Tubig

1063 Words
Chapter 13 Maligayang pagdating senyorito.... Bakit parang ilag at takot ang mga tao sa bagong dating? Kung tutuusin nga nakakaawa siya sa kalagayan niya.... sabi ko sa sarili ko. Ang donya Anttonieta biglang nag-iba ang tabas ng mukha.... parang nawala ang bigata na dinadala pagkakita sa kaawa-awang kalagayan ng lalaki. Naaawa ako pero bakit wala akong makitang kalungkutan sa mga mata niya maliban sa poot at..... Tama ba ang nakikita ko? paghihiganti..... Ipinilig ko ang ulo ko. Bakit kung ano-ano na lang ang nakikita at napapansin ko? siguro dahil sa kapapanood ko na ng mga drama. Lumapit ang pamilya sa bagong dating at kinumusta ito. Tipid kong sumagot ang bagong dating. At bakit ang dami niyang mga kasama? Mga tauhan din ba niya ang mga ito? At puro mga armado. Kaya pala parang may tensiyon ang buong hacienda. Anyway let's go to the dining table and let's eat.... boses ng donya. Sumunod kami sa dining hall upang pagsilbihan sila. Grabe ang simpleng hapunan para sa pamilyang to aba eh buong barangay na ang kakain nito sa amin. Maingat namin silang pinagsisilbihan. Kumusta ka anak....? dinig kong tanong ng ama sa anak. Napakatahimik ng lahat at parang ayaw basagin ang katahimikan. I'm still alive after you sent me as an hostage to your enemy and later giving me to your distant relative.... tipid na sagot ng bagong dating. Ang apat na kapatid niyang lalaki ay tahimik lang pagkatapos siyang kumustahin kanina. Ni hindi man lang nag tanong ang Don kung anong nangyari sa anak niya. O baka naman inborn na siya.... pero sa pagkakaalam ko base sa kwento ni lola Caridad wala siyang nabanggit na lumpo ang ikaapat na anak ng Don. Samantalang ang bruhang si Czarina ay tudo ang pagpapapansin sa kapatid. Napataas tuloy ako ng kilay. What happen to your legs? tanong ni Ethan sa kapatid. I have a car accident while I'm dealing with my enemies that's the reason..... sagot niya habang nakatuon ang pansin sa pagkain. Tumango si Ethan at muling natahimik ang lahat. Ahhhh Delta try this dish..... it's good for you health hijo..... sabad ng Donya. Tipid siyang tumango at kumuha ng inabot na pagkain. Tasia pakisuyo palagay ng tubig sa mga baso nila. Wika ni lola Caridad. Agad akong sumunod at sinalinan ng tubig ang mga baso nila. Pagdating kay Ethan pa simple niyang kinalabit ang binti ko. Napailing na lang ako. Kay bruhang Czarina kung pwede lang akong masunog sa klase ng nagbabaga niyang mga tingin kanina pa siguro ako natusta. Medyo naalangan ako pagdating sa bagong dating ano na nga bang pangalan niya? Delta ba yon... ? oo Delta nga ata. Naiilang talaga ako sa kanya. Nagtama ang mga mata naming dalawa. Matiim at malalim ang mga titig niya. Medyo napayuko ako. Papalapit na ako sa kinauupuan niya dala-dala ang babasaging pitsel ng matisod ako sa paa ng kung sino. Hindi ko sinasadyang matapunan ng tubig ang senyorito. Kung hindi siya naging maagap ay baka sumubsob ako sa sahig mabuti at nasalo ako ng kamay niya. Tasia... ! sabay-sabay na napatayo ang apat na senyorito. Ramdam ko ang lakas niya kahit pa hindi siya makatayo. P-pasensiya na po senyorito hindi ko po sinasadya! mabilis akong lumayo sa kanya at inilapag pansamantala ang pitsel ng tubig. Ramdam ko ang bigat sa paligid. Natataranta ako kung papaano ko tutuyuin ang basang damit niya. Bakit ata mas lalo siyang naging hot sa paningin ko ng mabasa siya ng tubig. Bumakat ang hulma ng maganda niyang katawan mula sa malapad na balikat pababa sa matigas niyang dibdib pababa pa sa flat niyang tiyan sigurado ako baka may nakatagong pandesal ay! Malandi ka Tasia! may Ethan ka na! sigaw ng utak ko dahilan para magising ako sa katotohanan. Stupid just like before..... umikot pa ang mga mata ni senyorita Czarina. S-sorry po kasalanan ko.... Don't touch him b***h! sigaw ni Czarina. Ano bang nagawa ko bakit ba ang tanga-tanga ko! Tinignan lang niya ako ng walang emosyon. Delta let me dry your clothes.... presinta ni senyorita Czarina pero itinaas lang niya ang kamay bilang pagtanggi. Tasia sige na sa kusina ka muna..... sabi ni lola Caridad. Tasia just go in the kitchen.... wika ni Ethan. Wala akong nagawa kundi sumunod.Sa susunod sa kusina na lang ako at mahuhugas ng mga hugasin. Agad akong uminom ng tubig pagdating ko ng kusina. Grabe ang kabang nararamdaman ko. Ito na naman ang pangamba ko na baka tanggalin ako sa trabaho ko. Huwag po sana. Itinuon ko na lang ang pansin sa mga hugasin. Tasia.... are you okay? Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses. I-ikaw pala senyorito Mavy.... o-opo ayos lang po ako.... sagot ko at pinilit ngumiti. Don't worry Tasia were here for you... huwag mo ng isipin ang nangyari okay? ngumiti siya sa akin. Tumango ako sa kanya. Okay balik na ako doon I just want to see if your okay... sabi niya bago ako iniwan. Buti na nalang talaga at mababait ang magkakapatid. Sana ganon din ang bagong dating. Huwag sanang maging katulad ng kapatid nilang babae. Delta Moticillo... bumalik ka pa talaga.... Sana nanatili ka na lang kung saan ka nanggaling.... hindi ka nababagay sa lugar na ito.... pero kahit gaano ka pa kalakas at makapangyarihan wala ka ng kakayahang makipagkompentinsiya sa mga anak ko..... Sisiguraduhin kong wala sa mga anak ni Carmen ang magmamana sa kapanyarihan ng mga Monticillo. Carmen bwesit ka.... kahit sa ka bilang buhay ay ayaw mo akong patahimikin! Huwag mo ng masyado pang intindihin at isipin ang nangyari kanina Tasia hindi mo naman sinasadya ang lahat.... wika ni lola Caridad. Oo nga naman Tasia..... wala namang may gusto ng nangyari... sabi ni Manang Flor. Pero kasi nakakahiya..... sobrang tanga ko kasi..... Hayaan mo na yon Tasia..... pero paano ka ba muntik madapa? tanong ni Theang. Hindi ko alam basta napatid ako ng kung ano... O siya matulog na tayo at maaga nanaman tayo bukas.... sabi ni lola. Pupunta pa kayo ni Theang sa pamantasan bukas kaya magpahinga na tayo. Oo nga pala bukas na ang enrollment. Buti na lang at napakiusapan ko si Ciena na ipadala ang mga records ko sa dati kong unibersidad. Bukas ay mag-ernrol na kami. Nakapag-isip din ang kaibigan kong bumalik ng pag-aaral at least may kasama na ako. Sa gabing to hirap nanaman akong dalawin ng antok. Iniisip ko ang nangyari kanina. Hay bakit ba kasi ang tanga mo Tasia!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD