“REALITY LIES” EPISODE 13. ◆General's POV.◆ Sa loob ng ilang linggong pagkawala ni Pauleen ay halos mabaliw na ang pamilya Evans sa pag-aalala dito. Gusto nilang malaman ang lagay ni Pauleen pero hindi na muling tumawag pa ang kidnapper. "Ano Paul? Wala ka manlang bang gagawin ha? Ilang linggo ng hawak ng kidnapper na yun ang apo ko! Nakakasiguro ka pa bang buhay siya kung wala ka manlang ginagawa para tulungan siya?!!." Galit na kausap ni Lucio sa anak niyang si Paul. "Pa, I've already hired a private investigator to find my daughter." Kalmadong saad naman ni Paul. "Private investigator won't be enough, Paul! Let all your men work!." Kontrang saad naman ng ama niya. "If you won't, then I'll do it!." Dagdag pa nito saka siya iniwan. Napabuntong hininga nalang din naman si Paul dahi

