Ace Grayson "Bruggggh!! Ngh! Bruggggh!!" Umagang umaga, nakaakyat ako dito sa kwarto dahil sa narinig kong nabasag kanina, at nakita ko na lang siya na patakbuhin na tinungo ang banyo. Nakaalalay lang ako sa likod niya, habang siya ay nakaupo sa sahig ng banyo at nilalabas ang kanyang sama ng loob. "Lilia! Water, hurry!!" Mabilis na bumaba si Lilia para kumuha ng tubig. "Baby.. are you okay?" Umiling ito at nanghihina na dahil sa pagsusuka. Dumating si Lilia at ibinigay kaagad ang tubig sa kanya. He rinsed his mouth. Naghintay pa ako ng ilang minuto para mawala ang panginginig niya. "Buhatin kita pababa, masyado kang pinahirapan ng panganay natin." Walang atubiling binuhat ko siya, he still out of energy to stand on his own. Nakakapit lang ito sa leeg ko at nakasandal s

