“REALITY LIES” EPISODE 15. ◆General's POV.◆ Habang tumatagal si Pauleen sa pamamalagi kina RJ ay lumalalim naman ang nararamdaman niya para dito. Hindi niya paman lubusang maamin sa sarili niya ay iba naman ang pinapakita ng mga kilos niya. Mabilis uminit ang ulo niya kapag nakikitang may naglalandi dito. Sinusupladahan niya din si RJ sa tuwing nakikipag-usap ito kay Sabrina. Nagugustuhan niya na din ang isiping mag-asawa sila ni RJ kahit sa salita lang. (Tok! Tok! Tok!) Agad na binuksan ni Pauleen ang pintuan ng may kumatok dito. Kasalukuyan siyang nasa sala at nanonood. "Ano pong kailangan nila?." Magalang na tanong ni Pauleen sa napagbuksan. Hindi naman agad nakapagsalita ang napagbuksan niya at napatitig lang sa kanya. "Ang ganda mo." Tila wala sa sariling saad pa nang napagbuks

