Chapter 15
Ikaw na ang pumunta Rochelle ikaw naman ang inuutusang pumunta sa senyorito....
Teka bakit ako kung gusto mo ikaw na..
Hoy ikaw Tasia..... kumunot ang noo ko ng tawagin ako ni Rochelle.
B-bakit....? tanong ko sa kanila.
Dalhin mo ang pagkain ni senyorito Delta sa loob ng kuwarto niya.
Teka bakit ba takot na takot ang mga tao sa senyorito? tanong ko sa sarili ko.
Dahil ba sa kumakalat na balita?
Hindi naman siguro siya nangagain O pumapatay ng tao ng walang mabigat na dahilan hmmmp ako na nga!
S-sige.... pero kailangan ko muna ng ihatid ang mga damit na to sa kwarto ni senyorito Axel....
Ako na ang magdadala niyan.... dalhin mo na ang pagkain nhlg senyorito.... ani Rochelle.
Hindi ko na napansin ang lihim niyang ngiti na mukhang nagbabadya ng hindi maganda.
Kinuha ko ang hapunan nito ang tinungo ang kanyang silid.
Kanina lang ang tapang mo Tasia ngayon parang nangangatog na ang tuhod ko....
Ano ba tong napasok ko....
Hinga muna ng malalim Tasia.... kaya mo yan!
Kumatok ako sa pinto pero walang sumasagot mula sa loob.
Hmmmp bahala na.... di ako pwedeng umalis ng di nabibigay ang pagkain niya...
Pinihit ko ang seradura at mukhang di naman nakalock.
S-senyorito narito na po ang....
Huh....? teka nasaan ang senyorito...? Inilapag ko ang pagkain sa ibabaw ng lamesa.
Naririnig ko ang lagaslas ng tubig mula sa banyo.
T-teka.... p-paanong.... hinanap ng mga mata ko ang wheelchair niya.
Nasa tabi naman... pero imposible...
Lumingon ako sa banyo.
May hinalang namuo sa dibdib ko. Hindi ako sigurado baka naman wala dito ang senyorito at may ibang nakigamit ng banyo niya.
Hindi.... wag kang makialam sa usapin ng pamilya nila Tasia.... katulong ka dito tama aalis na ako...!
Maglalakad na sana ako papunta sa pinto ng lumabas mula sa banyo ang senyorito.Nakatapi lang ng tuwalya at tumutulo pa ang tubig mula sa katawan niya.
Totoo nga ang hinala ko nakakaakit ang ang tanawing nakikita ko.Nakasarap sumandal sa matipuno niyang dibdib.
Napalunok ako at pinagpapawisan ng malapot.
Normal na akong nakakakita ng hubad na katawan ng lalaki dahil madalas maligo sa swimming pool ang magkakapatid. Pero naiiba ang kay senyorito Delta. Hindi ko alam kung bakit.Pero mas apektado ako sa natuklasan ko.
Namilog ang mga mata ko sa nakikita nito ngayon.
Ang mga paa ko hindi ko maigalaw.
Diretso siyang nakatingin sa mga mata ko.
Galit ang nakikita ko at totoong nakaramdam ako ng takot.
You... ! Hindi ko namalayan ang paglapit niya sa kinatatayuan ko.
Hinawakan niya ng mahigpit ang leeg ko at talagang nasasakal ako sa higpit ng pagkakahawak niya.
S-senyorito...... Hawak ko ang mga kamay niyang nakapulupot sa leeg ko.
You discovered my secret.... and you what happened to you after you saw me....?
P-pasensiya n-na po s-senyorito.... h-hindi ko po s-sinasadya.....!
No one dares to enter my room without my permission but you... !
Do you want to die...?
H-hindi po... p-pakiusap.... w-wala po a-akong p-pagsabihan..... pangako s-senyorito!
If you dare to tell what you see inside my room I swear I will kill you!
Ahhh....! napaupo ako sa sahig ng pakawalan niya ako. Nanginginig ako at hinahabol ang paghinga ko.
Get out.....! get out....!
Nagmamadali akong lumabas ng Kenyan silid.
Huh....! nagulat ako ng hilahin ako ni Ethan at biglang yakapin.
E-Ethan.....! agad akong yumakap sa kanya.
Hey what happen...? bakit namumutla ka...? tanong niya sa akin.
If you tell what you saw I will kill you by myself....
Naalala ko ang mga sinabi niya.
W-wala... n-nagulat lang ako....
Natakot ba kita? I'm sorry I just wanna surprise you....
A-ayos lang ako.....
Bigla niya akong binitiwan ng marinig ang boses ni senyorita Czarina.
Ethan.....?
Agad kong inayos ang sarili ko.
What are you doing there? tanong niya at nakataas pa ang kilay habang tinatanong ang kapatid.
Nothing I just asked Tasia to clean my room.
You can go now Tasia....
Maiwan ko na po kayo senyorito, sentorita....
Ethan napapansin kong masyado kayong attached sa babaeng yon? baka nakakalimutan niyo na isa siyang mababang uri ng babae? She was a golddigger who wants to get in into this family.
Czarina watch your words Tasia is different at wala siyang ginagawang masama.
Ethan umiwas ka sa babaeng yon....ilang araw na lang at iaanounce na ang enggagement mo with Ara.
I don't wanna talk about this can just leave....
Ethan I'm just....
I said leave....!
Agad akong nagtungo sa kusina para uminom ng tubig.
Medyo nabawasan ang nararamdaman kong takot.
Tasia..... namumutla ka nanamang bata ka...?
Huh.... k-kayo pala l-lola!
Ano bang nangyayari sa'yong bata ka?
W-wala po la.... ayoko ng magkwento ng tungkol sa nangyari sa kahit na sino.
Pero maliban sa natuklasan ko tungkol kay senyorito Delta na ngayon ay hindi ko alam kung paano ko pa pakikiharapan ay may paparating palang mas malaking unos.
Ito yong pinakahihintay kong araw ang off ko....
Dahil hindi na safe sa hacienda ay lumalabas ako at nakikipagkita kay Ethan sa labas.
Napangiti ako ng makita ang pamilyar niyang kotse na tumigil sa harap ko.
Agad akong sumakay sa loob.
Excited ako at iniisip kung saan kami ngayon mamasyal na magkasama.
Pero nagtataka ako sa ikinikilos niya ngayon.
Masyado siyang tahimik pero hawak niya ng mahigpit ang kamay ko.
M-may problema ba? basag ko sa katahimikan.
N-nothing.... today we will do everything... Gawin natin ang mga bagay na hindi pa natin nagagawa....
Tumango ako. Alam kong may kakaiba sa kanya pero hindi ko na lang pinansin.
Kumain kami sa labas, namasyal sa park na magkahawak-kamay.
Sumakay sa mga rides at kung anu-ano pa.
E-Ethan..... medyo nakaramdam ako ng kaba ng pumasok kami sa isang hotel.
Sinimulan niya akong halikan sa labi habang ang mga kamay niya ay humahaplos na sa buong katawan ko.
Nagiging aggressive na siya.... dati ay hanggang halik lang ang kaya kong ibigay pero iba ngayon. Nakararamdam ako ng kaba at takot.
I love you Tasia....
H-hindi pa ako handa.... paano kung....
Ayaw mo ba....? hindi kita pipilitin.... sagot niya habang kinakagat ang tenga ko.
H-huwag muna ngayon.... bahagya ko siyang itinulak palayo.
I understand just give me sometime.... tumayo siya at tinungo ang banyo.
Hindi naman ako tanga para hindi alam kung ano ang gagawin niya sa loob.
Nagpapasalamat pa rin ako dahil nirespeto niya ang desisyon ko.
Wala akong kamalay-malay na ito na ang huling araw na magkakasama kaming dalawa.