Ace Grayson Di ko na mapigilang mailabas ang kalungkutang tinago ko ng mahabang panahon. Nailabas ko yun nang makita ko ang galit sa mata niya at umalis. Sa pag-iisip na iiwanan ulit niya ako ay di ko mapigilang isipin na mag-isa na naman akong makikipagsapalaran sa bawat umagang darating. Di ko na makakaya yun lalo na at nakita ko na siya. I know he hate me, but I'll do everything to bring him back to me. I will do everything for him. Pahirapan niya ako, saktan at bugbugin wag lang siya lumayo ulit at iwan ako. Sapat na ang apat na taon at ayaw ko nang pahabain pa iyon. "I'm sorry, please... don't leave me alone again. Di ko makakaya kapag nawala ka pa ulit." Wala na akong pakialam kung may makakita sa amin o sa akin na umiiyak kahit sabihan nila akong mahina at parang hin

