bc

My Desired Husband [Tagalog]

book_age18+
3.4K
FOLLOW
13.0K
READ
billionaire
opposites attract
pregnant
CEO
mistress
twisted
office/work place
cheating
affair
Neglected
like
intro-logo
Blurb

HUSBAND SERIES#4: FROYLAN EVANGELISTA

MATURED CONTENT / SPG R-18

“Mukhang sa mga sandaling ito ay kabilang ka na sa listahan ng mga single mother, Ycel. Pakatatag ka. Hindi ka pwedeng bumigay dahil may dalawa kang anak.” mahinang bulong niya habang papalabas sa main exit ng law firm building. “Kumpara naman na may asawa ka nga pero nagagawang gumamit ng ibang babae kapag hindi ka nakatingin.”

Nagpasyang magpakasal na sina Froylan Evangelista at Maria Ycel Flamensio matapos ang ilang taon nilang on and off na relasyon na nagsimula noong mga bata pa lang sila. Iyon ay sa pag-aakala na matatag na ang relasyon nila. Isang abogado si Froylan at kasalukuyang CEO sa law firm na pag-aari mismo ng kanilang pamilya. Samantalang si Ycel naman na galing sa middle class na pamilya ay mas piniling manatili na lang sa bahay upang alagaan ang kanilang mga supling at maging isang huwarang maybahay sa asawa. Ang buong akala nila ay doon na matatapos ang lahat, abot-kamay na nila ang pangarap noon na hanggang sa walang hanggan ay sila na. Subalit isang pagsubok ang walang abog at anunsyong dumating na tuluyang sisira sa tiwala ni Ycel na mayroon sa asawa niya. Isang pagsubok na kahit bali-baliktarin niya ang pag-iisip ay hindi niya maatim at kayang isipin na magagawa ni Froylan sa kanya.

Ang lahat nga ba ng kasalanan ay may karampatang kapatawaran?

Paano naman ang tiwalang nabasag na at nawala? Muli pa ba iyong mabuo at makuha?

chap-preview
Free preview
Prologue
Nakangiwing ikinurap-kurap ni Ycel ang kanyang mga mata sabay inat ng dalawa niyang braso. Naalimpungatan siya sa mahimbing na pagtulog nang dahil sa mainit na mga halik na naramdaman sa kanyang leeg at pababa sa kanyang dibdib. Mula iyon sa kanyang asawa na bagama't mapungay ang mga mata ay hindi nawawala ang pananbik niya sa kanyang bawat mga haplos. Nagbibigay ng kakaibang sensasyon ang mainit nitong hininga na alam niyang buhat sa kanyang kabiyak. Pamilyar ang amoy nito, at sino pa nga ba ang gagawa noon sa kanya kung hindi lang naman ito na kapag hindi napagbigyan bago matulog ay sa madaling araw bumabawi. Tumagilid na siya sa kabilang dereksyon upang itago ang kanyang mukha na hindi niya na magawang ipakita kung gaano siya nakikiliti sa patuloy nitong ginagawa. At saka ayaw niya 'ring magising ang dalawa nilang anak na mahimbing na natutulog pa sa kanilang tabi, tiyak na iiyak ang mga ito kapag nangyari iyon. Marahang hinila niya ang kumot at inayos iyon sa katawan ng kanilang mga anak na nagbigay na ng munting mga galaw. Awtomatiko na niyang tinapik-tapik ang binti ng dalawang bata. Sa kanyang isipan ay mukhang wala na naman siyang magiging ligtas sa asawa, at kailan niya nga ba ito nagawang tanggihan? Hindi pa rin doon tumigil si Froylan na bahagyang nasa ilalim pa rin ng espirito ng alak. Patuloy na nananalaytay iyon sa kanyang katawan kahit na nakatulog na siya ng ilang oras. Marahan niya pang minasahe ang dibdib ng asawang mahina nang napadaing sa kakaibang sensasyon na hatid nito sa kanyang himaymay. Kitang-kita niya kung paano na ito mapakagat ng kanyang labi doon. Doon pa lang ay alam na niya kung ano ang nararapat niyang gawin upang tuluyang bumigay sa kagustuhan niyang mangyari ang asawang, kailanman ay hindi naman siya nagawang tanggihan. Muli niyang hinalikan ang labi nito na ilang saglit pa ay pagapang ng bumaba sa kanyang nag-iinit na leeg. Ilang beses na siyang napalunok ng kanyang sariling laway nang dahil doon. Lumitaw pa sa pag-angat ng kanyang labi ang kagustuhan niyang mangyari sa kanilang pagitan. Maya-maya pa ay hindi na siya nakatiis lalo na nang maramdaman niya ang walang humpay na paghihinagpis ng kumakawala niyang pagkalalake sa loob ng kanyang damit. Maingat na kumubabaw na siya sa katawan nitong bahagyang napa-igik nang dahil sa bigat at biglaan niya na ditong pagdagan. “H-Hon?” malat ang tinig na tawag dito ni Ycel na bahagya pang hinaplos ang likod ng asawang nananatiling nasa ibabaw niya. Patuloy na gumapang ang mga halik nito sa kanyang panga na ilang sandali pa ay muli na namang humantong sa kanyang leeg. “Antok na antok pa ako. Teka, a-anong oras na ba?” kunwaring pupungas-pungas na niyang lingon sa mukha ng asawa niya. “Alas-kwatro na, Hon...” ungol na bulong at tugon ni Froylan sa kanya, nagawa na nitong tanggalin ang kanyang suot na pang-itaas na damit at ang tanging natitira na lang ay ang kanyang boxer na pantulog. “Handang-handa na ako kung kaya naman ay wala ka ng magagawa kung hindi ang pagbigyan ako.” dugtong nitong bumaba ang labi sa kanyang dibdib na gising na ng mga sandaling iyon. Ilang gabi na silang walang pagniniig na nagaganap dahil madalas na late na siya nakakauwi, minsan pa nga ay sa opisina niya na siya nagpapalipas ng magdamag dahil sa baha ng kanilang trabaho. Dahil sa in-demand nilang law firm ay pandalas ang buhos doon ng kanilang mga client na hindi man nila hilingin ay kusang dumadagsa dala ng kanilang mataas na reputasyon. Kilalang-kilala ang kanilang kumpanya, at wala siyang magawa doon kung hindi ang mag-overtime kahit na siya ang CEO. Minsan pa nga ay siya ang nagpre-presenta sa client, lalo na sa mga kakilala niya na hindi niya magawang tanggihan bilang isa rin siyang magaling na abogado. “F-Froylan...” paanas na tawag ni Ycel sa kanyang pangalan na tila nahihirapan na siya doong magpigil pa. Kusang gumalaw ang mapangahas na mga palad ni Froylan na nagtungo na sa pagitan ng mga hita ng kanyang asawa na naging dahilan upang tumaas na ang lahat ng balahibo sa kanyang katawan. Wala pa rin itong kupas, nagagawa pa rin nitong buhayin ang natutulog na pagnanasa ni Ycel sa katawan. Walang pakundangan na niyang ipinasok doon ang kanyang palad at ilang beses na niyang marahang minasahe at hinaplos ang p********e nitong mabilis na naglabas ng likido. Napaliyad-liyad pa ito doon. “I want you now, Hon...” saad ni Froylan na puno ng pakiusap, “Pwede ba iyon, ha?” Isinubsob na niya ang mukha sa dibdib ni Ycel kaya mahina itong napadaing doon, sensual at masuyo niyang hinalikan ang tuktok na bahagi noon habang ang isa naman ay marahan niyang minamasahe ng kanyang libreng palad. Agaran ang naging pagpungay ng mga mata ni Ycel na nakatunghay na ngayon sa kanya na punong-puno ng pagmamahal ang kanyang mga mata. Sa puntong iyon ay nagawa ng buhayin ni Froylan ang nagngangalit na init na dumadaloy ngayon sa bawat himaymay ng kanyang katawan. “Makakatanggi pa ba ako sa'yo kung natanggal mo na ngayon ang lahat ng saplot mo?” pilyong tugon ni Ycel na hinila na ang tali ng robe na kanyang suot. Nakangisi ng bumangon doon si Froylan na naging dahilan upang masilayan ni Ycel ang pagkalalake nitong buhay na buhay na at mataman ng naghihintay sa kanyang lagusan upang ito ay kanyang pagbuksan, at tuluyang papasukin doon. “Bumangon ka na diyan, bilis!” may pagmamadali sa tono ng tinig ni Ycel na tuluyan nang nahubad ang saplot sa kanyang katawan. Nakangisi nang marahang bumangon doon si Froylan. Inayos niyang muli ang kumot ng kanilang dalawang anak na himbing na himbing pa rin sa kanilang pagtulog. Maingat na bumaba ng kama si Ycel, iniingatang makagawa ng kahit na kaunting ingay sa loob ng silid na siyang makakapukaw sa mga anak na wala doong kamalay-malay sa makamundong gawain ng kanilang mga magulang. “Hon, ano ba? Ibaba mo ako!” impit na hagikhik ni Ycel nang buhatin na siya ni Froylan at walang imik na isampay sa kanyang balikat, ngunit mabilis na tinakpan na ang kanyang bibig upang hindi na kumawala doon ang kanyang lumalakas na mga irit. “Walang dapat na masayang na mga minuto!” pilyong tugon ni Froylan na mabagal ng humakbang palabas ng kanilang silid, maingat niyang binuksan ang pintuan at muli iyong inilapat matapos na sulyapan ang natutulog pa rin nila doong mga anak. “Hon, sandali naman at baka mauntog ako.” natatawang reklamo ni Ycel nang ibaba na siya nito sa sahig ng kabilang silid, at pabalyang isandal ang kanyang katawan sa likod ng dahon ng pintuan na akala mo ay hindi siya nakakaramdam ng sakit doon. Malawak na ngumisi lang si Froylan bilang tugon sa kanya at ilang sandali pa ay muli na namang hinalikan ang kanyang leeg pababa sa kanyang dibdib. Hindi na itinago ni Ycel ang kiliting kanyang nararamdaman ng mga sandaling iyon. At wala na siyang nagawa dito kung hindi ang mahinang dumaing habang marahan niyang minamasahe ang ulo ni Froylan. Pababa pa nang pababa ang labi nito sa kanyang katawan. Patuloy nitong pinagsasawa ang kanyang mainit na labi sa kanyang balat na patuloy pa doong nagbaga. “Hon...” mahina niyang daing na muling ipinikit ang kanyang mga mata matapos na kulang na lang ay tumirik doon. Nakarating na sa kanyang tiyan ang labi ni Froylan na mas naging mapangahas pa. “May one hour pa ako bago pumasok sa aking opisina, Hon, kaya naman lulubus-lubusin natin iyon.” paanas na sambit nito na agad na pinaghiwalay ang magkadikit niyang mga hita. Ilang saglit pa siya nitong tiningala habang ang mga mata ay kumikinang sa labis na pagnanasa. “Ano? Simulan ko na ba, ha?” may kapilyuhan pa rin ang naglalaro nitong ngiti sa kanyang labi. Mahinang tumawa lang si Ycel. Nauwi ang kanyang mga halakhak sa mahinang mga daing nang isubsob na ni Froylan ang kanyang mukha sa kanyang p********e na hindi niya inaashan na gagawin nito. Halos matumba pa si Ycel sa kanyang pagkakatayo nang maramdaman ang hindi maipaliwanag na pakiramdam habang patuloy na ginagawa niya ang bagay na iyon sa kanya. Mabuti na lang at nagawang yakapin ni Froylan ang kanyang katawan dahil kung hindi ay kanina pa siya doon bumagsak sa labis na panghihina. Lalong lumakas ang mga daing ni Ycel na pumuno sa tahimik na silid, patunay na kapwa lunod na sila sa makamundong gawain. At ilang sandali pa ay binuhat na ni Froylan ang kanyang katawan pasandal sa pader. Maliit niyang binuksan ang pintuan ng nasabing silid para kung magising ang isa sa kanilang anak ay marinig nilang mag-asawa ang iyak. Ilang sandali pa ay itinutok na ni Froylan ang kanyang pagkalalake sa pagbabae niyang basang-basa na ng mga sandaling iyon. Itinaas pa nito ang isang binti ni Ycel upang iyakap iyon sa kanyang beywang. Walang kahirap-hirap na niyang itinulos ang kanyang pag-aari papasok sa lagusan ng kanyang asawa na handang-handa na rin sa kanilang gagawing pagniniig.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

His Obsession

read
75.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.4K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook