02
Bye Home
Iminulat ko ang mata ko’t tumambad sa ‘kin ang kwarto namin ni Gelay.
Anong nangyare? Bakit ako nasa kwarto? Siguro nahimatay ako kanina.
Wataaaamennnn! Nakaka intense naman kasi talaga ang nangyari.
Si tito na may hawak na samurai, si ate na may hawak na gunting, at si tita na may hawak na kutsilyo.
Bumangon ako sa pagkakahiga’t napatingin sa gawi ng wall clock.
Wataaaaaamennnnn!
Alas otso na! Paano kung nand’yan na si Sir Tan? Paano kung pinutol na ni tito ang ano niya? Waaaaaaaaa paano kung binalatan na ni tita? Waaaaaaa at paano kung ginupit-gupit na ni ate Ginah? Waaaaatamennn!
Lumabas ako sa kwarto at tumakbo papuntang sala area.
Hindi muna ako nagpakita at nagtago muna sa gilid, kasi naririnig ko si tita at tito na nagbubulyawan.
“Halaa! Punyenta! Kuana daw duman so machine gun ta bumbahon ta ang bungo kaan!” Sigaw ni tita.
Trans: hala punyeta kunin ang machine gun at bombahin ang bungo niyan.
Haaaaaaalaaaaa! Kaninong bungo? Baka nandyan na si Sir Tan at bobombahin na nila! Wataaamennnn!
“HUWAGGGGGGGG!” sigaw ko’t luminga-linga sa buong sala.
Hay salamat wala pa si Sir Tan!
Nakaupo sila tita at nanunuod ng balita. Lahat sila ay napatingin sa gawi ko’t agad akong nilapitan ni Gelay. Niyakap niya ako saka nagsalita.
“Anong nangyare sa’yo kanina ate? Huhu, kala ko mamamatay kana e.” Untag niya nang bumitaw na siya sa yakap.
Ang O.A ni Gelay! Patay agad ‘di ba pwedeng pepte-pepte muna?
“Ano po’ng nangyari?” Tanong ko sakanilang lahat.
Si Kuya Rj lang ang wala rito sa sala, siguro nasa kusina pa. Siya kasi ang taga luto namin hihi.
“Basta bigla ka na lang humandusay kanina, at nakatulog ka bigla.” Ani ni Tita na halatang nag alala talaga siya sa nangyari kanina.
“Kala nga namin inatake ka sa puso tapos namatay ka.” Exaggerated na sabi ni Ate Ginah.
Grabe talaga sila saakin! Patay agad!
“Halika nga rito Pami.” sabay tap ni tita sa tabi niya.
Ano mga men, sasabihin ko na bang may asawa na ako? At mamaya susunduin niya na ako? Wataaamennn! Nakakanervous system naman!
Umupo ako sa tabi ni tita at hinimas niya ang buhok ko.
“Dalaga na ang baby Pami namin, dati rati lang naihi ‘to sa short ng kinurot ko e.” aniya habang sinusuklay ang buhok ko gamit ang daliri niya.
Bakit parang naging sweet siya saakin ngayon? Siguro kala talaga nila kanina ay mamamatay ako.
Kaya bumabawi sila saakin ngayon.
“Dati rati ako pa ang nagpupu sa pwest mo Pami, tapos pag gutok ka na, sasabihin mo, sugod na ako sa dede.”
Dagdag naman ni tito at talagang nag effort pa siyang gawing pangbaby ang boses niya sa ‘sugod na ako sa dede’.
Ang weird ng tita at tito ko ngayon. Ano kayang sea foods ang nakain nila?
“ Hoy Pami, inunahak mo pa ako ah! Ako kaya, kailan kaya ako magkakaboyfriend?” ani naman ni Ate Wenah.
Anong inunahan? Wala pa naman akong boyfriend! Gaga talaga si ate Wenah.
“Wala na tuloy akong katulong sa paglaba.” nakangusong dugtong niya.
“Hoy! Anong pinagsasabi mo ate Wenah? Hindi pa naman ako mamamatay kaya tumigil kayo sa pag emote.” Medyo natatawa ko pang sabi.
*DING DONG
*DING DONG
HALA! BAKA SI SIR TAN NA ‘YAN!
Wataaamennn!
“Oh nandiyan na pala siga, sige papasukin ko lang ah.” sabay tayo ni tita.
Hindi na talaga makapag function ng maigi ang mga organs ko. Lahat na sila ay nanlulumo, ang lahat ng dugo ko ay tumigil sa pag-agos at ang ugat ko ay nagkabuhol-buhol na .
Maya-maya,
*LUNOK
*LUNOK
*LUNOK ULIT
SI SIR TAN NGA! NANDITO NA SIYA SA BAHAY ! Waaataaaamennn! Gira na ‘to!
“Tuloy ka ijo, feel at home. hihi” nakangiting pag anya-anya ni tita kay Sir Tan.
Tugudog.
Tita kung alam ni’yo lang, siya ang lalaking gusto na akong kunin sa pamamahay ni’yo.
Nag mano siya kay tito at umupo sa tabi ko.
Saaaaa tabi kooooooo! Waaaaa ang bango mo Sir hihi.
Biglang lumabas si Kuya Rj at namilog ng malaki ang eye balls niya nang makita si Sir Tan.
Halaaaaa! Itoooo na mga mennn!
“HOY SINO KA?” sabay turo ni’ya kay Sir Tan ng sandok na dala niya.
“Hoy gom! Umayos ka, bisita natin siya.” sigaw ni ate Ginah kay kuya Rj.
“SINONG PAKAY MO RITO HAH!” Sigaw ulit ni Kuya.
Halaaaaa! Gira na talaga ‘to!
“Si Pami.” Malamig na usal ni Sir Tan.
Paktay ang putotoy mo sir Tan, dapat nagsinungaling kana lang eh.
Ako kinakabahan sa mangyayari sa’yo e.
“ANOOOOOOOOOO! HALAAAAAA KUANA DAW DUMAN SO CHAINSAW TA PUTULON TA NA ANG LOSI KAINI.”
Trans: anoooooo! Hala kunin na ang chainsaw at putulin ang ANOOOOO!
GRABE NA TALAGA ANG KABANG NARARAMDAMAN KO! TITA TITO PIGILAN NIYO SI KUYA RJ.
“Hoy! Magluto ka sana daw duman! Ano kong leog mo ang sinsuhon ko huh?” sigaw naman ulit ni Ate Ginah.
Trans: hoy mag luto ka lang do’n , ano kong leeg mo ang e chainsaw ko huh?
Bumalik naman sa normal ang itsura ni Kuya Rj at saka bumalik sa kusina.
Amoy sunog na kasi, mukhang nasusunog na ang niluluto niya.
“Pasensya kana ijo sa bahay namin ah. Sobrang liit.”ani ni tita habang nakangiti.
Hindi ko maintindihan pero bakit parang si Kuya Rj lang ang walang alam na may darating kaming bisita? Alam na kaya nila tita na susunduin ako ni Sir Tan?
“It’s okay Mrs Montaiz.”
Hekhek. Ang galang talaga ni Sir Tan.
Nag spark tuloy ang eyeballs ko WATAAAMENN!
“Ano ka ba ijo.” Sabay hampas niya pa sa braso ni Sir Tan. “Just call me, tita, or mommy.”
Tugon ni ita habang isinasabit ni’ya ang kaunting hibla ng buhok ni’ya sa tenga niya.
“Anything you want ijo. Hihihi. Except lola and Mrs. Montaiz.” dugtong ulit ni tita.
Grabe si Tita! Napa english ang GAGA!
“Hoy mama! Huwag ka ngang mag pacute riyan!” Bulyaw ni Ate Wenah.
Halaaaa! Si Tita nag papacute kay Papa Tan? I mean Sir tan? Huhuhu.
MAS GWAPO KASI SI SIR KESA KAY TITO.
“Hihi sorry,” sabay peace sign pa ni Tita “Hoy Pami! Mag impake kana. Dapay ang ganitong kagwapong nilalang ay hindi pinag-aantay.”
“Si-sige po tita”
At tumayo ako at iniwan sila sa sala area kahit gulong-gulo na ang utak ko dahil sa asta nila.
Pumunta ako sa kwarto namin ni Gelay. Huhuhuhu! Mamimiss ko ang kwarto namin huhuhu.
Ang kwarto naming puno ng poster ng WE BARE BEARS at babaeng naka bekeni.
Char lang ang naka bekeni hihihi.
Kinuha ko ang maleta ko sa likod ng drawer at putakteeeee! Ang daming sapot at alikabok.
Ayon tuloy pumasok sa TRIANGE kong nose.
Weird pero kong sainyo BILOG ang hugis ng butas ng NOSE niyo eh ako TRAYANGULO.
Life is so unfair.
Pinalpagan ko ang maleta ko’t saka ko binuksan ang cabinet ko. Huhuhu ma miss ko ang drawer na ‘to.
Dito ko ilinagay si Gelay noong bata pa siya. Ito ang kwarto niya rati eh huhuhu. Pero ngayon hindi na siya kasya.
✔Sampong T-Shirt na puros drawing ni Ice Bear my love hihi.
✔Sampong Pajamas na may ibat-ibang drawing. Si Grizzly, Panda, Ice Bear, Tabudi, Pororo, Mickey Mouse, Garfield at Iba pa hihi.
✔Limang bra na may bulsa. Char lang sa bulsa hihi.
✔Pitong panty, na lahat ng Day ay Available. Monday to Sunday Team yey yeeeey.
Isinara ko ang cabinet ko at saka ako pumunta sa kama ko.
Mamimiss ko ang kama ko at lalong-lalo na ang unan ko na si Kitty-Kitty.
Halos kaedad ko lang ‘to mga men kaya mahal na mahal ko ‘to.
*knock*knock
Sino naman kaya ang kumatok?
“Ate?” aniya sa labas ng kwarto.
Si Gelay pala huhu. Baka iyakan ako nito wala akong nabiling pampatahan.
“ Gelay pasok ka.”
“Ate!” humahagol-gol na ani niya’t tumakbo papunta sa gawi ko.
“Oh hadaw? Napano ka? Isay nag iwal saimo ta resbakan ta?”
Trans: oh anong nangyare saiyo? Sinong umaway saiyo at reresbakan natin
“Wala po a-ate. Saan ka ate pupunta?”
Humahagol-gol parin siya.
“Umalo ka daw! Garo man kita so tigbak na biyo mo ng pighahayaan.”
Sabay batok ko sakan’ya.
Trans: Tumahan ka nga! Para naman akong patay kong iyakan mo.
“Saan ka ba kasi pupunta? Iiwan mo na ba ako at sila tita?”
“Gaga! Sasama lang ako kay Sir kasi ilalaban ako sa contest! Kailangan niya akong e review. Gano’n ‘yon.”
Hay salamat at nakapagsabi ako ng dahilan sa eneng na ‘to.
“Sure ka ate? Babalik ka ulit dito?” Nakangusong ani niya.
“Ay hindi-hindi. Kakasabi ko lang ‘di ba?” kainis naman.
“Talaga? Sure?”
“OO SURE NA SURE NA SURE NA SURE! Halika nga rito.”
At saka ko siya niyakap. Huhuhu mamiss ko rin ang tukneneng na ‘to.
“Bilisan mo na raw ate kasi naiinip na si Sir mong pogi.” tugon niya at kumalas sa yakap.
“Oh sige. Hoy Gelay! Ingatan mo si Kitty-Kitty. Huwang mo siyang pababayaan.”
“EWWWWW ANG BAHO NIYAN! HINDI KO ‘YAN AALAGAAN MAS MASAHOL PA SA KANAL ANG AMOY NIYAN ATEEEEE!”
“HOYYYYYY HINDI AKO NAGLALAWAY NO!”
“ANONG HINDI? TINGNAN MO SI KITTY MO’T MARAMI NA ANG MAPANG NAMUO. HALOS SING LAKI NA NG CHINA TEEEEE!”
“GAGA! UMALIS KANA NGA! HINDI AKO BABALIK DITO MAGDUSA KA!”
Sabay belat ko.
Tumaray naman siya bago umalis ng kwarto.
Kinuha ko ang maleta ko’t saka ako pumunta sa sala area. Naka uniform pa ako ngayon, hindi na ako magbibihis hindi pa naman siguro amoy panis ang kili-kili ko hihi.
“Tita,” malumanay na tawag ko ki tita.
Nakikipagchika kasi siya kay sir Tan. Ito talagang si tita! Masasapak ko ‘to eh.
Hihi echosssss leng nemen!
“TITAAA!” medyo malakas na tawag ko. Pero hindi parin siya tumingin sa gawi ko. Panay parin ang cheka niya kay sir Tan.
“TITAAAAA!” malakas kong tawag sakan’ya. Napatingin naman si tito, ate Wenah, Gelay, Ate Ginah, at Sir Tan sa gawi ko. Pero si tita panay talaga ang dada kay sir Tan.
“TITAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!” malakas talagang sigaw ko na halos matangal ang bubung namin sa sobrang lakas.
Umangat na nga ng kunti eh. Mabuti at hindi natuluyan. Char.
“SUSSSSSS MARIOOOOOOSEPPPPP” gigil na ani ni Tita.
Para bang storbo ako sa moment niya.
-_-
“ANONG KAILANGAN MO HAH?!”
Grabe ‘to si tita! Siya pa galit ngayon! Wow ahh.
“Ahm Excuse me Mr and Mrs Montaiz.” baling ni Sir Tan beeee.
“ Yes?” malambing na tugon ni Tita.
“Can we go now? I mean, pwede na po ba kaming umalis ni Pami?”
Oh yes! Oh yes honey beeee, my baby, my darling, ohhhhhh.
“Sige na ijo. Mag-iingat kayo.” Malumanay na wika ni tito.
“Huwag mo pong pababayaan ang ate ko Sir pogi.”
“Yes of course. I will.”
Awitttt! Kereleg si mga cell body keee.
“Let’s go.” baling niya sa ‘ kin.
“Ah hihi. Shegee.” enebe
“ TITA, TITO, ATE GENAH AT WENAH, GELAY! AALIS NA PO KAMI.” Hyper na paalam ko. Ewan ko pero, hihihi nikikilig ako eh.
“Sige ingat kayo.” si Tita
Pumunta naman akong kusina para mag paalam kay kuya Rj
“ KUY—-”
“ ANOOOOOOO!”
Grabe talaga ‘tong si kuya.
“ SIGE NA UMALIS KANA!”
Halaaaaa! Pinagtabuyan niya na ako! Huhuhu.
Bumalik ako sa sa sala at nandoon si Sir Tan. Naka poker face.
Idol nito si Lady Gaga!
Pero ako ang Lady Gaga niya hehe. Sabi kasi sa ‘kin nila Gimbe GAGA raw ako hihi.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
:-)