa akin. Nawala ang takot ko sa kanya nang umamo ang kanyang itsura at umupo pa sa aking tabi. IKINUWENTO ko sa kanya ang lahat ng nangyari. Pagkatapos no'n ay sinabi naman niya na ikatlong araw na pala ako rito sa ospital at ngayon lang daw ako nagising. Marami raw ang nagulantang nang makita akong duguan sa tabi ng kalsada. Si Nanay raw ay umiiyak nang ako'y dinala sa ospital. Agad din daw nag-imbistiga ang mga pulis tungkol sa mga nangyari subalit 'di raw matukoy ng mga ito ang tunay na nangyari. Hinihintay na lang daw ako ng mga itong magising upang matanong, pero s'yempre... wala akong sasabihin sa kanila. "S-si...nubukan k...kitang pagalingin pero 'di ko magawa... S-sobra talaga akong nag-alala sa 'yo..." pautal-utal pa niyang sinabi sa akin. "B-bakit ka naman mag-aalala sa akin?" tanong ko naman habang nakatingin sa kung saan. "S'yempre! Kasi... Kasi..." "Kasi magkaibigan tayo!" sagot niya sa akin habang seryosong nakatingin sa akin. Subalit nang marinig ko iyon ay 'di ko maintindihan, para bang may gusto akong marinig pero hindi ko alam kung ano... Isang buong araw pa akong namalagi sa ospital at maliban kay nanay, kasama rin namin si Venus na lagi rin akong binabantayan lalo na 'pag wala si Nanay. Inalagaan niya ako, sinusubuan pa nga 'pag kumakain kahit na sinabi ko nang kaya ko na. Naiilang na nga ako sa ginagawa niya pero ewan ko ba, dahil pakiramdam ko'y habang tumatagal ay nagugustuhan ko na yata ang kanyang mga ginagawang ito. "Imposible!" sabi ko sa aking sarili habang palihim na nakatingin sa kanya. "Imposibleng magkagusto ako sa babaeng ito..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD