“REALITY LIES”
EPISODE 5.
◆General's POV.◆
Kasalukuyang nakaupo si RJ sa kanilang maliit na sala habang may tinitingnang mga papel at larawan ng isang babae.
“Oh pare? Ano na naman yan?.” Tanong naman ni Joe na lumabas galing sa kanyang kwarto at umupo sa tabi ni RJ.
“Hmmmm.. Tungkol na naman pala kay Miss Byutipol ah.” Dagdag pa nito sa matigas na pagbigkas ng "beautiful", nang silipin kung sino ang nasa larawan.
“Oo. Gusto ko lang masigurong magagawa ko ng mabuti ang pagkuha sa kanya.” Sagot naman ni RJ.
“Eh paano kapag nahuli ka, pare? Paano na yung mga bata? At.. paano na ako?.” Papikit-pikit at nakapout pang sunod-sunod na tanong ni Joe. Nang tingnan naman siya ni RJ ay napakunot ang noo nito at napailing pa.
“Puro ka kalokohan, pare. Tigilan mo nga ako dyan.” Saad nalang ni RJ na tumayo na mula sa pagkakaupo.
“Pareee!! Seryoso ako. Eeeehhhh!!.” Parang bata namang pigil ni Joe kay RJ na humawak pa sa kamay nito.
“Umayos ka nga! Suntukin kita dyan eh.” Angat ni RJ ng kamay niya kaya biglang napabitaw si Joe. Naglakad na rin siya papunta sa mesa ng kanilang maliit na kusina upang uminom ng tubig.
“Eeeehhh!! Pare naman eehh..” Patuloy pa ring pagmamaktol ni Joe pero nang tingnan siya ni RJ nang masama ay bigla namang umayos ang mukha niya.
“Baliw talaga..” Bulong at iling nalang ni RJ na uminom na ng tubig.
-----
(Tiiiiiinnnnnggggg...)
Tunog ng bell sa paaralan na pinapasukan ng mga bata. Lunchtime na nila kaya nag'ipon-ipon na sila gaya ng kanilang nakagawian. May mga baon na din silang dala. Nasa may garden sila at nakaupo sa may malaking puno na ginawan ng paikot na sementadong upuan.
“Oh? Nasaan si Tam2x?.” Takang tanong ng nakatatanda sa kanila na si Jan2x, grade six palang ito dahil late na siya nakapag-aral.
“Baka overtime na naman sa pagtuturo yung teacher nila?.” Sagot naman ni Leneth na grade six din at kaklase ni Jan2x.
“Oh baka naman kaya.. nandoon na sa canteen at kumakain?.” Hula naman ni Maya kaya napatingin sa kanya ang tatlong kasama.
“Hay naku! Tara puntahan na nga lang natin sa room nila.” Saad nalang ni Jan2x na sinang-ayunan naman ng tatlo. Hawak-hawak niya si Rom2x sa kamay habang may kinakain itong lollipop.
-----
“Hoy taba! Buti naman nakakapaglakad ka pa ng maayos? Hahahaha.” Harang ng tatlong batang lalake na kaklase ni Tam2x sa dinaraanan niya. Yumuko nalang siya at umiwas pero hinarangan ulit siya ng isa pa. Nasa hallway sila kung saan walang tao kaya naman malakas ang loob ng tatlo na ibully siya.
“Kailan pa natutong maglakad ng patayo ang baboy, ha? Hahahaha.” Alaska naman ng isa pang humarang sa kanya pagkatapos ay sabay-sabay pa silang nagtawanan.
“Padaanin niyo ako, Manuel. Wala akong ginagawa sa inyo.” Mahinang sagot naman ni Tam2x sa umaastang pinuno sa tatlo.
“Hahahaha. Padaanin? Bakit kaya hindi ka gumapang ha? Tutal baboy ka naman eh.” Sagot naman ng tinawag niyang Manuel.
“HAHAHAHAHAHA.” Malakas pang tawanan ng tatlo na nag-apir pa sa isa't-isa at natutuwa.
Napakuyom naman ng kamao si Tam2x dahil sa inis. Tiningnan niya din ng masama ang tatlo.
“Aba! Aba! Aba! Lalaban ka na ha? Ano ha? Ano? Lalaban ka ha?.” Panay tulak na sa kanya ni Manuel habang hinahamon siya. Napapaatras naman siya at napayuko nang walang nagagawa.
“Ano ha baboy? Ano? Marunong ka bang sumuntok? Ha?.”
“Ano ha? Lumaban ka! Ang taba mo kasi! Ano ha?.”
“Ang lakas ng loob mo ah? Ano ha? Ano? Ano? Ano ha?.”
Sabay-sabay na tulak na sa kanya ng tatlong bata. Wala na din siyang nagawa nang ma-corner na siya sa pader at panay pa rin ang duro at tapik ng tatlo sa kanya.
“Tama na! Tama na! Tigilan niyo ako!.” Sigaw na saad pa ni Tam2x habang tinatakpan ang ulo niya. Pero hindi tumigil ang tatlo sa ginagawa ng mga ito kahit anong pakiusap niya.
“Tama na!!!.” Biglang sigaw pa ni Tam2x at winasiwas ang nakakuyom niyang kamao, dahilan para matamaan si Manuel sa mukha.
Napatumba si Manuel na bumagsak ang puwet sa semento. Tinulungan naman siya ng dalawa niyang kaibigan habang si Tam2x naman ay napatulala sa nagawa.
Dahil dito, galit na napatayo si Manuel at sabay-sabay nilang pinagtulungang bugbugin si Tam2x. Wala namang nagawa si Tam2x kundi ang umiyak nalang habang tinatakpan ang ulo. Pinagsisipa din siya ng tatlo nang mapadausdos siya at mapaupo.
“Hmp! Ano ha? Hmp! Yan ang bagay sayong baboy ka! Hmp!.” Gigil pang saad ni Manuel habang panay ang sipa kay Tam2x.
Tila walang balak na tumigil ang tatlong bata na maya't-maya ay tumatawa sa kanilang ginagawa at nakikita.
“Hoy! Ano yan?!.” Rinig na sigaw ng tatlo kaya bigla silang napatigil sa kanilang ginagawa.
(Prrrrriiiiirrrrrttttt!!!) Pito pa ng sumigaw kaya napatingin sila dito habang tumatakbo ito palapit sa kanila.
“Patay! Tara na! Dali! Dali!.” Pagmamadaling utos naman ni Manuel kaya nagsitakbuhan na rin sila sa kabilang daan para hindi nila makasalubong ang taong papalapit.
“Hoy tigil!.” Sigaw pa ulit ng lalaki sa tatlong nagsitakbuhang bata pero hindi nakinig ang mga ito. Tinulungan niya naman si Tam2x na makaupo nang makalapit siya dito at nakitang may mga pasa na ito.
“Haiiisssh! Mga batang to talaga!.” Saad pa ng lalaki na tiningnan pa ang daan na pinagtakbuhan ng tatlo.
“S-Sir.” Hirap na bigkas naman ni Tam2x kaya napalingon ulit sa kanya ang lalaki. Nakuha niya ring ngumiti ng konti dito.
“Sa-Salamat p-po.” Dagdag pa ni Tam2x. Tinanguan naman siya ng kanyang sir at tinulungang tumayo. Napabuntong-hininga pa ito dahil sa nasaksihan.
“Tara, dalhin na kita sa clinic nang magamot yung mga sugat mo. Mamaya nalang din kita tatanungin kung anong nangyari at humantong kayo sa ganito.” Sagot naman ng lalaki at inakay na si Tam2x papuntang clinic.
-----
Pagdating nila Jan2x sa classroom ni Tam2x ay wala silang nadatnan na tao.
“Kuya Jan2x, wala dito si Tam2x.” Nag-aalalang saad ni Maya pagkatapos matingnan ang kabuuan ng room. Alam din nila ang tungkol sa pang-bubully ng ilang kaklase ni Tam2x sa kanya, na siyang sinusuway naman ng mga nakakatanda sa kanila.
“Haaayyyy naku.. Asan na kaya ang mokong na yun.” Nag-aalala ding saad ni Jan2x na napapakamot pa sa ulo.
“Kuya.. Kuya..” Hila naman ni Rom2x sa laylayan ng damit ni Jan2x para makuha ang pansin nito. Napatingin sa kanya ang tatlo.
“Ayun si Kuya Tam2x oh..” Dagdag pa ni Rom2x na may tinuturo sa di kalayuan. Pagkatingin ng tatlo kung saan siya nakaturo ay nanlaki naman ang mga mata nila.
“Tam2x!.” Sigaw na pagtawag ni Leneth sa paika-ikang lakad na si Tam2x habang inaalalayan ng isang lalaki. Mabilis din silang lumapit nang tumigil ang mga ito.
“Anong nangyari sayo? Bakit marami kang pasa? Nakipag-away ka ba?.” Sunod-sunod na tanong agad ni Jan2x na nakakunot ang noo. Napayuko naman si Tam2x at hindi nakapagsalita.
“Sir, ano po bang nangyari?.” Tanong na rin ni Leneth sa kasama nitong lalaki na isang guro, nang makitang walang balak na magsalita si Tam2x. Napabuntong hininga naman muna ang lalaki bago sumagot.
“Pabalik ako sa classroom nang makita kong pinagtutulungan ng tatlong kabataan tong si Tam2x.” Hindi makapaniwala ang tatlo sa kanilang narinig habang si Rom2x naman na walang kamalay-malay sa nangyayari ay nakatitig lang sa mga sugat ni Tam2x.
“Isumbong natin kay Atkuy! Sigurado bugbog din sila.” Inosenting saad pa ni Rom2x na sinabayan pa ng pagsuntok sa hangin. Takang napatingin naman ang teacher sa tatlo.
“Anyway, mamaya nalang tayo mag-usap tungkol dito. Dalhin na muna natin tong si Tam2x sa clinic para mabigyan ng lunas ang mga sugat niya.” Tumango naman ang mga bata sa sinabi ng kanilang guro. Tinulungan din nila ito sa pag-alalay kay Tam2x papuntang clinic.
-----
Kasalukuyang nakatayo si Paul sa harap ng glass wall ng opisina niya habang may kinakausap sa cellphone.
“So, how was your investigation going?.” Tanong ni Paul sa kausap na nasa kabilang linya.
.....
“Wala pa ring resulta? Haiiisssh!.” Frustrated na saad pa ni Paul na napasuklay pa sa maiksing buhok.
.....
“Okay okay! I'm expecting a result later than sooner, kaya gawin niyo ng maayos ang trabaho niyo.” Sagot niya pa ulit bago pinatay ang tawag.
Napahawak siya sa ulo dahil sa narinig na sagot mula sa kausap. Ilang linggo na pero wala pa rin siyang nakukuhang magandang balita mula rito.
Umupo siya sa swivel chair at tiningnan ang isang box na may laman na mga sulat at cellphone na may mga records.
-Nakakainggit talaga ang buhay mo, Paul. Masayang pamilya at maayos na buhay. Mukhang nakalimutan mo na ang ginawa mo sakin. Pero wag kang mag-alala, ipapaalala ko sayo kung ano yun. Ipaparamdam ko din sayo ang sakit na pinaramdam mo sakin!!.-
-Demon-
-Ang ganda pa rin talaga ng asawa mo, Paul. Gustong-gusto ko nga siyang tinititigan eh. WAHAHAHA.-
-Demon-
-Pababagsakin kita, Paul! Katulad ng ginawa mo sakin! Gagamitin ko ang mga taong mahal mo! Maghintay ka lang!-
-Demon-
Basa niya sa mga natanggap niyang mga sulat galing sa nakapangalang Demon. Pinaimbestigahan niya na rin ito sa mga private niyang investigator at nag-hire na rin siya ng mga taong magbabantay sa mag-ina niya ng palihim.
Ilang beses na rin niyang tinatanong ang taong ito kung anong kailangan nito sa kanya sa tuwing tumatawag ito. Pero ang lagi nitong sagot ay "magbabayad ka sa ginawa mo!", na siyang hindi niya naman maintindihan kung ano ang ibig nitong sabihin.
Alam niya ring nakasunod lang ito sa kanila dahil alam nito kung ano ang mga ginagawa niya at ng pamilya niya. Natatakot din siya para sa kaligtasan ng mag-ina niya. At ang mas ikinatatakot niya ay ang huli niyang natanggap na cellphone na may mga records ng boses ng anak niya. Ibig sabihin kasi nito ay nakakalapit ito sa anak niya. Kasama ng cellphone ay ang larawan ng anak niya na halatang kinuha pa mismo nito para ipadala sa kanya.
“Damn! Wag na wag ang anak ko!.” Matigas niya pang bulong sa hangin habang nakatingin sa larawan ng anak niya. Kinakabahan siya sa maaaring mangyari sa pamilya niya.
-----
Lunchtime na at dahil walang masyadong pasyente si Pauleen ay maaga siyang natapos kaya nagdesisyon siyang kumain sa pantry.
“Helen kapag may dumating at hinanap ako, puntahan mo nalang ako sa pantry ah?.” Paalala ni Pauleen at inayos ang mga gamit niyang nasa mesa.
“Opo, Doctora.” Sagot naman nito kaya lumabas na rin siya and made her way to the pantry. Pagdating niya ay pumili na agad siya ng makakain at naghanap ng mauupuan.
“Hey Doc. RG, dito ka oh..” Rinig niyang aya sa kanya, walang iba kundi si Jazzlyn na kasama ang dalawa ding surgeon. Pagtingin niya ay kumakaway pa ito sa kanya. Nakangiting lumapit na rin siya dito at umupo sa tabi nito.
“Gumaganda ka lalo Doc. ah..” Compliment naman ng isang kasama ni Jazz na si Doc. Ivan, kaharap niya ito.
“Ganun talaga kapag inspired, di ba Doc?.” Ngiting saad naman ng isa pa nilang kasama na si Doc. Charry, kaharap naman ito ni Jazzlyn.
“Puro naman kayo biro. Nahahaggard na nga ako eh.” Ngiting saad naman ni Pauleen sa mga ito.
“Oo nga naman. Tingnan niyo nga yang mukha niyan oh, parang laging inaantok. Hahaha.” Pang-aasar naman ni Jazzlyn na siyang ikinatawa naman nila.
“Maganda ka lang talaga kasi Doc. Kung naging single ka lang? Siguradong isa ako sa mga manliligaw mo.” Banat naman ni Ivan na kinantiyawan naman nina Jazzlyn at Charry.
“Wuusshhuu.. Hahaha marunong ka palang bumanat Doc. Ivan. Hahaha.” Tawang pang-aasar pa ni Jazzlyn kay Ivan.
“Suuss Doc. Ivan, tumigil ka nga sa kapabebehan mo dyan. If I know, kahit taken na tong si Doc. Pauleen ay siguradong isa ka rin sa mga nagpapadala ng kung ano-ano sa kanya. Hahaha.” Pambubuking naman ni Doc. Charry. Natatawa naman si Pauleen at napapailing sa mga pang-aasar ng mga kasama.
“Ui ui ui. Pinagsasabi mo Doc. Charry? Ikaw talaga oh..” Pagkukunwari naman ni Doc. Ivan na tila nahihiya. Close silang dalawa ni Doc. Charry kaya alam nila kung ano ang mga sekreto ng bawat isa.
“Oyyyy.. Ikaw Doc. Ivan ah.. May ganun ka palang sekreto. Hahahaha.” Pang-aasar pa ulit ni Jazzlyn dito.
“Haha tumigil na nga kayo. Baka tumakbo na yan si Doc. Ivan oh. Hahaha.” Sali naman ni Pauleen sa asaran ng mga ito.
Napuno ng tawanan at asaran ang lunchtime nila. Kahit ang ibang kumain sa Pantry ay napapatingin at napapasali din sa kanila.
Pagkatapos nilang kumain ay nagpaalam na rin sila sa isa't-isa upang bumalik na sa kani-kanilang opisina.
“So, mga Doc, dito na ako. Thanks for the time. I had fun.” Ngiting paalam na ni Pauleen habang tinuturo ang daan papunta sa opisina niya.
“Sige Doc, ingat ka.”
“See yah around, Doc.”
“Bye, Doc.”
Ngiting paalam naman ng tatlo sa kanya at naghiwa-hiwalay na sila ng daan.
Naglakad na rin siya papuntang opisina niya at padating niya dito, bago paman siya makapasok ay nakita niya si Helen na papalapit sa kanya habang may dalang mga documents.
“Doc, may gusto pong kumausap sa inyo. Nasa waiting area po siya naghihintay.” Inform ni Helen sa kanya.
“Okay. Papasukin mo nalang.” Tango naman ni Pauleen saka pumasok na sa kanyang opisina.
Maya-maya'y pumasok na nga si Helen kasama ang isang lalaki na nasa mga 35-40 na ang edad. Nakasuot ito ng lumang jacket, maitim na pantalon at nakasumbrero na tila tinatakpan ang mga mata. Pinaupo ito ni Pauleen sa harap ng mesa niya.
“Gusto niyo daw po akong makausap?.” Magalang niya ng tanong dito na pilit hinuhuli ang tingin nito.
“Aahh.. Eehh.. Gusto ko sanang humingi ng tulong sayo Doc.” Tila nahihiyang sagot naman ng mama at napayuko.
“Tulong po? Eh ano po bang maipaglilingkod ko sa inyo?.” Tanong naman ni Pauleen na matamang nakatingin sa mama.
“Eh.. kasi.. Doc.. ma-may sakit po ang apo ko. Wala po akong perang pangpahospital. Pw-Pwede po bang tingnan niyo nalang siya kahit saglit at resetahan?.” Naawa naman si Pauleen dahil sa narinig sa mama na napayuko pagkatapos magsalita.
“Sige po, walang problema. Kasama niyo po ba siya ngayon? Nasaan po siya?.” Sagot at tanong na ni Pauleen.
“Eehh.. Do-Doc. Hindi ko po siya kas-kasama eh. Na-Nasa bahay po siya. Na-Nahihiya naman po akong dalhin siya dahil wala po a-akong pera. Pwe-Pwede po bang sumama nalang po kayo saglit sakin?.” Malungkot na saad pa ng mama kay Pauleen.
Alam niyang hindi siya pwedeng umalis ng hospital ng ganun-ganun lang pero bilang Doctor ay hindi niya din naman pwedeng pabayaan ang bata.
“Ganun po ba..” Napaisip naman saglit si Pauleen kung ano ang mas mabuting gawin.
“Ang mabuti pa po ay dalhin niyo nalang po siya dito at iconfine. Wag niyo na rin pong alalahanin ang babayaran niyo. Ako na pong bahala dun. Ang importante po ay madala niyo siya dito para matingnan ko ng maayos kung ano man po ang sakit niya at ng maagapan ito agad.” Mahabang saad pa ni Pauleen sa nag-aalalang boses. Sandaling natahimik naman ang mama na tila nag-iisip.
“Eeh ka-kasi Doc. Ahm.. Ehh..” Hindi mapakaling tugon naman ng mama na parang hindi alam ang sasabihin.
“Po? Bakit po? May problema pa po ba?.” Nag-aalala pa ring tanong ni Pauleen.
“Wag po kayong mag-alala. Kung madadala niyo po siya ngayon dito, gagawin ko po agad ang mga dapat gawin para maagapan yung nararamdaman niya.” Pang-eengganyo pa ni Pauleen sa mama. Napabuntong-hininga naman ang mama bago nag-angat ng tingin kay Pauleen at sumagot.
“S-Sige po, Doc. Puntahan ko lang po yung apo ko at dalhin ko dito.” Saad na ng mama at tumayo na rin.
“Papasamahan ko nalang po kayo para may makatulong po sa inyo at mapabilis po kayo.” Saad pa ni Pauleen na tumayo din.
“W-Wag na Doc, kaya ko na po.” Mabilis na sagot naman ng mama at umalis ng hindi hinihintay ang sagot ni Pauleen na siyang kinataka nito.
-(Bwesit! Akala ko mapapasama ko na siya! Mabait na, mautak pa! Pero hindi ako titigil hangga't hindi ka napapasakamay ko, doctora! Kung hindi ka makuha sa pakiusapan, kukunin kita ng sapilitan!)- Saad ng mama sa isip niya habang nakatingin ng masama kay Pauleen sa labas ng bintana ng opisina nito.
-----
Hapon na, naisip ni RJ na ipagpatuloy na ang naudlot niyang trabaho tungkol kay Yohan Yushiko. Nakakuha na rin siya ng ilang impormasyon tungkol dito at nalaman niyang isa din itong drug lord. Umakyat siya ng kwarto niya pagkatapos sabihin kay Joe na hindi siya magpapaistorbo dahil may gagawin siyang importante.
Pagkapasok niya at pagka-lock sa pinto ay binuksan niya na agad ang kabinet kung saan nakalagay ang mga damit niya, gawa ito sa plywood. Pero hindi lang ito bastang kabinet, pumasok siya mismo sa loob nito at sinara ito. Pagpasok niya ay may pinindot siyang maliit na button na nasa kanang bahagi nito. Biglang gumalaw ang inapakan niya papuntang ilalim.
Isa itong sekretong kwarto na nasa ilalim ng kwarto niya. Ibang-iba ito sa kwarto niya dahil bukod sa mas maganda ito ay halata ding hindi basta-basta ang mga gamit na nakapaloob dito. Wala ding nakakaalam tungkol dito maliban sa kanya.
Sa loob nito makikita ang isang pabilog na malaking mesa na gawa sa glass at may mga bag na nakalagay. Nakapalibot dito ang mga simpleng upuan.
Ilang hakbang ang layo mula sa pabilog na mesa ay ang isa ding pahabang mesa na may mga iba't-ibang uri ng gadgets tulad ng computers at mga small devices na ginagamit niya sa trabaho. Nasa harap nito ang isang malaking monitor na kung saan ay kita dito ang mga nangyayari sa loob ng bahay niya at sa labas nito. Nilagyan niya ng CCTV ang bahay ng palihim para maprotektahan ang mga bata sa anumang kapahamakan.
Naupo siya sa harap ng computer at sinimulan na ang dapat niyang gawin. Yun ay ang alamin ang magandang pwesto na kaharap lang ng building kung saan mag-i'stay si Yohan Yushiko.
Pagkatapos malaman ang mga building na pwede niyang pagpwestuhan ay nagpareserve na din siya ng kwarto sa katapat mismo ng building ng Narazo Hotel.
“Bukas makalawa kapag wala pa ring ginawa ang mga Pulis. Ako na mismo ang hahatol sayo Mr. Yushiko.” Saad pa ni RJ habang nakatingin sa picture ni Yohan Yushiko na nasa monitor.
Maya-maya'y tumunog ang cellphone niya.
(Riiinnnggg... Riiinnnggg... Riiinnnggg...)
“Hello, sir?.” Sagot niya sa tawag.
“Yung pinapagawa ko sayo, nakaplano na ba?.” Tanong ng nasa kabilang linya.
“Yes, sir. Go signal niyo nalang po ang hinihintay ko.”
“Good. Good. Good. Just wait for my call. Ilang araw nalang at ipapakuha ko na siya sayo.”
“Sige po, sir. Walang problema.” Huling sagot niya saka binaba ng kausap ang tawag.
“Pauleen Evans...” Bigkas niya pa sa pangalan ng babaeng ilang araw niya na ring minamatyagan. Ito rin ang pinag-usapan nila ng taong tumawag sa kanya.
-----
“Helen? Wala pa rin ba yung mama at ang apo niya? Baka naman nasa counter o nasa lobby sila?.” Nag-aalalang tanong ni Pauleen sa Nurse na kasama niya habang may inaasikaso sa computer niya.
“Doc, wala pa po doon eh. Saka ininform ko na rin naman po ang gwardiya at ang mga nasa counter na tawagan kayo kapag may dumating man.” Sagot naman ni Helen sa kanya.
“Sige salamat, Helen.” Saad niya nalang at pinagpatuloy na ang ginagawa niya. Pero maya't-maya naman ay napapatigil siya dahil sa paghihintay sa mama at sa bata.
-(Ano na kayang nangyari dun sa bata. Bakit kaya ang tagal naman nila, baka mapano pa yung apo niya. Haaayyy...)- Nag-aalalang isip pa ni Pauleen sa apo ng mamang pumunta sa kanya.
-----
Binuksan ni RJ ang isang sekretong lagayan niya ng mga baril na nasa loob mismo ng dingding sa harap ng pabilog na mesa. Malaki ito dahil nakapaloob dito ang iba't-ibang uri ng baril, simula sa maliliit hanggang sa malalaki. Kinuha niya ang isang malaking rifle at sinimulan itong punasan ng tuyong damit.
Habang ginagawa niya iyon ay nakita niya naman sa monitor na nasa harap ng pinto ng kwarto niya si Joe at kumakatok.
“Ano na naman kayang kailangan ng mokong na to.” Kausap niya sa sarili bago binaba ang pamunas at nagdesisyong umakyat na pabalik sa kwarto niya.
“Oh? Ano na namang problema mo't maka-kalampag ka dyan ng pinto parang wala ng bukas?.” Tanong ni RJ pagbukas niya ng pinto at pagkaharap kay Joe.
“Pare, tumawag sakin yung titser nina Jan2x eh. Kailangan daw tayo sa paaralan ngayon.” Sagot naman ni Joe sa nag-aalalang tono.
“Oh bakit? May nangyari ba?.” Kunot-noong tanong naman ni RJ na nag-aalala na rin.
“May problema daw eh. Nakipag-away si Tam2x sa mga kaklase niya.” Napahawak si RJ sa leeg at napailing-iling dahil sa narinig.
“Sige hintayin mo ko. Magbibihis lang ako.” Paalam na ni RJ na tinanguan naman ni Joe.
-----
Pagdating sa paaralan ng mga bata ay dumiretso sila RJ at Joe sa opisina ng Prinsipal. Ilang beses na ring napapaaway ang mga ito kaya alam na nila kung saan sila pupunta sa tuwing may ganitong pangyayari.
Pagkapasok nila sa bungad palang ng opisina ng Prinsipal ay nandoon nga ang apat na bata. Nakaupo ang mga ito sa pinaka-sala ng opisina kasama ng dalawang guro.
“Atkuy!.” Masayang lapit agad sa kanya ng inosenting si Rom2x. Lumapit din ang tatlo sa kanya at yumakap.
“Maupo na muna kayo dun. Jan2x ikaw na munang bahala sa kanila.” Utos niya pa kay Jan2x.
“Opo, Atkuy.” Tangong sagot naman ni Jan2x sa kanya.
Pagkatapos ay sinamahan na din sila ng guro ni Tam2x sa opisina mismo na nakalaan para sa Prinsipal.
Pagkapasok nila ay nandoon na si Tam2x at nakaupo sa harap ng Prinsipal. Kaharap niya ang tatlong bata na katabi din ang bawat ama ng mga ito. Nandoon din ang lalaking teacher na tumulong kay Tam2x at nakakita ng pangyayari. Ang Prinsipal na babae ay medyo may edad na rin pero malakas pa naman.
“Tam2x.” Tawag pansin ni RJ sa bata kaya napalingon sa kanila ang mga nandoon, at pagkakitang may mga galos ito ay napakunot ang noo niya.
“Ah.. RJ maupo na muna kayo.” Pagpapaupo naman sa kanila ng guro nila Tam2x kaya tumabi na din silang dalawa ni Joe sa bata.
“Pinatawag ko kayong mga guardian nitong mga bata ay dahil na rin sa gulong nangyari. Para magkaayos ang mga bata at mabigyan ng parusa ang nagsimula.” Pagsisimula na ng Prinsipal na siyang tinanguan naman nila.
“Ngayon, sino ang totoong nag-umpisa ng gulo sa inyo?.” Mahinahong tanong na ng Prinsipal.
“Siya po! Siya po!.”
“Oo nga po! Siya po!.”
“Siya po talaga, ma'am!.”
Sabay-sabay na turo ng tatlo kay Tam2x habang ito naman ay tahimik lang na nakayuko.
“Ssshhhh! Tahimik! Tahimik!.” Natahimik naman ang tatlo sa pagsuway ng Prinsipal.
“Tam2x, totoo bang ikaw ang nag-umpisa ng gulo?.” Tingin na ng Prinsipal kay Tam2x pero nanatili pa rin itong walang imik.
“Tam2x. Totoo bang ikaw ang nag-umpisa ng gulo?.” Matigas ang tonong tanong na ni RJ at dahil dito ay napatingin sa kanya ang bata.
“Eh basagulero pala ang batang yan eh. Pinagtanggol lang ng mga anak namin ang sarili nila.” Aroganteng singit naman ng ama ni Manuel na nakasimangot pa.
“Oo nga! Kaya pwede bang tapusin na natin to! Marami pa kaming gagawin!.” Irritableng segunda pa ng isang ama.
“Wag kang matakot. Magsabi ka ng totoo.” Seryosong saad pa ni RJ na bagama't si Tam2x ang sinasabihan ay ang tingin naman ay nasa ama ni Manuel.
“Hi-hindi po, Atkuy.” Mahihimigan ang basag na tono ng bata na bigla ding napaluha. Hinawakan naman siya sa ulo ni RJ at hinimas-himas bilang pag-aalo dito.
“Paano yan, ma'am. Wala pong kasalanan si Tam2x at naniniwala po ako sa kanya. Kita rin naman po siguro kung sinong argabyado dito eh.” Saad pa ni RJ na walang kaemo-emosyon ang mukha.
“Hindi naman yata tama yan. Hindi porke sinabi niyang hindi siya ang nauna eh siya na ang paniniwalaan.” Reklamo naman ng isa pang ama na nakakunot ang noo.
“Hindi ba't halata naman na pinagtulungan ng mga anak niyo ang bata ko?.” Matalas na sagot na rin ni RJ. Halata na ring naiinis na ito.
“Pare, relax lang.” Bulong na awat naman ni Joe sa katabing si RJ.
“Alam mo, away bata lang to! Natural lang naman to sa mga lalaki eh! Palibhasa hindi mo alam yun dahil hindi ka naman totoong lalaki. Pfftt haha.” Insultong saad pa ng ama ni Manuel na siyang ikinatawa pa ng mga ito.
“Huh! Kaya naman pala ganyan ang mga anak niyo. Duwag din katulad ng mga ama nila.” Pang-iinsulto ding sagot ni RJ sa tatlong ama na nginisihan niya pa.
“Anong sabi mo?!.” Galit na napatayo ang tatlong ama dahil sa sinabi ni RJ. Agad na pumagitna naman sa kanila ang lalaking teacher para maiwasan ang gulo sa pagitan ng dalawang panig.
“Please, huminahon po kayo. Hindi natin maaayos to kung pati kayo ay sumali na din sa gulo.. please lang.” Pag-aawat na sabi ng teacher na lalaki sa tatlong ama.
“Mga sir, maupo na muna kayo. Huwag niyo ng palalain ang problemang to. At pwede bang konting respeto naman sa harap ng mga bata!.” Seryosong saad naman ng Prinsipal sa tatlo. Sumunod naman ang mga ito pero masama pa rin ang tinging pinupukol kay RJ.
Makalipas ang ilan pang minutong pag-uusap ay nag-desisyon na ang Prinsipal na bigyan ng parusa ang tatlong bata dahil sa pambubugbog nila kay Tam2x. Winarningan din ang mga ito na kapag naulit pa ay paaalisin na sila sa paaralan.
Todo reklamo naman ang mga ama ng tatlong bata pero wala na silang nagawa ng seryoso at final ng hinayag ng Prinsipal ang parusa ng mga anak nila.
Hindi naman ganun kabigat ang parusa dahil magiging cleaners lang naman sila sa kanilang paaralan at dapat active sila sa kung anumang gawain ang ibibigay sa kanila.
Pagkatapos pagkamayin ang mga bata ay nagpaalam na din sila para umalis na.
“Sige po ma'am, mauna na po kami.” Paalam na ni RJ.
“Sige, RJ. Mag-iingat kayo.” Sagot naman ng Prinsipal kaya lumabas na rin sila.
Ang mga ama naman nina Manuel ay umalis ng walang paalam dahil sa inis. Naisip din nilang parang natapakan ang pride nila bilang p*********i.
“Tara, uwi na tayo.” Aya na ni RJ sa mga bata na tumango naman sa kanya.
Bago paman umalis ng tuluyan ang ama ng tatlong bata ay tumigil pa ito mismo sa harap nila at binigyan si RJ ng masamang tingin. Hindi nalang din niya ito pinansin at inakay na ang mga bata pauwi.
Pagdating ng kanilang bahay ay nilagyan na ni RJ ng alcohol ang mga galos ni Tam2x. Naisip niyang ipagpabukas nalang ang pagtatanong dito tungkol sa nangyari.
=====
Xoxo:)
Thanks for reading:)
~
~
~
⇨acacabas_019ツ.