“REALITY LIES”
EPISODE 6.
◆General's P.O.V.◆
Kinabukasan, kasalukuyang kumakain ng agahan sina RJ at ang mga bata. Tapos na ang mga itong maligo at handa ng pumasok sa kanilang paaralan.
“Tam2x, papasok ka ba ngayon?.” Umpisang tanong ni RJ sa bata.
“Opo, Atkuy.” Nakayukong tumango naman na sagot ni Tam2x.
“Naniniwala ako sayo na hindi ikaw ang nag-umpisa ng gulo. Pero gaya nang napag-usapan natin, hangga't maaari ay umiwas kayo nang hindi na lumala ang sitwasyon.” Paalala ulit ni RJ na isa-isang tiningnan ang mga bata.
“Atkuy, hindi mo ba igaganti si kuya Tam2x? Binugbog siya ng mga kaaway niya eh.” Inosenting tanong naman ni Rom2x kay RJ.
“Kapag ba ginanti ko si Tam2x sa mga kaklase niya, matatapos na dun ang gulo? Di ba't lalong gugulo lang dahil siguradong gaganti din ang mga tatay nila? Ibig sabihin, walang katapusang gantihan lang ang mangyayari.” Paliwanag at pagpapaintindi ni RJ sa mga bata.
“Atkuy, para mo na ring sinabi na magpabugbog nalang kami. Kaya ang nangyayari ay kami ang laging may mga galos.” Singit din naman ni Jan2x. Kung dati kasi ay marunong makipag-away ang mga bata, minsan ay sila pa ang nauuna. Pero nagbago ito ng lagi na silang pinagsasabihan ni RJ.
“Sumasagot-sagot ka pa dyan. Gusto mo ako na bumugbog sayo eh..” Birong ambang naman ni Joe ng kamao niya kay Jan2x.
“Yow, relax lang kuya Joe.” Cool na saad naman ni Jan2x na hinarang pa ang dalawang kamay pa-ekis sa mukha.
“Tama na yan.” Saway naman ni RJ kaya natigil na ang dalawa.
“Ang akin lang, ayokong habang lumalaki kayo ay puro gulo ang nakapaligid sa inyo. Ayoko ring dumating yung araw na higit pa sa mga galos ang matamo niyo.” Tingin pa ulit ni RJ kina Jan2x at Tam2x.
“Naiintindihan niyo ba si bossing?!.” Singit na sigaw naman ni Joe na tinaas pa ang isang kamay. Tiningnan naman siya ng masama ni RJ habang natatawa naman ang mga bata.
“Hihihi. Joke lang, pare.” Peace sign nalang ni Joe at alanganing ngiti. Napapailing na naman si RJ dahil dito.
“Sige na. Tapusin niyo na ang pagkain niyo. Ako na maghahatid sa inyo ngayon.” Saad na ni RJ sa mga bata.
“Yeehheeyy!!!.” Masayang sigaw naman ng mga bata na siyang ikinangiti naman ni RJ.
“Oiizzzt!! Kayo ah! Kapag ako yung maghahatid sa inyo, hindi naman kayo ganyan kasaya. Ang sama ng mga batang to! Ahmp! Batukan ko kayo dyan eh!.” Kunwari'y aksyon pa ni Joe ng pambabatok. Napatawa naman ang mga bata dahil sa tuwa, kahit si RJ ay napapangiti nalang din.
“Bleeeeeh...” Pang-alaska pa ni Rom2x kay Joe na lalong nagpatawa sa kanila.
-----
“Ano? Nakakuha na ba kayo ng mga impormasyon tungkol sa mga taong nakabook sa Narazo Hotel?.” Tanong ni Mark. Nakaupo ito sa kanang bahagi ng mesa at kaharap si Ana.
“Sir, here are the list na nakuha namin na pinaghihinalaang may mga kinalaman sa iba't-ibang krimen na nangyayari sa bansa.” Sagot naman ng isa sa mga kasamahan ni Ana na si Allan. Binigay niya ang naka-clip na mga personal information tungkol sa anim na taong naimbestigahan na nila.
“Sigurado kayong ito lang? Out of hundreds of people na nandoon sa Narazo Hotel?.” Tanong pa ni Mark na isa-isang tiningnan ang mukha ng anim na persona.
“Yes, sir. Yung iba kasi na pinaghihinalaang nandoon ay mga minors na krimen lang ang kinabibilangan kumpara sa anim na yan.” Sagot naman ni Ben na kasamahan din nila. Napatango-tango naman si Mark sa narinig.
Sinet-up na ni Ana ang computer at ang monitor para makita ng lahat sa malaking screen ang mga mukha ng anim.
“Huh! Mga malalaking tao na akala mo mga banal. May mga tinatago din palang baho, higit na malansa pa sa inaasahan ng mga tao.” Disappointed na saad pa ni Mark.
“Ana, your turn.” Saad pa ni Mark kay Ana na tinuro na ang screen. Tumango naman si Ana at tumayo na sa harap ng mga kasamahan.
“Okay guys. Ito yung mga taong dapat nating bantayan dahil isa sa kanila ang susunod na bibiktimahin ng hitman.” Umpisa na ni Ana.
“Charles Carter, an american businessman na pinaghihinalaang nagpapatakbo ng kidnapping dito. Mga kabataan ang pinapakuha at binibenta sa labas o sa loob man ng bansa. Labas-masok din siya dito sa bansa natin dahil lagi siyang naaabswelto sa tuwing nahuhuli.” Patuloy na ni Ana habang matamang nakatingin sa mga kasamahan niya. Nakikinig din ng mabuti ang mga ito sa kanya.
“Mattheo Jackson, isang german na pinaghihinalaan na mga kabataang babae naman ang ginagawang negosyo. Ilang bar na rin ang na-raid na pinaghihinalaang siya ang nagpapatakbo pero ibang pangalan ang ginagamit niya kaya laging abswelto. Hindi din siya mahuli-huli dahil sa tuwing dumadating ang mga pulis ay wala na siya.”
“Rolly Chan, isang Chinese na pinaghihinalaang pinuno ng mga illegal na baril na binebenta dito sa bansa. Hindi lang basta-bastang mga baril ang mayroon siya dahil mga baril na pang-giyera ang mga ito.”
“Yohan Yushiko, a Japanese businessman na tinuturong pinuno ng mga illegal na droga na labas-pasok sa bansa. Mayroon siyang mga nakatagong laboratory pero ni isa sa mga iyun ay hindi pa nakikita.”
“Vinz Hamson, isang pinoy-american na sinasabing katransaksyon ni Rolly Chan. Mayroon din siyang malalaking casino na sinasabing pinagtataguan ng mga illegal na baril na siyang dapat nating alamin sa susunod na mga araw.”
“And lastly, Hanz Kubar, isang terrorist na sinasabing siyang nag-uutos ng mga pagsabog sa iba't-ibang lugar sa kamaynilaan. Walang matibay na ebidensya kaya hindi pa nahuhuli.”
Sunod-sunod na paliwanag na ni
Ana habang nakaflash sa screen ang mga mukha ng mga ito.
“At basi sa informant ko. Possibleng may gaganaping malaking transaksyon bukas na siyang possibly ding araw ng paghahatol ng hitman sa kanyang target. As we all know, pinapatay ng hitman ang target niya sa tuwing makikipagmeeting sa malaking kliyente o di kaya'y may transaksyon ang target. So bukas na ang possibleng araw ng paghahunting niya. Kaya bukas na rin ang pagkakataon natin para mahuli ang hitman o kung di man ay malaking isda ang mahuhuli natin kung sakali.” Saad pa ni Ana.
“Okay..” Seryosong tingin ni Mark kay Ana.
“May I know kung sino ang pinaghihinalaan mo sa kanila na maaaring punteryahin ng hitman, Ana?.” Tanong pa ni Mark sa kanya.
“Tingin ko sir, either Mr. Rolly Chan or Mr. Yohan Yushiko.” Sagot naman ni Ana.
“Hmmm.. How'd you say so?.” Tanong pa ni Mark na pilit kinukuha ang opinion ng magaling niyang tauhan.
“Sir, basi sa mga naunang mga pinatay ng hitman na ito. Halos lahat sa kanila ay pinapapatay dahil sa inggit sa negosyo. Either nagkakalamangan o nagkakasiraan. Nalaman ko ring sina Mr. Chan at Mr. Yushiko ang may maraming kalaban sa kanilang anim.” Pahayag pa ni Ana sa kanyang konklusyon.
“Kung ganun, dapat mo ring paghinalaan si Mr. Hamson since magkatransaksyon sila ni Mr. Chan. Baka rin isa lang sa kanila ang may utos sa hitman na to para patayin ang isa sa kanila eh.” Napatango-tango naman si Ana sa sinabi ni Mark.
“Ganun na nga, sir.” Sagot pa ni
Ana na umupo na ulit sa upuan niya.
“Okay guys!.” Tingin na ni Mark sa mga lalaki sa grupo at kay Ana. Tumayo na din siya sa inuupuan niya.
“Gawin niyo na ang dapat niyong gawin. Matiyagan niyo ng mabuti ang anim na ito para sa matibay na ebidensya. At kung maunahan man kayo ng hitman, hulihin niyo nalang siya sa anumang paraan.” Saad pa ni Mark sa kanilang lahat.
Naipaliwanag na rin sa kanila ni Mark kung gaano kagaling ang hitman at kung paano ito trumabaho kaya hindi na nila pa kailangang pag-usapan ang tungkol sa kanya. Wala silang larawan o gamit na makakapagkilanlan dito kaya para silang nakikipaglaro sa madilim na lugar. Ganunpaman ay desidido pa rin silang hulihin ito anuman ang mangyari.
“Yes, sir!.” Sagot naman ng apat na lalaki at ni Ana.
“Magpapadala ako ng mga tauhan para may mga kasama kayo. Pati ang mga kalapit na building na maaaring pagpwestuhan ng hitman na ito ay palalagyan ko rin ng mga tao.”
Saad pa ni Mark na tinanguan naman ng lima.
“Mamayang hapon na ang alis niyo kaya goodluck at mag-iingat kayo. Wag din kayong mag-alala dahil tinawagan ko na rin ang Hepe ng Pulisya sa Pampanga para sa kooperasyon at back up kung sakali.” Dagdag pa nito.
“Yes, sir!.” Sagot pa ulit ng lima at nagsimula na rin silang ayusin ang mga gamit nila. Umalis na rin si Mark papuntang opisina nito.
“Ibang klase ka talaga bok, idol!.” Puring saad naman ni Chito na nag-salute pa, pagkaalis ng superior.
Bok din ang tawagan nila sa tuwing sila-sila lang ang magkakasama. Close na din kasi silang lima sa kanilang department.
“Oo nga, ang galing mo talaga bok pagdating sa mga ganito.” Segunda naman ng isa pa nilang kasamahan na si Daniel.
“Kayo talaga.. Tsamba lang yun.” Sagot naman ni Ana na nginitian lang ang mga kasamahan.
“Kaya mahihirapan kang magkaboyfriend nito bok eh. Siguradong matatakot na lumapit sayo. Haha.” Birong pang-aasar naman ni Allan na yumakap pa sa leeg ni Ana. Siya kasi ang pinakabata sa kanilang lima kaya parang bunso na ang turing ng apat sa kanya.
“Aray ko. Bitawan mo nga ako. Hmp!.” Mahinang siko naman ni Ana sa tagiliran ni Allan kaya napabitaw naman ito habang natatawa.
“Tama naman kasi si Allan bok eh. Hahaha.” Sali pa ni Ben sa asaran ng mga ito.
“Hahahaha.” Sabay-sabay na tawa pa ng apat.
“Ewan ko nga sa inyo! Hmp!.” Sungit na tugon nalang ni Ana sa mga ito na siyang lalo naman nilang ikinatawa.
“Hahahaha pikon talaga. Witweeew!.” Bulong na saad pa ni Allan habang naglalakad palayo. Natatawa pa rin ang apat dahil dito habang nakasimangot naman si Ana.
-----
Kasalukuyang nasa bahay nila si Paul, sa kanyang mini-office. Tatlong araw siyang hindi papasok dahil may kinailangan siyang tapusin. At sa tuwing hindi siya pumapasok ay si James ang pinagkakatiwalaan niya sa kanilang kompanya.
Pagkatapos niyang tingnan ang mga proposal na kailangan ng kayang approval ay kinuha niya ang cellphone at tinawagan si James. Matapos ang ilang ring ay sumagot naman ito.
“Sir, napatawag po kayo?.” Sagot ni James sa kabilang linya.
“Oh come on, son! Don't be too formal. Wala naman ako diyan eh. Haha.” Tawang saad naman ni Paul na ikinangiti naman ng kanyang anak na lalaki.
Si James ay anak din nila at siyang kaagapay niya sa pagpapatakbo ng kanilang kompanya. May pagkaseryoso ito at workaholic din.
“I just wanna asked for a simple favor, son.” Dagdag pa ni Paul.
“Go on, dad.” Sagot naman ni James sa ama.
“Could you please set-up a meeting with Mr. Lao? And ask for a vivid presentation and a new proposal before I reject this one here? And tell him I want it tomorrow afternoon.”
Said Paul na nakatingin sa proposal nina Mr. Lao.
“Sure, dad.” Walang alinlangang sagot naman ni James sa kanya.
“Thanks, son. And yeah! Prepare for your comment too.” Ngiting saad pa ni Paul.
“I know, dad. I know..” Tatango-tangong sagot naman ni James saka pinatay ang tawag pagkatapos nilang magpaalam sa isa't-isa.
Pagkatapos ng tawag ay binalik na ulit ni Paul ang buong atensyon niya sa kanyang ginagawa. At habang abala siya sa pagpipirma ng mga documents ay bigla namang may pumasok na unexpected visitor na tumayo pa sa harap niya.
“Pa!.” Gulat na napatayo si Paul sa kanyang inuupuan. Ganunpaman ay yumuko siya dito bilang pagbati.
“Ah.. ma-maupo kayo, Pa.” Pagpapaupo pa ni Paul sa ama niya na tila kinakabahan.
“Wag na. May kailangan din akong asikasuhin kaya hindi ako magtatagal.” Seryosong sagot naman ni Lucio na lalong nagpakaba kay Paul. Hindi nalang din siya bumalik sa pagkakaupo at kahit nag-aalangan ay sinalubong niya pa rin ang tingin ng ama niya.
“Si-Sige, Pa.” Maiksing sagot pa ni Paul.
“Hi-Hindi niyo manlang sinabing pauwi na kayo. Napasundo ko sana kayo.” Paul wasn't expecting him to be back early, ang alam niya kasi ay dalawang linggo pa bago ang balik nito sa Pilipinas. Pumunta kasi ito sa New York for business reason.
“Napauwi ako ng maaga dahil sa nalaman ko, Paul. You've been receiving death threats, yet you are doing nothing about it!.” Galit na saad na ni Lucio ng pakay niya sa anak.
“Pa.. I.. I'm working on it. Pinapaimbestigahan ko na rin naman po eh.” Pagtatanggol naman ni Paul sa sarili niya.
“Pinapaimbestigahan? Do you think that's enough, Paul? When are you gonna take actions? Kapag nasa panganib na ang buhay ng apo ko?.” Sermon at sunod-sunod na tanong pa ni Lucio sa anak.
“Pa, pinababantayan ko na rin naman po yung mag-ina ko para masigurong hindi sila mapahamak eh.” Sagot pa ni Paul sa mahinahong tinig.
“You really don't know how those psychos' minds work, Paul. Wag mong hintayin na malagay sa alanganin ang buhay ng anak mo! Don't just sit! Do something!.” Matigas na saad pa ni Lucio. Wala namang nagawa si Paul kundi ang tumango sa ama.
“Y-Yes, Pa.” Sagot niya pa at napayuko.
“Ask her to stay here, beg if you have to. I don't wanna lose my one and only grandchild!.” Madiin pang saad ni Lucio kay Paul. Napatingin naman ulit si Paul sa ama niya dahil sa sinabi nito.
Una palang kasi ay hindi na talaga sang-ayon si Lucio na bumukod ang apo. Pero dala ng paglalambing ni Pauleen at pakikiusap ni Paul ay napapayag siya ng mga ito.
“Pa.. apo niyo rin po si James. Wag nam-----”
“Save it! He! will! never! be!.” Matigas na putol ni Lucio sa sasabihin ni Paul na diniinan pa ang bawat salita. Tumalikod na din ito at umalis ng walang paalam. Napabuntong hininga nalang din naman si Paul at napayuko dahil dito.
-----
Pagkatapos maihatid ni RJ ang mga bata at magbilin sa mga ito ay umuwi na rin siya sa kanila.
Kapag maglalakad galing sa kanilang bahay papuntang paaralan ng mga bata, o vice versa, ay madadaanan mo ang center kung saan nagtatrabaho si Sabrina. Malalampasan niya na sana ito ng biglang may narinig siya.
“Jace! Hoy saglit nga, Jace!.” Napatigil siya sa paglalakad at napangiti nang makilala ang boses at ang nickname na pinangtatawag nito. Isang tao lang kasi ang tumatawag sa kanya ng ganun.
“Oh Sab? Bakit?.” Ngiting lingon at tanong na niya pagkalapit ni Sabrina sa kanya.
“Hindi ka manlang ba sasaglit?.” Sa halip ay tanong din ni Sabrina.
“Eh baka kasi busy ka kaya naisip kong wag na kitang abalahin.” Sagot naman ni RJ.
“Ikaw talaga! Kahit manlang sana bumati ka kahit sandali di ba? Ang kupal mo.” Simangot na sagot naman ni Sabrina na lalong nagpangiti kay RJ.
“Oo na. Oo na. Sorry na po, madam!.” Birong saad pa ni RJ na yumuko pa kunwari kay Sabrina na siyang kinatawa nito.
“Baliw ka talaga! Anyway, kumusta si Tam2x? Nabalitaan ko yung nangyari ah? Hindi ako nakadalaw kagabi kasi naging busy talaga ako eh.” Nag-aalalang tanong na ni Sabrina kay RJ.
Pinaliwanag naman ni RJ ang totoong nangyari, simula sa una hanggang sa huli. Sinasagot niya din ang mga tanong na binabato ni Sabrina sa kanya.
“Naku, bossing.. mukhang naunahan na po tayo ng kumag na yun ah.” Habang nag-uusap sina RJ at Sabrina ay hindi nila napansin ang dalawang pares ng mga mata na masama ang tinging pinupukol sa kanila. Nasa may di-kalayuan ang mga ito, nakasakay sa motor at nakahelmet pa.
“Huh! Bwesit! Gusto pa yatang pormahan si Sabrina ng gago!.” Gigil na saad naman ng tinawag na bossing. Ito ang nakaangkas sa likod.
“Ano ng plano mo, bossing?.” Tanong pa ng driver at panay ang tingin kina RJ at Sabrina.
“Edi matira ang matibay samin! Hindi ko naman hahayaang matalo ako ng pipitsuging tomboy na yan!.” Sagot naman ng bossing na mahigpit na napakuyom ng kamao.
“Oh yeah! Yan ang gusto ko sayo bossing eh! Palaban ka. Hahaha.” Tawa pa ng driver sa tinawag niyang bossing na siyang kinangisi nito.
“Tara! Lapitan natin.” Huling saad pa ng bossing saka pinaharurot ng driver ang sasakyan papunta sa kung saan sila RJ.
“Wag kang mag-alala, Sab. Okay na rin naman si Tam2x eh. Naayos na rin naman ang lahat.” Ngiting saad pa ni RJ kay Sabrina habang patuloy sila sa pag-uusap.
“Buti naman kung ganun.” Ngiting saad na rin ni Sabrina.
“Pupunta nalang ako mama----”
(Scccrrreeetttccchhh...)
Naputol ang pagsasalita ni Sabrina ng may motor na biglang lumitaw at malakas na nag-preno sa harap nila. Nagulat pa siya dahil dito samantalang napakunot naman ang noo ni RJ habang nakatingin sa mga nakahelmet.
“Hi, Sabrina!.” Masaya at maangas na bati na ng angkas at tinanggal na rin ang helmet na suot niya.
Hindi naman nagulat si Sabrina sa kung sino ito dahil alam na niya kung kanino ang motor pati na ang kulay at style ng helmet. Lagi kasi itong bumibisita sa kanya kapag may oras ito. Kilala niya na din ang driver nito na halos laging nakabuntot dito.
“Richard, sa susunod magdahan-dahan naman kayo. Baka mamaya may mabangga pa kayo eh.” Kunot noong saad ni Sabrina sa angkas na si SPO2 Richard Monares pala. Naka-uniporme pa ito ng pangpulis. Hindi niya din masisisi ang driver dahil alam niyang sumusunod lang ito sa utos ni Richard.
“Ano ka ba naman Sabrina. Siyempre alam naman namin ang ginagawa namin noh. Di ba, Roi?.” Sagot naman ni Richard na humingi pa ng approval sa driver niyang pulis din.
“Oo nga naman Sabrina. Takot ko lang dito sa bossing ko!.” Sagot naman ng driver ni Richard na si Roi na pilit binibida ang bossing niya.
“Delikado pa rin ang ginagawa niyo, sir. Lalo na po't may mga batang bigla-bigla nalang tumatawid dito.” Magalang at mahinahong saad naman ni RJ kay Richard. Yamot na tiningnan naman siya ng pulis.
“Pwede ba RJ, wag kang magmagaling. Wag ka ring sumingit sa usapan dahil hindi ko naman hinihingi ang opinion mo.” Inis na saad pa ni Richard na humarap na kay RJ.
“Richard, pwede ba!.” Saway naman ni Sabrina dito.
“Pulis ka pa naman.. pero kung umasta ka parang hindi!.” Inis na dagdag pa ni Sabrina na hindi nagustuhan ang pambabastos ni Richard. Hindi din naman lingid sa kaalaman niya na may gusto ito sa kanya, halos ipangalandakan ba naman nito sa mga tao eh.
Inis na napatimpi nalang din naman si Richard na pailalim na tiningnan si RJ. Hindi nalang din ito sumagot.
“Sab, mauna na ako. May kailangan pa kasi akong gawin eh.” Pag-iiwas na ni RJ sa init ng ulo ni Richard.
“Sige, Jace. Ingat ka..” Ngiting tugon naman ni Sabrina sa kanya. Pagkatapos tumango ay humakbang na rin paalis si RJ.
“Sandali nga, RJ!.” Biglang pigil naman ni Richard na bumaba pa sa motor. Lumapit siya kay RJ na nakakailang hakbang palang at nilingon naman siya nito.
“Richard, hayaan mo ng umalis si Jace!.” Pag-aalala naman ni Sabrina na baka magpambuno ang dalawa. Hindi naman siya pinansin ni Richard o nilingon manlang.
“Umamin ka nga! Pinupormahan mo din ba si Sabrina, ha?.” Mahahalata ang gigil sa mukha ni Richard. Walang kaemo-emosyon na sinalubong naman ni RJ ang tingin nito.
“Mawalang galang na sir. Pero hindi naman po siguro ako obligadong sagutin ang tanong niyo.. dahil wala po tayo sa presinto at wala po akong kaso.” Blangko ang mukha ni RJ ng magsalita na siyang lalong nagpainis kay Richard.
“Aba't ang yabang mo ah!.” Biglang hawak ni Richard sa kuwelyo ng damit ni RJ. Pero hindi naman natinag si RJ na nanatiling walang emosyon pa rin ang mukha.
“Ano ha?!.” Hamon pa ni Richard na dalawang kamay na ang pinanghawak sa kuwelyo ng damit ni RJ.
“Richard, tumigil ka na nga!.” Lapit na ni Sabrina sa dalawa at marahas na inalis ang pagkakahawak ni Richard kay RJ.
“Bossing, wag dito. May mga tao.” Bulong na hawak at awat naman ni Roi kay Richard na bumaba na rin sa motor at lumapit dito. Napatingin din sa paligid si Richard at napansing may mga nakatingin na sa kanila.
Hindi nalang din ito pinatulan ni RJ dahil baka lumala pa ang pangyayari. Nirerespeto niya rin naman kasi ito dahil alagad ito ng batas.
“Namumuro ka na!.” Huling gigil na bulong pa ni Richard na dinuro pa si RJ bago sila sumakay sa kanyang motor at pinaharurot ito.
“Okay ka lang ba? Pagpasensyahan mo nalang siya, Jace.” Pag-aalala pa ni Sabrina kay RJ.
“Okay lang ako, Sab.”
Ngumiti pa ng konti si RJ para hindi na mag-alala si Sabrina.
-----
(Riiinnnggg... Riiinnnggg... Riiinnnggg...)
“Hello, besh? Napatawag ka?.” Sagot ni Dianne sa cellphone niya. Nasa bahay na rin siya at gumagawa ng lesson plan.
“Besh, baka anong oras na ako makakauwi mamaya. Tumawag kasi si dad eh. Ipapasundo daw ako dahil nasa bahay si Grandpa, kakauwi lang.” Sagot naman ni Pauleen na inaayos na rin ang mga gamit niya sa hospital.
“Ganun ba.. sige sige besh. Ingat ka, okay? Tawagan mo nalang din ako kapag pauwi ka na.” Sagot naman ni Dianne.
“Sure besh. Gotta go. Bye.” Paalam na rin ni Pauleen at naglakad na papuntang elevator. Pauwi na rin sana siya ng tumawag ang daddy niya at sinabing ipapasundo siya nito.
Pagkalabas niya ng hospital ay nandoon na nga ang sundo niya, dalawang malalaking lalaki na namukhaan niyang mga bodyguard ng dad niya. Nagtaka pa siya kung bakit hindi ang driver nila ang sumundo sa kanya pero pinawalang bahala niya nalang iyon.
Sumakay na siya sa backseat pagkatapos niyang ibigay sa isa sa mga ito ang susi ng kanyang sasakyan. Ito kasi ang magmamaneho ng sasakyan niya habang nakasunod sa kanila.
Habang nasa daan ay tahimik lang si Pauleen. Hindi tulad na kapag driver nila na si Mang Tonyo ang sumusundo sa kanya ay nakakapagsalita pa siya dahil nakakausap niya ito ng walang alinlangan.
Pagdating nila sa harap mismo ng bungad ng kanilang bahay ay bumaba na si Pauleen. Pagpasok niya ay nakita niyang nakaupo sa may malaking sala ang Grandpa niya, nakade-kwatro habang tila may malalim na iniisip.
“Grandpa!.” Masayang bati niya na siyang pumukaw naman sa atensyon ng matanda. Nakangiting tumayo pa ito para salubungin siya. Yumakap naman siya ng mahigpit sa Grandpa niya pagkalapit niya dito.
“I miss you, Grandpa!.” Paglalambing pa ni Pauleen na siyang ikinatuwa naman ng matanda.
“I miss you more, My Nene.” Lambing din ng matanda sa kanyang apo.
“Grandpa! I'm not Nene anymore.” Kunwari'y tampo ni Pauleen sa Grandpa niya, na siyang ikinatawa naman nito. Bumitaw pa siya sa yakap at nag-cross arms then pout.
“Yeah! Yeah! If you say so. Haha.” Tatawa-tawang sagot naman ng Grandpa niya kaya natawa na rin siya.
“Come on, let's eat.” Aya pa nito na tinanguan niya naman.
Pagkakita niya sa kanyang parents ay binati niya din sila at hinalikan sa pisngi. Panay din ang lambing sa kanya ng daddy niya na siyang hindi na bago sa kanya habang ang mom niya ay nakangiti lang sa kanya. Napansin niya ang pagiging light ng awra nito.
Maya-maya'y bumaba na rin ang kapatid niyang si James na binati niya rin. Pagkatapos ay umupo na sila para umpisahan ang kanilang hapunan.
“Nak, I wanted to ask you a favor.” Umpisa ni Paul ng usapan sa kalagitnaan ng hapunan na kay Pauleen nakatingin. Tahimik din ang hapag-kainan na tanging mahihinang ingay lang na galing sa utensils ang maririnig.
“What is it dad?.” Tanong naman ni Pauleen na napatigil pa saglit sa pagsubo.
“Will you please stay here with us? Just.. for a couple of months?.” Halata sa mukha ni Paul ang pag-aalala.
“May problema ba dad?.” Tanong naman ni Pauleen na napapatingin din sa Grandpa niya.
“H-Ha? Na-Nak, wal-----”
“Yes, there is, apo ko.” Seryosong singit naman ni Lucio kaya napatigil sa pagsasalita si Paul.
“There's no point in denying it, Paul. I don't wanna regret something in the end. You know how important Pauleen is to me, my only grandchild!.” Dagdag pa nito na seryosong nakatingin kay Paul. Binigyan niya rin ng sulyap si James pero hindi naman niya ito inintindi pa.
“Pa!.” Naaawang napatingin naman si Paul kay James na napayuko dahil sa hiya. Hindi naman naimik si Leenie sa usapan ng mag-ama.
“Grandpa..” Sambit naman ni Pauleen na gusto ring sawayin ito. Naaawa din siya para sa nakatatanda niyang kapatid.
“Anyway, like what I'm saying apo ko. Your life is in danger. And the only way to protect you is to stay here.” Pagpapaintindi na ni Lucio sa apo niya.
“Pero.. grandpa hindi ganun kadali yun. I need to think things first before giving out my decision.” Paliwanag naman ni Pauleen.
“What is there to think, apo?.” Mahal na mahal ni Lucio ang apo niya kaya ganun nalang ang pag-aalala niya para rito.
“Just.. give me.. a week, grandpa. Pag-iisipan ko muna ng maayos ang lahat.” Saad pa ni Pauleen. Tahimik na nakikinig nalang din naman ang tatlo sa usapan ng dalawa.
“It's not like, ibang tao kami sayo Pauleen. Pamilya mo pa rin naman kami.. kaya hindi mo dapat dinidisregard ang pakiusap na ito sayo. Besides, it's for your own good.” Sa wakas ay nagsalita na nga si Leenie. Pero mahahalata din sa boses nito ang awtoridad at pagka-seryoso. Nawala na din ang smiling face nito.
“Hindi ko naman dinidisregard, mom. Pag-iisipan ko pa naman po eh.” Yukong tugon naman ni Pauleen.
“But it already look like one, Pauleen. You know that, as well.” Hinawakan naman ni Paul ang asawa niya sa kamay nito at binigyan ng tingin na nagsasabing "tama na".
“That's enough.” Saway naman ni Lucio at muling binalik ang tingin sa apo niya.
“Okay, apo ko. As what you've requested, a week for your decision.” Ngiting saad na ng matanda na hinawakan ang ulo ng apo niyang katabi niya lang. Bata pa rin talaga ang turing niya dito. Nagbigay nalang din ng konting ngiti si Pauleen at tumango sa kanyang Grandpa.
-----
Past nine na rin nang makauwi si Pauleen dahil nakipag-catch up pa sa kanya ang Grandpa niya. Pumayag naman siya dahil namiss niya rin ito. Close din talaga sila ng Lolo niya.
Nung mga panahong nagluluksa kasi ang parents niya sa pagkamatay ng kuya niya ay ito naman ang laging nasa tabi niya at umalalay sa kanya, na siyang ipinagpasalamat niya dito ng sobra.
At pagkatapos niyang tingnan ang phone niya at makitang walang kahit isang text mula kay Kenneth ay napabuntong hininga nalang siya at disappointed na natulog.
=====
Xoxo:)
Thanks for reading kahit medyo boring :) ..
~
~
~
⇨acacabas_019ツ.