Apoy 15

2625 Words
"Nay, ampon lang po ba ako?" lakas-loob kong tanong sa aking nanay habang kumakain kami ng hapunan. Napansin ko pang nabigla siya sa tanong na iyon at napainom kaagad siya ng tubig dahil doon. "B-bakit mo naitanong?" Kitang-kita ko sa mukha niya ang pangamba nang itanong niya iyon sa akin. "Malaki na po kasi ako... at gusto ko rin pong malaman ang totoo..." seryoso kong sinabi pagkatapos kong uminom ng tubig. Muli siyang uminom ng tubig at mukhang hindi alam ang sasabihin sa akin. Subalit nang mapatingin siya sa akin ay bigla siyang napabuntong-hininga't kumalma. "Tama ka, siguro'y dapat ko na ring sabihin sa 'yo ang totoo..." Sumeryoso si Nanay at doon na niya inumpisahang ikwento ang totoo... GALING sa sugalan si Aling Susan at masayang-masaya niyang binibilang ang nasa dalawang libong pisong panalo mula rito habang naglalakad pauwi. Medyo malalim na rin ang gabi noon subalit 'di niya ito alintana dahil nanalo siya sa halos maghapon niyang pag-upo sa harapan ng mga magsusugal sa kanilang barangay. "Siguradong matutuwa nito si Ronnie," sabi pa niya sa sarili. Si Ronnie ito ay ang kanyang magtatatlong buwang kasintahang sa bahay niya tumitira. Mahal na mahal niya ito kaya binibigyan niya ito ng pera upang 'di siya nito iwanan. Subalit isang 'di inaasahang pangyayari pala ang magaganap ng gabing iyon... "Ronnie, mahal! Pakibuksan nga 'tong pinto!" tawag niya habang kumakatok sa pinto ng kanyang bahay. Sarado kasi ang pinto pero bukas ang ilaw, ibig-sabihin lang no'n ay nasa loob ang kanyang kasintahan. "Baka tulog..." sabi ni Aling Susan sa sarili kaya naisipan niyang silipin ito sa bintana ng kanilang kwarto upang ito'y gisingin ngunit tumambad sa kanya ang isang eksenang nakapagpainit ng kanyang ulo. Nakita niya ang isang h***d na babaeng nakatalikod sa harapan ng kanyang kasintahan. Nakakagat-labi pa ito habang nakikipagtalik sa kasintahan niyang sarap na sarap naman habang nakahawak sa balakang nito. Umusbong ang ilang ugat sa sintido ni Aling Susan nang marinig pa ang ungol ng babae. Para siyang isang bulkang malapit nang sumabog. "W-walang-hiya ka..." "Walang-hiya ka Ronnie! Putangina ka, sabi mo sa aking 'di mo ako lolokohin... Hayop ka! Tangina ka!" Napatigil ang p********k na ginagawa ni Ronnie at ng babae. Nanginig pa sa takot ang babae kaya agad itong nagsuot ng damit at sa taranta'y 'di na nito naisuot ang kanyang panty. Nagmamadaling lumabas ang babae subalit naabutan ito ni Aling Susan at sunod-sunod na malulutong na sampal ang sinalo ng pisngi nito. "Tangina kang babae ka! Napakalandi mong lintik ka!" sabi pa ni Aling Susan at sinabunutan naman niya ito at dahil sa gigil ay nabunot ang napakaraming buhok mula rito. Umiiyak na rin ang babae dahil dito kaya agad inawat ni Ronnie si Aling Sonia. "Tama na!" sabi ni Ronnie. "Tangina ka! At kinampihan mo pa siya! Putangina ka, lumayas ka rito!" galit na galit namang sinabi ni Aling Susan dito. "Lalayas na talaga ako! Akala mo, mahal kita? Hindi, dahil piniperahan lang kita..." Mas tumindi ang galit ni Aling Susan nang marinig iyon mula kay Ronnie kaya agad siyang pumunta sa kusina upang kumuha ng patalim. Dali-dali niyang binalikan ang dalawa at doon na siya nagsisigaw. "Mga hayop! Papatayin ko kayong dalawa!" Napatakbo ang dalawa dahil dito at naiwang umiiyak si Aling Susan dahil sa kanyang katangahan kay Ronnie. Nasa labas siya ng bahay habang nakaluhod na pinagsasa-saksak ang lupa. Pero laking-gulat niya nang isang pagsabog ang naganap sa loob ng kanyang bahay at nakita na lang niyang tinutupok na ng apoy ito. Dahil sa nangyaring iyon, naisipan na niyang magpakamatay. "Bakit ito nangyayari sa akin?!" umiiyak niyang sinabi, subalit isang iyak ng sanggol ang kanyang narinig mula sa nasusunog niyang bahay dahilan para kanyang mabitawan ang hawak niyang patalim. Nagulat siya dahil doon kaya nagtaka siya. Lakas-loob niyang pinasok ang nasusunog niyang bahay para tingnan ang pinanggagalingan ng iyak. "Susmaryosep!" bulalas niya nang kanyang makita ang isang sanggol. Umiiyak ito subalit kataka-takang wala man lang itong galos o sugat man lang dahil sa apoy... "Kinuha kita dahil naawa ako sa 'yo. Noong una'y tuwang-tuwa pa ako dahil sa 'yo... pero napansin kong magmula nang dumating ka sa akin ay nag-umpisa na akong matalo sa sugal kaya itinuring kitang malas. Sinubukan kitang ibenta pero wala naman sa 'yong bumili kaya kinupkop na rin kita..." Ito ang huling sinabi ni Nanay nang matapos ang kanyang kwento. Hindi ko naman alam kung ano ang dapat sabihin kaya 'di na lang ako nagsalita. Malinaw na ngayon sa akin ang lahat kaya pagkatapos kong kumain ay agad akong pumunta sa higaan para isipin ang mga bagay-bagay tungkol sa sarili ko. Parang may sasabihin pa sana si Nanay sa akin nang matapos akong kumain pero 'di ko na iyon hinintay pa. KINABUKASAN, maaga akong pumasok school. Tahimik at seryoso agad akong umupo sa aking pwesto. Pagkatapos, dumungaw naman ako sa bintana at tumingin sa malayo. Napabuntong-hininga na lang ako, pakiramdam ko kasi'y mag-isa na lang ako pero sanay na naman ako, kaya ayos lang... sabi ko na lang sa aking sarili nang mga sandaling iyon. Maya-maya pa'y nakaramdam akong may umupo sa upuang nasa tabi ko. Nandito na siya, ang babaeng kaya lang nakipagkaibigan sa akin ay dahil may kapangyarihan ako. "Mars..." Kinulbit pa niya ako pero 'di ko siya pinansin. Gano'n din no'ng recess, 'di ko pa rin siya pinansin kahit niyaya niya akong mag-recess. Noong tanghalian naman, sinabi niyang mag-usap kami pero 'di ko siya pinakinggan. Gusto ko na kasing malayo kami sa isa't isa. Kung isa lang siguro akong normal na tao ay siguradong 'di niya ako papansinin, ito ang nasa isip ko. Mas gusto ko na lang ang mag-isa, walang kaibigan... walang maingay. Habang naglalakad ako pauwi, kinahapunan ay isang batang lalaki ang nakita ko. Inaagaw ng tatlo pang bata ang laruan niyang truck. Dahil tatlo ang umaagaw sa laruan niya'y wala siyang nagawa. Nag-iyak na lang ito habang tinatawanan ng mga nang-agaw sa kanya. Nainis ako sa ginawa nila kaya agad ko silang nilapitan. "Ibabalik n'yo ba 'yan o hindi?" seryoso kong tanong sa tatlong bata. Nanginig sila sa takot at pagkatapos no'n ay kumaripas na sila ng takbo. Nabitawan na nila 'yong laruan kaya dinampot ko ito't ibinalik sa bata. "Heto nang laruan mo. 'Wag ka nang umiyak," sabi ko sa bata at nakangiti niya itong kinuha. Napangiti pa ako nang 'di inaasahan nang mapansin ko ang uhog niya sa ilong. "Salamat, Kuya..." sabi naman niya habang pinupunasan ang kanyang luha gamit ang kanang braso niya. Suminghot pa siya kaya pumasok muli sa ilong niya ang uhog na nakita ko kanina at napangiti na naman ako dahil doon. "Darius!" Sabay kaming napalingon no'ng bata nang isang batang babaeng kaedad din nito ang tumatakbo palapit sa amin. Hinihingal itong tumigil sa tapat namin. "Ano Darius? Inaway ka na naman ba nina Kenneth?" seryoso at pagalit na tanong nito sa batang lalaking tinulungan ko. "Oo, Iris..." nahihiya namang tugon ng batang lalaki. "Grrr...Pasalamat sila at 'di ko sila naabutan. Lagot sila sa akin!" Sa loob-loob ko'y natatawa ako dahil ang tapang ng batang babaeng ito nang marinig ko ang sinabi niyang iyon. "Pero, tinulungan naman ako ni Kuya..." Nakangiti naman akong itinuro ng batang lalaki rito. "Ay, salamat Kuya..." nakangiti namang sinabi sa akin ng batang babae at pagkatapos no'n ay nagpaalam na sila sa akin. Magkahawak pa ang kamay nila habang naglalakad palayo sa akin. Nagkukulitan pa sila at nagtatawanan. Napabuntong-hininga na nga lang ako nang bigla kong maalala si Venus at pagkatapos no'n ay naglakad na muli ako pauwi. NAPAHINTO ako sa paglalakad nang makita ko si Venus sa tapat ng aming bahay. Mukhang inabangan niya ako, at parang wala pa rin si Nanay dahil nakasara pa ang pinto sa bahay namin. Balak ko sanang 'wag munang umuwi pero napatingin ako kay Venus at napabuntong-hininga... "Bahala na..." bulong ko sa aking sarili at lakas-loob akong dumiretso sa bahay. "M-mars..." bungad niya sa akin pero 'di ko siya pinansin at pumasok agad ako sa loob. Hinayaan ko na lang bukas ang pinto at nagpalit kaagad ako ng damit. Akala ko'y umalis na siya pero nang silipin ko siya ay 'di pa rin siya umaalis. Napahiya pa ako dahil nagtama ang mga mata namin nang gawin ko 'yon. Hinintay ko siyang umalis pero parang wala siyang balak gawin iyon kaya naglakas-loob na akong puntahan siya. "Bakit?" tanong ko sa kanya at bigla siyang napayuko. "S-sorry, Mars..." mahina niyang sinabi sa akin. "Oo...Nakipagkaibigan ako sa 'yo dahil sa marka ng apoy sa palad mo... pero..." Natigilan ako nang humikbi siya at unti-unting umagos ang luha niya sa gilid ng kanyang pisngi... umiiyak siya sa harapan ko. Nakaramdam ako ng lungkot dahil doon. Parang gusto ko siyang yakapin at patahanin pero 'di ko magawa. Wala akong lakas ng loob para gawin 'yon. "...pero Mars... 'Wag kang lumayo sa akin. Na-napamahal ka na kasi sa akin..." Nabigla ako nang bigla niya akong yakapin pagkatapos niya iyong sabihin. Hindi ko alam ang gagawin ko. Ramdam ko ang paggaan ng pakiramdam ko dahil doon at patuloy pa rin siya sa pag-iyak kaya basang-basa na ang suot kong tshirt dahil sa luha niya. "Sorry, Mars... Sorry, sorry..." paulit-ulit niyang sinabi at mas humigpit ang yakap niya sa akin. Para akong lumakas nang sandaling iyon. Nawala rin ang lungkot na nararamdaman ko't sumigla ang aking pakiramdam. Napangiti na rin ako't dahan-dahan ko na siyang niyakap. Tumingin siya sa akin at napagdesisyunan kong punasan ang luha niya gamit ang kanang kamay ko. Banayad kong tinanggal ang luha niya gamit ang aking hinlalaki at pagkatapos ay muli ko siyang niyakap. "Sorry rin... kasi pinaiyak kita," bulong ko sa kanya. LINGGO, pinapunta ako ni Venus sa kanila. Mabuti na lang at umamin na siya sa lolo't lola niyang wala talaga kaming relasyon. Magkaibigan, iyon lang naman talaga ang mayroon sa aming dalawa. "Iho, sasamahan ka ni Venus para magsanay," sabi ni Lola sa akin. Napaisip naman ako kung saan, lalo pa't 'di dapat makita ng iba ang kakayahan namin. Baka kasi matakot sa amin ang mga taong makakaalam ng mga kapangyarihan namin. "Saan po kami magsasanay?" tanong ko. "'Wag kang mag-alala sa bagay na iyan. Kami na ang bahala, tinitiyak kong walang ibang makakakitang iba sa inyo roon," sagot naman ni Lolo. Doon ko naalala, may kakayahan nga pala silang maglakbay papunta sa iba't ibang lugar. Sigurado akong iyon ang gagawin nila. "Ano Mars, ready ka na?" Biglang lumabas si Venus mula sa kanyang kwarto. Napalunok agad ako ng laway nang makita ko ang suot niya. Naka-itim siya ng sando at nakamaong-shorts na maikli. May dala pa siyang bag pack at mukhang marami ang laman no'n. "B-bakit gan'yan ang suot mo?" naiilang kong tanong sa kanya. Ngayon ko lang kasi siya nakitang magsuot nito. Ang sexy niyang tingnan. "Bakit? Panget ba ang suot ko? Magsasanay tayo, huh. Mas madali akong makakakilos 'pag ganito ang suot ko," paliwanag niya sa akin at tumango na lang ako habang nakatingin sa malayo. Ilang sandali pa'y lumikha sina Lolo't Lola ng isang bilog na lagusang kasing-tangkad namin at napakaliwanag nito. Dito raw kami papasok ni Venus. "Lo, La... mag-iingat po kayo rito," wika ni Venus. "H'wag mo kaming alalahanin, apo... 'Di kami makikita nina Zeus," nakangiti namang sinabi ni Lola at pagkatapos no'n ay pumasok na si Venus sa bilog na liwanag. Hinila pa niya ako at 'wag daw akong matakot. Habang nasa loob, parang pinipiga ang katawan ko pero madali lang dahil nakalabas din kami mula roon. Nawala nga din agad ang bilog na liwanag pagkalabas namin. Tumambad sa aking harapan ang napakalawak na kalupaang napapalibutan ng matataas at malalaking bato. Napansin ko ring may mangilan-ngilan ding mga puno. Kakaiba nga lang ang mga ito dahil parang payong ang porma ng magkakasamang dahon nito. "N-nasaan tayo?" tanong ko kay Venus. Napakibit-balikat naman siya at hindi rin daw niya alam kung nasaan kami. "Ngayon lang din ako nakarating dito..." sabi pa niya. "Anong oras nga pala tayo uuwi?" tanong kong muli. "Mga alas-nwebe ng gabi sa mundo nating pinanggalingan," nakangiti niyang sagot sa akin. Napaisip na rin ako kung anong klaseng pagsasanay ang gagawin namin dito. Naglakad ako nang maglakad siya. Siya ang nasa unahan at sinusundan ko lang siya. Ang totoo'y naiilang ako sa kanya, ang ikli ng shorts at nakasando lang. Ayaw ko namang sabayan siya dahil nahihiya ako. Ayaw ko rin namang unahan siya dahil baka mali ang puntahan ko. Inililibot ko na nga lang ang tingin ko sa paligid, napapasulyap kasi ako sa kumikembot niyang pwet habang naglalakad. "Ang tahimik dito..." sabi ko sa aking sarili. Tirik na tirik ang araw pero 'di masakit sa balat ang init. Medyo mahangin din, siguro'y dahil sa mga matataas na batong nakapalibot dito. Inilapag na ni Venus ang dala niyang bag sa tabi ng isang puno. Mga pagkain daw ang laman no'ng bag, sabi pa niya sa akin. Pagkatapos ay nagpalagutok siya ng buto sa kanyang kamao. Nagbanat din siya ng buto at hindi ko na siya tiningnan habang ginagawa 'yon. "Ready ka na, Mars?" seryoso niyang tanong sa akin. "R-ready saan?" pagtataka ko. "Mag-uumpisa na tayo!" Nabigla na lang ako nang bigla siyang lumitaw sa harapan ko. Ang bilis niya at walang pag-aalinlangan niya akong sinuntok sa mukha. Ang lakas no'n dahilan para magpagulong-gulong ako ng ilang metro mula sa kanya. Kumislot ang kirot sa mukha ko't nahilo pa. Ramdam ko rin agad ang pagtulo ng dugo sa mukha ko. Hindi ko akalaing gano'n kalakas ang suntok ni Venus. "Tumayo ka na r'yan, Mars. Mas malakas pa ang suntok ng mga totoong kalaban natin kaysa sa suntok kong iyon," sabi ni Venus nang bigla siyang lumitaw sa harapan tabi ko. "Tayo na!" "I-ibig sabihin, ang training ko ay ang labanan ka?" tanong ko sa kanya nang makatayo ako. Ramdam ko pa rin ang sakit sa aking mukha pero kaya ko pa naman. "Tama ka, Mars. Ito ang first training natin... Lakas sa lakas lang ito, huh. No powers to be used!" sabi pa niya sa akin. "Naalala mo ba nang iligtas mo ako mula kay Zeus? Pati no'ng iniligtas mo sina Lola?" tanong niya pa sa akin at tumango ako. "Hindi ka pa niya siniseryoso, Mars. Hindi kasi basta-bastang kalaban si Zeus. Mas malakas at delikado pa siya kaysa sa inaasahan mo... kaya magseryoso ka," dagdag pa niya. Seryoso kong pinagmasdan si Venus mula ulo hanggang paa. Napalunok ako ng laway, saan ko siya susuntukin? Hindi ko yata kaya. Ayaw ko nga siyang masasaktan, kaya paano ko siya lalabanan? "Anong tinitingin-tingin mo sa akin? Hmmm?" seryoso niyang tanong sa akin. "H-huh? W-wala! Simulan na natin." Pagkasabi ko no'n ay bigla na naman siyang lumitaw sa harapan ko. Ang bilis niya talaga, ni hindi ko makitang bumabagal ang kilos at galaw niya kumpara sa lagi kong nakikita sa nakalaban kong g**g members ni Jupiter. Ang mga paa niya, ni hindi ko rin nakikitang tumatapak sa lupa dahil nga sa bilis niya. Isang malakas na suntok na naman ang kanyang ginawa papunta sa mukha ko pero naharangan ko kaagad ito gamit ang aking braso. Damang-dama ko ang impact ng kanyang suntok at dahil na rin sa lakas no'n ay kusang dumausdos paatras ang mga paa ko. Hindi ko talaga akalaing ganito siya kalakas. Nawala naman siya sa harapan ko at bigla na lang isang malakas na suntok ang tumama sa aking sikmura. Halos iluwa ko na ang lahat dahil doon. Hindi ko man lang mahuli ang kanyang galaw, sa madaling salita'y wala akong panama sa kanya. Ilang minuto akong nagpabugbog, at aaminin kong 'di ko man lamang siya natamaan kahit isa. Parang hangin lang ang kalaban ko dahil lahat ng aking atake'y sa hangin lang tumatama. Limang minuto lang ang itinagal ko dahil bugbog-sarado na kaagad niya ako. Tawa nga siya nang tawa habang pinapagaling ako at hiyang-hiya naman ako sa kanya nang oras na iyon. "Ayos lang 'yan, Mars. Pareho lang tayo nang si Kuya ang nagtrain sa akin... bugbog-sarado rin ako," sabi pa niya at humagikhik pa siya ng tawa dahil doon. Pinahiga niya rin ako sa kanyang hita habang pinapagaling ang mga sugat ko kaya medyo naiilang ako. Habang pinapagaling pa nga niya ako'y bigla niyang pinisil ang pisngi ko kaya naman napasigaw ako sa sakit. "Ay. Sorry, Mars..." Ginandahan pa niya ang kanyang ngiti habang sinasabi iyon sa akin habang napabuntong-hininga na lang ako dahil doon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD