Apoy 16

2022 Words
LUNES, nagulat ako nang biglang dumating si Venus sa amin. Papasok na ako no'n sa school kaya naman nabigla ako. Nagkumustahan pa nga sila ni Nanay, close kasi sila. Okay na rin naman kami ng nanay ko dahil nagkausap kami kagabi. Kahit naman 'di ko siya kadugo ay mahal ko pa rin siya, nanay ko kasi siya. "Tara na, Mars," wika ni Venus sa akin at agad pa siyang humawak sa bisig ko. Pasimple ko namang inalis ang kanyang kamay at binilisan ang lakad para makalayo sa kanya. "Ang suplado mo!" sabi kaagad niya at agad akong hinabol. "B-bakit ka sa amin pumunta? 'Di naman do'n ang school." Nginitian niya ako sa sinabi kong iyon. "Gusto kasi kitang makasabay. Gusto mo rin naman 'yon, 'di ba?" Pasimple pa niya akong sinanggi pagkatapos niya naman 'yong sabihin. Natahimik din naman ako dahil do'n at 'di ko na lang iyon sinagot. Ako? Gusto kong makasabay ang babaeng ito? Gusto ko ay tahimik... ito ang biglang pumasok sa aking isip nang sandaling iyon. "Wala lang akong choice..." Napabuntong-hininga na nga lang ako't pasimple siyang sinulyapan. "A-akin na 'yang dala mong file case..." lakas-loob kong sinabi at abot-tainga naman ang ngiti niya nang kanyang iabot iyon sa akin. "Gusto ko talaga, gentleman..." sabi naman niya pero 'di ko siya pinansin. Tumingin na lang ako sa malayo at patagong ngumiti. MEDYO nagulat ang mga kaklase namin nang sabay kaming pumasok sa room. Akala siguro nila'y 'di pa kami okay pero dahil sa kanilang nakita'y mukhang may ibig-sabihin na agad ito sa kanila. Dala ko rin ang file case ng babaeng ito, wala na akong lusot. Napabuntong-hininga na nga lang ako nang makitang nakikipagkwentuhan si Venus sa mga babae naming kaklase pagkatapos kong makaupo. Hindi ko na inisip kung ano ang kanilang pinag-uusapan, sana lang ay hindi ako... at maya-maya pa'y dumating na ang aming teacher para sa unang klase. "Mars, recess na tayo," yakag naman ni Venus sa akin no'ng recess pero tumanggi ako. "B-busog pa pati ako," dahilan ko pero bigla niya akong tiningnan ng masama. "Sasama o hindi?" tanong niyang may kasama pang paninindak. Napalunok tuloy ako ng laway, tiyak na 'di ko siya matatanggihan. Siya nga pala ang Boss! "O-oo na!" pilit ko namang pagsang-ayon at agad naman siyang ngumiti. Humawak pa siya sa braso ko't hinila ako para tumayo. Hindi iyon pwersahan pero kakaibang kuryente ang bigla kong naramdaman kaya agad kong inialis ang kanyang kamay. "Ang suplado mo talaga!" sabi niya sa akin habang naglalakad kami papunta sa canteen. Hindi ko na lang siya pinansin kaya bigla niya na lang akong kinurot sa braso. Ramdam kong bumaon ang kanyang kuko sa aking braso kaya napa-aray ako nang 'di inaasahan. "B-bakit mo ginawa 'yon?" tanong ko sa kanya habang hinihilot ko ang aking braso. "Suplado mo kasi..." Pasimple pa nga niya akong tinawanan. Napailing na nga lang ako...Under niya ako, sabi ko na lang sa aking sarili. KINAHAPUNAN, inihatid ko siya sa sakayan. Hindi niya iyon hiniling sa akin pero ginawa ko. Habang naglalakad nga kami ay parang napakasaya niya. Kitang-kita ko ang munti niyang ngiti, kaya 'di ko rin maiwasang mapatingin sa kanya. Hindi rin ako bulag, maganda nga siya tulad ng sabi ng marami. Ewan ko ba, ba't parang may kung ano sa kanya... "Anong iniisip mo, Mars?" bigla niyang tanong sa akin. "H-huh? W-wala?!" palusot ko naman, pero tinaasan niya lang ako ng kilay at hindi ako pinaniwalaan. Paulit-ulit pa niya akong kinulit hanggang sa sakayan pero todo-tanggi naman ako. "Damot!" nagtatampo niyang sinabi sa akin. Napailing naman ako. Para naman siyang bata ngayon, sabi ko na lang. Dahil sa isang walang-kwentang bagay, nagtampo na agad siya. "S-sige, uuwi na ako..." paalam ko sa kanya. "Ang damot mo!" Napabuntong-hininga tuloy ako nang sabihin niya iyon, kaya agad kong kinuha ang aking bolpen mula sa bulsa ng aking polo at pagkatapos ay humingi ako sa kanya ng scratch na ipinagdamot pa niya sa akin. Mabuti na lang at nasabi kong isusulat ko 'yong gusto niyang malaman. Agad kong iniabot sa kanya ang papel na iyon at pagkatapos ay nagmadali akong lumakad palayo. Hindi ko na siya nilingon dahil ayaw kong makita ang reaksyon niya. Nasabi ko na lang... na sa susunod ay 'di na ako mag-iisip ng tungkol sa kanya para hindi na ito maulit. MALAPIT na ako sa amin, akala ko'y maayos akong makakauwi subalit laking-gulat ko na lang nang biglang tumigil ang lahat ng bagay na gumagalaw sa paligid. Una agad pumasok sa isip ko ay sina Zeus kaya agad akong nagmasid sa paligid. Hinanap ko sila o kung sino mang alagad nito hanggang sa biglang may nagsalita sa aking likuran. "Ako ba ang hinahanap mo bata?" Natigilan ako dahil doon. Saglit pa akong lumunok ng laway, hindi ko kasi maintindihan... nakaramdam ako bigla ng takot. Pero nandito na ako kaya agad kong nilingon ang nilalang na nagmamay-ari ng boses na iyon. Tumambad sa akin ang isang lalaking nakaitim ng pantalon at walang pang-itaas. Mahaba ang kulay abo nitong buhok, matipuno ang katawan at puro tattoo ito na kawangis ng mga tribal tattoo. Mas matangkad ito ng ilan pulgada sa akin at mukhang nasa sampung taon ang tanda nito sa akin. Seryoso rin itong nakatitig sa akin habang nakangisi, dahilan din upang makita ko ang matilos nitong pangil. "S-sino ka?" lakas-loob kong itinanong sa kanya. Malakas ang kutob kong alagad ito ng nilalang na nagngangalang Lucifer. "Wari ko'y nangangatog ang iyong mga tuhod, bata?" sabi naman niya sa akin. Napakuyom ang aking kamao dahil sa sinabi niyang iyon. Wala pa rin akong ideya kung sino siya pero ano pang magagawa ko? Nandito na ako at mukhang 'di ko na rin siya matatakasan kaya naman inilapag ko sa isang tabi ang aking bag at inalis ko rin ang suot kong polo. "Ang totoo'y wala pa namang iniuutos si Zeus sa akin... pero gusto ko ring masubukan ang lakas mo, bata. Ra Ha Ha Ha!" may kasamang pagyayabang niyang sinabi at inihanda ko naman ang aking sarili. Siguradong mapapalaban ako rito, ito na lang ang nasabi ko sa aking sarili nang sandaling iyon. NABIGLA ako nang bigla siyang nawala sa harapan ko. Agad ko siyang hinanap pero bago ko pa man siya makita ay isang napakalakas na suntok ang biglang sumalubong sa aking mukha. "Aba?! Nakaya mo nang sanggahin ang suntok ko!" medyo nagulat niyang sinabi sa akin nang salagin ng dalawa kong kamao ang kanyang suntok. "No'ng una ko itong gawin sa 'yo'y 'di mo ito nasalag. Ra Ha Ha Ha! Mukhang lumakas ka na bata." Maliksi naman siyang tumalon palayo sa akin pagkatapos niya 'yong sabihin. Pero sa huli kong narinig mula sa kanya, tila ba'y may naalala ako. Posible kayang siya ang sumuntok sa mukha ko nang gabing iyon? Ang gabing kung saa'y iniligtas ko si Venus. Ito ang naglaro sa isipan ko habang seryosong nakatingin sa nang-aasar niyang itsura. "Dahil sa ginawa mo bata... sige, magpapakilala ako sa iyo bata. Ra Ha Ha Ha!" nakangisi niyang sinabi sa akin. NALAMAN kong Marco ang pangalan niya, isa sa alagad ni Lucifer at kanang-kamay ni Zeus. Pagkontrol sa oras naman ang kanyang kapangyarihan, sa loob ng ilang metrong dayametro'y nagagamit niya ito. Ito raw ang ginagamit niya upang malaman nila kung sino ang taga-Elementalika sa mundong ito. Hindi kasi naapektuhan ng kapangyarihan niya ang mga ito... kagaya ko. "Ako rin ang sumuntok sa 'yo nang gabing iligtas mo ang Water Princess... Ra Ha Ha Ha!" pagmamalaki pa niya sa akin kasunod din no'n ay ang paghimas niya sa kanyang kanang kamao. "Madalas din na taga-masid lang ako, lalo na 'pag kasama ko si Zeus." Seryoso akong nakatingin sa kanya nang bigla na naman siyang nawala. Agad ko siyang hinanap pero isang napakalakas na suntok ang tumama sa aking mukha. Tumilapon ako papalayo dahil doon. Mas mabilis siya kaysa kay Venus at pakiramdam ko'y tagilid ako sa labang ito. "Ra Ha Ha Ha! Mukhang swerte lang ang pagkakasalag mo kanina sa aking suntok. Mukhang 'di ka pa gano'n kalakas," sabi niya sa akin habang naglalakad palapit sa akin. Pinilit ko namang tumayo kahit medyo nahihilo pa ako. Medyo nanlalabo rin ang aking paningin at napakasakit ng mukha ko. Naramdaman ko rin ang pag-agos ng luha sa aking mukha dahil sa suntok na iyon. "Delikado ako..." bulong ko at biglang nagliyab ang mga kamay ko matapos iyon. “Iyan ang gusto ko! Gamitin mo sa akin ang kapangyarihan mong ‘yan!” sigaw niya sa akin nang makita ito at pagkatapos ay bigla na naman siyang nawala. Napakabilis.Biglaalng iyang lumitaw sa aking harapan at muli niya akong sinuntok. Maswerte pa rin ako dahil nagawa ko itong salagin. Nang mahawakan ko siya ay agad kong pinaliyab ang aking apoy at bumawi ako ng isang suntok patungo sa bukas niyang mukha. Nagliyab ang mukha niya at dumausdos siya palayo subalit laking-gulat ko nang isang itim na aura ang lumabas mula sa kanyang katawan at sa isang iglap ay nawala ang apoy na tumutupok sa kanyang mukha. “Masakit iyon, bata!” medyo galit niyang sinabi at bigla na lang umitim ang kulay ng kanyang kanang kamao na animo’y isang metal. “Humanda ka bata! Ipapatikim ko sa iyo ang aking kamaong-panlaban!” Muli na naman siyang nawala at kaagad ko naman siyang hinanap. Dito ko na naalala ang itinuro sa akin ni Venus. “Ang technique upang makasabay ka sa bilis ng kalaban ay sa pamamagitan ng ating pakiramdam. Tayong mga maharlika ay may kakayahang makita’t maramdaman ang aura ng kahit na sino, lalo na an gating mga makakalaban, Ito rin ay mabisang paraan para iwasan o kontrahin ang isang atake.” Ikinalma ko ang aking sarili, inisip kong napakatahimik ng paligid. Tulad ito ng turo ni Venus sa akin. Tanging ang pandama ko ang aking inasahan. Sa isang lugar lang ako nakatingin. Dahan-dahan kong ipinikit ang aking mga mata at sa muli kong pagmulat… laking-gulat ko dahil nakikita ko na si Marco na papalapit sa akin. “Tapos ka na, bata!” Narinig ko pa iyon. Kitang-kita ko ang paglapit ng kamao niya sa akin. Alam kong kayak o itong pigilan kaya pinagliyab ko ang aking mga palad at buong-lakas ko itong sinalag. NAGTALSIKAN ang napakaraming apoy mula sa aking palad nang harangan ko ang suntok ni Marco. Napakalakas ng impact noon at akala ko nga’y mababali na ang mga buto ko sa braso. Pinilit ko pa nga siyang itulak pero sadyang napakalakas niya dahilan upang ako ang tumalsik papalayo. Nagpagulong-gulong pa ako sa lupa, pero mabilis din akong nakatayo. Hininihingal ako dahil sa mga nangyari pero ‘di ako pwedeng magpahinga dahil hindi basta-basta ang kalaban ko. “Pinabibilib mo ako bata…” sabi niya sa akin habang naglalakad papalapit sa akin. Dito na rin niya sinabi ang dahilan kung bakit napakabilis niya. Ito ay dahil sa kanyang kapangyarihan, Oo nga’t hindi naapektuhan ng kapangyarihan niya ang mga taga-Elementalika… pero kaya naman nitong pabilisin ang kilos ng gumagamit nito. “Sa pamamagitan ng pagpapabilis ng oras sa aking sarili. Pero kung tutuusi’y napakalayo ng agwat n gating kakayahan sa isa’t isa kaya alam kong ‘di mo pa ako kayang talunin…” dagdag pa niya. Tama ang huli niyang sinabi, sadyang wala pa akong binatbat sa kakayahan niya. Hindi siya tinatablan ng apoy ko at medyo masakit pa rin ang tama ko hanggang ngayon. Napailing na nga lang ako nang sandaling iyon. Wala man lang akong maisip na paraan para matalo o malusutan man lang ang kalabang ito. Kung nandito lang sana ang babaeng iyon, baka may laban-laban pa kami. “Anong iniisip mo, bata!?” Nabigla na lang ako nang isang napakalakas na suntok ang tumama sa aking sikmura. Masyado akong nagging pabaya kaya nalusutan niya ako. Sobrang sakit noon at pakiramdam ko’y tumagos ito sa aking likuran. Para pang may nabaling buto akong naramdaman. Dumausdos ako sa gitna ng kalsada at gumuhit ang napakaraming dugo dito dahil sa mga lumabas sa aking bibig. Hindi kasi basta suntok ang tumama sa akin, para itong isang napakatigas na bagay. Nanlalabo na ang aking paningin habang nakadapa ako sa lupa. Pinipilit kong pakilusin ang aking katawan pero ayaw nitong sumunod. Pakiramdam ko nga’y parang mamamatay na ako dahil medyo nahihirapan na nkong huminga. Napapakinggan ko pa ang mga yabag ng paa ni Marco na papalapit sa akin. Hindi ko pa siya kaya at mukhang katapusan ko na rito. Ipipikit ko na sana ang aking mata dahil sa panghihina pero nabigla ako nang maaninag kong may isang taong nakatigil ang nasa tabi ko. Nakahinto ito at parang nakikilala ko ang suot pati na ang itsura nito… “N-nay?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD