EPISODE 7.

4512 Words
“REALITY LIES” EPISODE 7. ◆General's POV.◆ Kinabukasan, matamlay na bumangon si Pauleen at bumaba para mag-breakfast. Hindi pa rin maalis sa isip niya ang tungkol sa napag-usapan nila ng pamilya niya. "Oh? What's with the long face, besh? Ang aga-aga namang busangot niyan." Pansin ni Cheska sa kanya na kasalukuyang naglalagay ng rice, hotdog, egg and ham sa mesa. Nagtimpla na din ito ng gatas para sa kanila. Sila-sila lang kasi ang nag-aasikaso para sa kanilang pagkain. Ang mayroon lang sila ay ang kanilang pinagkakatiwalaan na si Aling Amor na siyang nagpapalaundry ng kanilang mga damit. Tatlong beses sa isang linggo lang ito napunta sa kanila para sa trabaho nito pero minsan ay nabisita naman ito sa kanila at pinagluluto din sila. Ito kasi ang tumatayong Nanay sa kanila. "Hoy! Okay ka lang ba?." Tanong pa ulit ni Cheska nang hindi magsalita si Pauleen na naupo lang sa harap ng mesa with a sulky face. "Hmm-hmmm." Tamad na tangong sagot nalang ni Pauleen dito. "Hay naku! Oh! Inumin mo na nga lang tong gatas mo. Baka sakaling maging active na yang utak mo dyan." Sabay lapag ni Cheska ng gatas sa harap ni Pauleen. "Oh? Anyare dyan?." Takang tanong naman ng bumabang si Dianne saka umupo sa harap ni Pauleen. Cheska just shrugged her shoulder as a response. Hanggang sa nag-umpisa na nga silang kumain. All throughout their breakfast ay kapansin-pansin ang katamlayan ni Pauleen. "Besh? Ano ba talagang problema mo? May nangyari ba? Ni hindi mo manlang halos nagalaw ang pagkain mo oh." Hindi na napigilan ni Dianne ang pag-aalala sa kaibigan. Napabuntong hininga naman si Pauleen nang maalala ang napag-usapan nila ng family niya over dinner. "Wala to beshies. Naiinis lang ako. Ni wala manlang kasing "hi o hello" akong natanggap galing kay Ken eh." Naisip niyang hindi na muna sabihin sa mga ito ang tungkol sa sinabi ng dad at grandpa niya kaya ginawa niyang dahilan ang nobyo, though may konting katotohanan din ito. "Ai naku! Akala ko naman ano na!." Saad naman ni Cheska. "Umamin ka nga besh. Sinuko mo na ba ang bataan sa kanya?." Dagdag pa ni Cheska and cross her arms. Si Pauleen na wala pa rin sa sarili ay tumango naman bilang sagot dahilan para manlaki ang mga mata nina Cheska at Dianne. "WHAATT??!!." Gulat na napasigaw pa si Cheska na siyang kinagulat din ni Pauleen. "Seryoso ka ba, besh?." Hindi makapaniwalang tanong naman ni Dianne na dumukwang pa kay Pauleen. "Anong what? Makasigaw ka naman besh!." Takip pa ni Pauleen sa tenga niya. "Kailan??? Saan??? Paano???." Sunod-sunod pang tanong ni Cheska. Takang napatitig naman si Pauleen sa kanya. "Ano? Anong mga tanong naman yan?." Naguguluhan at clueless pa ring tanong ni Pauleen. "Arrgghh!." Naiinis na si Cheska dahil sa hindi nila makausap ng maayos ang kaibigan. "Kailan mo sinuko ang BATAAN mo??!! Saan?! At paano?!." Tila hysterical niya pang tanong, giving emphasize to the word. "WHAATT??!!." This time, si Pauleen naman ang nagulat na napatayo pa. "Anong pinagsasabi mo dyan?! Wala pang nangyayaring ganun noh! Umayos ka nga besh!." Nag-pigil naman si Cheska na batukan ang kaibigan dahil sa naging sagot nito. "Umamin ka na kanina tapos ngayon binabawi mo? Seryoso besh, nakakainis ka na ah!." Inis ng saad ni Cheska sa kaibigan. "Hay naku! Umupo na nga muna kayo. At please lang huminahon kayo para makapag-usap tayo ng maayos." Singit naman ni Dianne. Umupo na rin ang dalawa pagkatapos siyang bigyan ng tingin. "Sorry beshies. Hindi ko alam kung anuman yung nasabi ko kanina.. but I swear, wala pa talagang nangyayari samin!." Maya-maya'y salita na ni Pauleen na tinaas pa ang kanang kamay niya. "Fine! But tell us what's the real problem! Hep! No excuses!." Saad na ni Cheska na seryoso na ang mukha. There's no room for scaping kaya wala ng choice si Pauleen kundi ang sabihin ang totoo niyang problema. Kinwento niya sa dalawa ang napag-usapan nila ng pamilya niya, simula sa una hanggang sa huli. "Hmmm.. eh ano pa bang pumipigil sayo besh? As what I can see it, kapakanan mo lang din ang iniisip nila Tito." Komento na ni Dianne pagkatapos niyang magkwento. "You knew why, besh." Ikling sagot naman ni Pauleen. "Ang kuya mo na naman. Wag mo na kasing isipin yun besh. Isipin mo rin naman ang sarili mo. At wag mo na rin kaming alalahanin dahil okay lang naman samin. Babalik ka pa din naman dito eh." Saad pa ni Cheska. Naisip na din naman ni Pauleen na pumayag sa gusto ng pamilya niya dahil baka madamay pa ang mga kaibigan niya kung sakali. "Hmmm.. I still have a week to think about it, besh. Pag-iisipan ko na muna ng mabuti." Saad na lang ni Pauleen na tinanguan naman ng dalawa bilang pag-iintindi. "Nga pala, bakit wala si besh Ana?." Takang tanong pa ni Pauleen nang mapansing hindi nila ito kasama. "Hmmm.. Saan pa nga ba, as always besh." Sagot lang din naman ni Dianne. Madalas naman kasing mangyari ang ganito kaya sanay na sila. "Saan na naman siya this time?." Tanong ni Pauleen. "Sa Pampanga. Actually, kahapon pa sila pumunta dun. Gabi ka na rin kasi nakauwi kaya hindi mo napansing wala na siya dito kagabi pa." Sagot naman ni Cheska. "Hmmmm..." Tatango-tangong tugon naman ni Pauleen sa kaibigan. Hanggang sa nag-ayos na sila para umalis at pumunta sa kani-kanilang trabaho. ----- Maaga palang ay nagpaalam na si RJ sa mga bata na may pupuntahan siyang importante. Pumayag naman ang mga ito pagkatapos nilang magtanong at mangulit. "Alis na ako, pare. Bukas makalawa na ang balik ko kaya ikaw na muna ang bahala sa mga bata. Siguraduhin mo lang na walang masamang mangyayari sa kanila habang wala ako kundi lagot ka sakin." Bilin at banta pa ni RJ sa inaantok na si Joe. "Pare, eeehhh!! Sama mo nalang kasi ako. Saan ka ba kasi pupunta?." Parang batang maktol naman ni Joe. "Umayos ka nga! May kailangan lang akong kausapin kaya wag ka ng sumama." Sagot naman ni RJ. "Eh bakit sa makalawa ka pa babalik? Ang tagal naman ng pag-uusap na yan." Kulit na tanong pa ni Joe. "Ang dami mong tanong! Sige na, alis na ako." Sa halip ay sagot lang ni RJ at umalis na rin. Hindi niya nalang din pinansin ang patuloy na pagmamaktol ni Joe. Nakasuot siya ng simpleng puting t-shirt, itim na pantalon, itim na rubber shoes at nakasumbrero. May dala din siyang itim na may kalakihang bag na ang laman ay naka reassemble na baril na palihim niyang inilabas ng bahay para hindi makita ni Joe at ng mga bata. Pagdating niya ng terminal ay sumakay na siya ng bus. At makalipas lang ang ilang oras na biyahe ay nakarating na rin siya sa terminal ng Pampanga. Kinuha niya ang cellphone niya at may tinawagan. Pagkatapos ng ilang ring ay may sumagot agad nito. "Nandito na ako." Saad niya pa sa kabilang linya. ..... "Good. Ikaw ng bahala sa bag. Gaya ng napag-usapan.. pagsapit ng alas-otso, nasa rooftop na ako." Saad niya pa dito. ..... "Okay, salamat." Huling saad niya pa saka tumingin-tingin sa paligid. Pumasok siya sa nakitang eskinita at iniwan ang bag sa may malaking box ng basurahan. Pagkatapos ay naghanap siya ng Mall at bumili ng mga desenting damit at nagbihis na rin bago sumakay ng taxi papuntang La Miara Hotel. "Reservation for Christian Evarra." Agad na saad ni RJ sa babaeng receptionist. Fake name ang ginagamit niya sa ganitong sitwasyon. "Wait a minute, sir." Sagot naman nito saka may kinalikot sa computer. "Room 606, sir." Dagdag pa ng babae at binigyan na siya ng susi. "Salamat." Saad niya pa at ngumiti ng konti. Namula naman ang receptionist sa ginawa niya. Hindi kasi maipagkakailang gwapo siyang tingnan sa suot niyang stripe button down shirt, black fitted jeans at black formal shoes. Nakasuot din siya ng binili niyang sumbrero na nakadagdag ng apeal niya. Bitbit ang mga pinamili niya ay sumakay na siya ng elevator papunta sa kanyang designated room. Pagdating niya sa kwarto ay mabilis niyang nilagay ang mga pinamili niya sa kama at tinanggal ang sapatos niya. Kinuha niya mula rito ang isang maliit na bagay na ginagamit niya sa pagbutas ng mga glass window or glass wall. Kinuha niya rin sa isa sa mga bitbit niya ang binili niyang telescope. Pagkatapos ay lumabas siya ng veranda at tiningnan mula dito ang mga nakapaligid. Sa harap niya na ilang metro lang ang layo ay kita niya ang malaking signage ng "Narazo Hotel". "Tamang-tama." Saad niya pa at napa-smirk. Tiningnan niya pa ang mga taong nakapaligid gamit ang telescope. Napangisi din siya nang mapansin ang mga kahina-hinalang tao, mga pulis. ----- "Roger eagle. Roger eagle. Kumusta diyan sa mga location niyo?." Tanong ni Ana sa apat niyang kasamahan gamit ang earpiece na nakatago sa collar at buhok niyang nakalugay. Ilang oras na rin silang nagmamatiyag. Sina Daniel, Ben, Chito at Allan ay tig-iisang nakapwesto sa mga kalapit na building na maaaring pag-pwestuhan ng hitman at si Ana naman ay nasa labas ng Narazo Hotel kasama ng iba pang pulis. "Negative." Ben. "Negative." Chito. "Negative." Daniel. "Allan? Allan, over? Roger, Allan? Allan, over?." Nag-umpisa ng mag-alala si Ana nang hindi pa rin sumasagot si Allan sa pagtawag niya dito. "Chito? Malapit ka ba sa location ni Allan? Go and che-----" "Eagle, over. Allan reporting.. negative." Napatigil naman si Ana nang marinig na niyang magsalita si Allan. "Allan, where have you been?! Bakit ang tagal mong sumagot?!." Tanong ni Ana na nakahawak sa earpiece at nakakunot ang noo. "Sorry, ma'am. May binili lang ako, kakalabas ko lang ng store." Sagot naman ni Allan. "Okay. Just don't forget to stick on your position. Kapag may kahina-hinalang tao, sundan niyo. Mag ikot-ikot din kayo sa paligid." Kalmadong saad na ni Ana sa apat. Sa kanya kasi pinaubaya ni Mark ang operasyon kaya siya ang naglelead dito. "Yes, ma'am." Sagot naman ng apat. "Lion, roger.. report. How's your location?." Sunod niya namang tanong sa iba pang kasamahan niyang mga pulis din. Dalawang tao sa mga ito ang nagbabantay sa bawat persona na nasa kanilang listahan. "Lion, over.. negative. Nandito pa rin kami sa restaurant at kumakain lang si Mr. Hanz Kubar ng mag-isa. Wala din siyang dalang bag na maaaring pag-suspetsahan na may lamang bomba." "Lion, reporting. Nag-uusap lang sina Mr. Rolly Chan at Mr. Vinz Hamson. Wala pa akong naririnig na pinag-uusapan nila ang mga baril, purely lifestyle." "Negative, reporting. Wala ding kahina-hinala kay Mr. Mattheo Jackson, maging sa mga tauhan niya." "Lion, over. Kalalabas lang ni Mr. Yohan Yushiko ng kwarto niya. May kausap siya sa cellphone, over." "Negative, over. Nagkakape lang si Mr. Charles Carter dito sa Hotel Coffee Shop at walang kasama." "Okay, copy lion. Wag niyo lang hayaang mawala sa paningin niyo ang mga binabantayan niyo. Siguradong bibigay din yan sila. Basta wag kayong magpapahalata." Bilin at paalala naman ni Ana sa mga ito. "Copy, over." Sagot naman ng mga ito. Napabuntong hininga si Ana pagkatapos ng kanilang usapan saka tumingin sa paligid. Kita niyang nakapalibot sa Narazo Hotel ang mga pulis na naka-civilian. Kahit siya at ang iba niya pang kasamahan na mga pulis ay naka-civilian din dahil walang pwedeng makaalam ng operasyon nila. Nakatayo siya sa may di kalayuan ng hotel kung saan may mga taong dumadaan. Pabalik-balik din siya at pasimply lang kung gumalaw para hindi siya mahalata. Sa bigla niyang pag-ikot para bumalik sa pwesto niya ay may nabangga siyang lalaki na bigla din namang lumitaw. "Oh. Sorry." Hingi niya agad ng tawad na yumuko pa sa lalaki bilang paghingi ng paumanhin. Mukha itong mayaman sa suot at amoy nito. "Okay lang." Sagot naman ng nabangga niya na yumuko-yuko din. Nakasuot ito ng sumbrero dahilan para hindi niya makita ng maayos ang mukha nito. "Sige, alis na ako. Pasensya na din." Ngiting paalam pa ulit nito saka umalis na. Sinundan niya pa ito ng tingin at nakita niyang pumasok ito sa Narazo Hotel. "Hmmmm.." Hum nalang ni Ana na tila nanghinayang na hindi manlang niya nasilayan ang mukha ng nakabanggaan. ----- Pagpasok ni RJ sa Narazo Hotel ay umupo siya sa waiting area, sa may bandang side kung saan kita niya ang babaeng nakabanggaan niya sa di kalayuan ng hotel. Napangisi siya habang naglalagay ng earphone at tiningnan isa-isa ang mga pulis na nakapaligid lang. Nakakalat ang mga ito, may dalawa sa waiting area at kita niyang may dalawa din sa hotel coffee shop. Maya-maya'y tumayo na siya at naglakad palapit sa reception area nang makitang palapit din dito si Mr. Yohan Yushiko kasama ang tatlo nitong bodyguard. Pasimply siyang tumayo at nagkunwaring may kinakalikot sa kanyang cellphone habang matamang nakikinig sa pakikipag-usap ni Mr. Yushiko over the phone. Magkatabi lang din silang dalawa pero agad naman siyang hinarangan ng isang bodyguard, dahilan para yumuko siya at umusog ng konti para bigyan ng mas maluwang na espasyo si Mr. Yushiko. "Mr. Cruz.. yah, of cuurse! Haha don worri.. I be der." (Mr. Cruz.. yeah, of course! Haha don't worry.. I'll be there.) Kausap pa ni Mr. Yushiko sa kabilang linya at nag-hand sign sa receptionist na sinasabing "wait". Yumuko naman ang receptionist bilang pag-iintindi. "Oki oki. Nayn o'clak it is. Bye." (Okay okay. Nine o'clock it is. Bye.) Huling saad pa ni Mr. Yushiko saka hinarap na ang receptionist, nagbilin dito at umalis kasunod ang kanyang mga bodyguard. Palihim na sinundan pa ito ni RJ ng tingin at nang tanungin na siya ng receptionist kung anong kailangan niya ay nagtanong naman siya dito ng kung ano-ano lang para hindi siya mapaghinalaan kung sakali. Pagkatapos ng ilang minuto ay lumabas na rin siya ng hotel at dumaan sa kabilang side ng daan para hindi siya mamukhaan ng babaeng pulis na nakabanggaan niya. ----- Maghapong nagmatiyag si RJ sa paligid. Inalam niya ang bilang ng mga pulis na nakapaligid sa Narazo Hotel maging sa hotel na pinag-check in'nan niya. Pati ang mga exit ay palihim niya ring tiningnan. Pagkatapos niyang mag-order at kumain ng hapunan ay nagbihis na siya ng itim na t-shirt na pinatungan niya ng hoodie, itim na pants at itim na rubber shoes. At pagkatapos niyang malagay sa bag na back pack ang mga dadalhin niyang gamit ay naupo na muna siya sa kama. Panay ang tingin niya ng oras sa kanyang cellphone. Maya-maya'y tumunog ito nang may tumawag. "Oh?." Sagot niya sa tawag. "Nasa left side, at the end corner." Inform sa kanya ng tumawag. "Okay copy. At yung CCTV?." Sagot at tanong niya pa sa kausap. "I'll take care of it later on. No worries, gaya ng laging nangyayari ay hindi ka makikita sa CCTV footage." Tugon naman ng kausap niya sa kabilang linya. "Okay. Good." Huling sagot niya saka pinatay ang tawag. Makalipas ang ilan pang oras na paghihintay ay napansin niyang madilim na ang paligid. Muli niyang sinulyapan ang cellphone niya. "Seven- thirty." Ikling bulong niya saka tumayo na at sinuot ang itim na back pack. Nagsuot na din siya ng itim na sumbrero at itim na mask na hanggang ilong lang ang haba, kita pa rin ang mata niya. Lumabas na siya ng kwarto niya at nilock ito. Hindi siya gumamit ng elevator, sa hagdan siya dumaan. Kalmado at dahan-dahan lang din siya habang naglalakad papuntang rooftop. Sampung palapag ang building kaya mahaba-habang lakaran din ang kailangan. Pagdating niya ng rooftop ay eksaktong eight na. Gaya ng sinabi ng nakausap niya, nasa left side at end corner. Lumapit na nga siya dito at kinuha ang baril na nakabalot sa itim na bag. Pagkatapos ay naglakad na siya kung saan paharap sa Narazo Hotel. Pagkatapos niyang maayos ang pwesto niya at ang baril ay nagsuot na siya ng earphone. "Tiger, anything suspicious on your position?." "Negative, ma'am." "Negative. Everything's clear." "Negative. Nothing's suspicious, over." "Negative. All clear." "Copy copy, over." Napangisi siya sa narinig na usapan. Wala pa ring kaalam-alam ang mga ito kung nasaan siya. Bigla niya ring naalala kung anong ginawa niya. -?????- Habang nagmamasid si RJ sa mga tao sa paligid ng Narazo Hotel ay nakita niya ang babaeng pabalik-balik ang lakad at sa iisang pwesto lang. Napangisi siya ng marealize na pulis ito, napatunayan niya pa iyon nang makitang nakipag-usap ito gamit ang nakatagong earpiece. Dahan-dahan at pasimply siyang lumapit dito. At nang bigla itong lumiko pabalik ay sinadya niya itong banggain at saka palihim niyang nilagay ang maliit na bluetooth device sa bulsa ng damit nito, kung saan maririnig niya ang pakikipag-usap nito kanino man. Hindi iyon mabigat kaya hindi rin kapansin-pansin. "Oh. Sorry." Hinging paumanhin ng babae na yumuko-yuko pa. "Okay lang." Sagot niya naman na yumuko-yuko rin para hindi nito makita ang mukha niya. "Sige, alis na ako. Pasensya na din." Ngiting paalam niya pa saka umalis. At pagkatalikod niya sa babae, ang ngiti sa kanyang labi ay naging ngisi na. -End- ----- "Sir, your son." Bigay ng isang bodyguard ng cellphone kay Mr. Yohan Yushiko. Tinanggap naman ito ni Mr. Yushiko at nakangiting umupo sa couch. "Herro, son?." (Hello, son?) Umpisa ni Mr. Yushiko ng usapan. "Father, I just want to check on you. How's the problem there?." Sagot naman ng anak niya sa kabilang linya. "Aym o'ready t'king kir op it, son." (I'm already taking care of it, son.) Sagot niya sa anak na halata pa rin talaga ang japanese accent. "That's good to hear, father. But anyway, Mr. Yee called and he asked if he could meet you." Saad naman ng anak niya. "Aah.. Oki oki, son. Tir him.. we meet, day after tomorrow." (Aah.. Okay okay, son. Tell him.. we meet, day after tomorrow.) Sagot naman ni Mr. Yushiko sa anak. "Okay, father." Sagot ng anak niya. -Sir, it's time.- Singit na saad naman ng isang bodyguard ni Mr. Yohan Yushiko sa kanya, na siyang tinanguan niya naman. "Son, I hab to go. Corr you reter." (Son, I have to go. Call you later.) Paalam na ni Mr. Yushiko sa anak niya saka pinatay na ang tawag. Pagkatapos ay tumayo na rin si Mr. Yohan Yushiko at naglakad na palabas ng kanyang kwarto, nasa sixth floor din ito. "Lion reporting, over. Lumabas si Mr. Yushiko ng kwarto niya kasama ang mga bodyguards niya." Pagkatapos marinig ang sinabi ng pulis ay pumwesto na si RJ at naghanda. "Copy, over. Lion, roger.. Lahat ng lion na naka-assign kay Mr. Yushiko, sundan niyo siya hanggang palabas. Pagkababa niya, ako ng bahalang sumunod sa kanya kung saan man siya pupunta." Rinig niya pang saad ng boses babae, ang pulis na binangga niya. "Lion, reporting.. Nasa groundfloor na si Mr. Yushiko." Pagrereport pa ulit ng pulis kaya naman naghanda na si RJ. Ang isang daliri niya ay nasa trigger na at handa ng kumalabit habang ang isang mata ay nasa telescope sight. Pagtunog ng elevator ay lumabas na si Mr. Yushiko kasama ang kanyang tatlong bodyguard na nasa kanyang likuran nakabantay. Naglakad na siya palabas at tumayo sa mismong bungad ng Narazo Hotel habang naghihintay sa papalapit niyang sasakyan. Si Ana na nasa may di kalayuan ng Narazo Hotel ay binigyan ng heads up ang isang pulis na nasa loob ng nakaabang nilang sasakyan, para paandarin na rin nito ang sasakyan nila na siyang ginawa naman nito. Pagkalapit ng sasakyan sa harap mismo ni Mr. Yushiko ay pasimpleng naglakad na rin si Ana palapit sa nakatago nilang sasakyan. (Sssswwwwoooosssshhh...) (POOOOOVVVVVFFFFF!...) "AAAGGH!." Pero bago paman makasakay si Mr. Yushiko at bago paman makalapit si Ana sa sasakyan nila ay nakarinig sila ng mabilis na tunog na parang dumaan lang sa hangin. Malakas ang naging impact nito dahil tumama pa ito sa concrete floor. Matapos naman makita ng mga tao na nakapaligid sa hotel ang kagimbal-gimbal na pangyayari ay nagpanic at napapasigaw na ang mga ito. Bumagsak si Mr. Yushiko sa sahig na siyang ikinapanic din ng mga bodyguard nito. "Sir! Sir! s**t!." Panic na sigaw ng isang bodyguard ni Mr. Yushiko habang hawak-hawak ito. "Ayun! Habulin niyo! Dali!." Utos naman ng isa pang bodyguard na tinuro ang kinaroroonan ng bumaril. Mabilis na tumalima naman ang dalawa. Agad na hinanap din ng mga mata ni Ana ang pinagpwestuhan ng bumaril at nakita niyang nasa rooftop ito ng La Miara Hotel. "Mr. Yushiko is down! Hitman is on the rooftop of La Miara Hotel. All units surround!." Nagmamadaling utos na ni Ana gamit ang earpiece habang tumatakbo papunta sa Hotel kung saan naroroon ang hitman. "Allan, over? Nasa building mo ang hitman. Siguradong hindi siya dadaan ng elevator kaya sa hagdan ka dumaan! Tingnan mo kung saang floor siya at sundan mo lang din siya hangga't maaari." Utos pa ni Ana kay Allan. "Copy, over." Sagot naman ni Allan. "Lion, over.. Kung sino man sa inyo ang malapit sa La Miara Hotel ngayon, back up'pan niyo agad si Allan. Ipasara niyo din ang lahat ng exit sa likuran." Command pa ni Ana. "Lion here, over. Copy, over." Sagot naman ng mga kasamahan niya. Pagkarinig ni RJ ng usapan ay mabilis na niyang binalik sa bag ang baril at binitbit ito. Kalmado siyang naglakad palabas ng rooftop at sumakay sa elavator saka pinindot ang 8th floor button. Gaya ng utos ni Ana ay sa hagdan tumakbo si Allan. Pagkadating niya palang sa third floor ay tumingin siya sa itaas nito at ng makitang tila walang tao ay lumabas ulit siya ng exit. Nakita niyang may nakasakay sa isang elevator na galing sa taas kaya hinintay niya muna kung saan ito titigil. At nang makita niyang titigil ito sa 8th floor ay sumakay na rin siya ng elevator at pinindot ang number 8 button. Pagkapasok ng ilang pulis sa La Miara Hotel ay naghiwa-hiwalay na sila. Pumwesto sila sa maaaring labasan o daanan ng hitman. Hindi na sila nagkaroon ng pagkakataon na pansinin ang mga nagpapanic na mga staff dahil sa pagmamadali nila. Pagkapasok naman ni Ana ay lumapit siya sa nagtatakang receptionist. Pinakita niya ang badge niya at nagpaliwanag sa naging actions ng mga kasamahan niyang pulis. Ang mga security guard naman bagama't naguguluhan ay mabilis na umaksiyon pa rin. "I have to check on the CCTV footage. Sinong pwedeng magdala sakin dun?." Nagmamadaling tanong na ni Ana. "Sorry ma'am pero hindi po namin pwe-----" "This is an emergency! May hitman sa building niyo kaya kailangan niyong makipagtulungan samin!." Agad na putol ni Ana sa receptionist. "Si-Sige po, ma'am." Kabadong sagot naman ng receptionist. Pinasamahan na din siya nito sa security guard na siyang magdadala sa kanya sa opisina kung saan naroon ang CCTV monitors. Pagbukas ng elevator sa eight floor ay lumabas na din si RJ. Maglalakad na sana siya pakanan nang mapatigil siya dahil may makakasalubong siyang lalaki at babae na magkaakbay at halatang mga lasing. Pagewang-gewang pa ang mga ito habang napapatingin sa kanya kaya pasimply niyang binaba ang sumbrero niya at tumagilid para hindi makita ng mga ito kahit ang mga mata niya. Muli niya pang sinulyapan ang dalawa pagkalagpas sa kanya hanggang sa makapasok ito sa kanilang kwarto bago siya muling nagpasyang humakbang. Malalampasan niya na din sana ang kaharap na elevator ng pinagsakyan niya nang bigla naman itong bumukas dahilan para mapatingin siya sa loob nito. Pagbukas nito ay nagtitigan pa sila ng tao sa loob. Nakipagtagisan ng titig si Allan sa taong nakaharap niya pagbukas na pagbukas ng elevator. Sigurado din siyang ito ang hitman basi sa suot nitong sumbrero at mask. May bitbit din itong bag na sa tingin niya ang laman ay baril na siyang ginamit nito kay Mr. Yushiko. "Allan, over? Nasaan ka na? Nakita mo na ba ang hitman? Wag na wag kang susugod kung maaari dahil mapanganib siyang tao. Sundan mo lang kung saan siya pupunta dahil papunta na rin naman diyan ang mga kasamahan natin." Rinig ni Allan na saad ni Ana sa earpiece na suot niya. Hindi naman siya makasagot na nasa harapan niya na ang hitman at hindi na niya ito maiiwasan pa. Napakunot pa ang noo ni Allan nang makita ang pag-ngisi ng kaharap niya. Lingid sa kaalaman niya ay narinig din nito ang sinabi ni Ana sa earpiece. Pagkakuyom ni Allan ng kamao niya ay hindi na siya nag-aksaya pa ng oras dahil mabilis niya itong sinugod. Sinipa niya ito pero mabilis itong nakayuko at nakahakbang ng dalawang beses palayo sa kanya. Hindi pa rin binibitiwan ni RJ ang bitbit niya kahit sinusugod na siya ng pulis. Muli din itong sumugod sa kanya ng ilang suntok at sipa pero mabilis niya din itong naiwasan. At nang suntukin ulit siya nito ay sinalubong niya na ng kamay niya ang kamao nitong nakakuyom pagkatapos ay pinaikot iyun sa leeg nito. Nagtulakan silang dalawa at pilit na kumakawala si Allan. "Ugh!." Siko ni Allan sa tagiliran ni RJ, dahilan para mabitawan na nito ang bitbit nitong bag. Tinulak din ni RJ si Allan at idinikit ang mukha niti sa pader. Sinuntok niya din ito sa tagiliran. "Arrgghh!." Daing ni Allan na pilit tinutulak ang sarili palayo sa pader. Pero hinarap siya ni RJ at muling sinuntok sa may tiyan. Pagkatapos ay tinira sa may leeg dahilan para mawalan siya ng malay. "Aaarrrggghhh..." Dausdos ni Allan sa pader pero bago siya mawalan ng malay ay nagawa niya pa ring mapindot ang earpiece at maibigkas ang "eight" na siyang narinig naman ng mga kasamahan niya. Nakita niya ring tumayo sa harap ng isang kwarto ang hitman bago siya tuluyang nawalan ng malay. "Allan? Allan, over? Allan?!." Nag-alala si Ana nang marinig ang mahinang pagbigkas ni Allan. Kaya naman, mabilis siyang pumasok sa opisina ng CCTV at hinanap kung saan naroroon ang hitman. Pero laking pagtataka niya nang makitang walang kahit anong kaguluhan na nangyayari saan mang bahagi ng floor ng building. Simula sa fifth floor pataas ay wala ng mga tao kahit pa makikita sa fourth floor ang pagtakbo ng mga kasamahan niyang pulis na paakyat. Bigla nalang silang nawawala na parang bula pagtuntong nila sa fifth floor. "Teka lang ma'am. Ano po bang hinahanap niyo? Tahimik po ang buong building. Baka mali po kayo ng napasukan." Saad naman ng lalaking nagbabantay ng CCTV. "Kainis! Naisahan niya kami!." Inis na bulong ni Ana. Narealize niya ding namanipula ang CCTV kaya walang kahit anong pagdududa na nangyari sa loob ng building. Nagmadaling lumabas si Ana para umakyat sa taas ng building. Pagkabukas ng elevator na sinakyan niya ay siya namang pagpasok ni RJ sa isang kwartong binuksan nito gamit ang manipis at maiksing alambre. Pagkapasok ni RJ sa kwarto ay pumunta siya sa veranda at mula doon ay bumaba siya papunta sa kanyang kwarto sa sixth floor gamit ang tali na ang haba ay hanggang 3rd floor. Paraan niya ito para mailigaw ang mga pulis sa totoong kinaroroonan niya. Nang makita ni Ana ang nakahandusay na si Allan ay mabilis niya itong nilapitan. Humingi din siya ng tulong sa mga kasamahan niya na agad din namang sumaklolo. Napangisi si RJ pagkatapos niyang maligo at magbihis. Tinago niya rin ang mga gamit niya sa taas ng ceiling para kung sakaling mag-inspeksyon man ay hindi siya mahuli o mabuko. "Mission accomplished." Bulong niya pa bago naisipang matulog. ===== Xoxo:) Medyo action tayo dito :) .. ~ ~ ~ ⇨acacabas_019ツ.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD