Mitch Villamor Pagakababa ko nakita ko agad si Lilia na naglilinis ng lamesa pero wala ito sa katinuan. Nakita ko itong nakaupo at pinupunasan ang lamesa na halos manginang na ang salamin nito. "Lilia? Okay ka lang?" Tanong ko na nagpabalik sa katinuan niya. Kita ko ang mga mata nitong mugto pa at nangingitim ang ilalim. Jusko! Natulog ba ang babaeng ito? Naisip ko baka kasalanan ko dahil sa nahirapan ito sa akin kahapon. "Hoy! Bakit ganyan ang mata mo? Natulog ka ba? Whaa!! Lilia sorry!! Dahil sa akin di kita tuloy nakatulog!! Sorry! Sorry!" Hawak ko magkabilang balikat niya at niyugyug. Para na siyang lantang gulay na di diniligan ng tubig. "Ayos lang po ako. Di naman kayo ang may kasalanan." Sabi niya at pumunta sa kusina pagbalik ay dala na niya ang pagkain ko. Bilis

