EPISODE 4.

4811 Words
“REALITY LIES” EPISODE 4. ◆General's POV.◆ It's sunday morning. Kasalukuyang nasa balcony ng second floor ang mag-asawang Evans, nakaupo. Si Paul na may binabasang diyaryo habang ang asawa niya namang si Leenie ay nagkakape. "It's sunday. Wala bang balak si Pauleen na bumisita manlang dito? Haayy.." Kausap ni Leenie sa asawang busy pa rin sa pagbabasa ng diyaryo. "She's all grown up." Sagot naman ni Paul na hindi manlang tinitingnan ang ginang. "Still, she's our daughter. Halos hindi na siya nagawi dito. Kung pumunta man, nagmamadali pang umalis." Said Leenie na napahawak pa sa sentido at nakakunot ang noo. Binaba naman ni Paul ang hawak na diyaryo at tiningnan ang asawa. "We can't blame her, Leenie. May pagkukulang din tayo sa kanya bilang mga magulang niya. Nakalimutan natin yung nararamdaman niya nung mga panahong nagluluksa tayo. And we both know that.. it's exactly the reason why she became distant... especially when that incident happened." Paliwanag naman ni Paul. Though nagkakausap at nagkakasama sila minsan ng anak nilang si Pauleen, ramdam pa rin nila ang gap na nakapagitan sa kanila. "Bumawi naman tayo di ba? Until now, bumabawi pa rin naman tayo. Pero.. siya yung lumalayo." Nalungkot ang ginang sa huli niyang sinabi. Kahit kasi anong pilit nilang ibalik ang dating sigla ng kanilang pamilya ay hindi nila iyon magawa-gawa after the incident. "She'll come around, Leenie. Don't worry, I'll ask her to come here later if she's not busy. Besides, I also miss her." Pag-aalo pa ni Paul sa asawa. Napatingin naman ito sa kanya. "Bawas-bawasan mo kasi yang pagkaseryoso ng mukha mo. Natatakot yung princess natin eh." Natatawang dagdag pa ni Paul. Napatingin naman ng masama si Leenie sa asawa. "And what do you mean by that?." Taas kilay pa nitong tanong sa asawa. "Haha. Oohh.. you can take a look at the mirror and check it for yourself. You're scaring our daughter with that look of yours. Hahaha." Natatawang sagot naman ni Paul na lalong natawa dahil sa nakitang reaksyon ng asawa. Naging bothered kasi ang mukha nito at biglang kukunot dahil sa sinabi niya. "Are you playing on me, Mr. Evans?." Leenie glared. "Oh-oh! Okay okay. I'll stop." Biglang tigil naman ni Paul sa pagtawa. Alam niya kasing seryoso na ang asawa. "But seriously, try to be more approachable. Perhaps, in that way, Pauleen would come here more often." Seyosong dagdag na ni Paul. Napabuga naman ng hangin ang ginang dahil dito. "Am I that scary?." Muntik pa ulit matawa si Paul dahil sa sinabi ng asawa pero agad niya itong napigilan ng makitang masama ang tinging pinupukol nito sa kanya. "Ahm! Ahm!." He composes himself before continuing. "To our daughter, yes you are. Subukan mo kasing kausapin siya sa mahinahon mong boses.. at mahinahon mong mukha." Saad pa ni Paul na seryoso ding tiningnan ang asawa. "Okay. I'll try." Leenie answered and sighs. Simula bata pa kasi si Pauleen ay hindi naman siya naging masyadong close sa kanyang ina dahil na rin sa pagka-busy nito sa trabaho. Hindi rin sila masyadong nagkakausap, unlike sa kanyang ama na spoiled siya ng konti. Mas lalong lumayo ang loob ng dalawa pagkatapos ng trahedyang nangyari. Naapektuhan sila ng husto kaya hindi nila napansing hindi na nila nabibigyan ng panahon ang isa't-isa. ----- Isang lalaki ang napapalibutan ng kanyang mga tauhan. Nasa thirty na ito, mataas ang tindig at confident tingnan. Seryoso din ang mukha nito na siyang dahilan kung bakit hindi ito nalalapitan ng mga tao. May madilim na awra na kahit sino ay matatakot kapag nakita siya. Bawat tauhang kanyang nadadaanan ay yumuyuko bilang pagbati sa kanya. Kasalukuyan siyang naglalakad papasok sa isang bahay kung saan siya nakikipagkita at nakikipag-usap tungkol sa kanilang negosyo. Isa itong tagong lugar na tanging sila-sila lang ng mga kanegosyo niya ang nakakaalam. Pagkapasok niya ng bahay ay agad na bumungad sa kanya ang taong kanyang kakausapin. Nasa living room ito kasama ang tatlo nitong malalaking tauhan. "Yakiro Yushiko." Gulat na bati ng lalaking nakaupo sa loob bagama't tumayo naman ito at yumuko pa ng konti. May edad na rin itong tingnan pero makisig pa rin naman. "Mr. Villar." Sagot naman ng lalaking pumasok bilang pagbati na seryoso pa rin ang tingin. Yumuko din siya ng konti nang magkaharap na sila. "Let's talk in the room." Aya pa ni Yakiro na tinanguan naman ni Mr. Villar. Ang room na tinutukoy niya ay ang kwarto kung saan siya at ang ama niya nakikipag-usap sa kliyente man o sa kasosyo nila sa negosyo. Pagkaharap ni Yakiro sa malaking pinto ng kwartong gawa sa glass ay automatic itong bumukas nang ma-identify siya as the owner. Pagkapasok ay umupo na ang dalawa sa tig-isang couch na magkaharap. Naka-de-kwarto si Yakiro at maangas tingnan. May nakapagitan din sa kanilang mesa. Nasa likod naman ni Mr. Villar ang tatlo niyang tauhan at nakatayo. Sinulyapan naman ni Yakiro ang sariling tauhan niya na nasa may pinto at binigyan sila ng tingin at tango na nagsasabing lumabas na sila. Sumunod naman ang mga ito at sumara naman ng kusa ang pinto. "I didn't know I'd be seeing the young Yushiko. I wasn't informed to meet you instead of your Father." Umpisa ni Mr. Villar ng usapan. "My Father had an urgent errand to attend to. He asked me to come here and talk to you about the going on negotiation with Mr. Severo." Sagot naman ni Yakiro na hindi nagbabago ang seryosong tingin. May accent din ang pananalita nito dahil hindi English ang first language niya. "Ah.. I see." Tango-tangong saad naman ni Mr. Villar. "So.. can we start then?." Tanong pa nito. "Sure." Sagot naman ni Yakiro na tumango pa. Pagkatapos pag-usapan ang mangyayari sa shipment with Mr. Severo at kung saan ito gaganapin ay nagpahinga na muna sandali ang dalawa. May inumin ding nakalagay sa mesa na siyang iniinom ni Yakiro. Umayaw kasi si Mr. Villar ng mag-offer siya ng drink. "I also come here to ask for a change on the credits. My final bet, you may say." Agad na napakunot ang noo ni Yakiro pagkarinig sa sinabi ng kausap makalipas ang ilang minutong pananahimik. "Change? And what would it be?." Seryosong tanong pa ni Yakiro na inilagay ang hawak na baso sa mesa and crossed his legs. Mukhang hindi niya magugustuhan ang patutunguhan ng kanilang usapan. "60-40 wouldn't be that much, Yakiro. I was actually going to ask it on your Father." Saad pa ni Mr. Villar. Napa-smirk naman si Yakiro dahil sa sinabi nito. "Is that the reason why you brought your men here, Mr. Villar? Are you afraid to ask that all by yourself?." Kitang-kita ni Mr. Villar ang pag-iba ng tingin ng lalaking kaharap, dahilan para mangamba siya. "Wa-Wa-What are you trying to say, Ya-Yakiro?." Kinakabahang tanong na ni Mr. Villar na napalunok pa at napaupo ng tuwid. Alam niya kung paano magalit ang anak ni Mr. Yohan Yushiko kaya alam niya sa sariling dapat siyang mag-ingat. Nag-iba din ang awra nito na ang ibig sabihin ay hindi na maganda ang mood nito. "You know our rules here, Mr. Villar. We don't allow anyone here aside from me or my father and the one that we would be talking to." Mr. Villar saw how Yakiro's jaw move, indicating that the man was upset. Napapasulyap pa ito sa tatlo niyang tauhan at sa mga espadang nakahilira sa likod ng mga ito kaya lalo siyang kinabahan. "And you know that 70-30 is our final offer. Other than that, we'll be saying NO." Dagdag pa nito emphasizing the last word. Isang kwartong gawa sa glass at may mga mamahaling furnitures, even the couch. Nakapalibot dito ang iba't-ibang klase ng mga espadang nabili pa nila sa iba't-ibang bansa. "B-business is business, Ya-Yakiro. Besides, the shipment would be on our t-track and we will be han-handling almost e-everything, in behalf of your Father." Pagpapaalala pa ni Mr. Villar sa mga gagawin nila para sa nasabing shipment at pilit na pinapakitang hindi siya kinakabahan. Lalong napa-smirk si Yakiro dahil dito. "Are you saying that we are helping less.. than you do?." Tanong ni Yakiro na halatang naiirita na. "No. No. O-Of course not, Ya-Yakiro." Iling na sagot agad ni Mr. Villar na hindi na mapakali. "I mean.. 30 percent f-for us.. t-that's jus----" "Un..fair..?." Putol ni Yakiro kay Mr. Villar. Napatitig naman sa mga mata ni Yakiro si Mr. Villar at hindi nakapagsalita, napapaso din siya sa tingin ng kaharap. "Ha-ha! Ha-ha-ha!." Yakiro laugh evilly and full of sarcasm when he hits the bottom. Napayuko naman si Mr. Villar dahil dito. Biglang tumigil sa pagtawa si Yakiro at tinitigang mabuti ang kaharap na sandaling natahimik. Makalipas ang ilang minuto ay sumama ulit ang mukha niya bago muling nagsalita. "Just.. who do you.. think you are?." Mahina pero puno ng talas na saad pa ni Yakiro. Napalunok ng paulit-ulit si Mr. Villar at hinanda ang sarili kung sakaling umatake ang kaharap. Agad na tumayo naman ang tatlong malalaking tauhan ni Mr. Villar in a defense stance. Ang dalawa ay tumayo pa sa magkabilang side ng kanilang bossing. Lalo namang napatawa si Yakiro dahil dito, tawang malademonyo habang napapasandal pa ang ulo sa likod ng malambot na inuupuan. "Ha Ha Ha Ha! You.. guys.. are funny! Ha Ha Ha!." Saad pa nito na kahit tumatawa ay halata namang nang-gigigil na ito sa galit. Dahil naman sa ginawa ng mga tauhan ni Mr. Villar ay lumakas ang loob niyang salubungin ang tingin ni Yakiro at sagutin ito ng hindi maganda. "Yakiro, what I'm asking is not too much! Now, if you won't coincide. Then, I guess we could call this negotiation off." Saad pa ni Mr. Villar na tumayo na rin mula sa pagkakaupo. "You're.. backing out?! Ha-ha!." Kapansin-pansin sa tono at tingin ni Yakiro na hindi nito gusto ang narinig. Walang nagkakalakas ng loob na magsalita ng ganun sa kanya. Kung merun man ay pinatay niya na. "You spoke so highly of yourself. And I'm not liking it a bit." Dagdag niya pa sa mahinahong tinig. Pero hindi porke mahinahon ang pagkakasabi niya ay hindi ka na dapat kabahan. It should be the other way around because it's his way of saying that YOU'RE DEAD. "We're leaving." Paalam na ni Mr. Villar kay Yakiro na hindi na pinansin ang sinabi nito. "Let's go." Aya pa nito sa mga tauhan nito na agad namang sumunod. May kinapa naman si Yakiro sa ilalim ng mesang gawa din sa glass na nasa harap niya. May pinindot siya dito pagkatapos ay may nagsalitang boses babae na rinig sa kabuuan ng kwarto. -Successful, Mr. Yushiko. The door is locked.- Dahil sa narinig na programmed voice ay agad na naalarma si Mr. Villar at ang mga tauhan nito. Panay naman ang hanap ni Mr. Villar sa button na maaaring magbukas ng pinto habang ang mga tauhan nito ay napatingin kay Yakiro at humanda para sa pakikipaglaban. Hindi ina'allowed ng mag-amang Yushiko ang anumang weapon sa loob ng kwartong yun maliban sa mga inilagay nilang espada. Kaya naman walang armas na dala si Mr. Villar at ang mga tauhan nito. "I really hate it when someone disappoints me." Mahinang saad ni Yakiro na pumikit pa at inayos ang muscle sa leeg niya by twisting it side by side. "Ya-Yakiro! Let us out!." Desperate na sigaw ni Mr. Villar na sobra ng kinakabahan. Tumayo si Yakiro mula sa pagkakaupo at tiningnan si Mr. Villar at ang mga tauhan nitong nasa may pinto ng kwarto. He smirked evilly at them, dahilan para manlaki ang mga mata ni Mr. Villar sa takot. "You should know me better." Said Yakiro and walked towards where the swords are. Pinulot niya ang handle ng isang espada at marahas itong hinila sa lalagyan nito. Pagkakita sa ginawa ni Yakiro ay napaatras naman ng isang hakbang ang mga tauhan ni Mr. Villar dahil sa biglang takot na naramdaman. "Kill him! You.. k-kill him!." Dahil sa takot na siya ang mapatay ay napautos bigla si Mr. Villar sa mga tauhan niya. Napangisi naman si Yakiro dahil dito at naglakad palapit sa apat. "Aahhhhhh..." Malakas na sigaw ng isa sa mga tauhan ni Mr. Villar na sumugod kay Yakiro. Binigyan niya ng suntok si Yakiro pero agad itong nakaiwas. Sumuntok pa siya ng isang beses at isang beses at isa pang beses. "Hmmppff!." Daing ng tauhan ni Mr. Villar ng maiwasan ni Yakiro ang mga suntok nito at suntukin niya ito sa tagiliran gamit ang isa niyang kamay. "Hah!!." Biglang hampas ng espada ni Yakiro sa likod ng tauhan ni Mr. Villar pagkatayo nito ng maayos. "Aaarrrggghhh..." Daing naman nito na hindi nakaiwas. Napaluhod ito pagkatapos ay bumagsak. Dahil sa nakitang walang-awang pagpatay ni Yakiro sa tauhan niya ay lalong lumakas ang kabog ng dibdib ni Mr. Villar dahil sa takot. "B-Both of you! A-Ascend! Ki-Kill him!!." Utos pa ni Mr. Villar sa nanginginig na boses. Pilit niya ding sinisiksik ang sarili niya sa pintong hindi alam kung paano mabubuksan. "Aaaahhhhhh!!!." Sigaw pa ng dalawang tauhan ni Mr. Villar na sumugod din kay Yakiro. "Hah! Hah! Hah! Hah!." Sunod-sunod na hampas naman ni Yakiro ng espada sa dalawa. Dahil sa bilis ng galaw nito ay nanlaki nalang ang mga mata ng dalawa sa gulat. Ni hindi nila napansin ang pagtama ng espada sa kanilang katawan. Nakaramdam nalang sila ng sakit at panghihina. "Aaaarrrrgggghhh.. aaaggghhh.." "Hmmmpppfff.. aaaggghhh.." Daing pa ng dalawa na napaluhod at napahawak sa malaking hiwa sa kanilang dibdib gawa ng matalim na espada. May lumalabas ding dugo sa kanilang bibig bukod sa kanilang katawan. Habang nakaluhod ang dalawa ay hinawakan naman ni Yakiro ang buhok ng isang tauhan ni Mr. Villar at inangat ito paharap sa kanya. Ang isa naman ay bumagsak nang sinipa niya ng marahas. "Aaarrrggghhh.." Daing ng hinawakan ni Yakiro dahil sa higpit at sakit ng pagkakahawak niya dito. Pinatingin niya ito sa kanya at nginisihan na parang demonyo. Mapapansin din ang mga dugong nagkalat na sa sahig at sa mga damit ng tauhan ni Mr. Villar. Kahit ang espadang hawak niya ay may dugo na ring naiwan mula sa mga tauhan ni Mr. Villar. Binaling ni Yakiro ang tingin kay Mr. Villar at nginisihan din ito. Pawis na pawis naman si Mr. Villar kahit malamig sa loob ng kwartong yun. Nanginginig na rin ito at hindi mapakali. "This is what happens when I'm disappointed." Saad pa ng tila demonyong si Yakiro na gumagalaw-galaw pa pataas ang side ng bibig dahil sa galit at gigil. "AAAHHHH!!! HAH!!." Sigaw pa ni Yakiro sabay taas at tusok ng hawak niyang espada sa may dibdib ng tauhan ni Mr. Villar. "Uuurrrrggghhh.. aa-aaa-ahhh.." Impit na daing ng tauhan ni Mr. Villar na umaagos pa ang dugo sa katawan at sa bibig. Napadilat din ito at napanganga dahil sa sakit habang nakahawak sa espadang nakatusok sa kanya. Ngumisi lang naman si Yakiro sa kaharap at marahas na tinabig ang tauhan ni Mr. Villar dahilan para bumagsak ang ulo nito sa matigas na sahig at matanggal ang pagkakatusok ng hawak niyang espada. Pagkatapos ay tumayo na ng tuwid si Yakiro at ginalaw-galaw ang leeg niya habang nakapikit. Pagbukas ng mga mata niya ay kitang-kita niya kung gaano katakot si Mr. Villar. "Ya-Yakiro.. I-I'm so-sorry." Mabilis na luhod na ni Mr. Villar. Nanginginig pa rin ito sa takot. Ngising-ngisi naman si Yakiro dahil dito. "It's okay, Mr. Villar." Kalmadong saad naman ni Yakiro at balewalang naglakad palapit sa pinto. Dahil dito ay para namang nagkaroon ng pag-asa si Mr. Villar. "70-30 is fine, Yakiro. I-If you wa-want, 80-20 wi-will do." Mabilis na saad pa ni Mr. Villar na nakaluhod pa rin. Nginitian naman siya ni Yakiro kaya napangiti din siya ng alanganin. "That's great. Now, you can go." Mahinahong saad pa ni Yakiro na humarap na sa pinto para bumukas ito. "Thank you, Yakiro! Thank you! Thank you!." Sabay yuko pa ni Mr. Villar na tila diyos ang nasa harap niya. Maya-maya'y automatic na bumukas na ang pintuan kaya napangiti naman si Mr. Villar. Pagtingin niya pa kay Yakiro ay tumango naman ito sa kanya na nagsasabing lumabas na siya. Nakangiting tumayo naman si Mr. Villar at yumuko pa ng isang beses bago humakbang paatras. "Thank you, Ya-Yakiro." Huling saad pa ni Mr. Villar na tumalikod na rin at humakbang palabas ng pinto. "AAAAAHHHHH!!!!! (Tsssssshhhhkkkk!)." Pero bago paman makalayo si Mr. Villar sa pinto ay lumipad na ang ulo niya palabas dito. Naiwan ang katawan niya na kung saan ang leeg ay punong-puno ng dugo na lumalabas galing dito. "I don't give second chances! Huh!." Mahina at madiing saad pa ni Yakiro habang nakatingin sa katawan ni Mr. Villar na bumagsak na din sa sahig. Nang makita ang nangyari ay agad na lumapit ang mga tauhan ni Yakiro para bigyan siya ng pamunas sa dugong nasa kanyang kamay at sa espadang hawak niya. Ang iba naman ay inasikaso na ang mga patay at ang mga nagkalat na dugo. Hindi na rin bago sa paningin nila ang ganitong pangyayari dahil kilala na nila ang ugali ng kanilang bossing. "Clean this up. I want everything to be back on it's pieces when I return. Andiztand?." Utos ni Yakiro sa mga tauhan niya na agad namang tumalima. Halata din ang ibang accent niya dahil sa pagiging Japanese niya. "Yes, sir!." Sagot pa ng mga tauhan niya. Takot ang mga ito sa kanya dahil minsan na rin siyang pumatay ng trahidor sa mga ito. Hindi lang simpleng pagpatay kundi tinorture niya pa. Ganun siya kasama. Hindi niya ugali ang magbigay ng pangalawang pagkakataon at pumapatay siya ng walang-awa. Siya ay isang Japanese na napadpad sa Pilipinas dahil sa kanilang negosyo ng kanyang ama. Pagkatapos ng nangyari ay lumabas na rin ng bahay si Yakiro at umalis na sa lugar na iyon. Sumakay na rin siya sa backseat ng itim niyang kotse pagkatapos siyang pagbuksan ng kanyang driver. Nakasunod sa sinasakyan niya ang dalawang itim ding kotse na puno ng mga tauhan niya habang nasa unahan naman nila ang isang puting kotse na siyang nag-ga'guide sa kung saan ang kanilang punta. Bantay sarado siya ng mga tauhan. Mahigpit ang mga ito kung magbantay at sanay sa martial arts, sword fights and gun firing. Expert naman siya sa pakikipaglaban gamit ang espada at wala pang nakakatalo sa kanya gamit ito. (Riiinnnggg... Riiinnnggg... Riiinnnggg...) "Kon'nichiwa, otōsan?" (Hello, Father?.) Sagot niya sa cellphone niya ng makitang ang ama niya ang tumatawag. Naka-de-kwatro din siya ng upo at straight face. "Villar-san to anata no hanashi wa dōdeshita ka?." (How was your talk with Mr. Villar?." Tanong naman ng ama niya sa kabilang linya. "Watashi wa kare no atama o motte imasu, otosan." (I have his head, Father.) Hindi naman nagulat yung ama niya sa sagot niya. Madalas kasing nauuwi sa ganitong pangyayari ang pakikipag-usap ng anak, na siyang kinokonsenti niya naman. "Wah? What happened?." Curious na tanong lang naman ng ama ni Yakiro sa kanya. "Kare wa don'yoku no kibishī hitodatta. Sore wa watashi o okora seru." (He was greedy and demanding. It makes me angry.) Mahahalata pa rin sa tono ng anak ang pagkainis nito kay Mr. Villar. "Okay, wakarimashita." (Okay, I understand.) Tangong sagot nalang ng ama ni Yakiro. "Ereway, how's the problem there, Father?." (Anyway,) Tanong na ni Yakiro sa ama nang maalala ang biglaang alis nito. Nasa Pampanga kasi ito dahil sa biglang problemang nangyari sa Laboratory nila. "Everything is going well. Don't worry much, okay?." Pag-aassure naman ng ama ni Yakiro na siyang ikinapanatag naman nito ng loob. "Okay, Father. Be careful." Paalala ni Yakiro sa ama na halatang nag-aalala. "I know. I know. You too.." Concern ding saad ng ama ni Yakiro sa kanya. "Go home safe." Paalala pa nito. "Hai." (Yes.) Huling sagot ni Yakiro bago binaba ang cellphone. Close ang dalawa kaya naman napatakbo nila ng maayos ang kanilang business. At sa dami ng tauhan nila, sa isa't-isa lang sila totoong nagtitiwala. They had each other's back. ----- Kasalukuyang nasa bahay ang apat na magkakaibigan. Araw ng linggo kaya nagkaipon-ipon sila. "Taaddaa! My special lasagna! Ehmmm!." Ngiting saad ni Cheska pagkalapag niya ng kanyang niluto. Lunch time na rin kasi. "Pinagmamalaki na naman niya.." Bulong na asar naman ni Ana pero sumandok na rin naman ng lasagna. "Edi wag kang kumain!." Sungit na tugon naman agad ni Cheska saka hinila ang pinaglagyan ng lasagna palayo kay Ana. "To naman di na mabiro. Joke lang besh. Sarap mo kayang magluto." Taas-baba ng kilay na saad pa ni Ana dito. Napangiti naman ng malaki si Cheska dahil dito. "Tumigil na nga kayo. Kain na." Singit naman ni Dianne na seryoso ang mukha. Napatingin naman ang tatlo sa kanya. "What?." Taas kilay na tanong niya pa nang makitang nakatingin sa kanya ang tatlo niyang beshy. "Menopause na naman po siya.." Bulong na tingin naman ni Pauleen sa dalawa na siyang ikinatawa ng mga ito. "Hahahaha." Tawa pa nilang tatlo. Nagtatakang napatingin naman si Dianne sa kanila. "Problema niyo?." Kunot-noong tanong pa ni Dianne na katabi ni Pauleen sa left side. "Hahaha wala wala. Kain naaaa.." Sandok na rin ni Pauleen ng pagkain kaya sumunod na rin ang tatlo. Habang kumakain ang apat ay nag-uusap naman sila para malibang. "Siyanga pala besh. Tungkol saan ba yung bago niyong hinahawakang kaso at parang panay naman ata ang O.T. mo?." Tanong ni Cheska na ang tingin ay nakay Ana, habang ngumunguya ng chicken. Uminom naman muna si Ana ng tubig bago sumagot. "Ahm! Ah yun ba. Tungkol sa isang unknown hitman na marami nang napapatay at patuloy na pumapatay." Sagot naman ni Ana. Kahit naman kasi sinasabi niya sa mga ito ang tungkol sa kasong kanilang hinahawakan ay tiwala naman siya sa mga kaibigan niyang hindi nila iyun ipagkakalat at tanging sila-sila lang ang dapat makaalam. "Hmmm.. no lead, besh?." Curious na tanong naman ni Pauleen. "None. Not even a single cut." Sagot naman ni Ana. "Wow. That's unbelievable. He must be tough eh?." Singit naman ni Dianne na naging intresado na rin sa usapan. "Sinabi mo pa besh. To think na marami na siyang napapatay pero kahit isang katiting na ebidensya ay wala, nakakabilib nga yun." Said Ana in a flat tone. "But I won't stop until I have my hands on him." Dagdag niya pa na pinaikot-ikot nalang ang tinidor sa pagkain niya at nakatulala. Napansin din ng tatlo ang mabilis na pag-iba ng tingin ni Ana, tinging may halong galit at tinatagong poot. Para lang din itong hangin na dumaan dahil sa mabilis din itong nawala. Nagkatinginan pa ang tatlo ng palihim. Nababahala sa kanilang nakita sa mga mata ng kaibigan. Pero hindi naman sila nagkaroon ng pagkakataon na pag-usapan iyun dahil agad ding binago ni Ana ang kanilang usapan. Hinayaan nalang din ito ng tatlo at inisip na baka dahil lang sa trabaho nito kaya ito ganun. Pagkatapos nilang kumain ay nagpahinga naman sila sa living room. Nanuod sila habang may kinakaing cookies. (Riiinnnggg... Riiinnnggg... Riiinnnggg...) "Hmmm?? Whose phone was that?." Tanong ni Dianne sa tatlo na hinahanap pa kung saan galing ang tunog. "Oh. Mine." Pakita naman ni Pauleen sa cellphone niya na nagpa-flash ang name ng Daddy niya as a caller. Tumango nalang din si Dianne at napatingin lang din sa kanya ang dalawa. "Hello, dad?." Kausap na ni Pauleen sa caller. Tumayo rin siya at naglakad papunta sa balcony. "How are you?." Tanong ng daddy niya na siyang nasa kabilang linya. "I'm fine, dad. How about you and mom?." "We're fine too, my princess. And.. I just call to ask you if you're available right now? You know.. bonding.. you, I and your mom." Mahihimigan ang paglalambing at pakikiusap sa boses ni Paul. Pauleen sighs na narinig naman ni Paul sa kabilang linya. "Oh. I guess I know what that means.." Pag-uuna na ni Paul, sounds disappointed. "I'm sorry, dad. I have to do something about our up-coming medical mission. I need to get things together beforehand." Malungkot na sagot naman ni Pauleen sa ama na siyang kinatahimik nito. Pauleen knows that he was disappointed. "I'll make it up to you guys, okay?." Dagdag pa ni Pauleen na pampalubag ng loob sa ama. "No worries my princess, it's okay. Just take good care of yourself, alright?." Saad nalang ni Paul sa anak. Napabuntong hininga naman si Pauleen pagkatapos ng tawag. Naisip din niyang bumawi sa parents niya kapag hindi na siya busy. Pagbalik niya sa mga beshy niya, wala na si Ana sa upuan nito na siyang ikinataka niya. "Where's besh Ana?." Takang tanong niya pa sa dalawa saka naupo sa couch katabi ni Cheska. "Emergency." Simpleng sagot lang naman ni Dianne na nakatutok pa rin ang mga mata sa TV. "Busy? Sa ano? Eh ling----" "I have to go beshies. Duty call." Biglang litaw naman ni Ana kaya naputol ang pagsasalita ni Pauleen. Nakasuot ito ng white shirt na pinatungan ng black jacket, black fitted pants at black leather boots na cool tingnan dito. "Oh. Okay.." Sagot nalang ni Pauleen sa kaibigan. "You look hot, besh." Saad naman ni Cheska na pilyong nakangiti. "I know, right." Kindat na sagot naman ni Ana na nag-pose pa. Nakalugay ang straight niyang buhok na nakadagdag sa ganda niya. Natawa naman ang tatlo sa ginawa ni Ana. May pagkapasaway din kasi talaga ito minsan kahit seryoso lagi ang mukha. ----- Pagdating ni Ana sa headquarters ay dumiretso na siya sa kanilang department. Nandun na ang mga kasamahan niya at ang kanilang superior na si Mark Gonzaga. "Sir!." Bati niya sa superior na si Mark Gonzaga na siyang naglelead sa kanilang imbestigasyon, nang nakasaludo. Gumanti naman ito at pinaupo na siya. Anim silang lahat sa kanilang department kasama ng kanilang superior at siya lang din ang nag-iisang babae sa grupo. Nakaupo silang lima na nakapalibot sa malaking mesa habang nakatayo sa kanilang harapan ang kanilang superior. "Alright! Alright! Since wala na tayong hinihintay, let's start." Umpisa ni Mark na tinanguan naman ng lima. "Pinatawag ko kayo ngayon dahil gusto kong imbestigahan niyo agad ang lead na ibinigay ng isa nating informant." Pinakita ni Mark ang ilang mga pictures sa kanyang mga tauhan. Tiningnan naman nila iyun. "Sir, sa Pampanga?." Kunot-noong tanong ng isa sa kanila. "Ang layo naman ata ng narating ng informant natin sir kung ikukumpara sa mga pinangyarihan ng krimen na within Manila lang." Dagdag pa nito na palipat-lipat ang tingin sa pictures at kay Mark. "Allan, you're a cop. Alam mong walang pinipiling lugar ang mga kriminal." Sagot naman ni Mark. Napatango nalang din si Allan dito at napabuntong hininga. "Besides, ang gusto kong alamin niyo ay kung sinu-sino ang maaaring maging biktima ng hitman na to at alamin niyo kung ano ang pwedeng maging dahilan ng pagpatay niya sa isa sa kanila." Dagdag pa ni Mark na tiningnan isa-isa ang limang pulis. "Sir, sinasabi mo bang hulihin natin yung biktima bago siya patayin ng hitman?." Hulang tanong naman ni Ana. "Exactly!." Sagot naman ni Mark. "Since alam kong alam niyo na hindi lang siya basta-bastang hitman, uunahan nalang natin siya sa paghuli sa kanyang magiging biktima. Little by little, siya mismo ang mahuhuli sa sarili niyang trap." Dagdag pa niya. Pagkatapos kasi nilang ireview ang mga naging biktima ng hitman ay nalaman nilang malalaking tao pala ang pinapatay nito at mga kriminal din na nagtatago sa malinis at galanteng damit. "Hitting two birds with one stone. Gagamitin natin siya, leading and guiding us to the criminals habang aalamin kung sino siya at paano siya huhulihin." Said Ana. Matamang nakikinig naman ang mga kasamahan niya. "That's right, Ana. You really know how to say the right words." Ngiti at proud na saad naman ni Mark. Madalas kasing mangyari ang ganitong sitwasyon and everytime it happens, lagi niyang napapabilib ang mga kasamahan niya. "But I don't think mauunahan natin siya, sir." Napatingin naman ang lahat kay Ana dahil sa sinabi niya, tinging nagtatanong kung paano niya nasabi iyun. "Bago paman natin malaman kung sino ang magiging biktima niya, or perhaps the moment na malaman na natin, siguradong bangkay na. He will always be one step ahead of us, sir. Considering he's tough and meticulous." Dagdag pa ni Ana. Naisip naman ng lahat na tama ang kanyang sinabi. "That's why I'm asking you, guys, to swim deeper this time and dig a huge hole. Malaking kaso tong hawak natin, so we should not only do our best but also work hard, ten times, than we usually do." Saad naman ni Mark na determinadong-determinado ang tingin sa kanila. "I'm counting on all of you on this." Dagdag pa nito na nilibot ang tingin sa limang nakaupo. Tinitigan ni Ana ng mabuti ang picture na hawak niya habang nakakunot ang noo. -(I'll make sure na mahuhuli kita! At sa oras na mangyari yun, ipaparamdam ko sayo ang lahat ng klase at uri ng sakit!.)- Said Ana in her mind na hindi manlang napansin na nalulukot na niya ang hawak na picture dahil sa gigil na kanyang nararamdaman. ~ ~ ~ ⇨acacabas_019ツ.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD