“REALITY LIES” EPISODE 14. ◆General's POV.◆ Kasalukuyang nasa opisina niya sa kanilang bahay si Paul. Hindi pa rin siya mapakali dahil sa nangyari sa anak niya. “Ano? May magandang balita na ba kayo sa paghahanap sa anak ko?.” Tanong ni Paul sa secret agent na tumatayong leader ng grupong inutusan niya. Kausap niya ito sa phone. “Pasensya na po kayo sir pero negative pa rin po hanggang ngayon. Pero asahan niyo pong ginagawa namin ang lahat para makahanap ng kahit na katiting na lead na makakapagturo samin sa maaaring kinaroroonan ni Doc. Pauleen.” Sagot naman nito sa kanya. Napabuntong-hininga naman si Paul sa sagot nito. “Sige. Basta kapag may nahanap kayo, update niyo agad ako.” Malungkot na saad naman ni Paul. “Yes, sir.” Sagot pa nito kaya binaba na ni Paul ang tawag. Napahawak

