EPISODE 3.

4999 Words
“REALITY LIES” EPISODE 3. ◆General's POV.◆ Tahimik na nakaupo ang labing isang taong gulang na batang babae sa kama niya. Nakatingin siya sa labas ng bintana at nakangiti. Araw ng sabado kaya wala siyang pasok. Makalipas ang ilang minutong pagtitingin sa labas ng bintana niya ay nakaisip siya ng pupuntahan. Dali-dali siyang lumabas ng kwarto niya at pumunta sa mommy niya. “Mom? Mom?.” Pangungulit niya sa kanyang mommy ng makita niya ito sa living room. “Yes, sweetie?.” Tanong naman ng mommy niya habang may tinatype sa computer. “Mom, can I go to the amusement park?.” Nakangiting paalam na niya sa mommy niya. “No, sweetie. It's too dangerous.” Sagot naman ng ginang na hindi manlang binibigyan ng sulyap ang anak. “But mom. It's still early pa naman po eh. Besides, I'll be with yaya.” The kid whined and stomp her feet. “Sweetie...” Binaba ng ginang ang hawak na mga papeles dahil hindi na siya makapagconcentrate sa ingay ng anak. “Why don't you just play with your toys in your room? You have lots of barbie dolls, right?.” Pang-uudyok pa ng ginang sa anak. “Mom..” Pagwa'whine pa ulit ng bata. “Sweetie!.” Mahinang warning naman ng ginang na diniinan pa ang pagbigkas. Natahimik naman ang bata at malungkot na umalis sa harap ng ina. Sumunod niyang pinuntahan ay ang ama niyang kasalukuyang nasa private room nito, kung saan ito namamalagi for work purposes, kapag nasa bahay ito. (Tok! Tok! Tok!) “Yes?.” Sagot ng taong nasa loob. “Dad, it's me. May I come in?.” Cute na tanong naman ng batang babae na nakatayo sa harap ng saradong pinto. Sandaling natahimik sa loob hanggang sa bumukas ang pinto. “Oh, my princess? What's wrong, hmmm?.” Tanong naman ng ama sa bata. Kinarga pa niya ito papasok. “Dad, I just wanna ask for permission.” Nilalaro ng bata ang mga daliri niya habang nagsasalita. “What is it?.” Umupo ang ama sa sofa at kinandong ang anak. “I wanna go to the amusement park. Can I?.” Naka-pout na paalam ng bata. “Hmmm. Did your mom agreed?.” Lambing na tanong naman ng ama na hinahaplos pa ang buhok ng anak. “No.” Malungkot na umiling naman ang bata at napayuko. “Haaayyy.. you know the rules, my princess. You have to convince your mom too.” Saad naman ng ama na napabuntong-hininga pa. Lalo namang nalungkot ang bata sa narinig. “Can't you come with me?.” Lambing pa ng bata sa ama. “I can't, my princess. Dad has to do something important.” Sagot naman ng ama. Napayuko ang bata at lalong nalungkot dahil sa narinig sa ama niya. “Okay, dad.” Sagot niya nalang sa ama niya at umalis. “Sorry, my princess. Some other time, okay?.” Tumango nalang ang bata saka lumabas at bumalik sa kwarto niya. Makalipas na naman ang ilang minutong pagtayo ng batang babae sa may bintana ng kwarto niya ay bigla na naman siyang may naisip. Mabilis siyang lumabas ng kwarto niya at kumatok sa kwartong katapat niya. (Tok! Tok! Tok!) Maya-maya'y bumukas naman ito at bumungad ang isang binatilyo. “Kuya!.” Agad na yakap ng batang babae sa taong bumukas ng pinto. Nakayakap siya sa bewang nito. Niyakap naman siya pabalik ng tinawag niyang kuya at yumuko pa ito ng konti. “Oh? Naglalambing ata ang sissy ko?.” Ngiting tanong naman ng labing-limang taong gulang na binatilyong lalaki pagkaharap nilang dalawa. Matangkad, maputi at gwapo ito. “Kuya, let's go to the amusement park. Pleeeaaassseee????.” Puppy eyes naman agad ng batang babae sa kuya niya. Napakamot naman sa ulo ang binatilyo dahil dito. “Eehh sissy.. may.. ginagawa kasi si kuya eh.” Kamot ulong pagtanggi pa nito sa kapatid niya. Bigla namang napayuko ang batang babae at napasinghot-singhot. “Okay...” Malungkot pa nitong saad saka tumalikod na sa kapatid niya para umalis. Dahil sa nakitang reaction ng kapatid ay napakamot sa kilay niya ang binatilyo. Alam niyang dinadramahan na naman siya ng kapatid niya. Lagi kasi nitong ginagawa yun sa kanya. Siiiggghhh... “Sige.. sige na. Samahan na kita bago pa bumaha ang bahay ng luha mo.” Bigla namang lumiwanag ang mukha ng batang babae dahil sa narinig. “Talaga, kuya?.” Masayang lingon niya pa agad sa kuya niya. “Oo. Nagdadrama ka na naman kasi eh. Haha.” Tawang pang-aasar pa ng binatilyo sa kapatid. Masayang niyakap naman ng batang babae ang kuya niya. “Yeeesss!!! Yeheeeyyy!!!.” Masayang sigaw pa nito. “Just wait for me here, okay? I need to get change.” Paalam naman ng binatilyo na tinuro pa ang damit. Nakangiting tumango naman ang batang babae. Kahit na hindi siya pinayagan, alam naman niyang papayag ang daddy at mommy niya kapag ang kuya niya na ang nagpaalam at kasama niya pa ito. ----- Pagdating sa amusement park ay sumakay sa iba't-ibang rides ang magkapatid, sa pangunguna ng batang babae. Masayang-masaya ito at sobrang hyper. Kasama din nila ang yaya ng batang babae na siyang nakaalalay sa kanila. Panay pa ang pa-cute nito sa bawat gwapong nakikita nito o nakakasalubong. “Wooohhh!!! Waaahhh!! Oohooohhh!!! Hahaha! Yeeeaaahhh!!!.” “Yeeehhheeeyyy!!! Ang sayyyaaa!!! Woohoooaaa!! Hahaha.” “Kuya, ang saya dito! Wohohooo!!! Hahaha.” Mga reaksyon ng batang babae habang nakasakay sa mga rides. Natatawa naman ang binatilyo habang nakatingin sa kapatid. Samantalang ang yaya naman ng batang babae ay panay ang reklamo dahil sa hilo, nakahawak ito sa ulo at napapapikit-pikit pa. Maya-maya, pagkatapos nila sa masayang rides ay nagdesisyon na rin silang maglakad-lakad habang may kinakaing ice cream. Gabi na ng mga oras na yun. (Riiinnnggg... Riiinnnggg... Riiinnnggg...) “Hello, ma'am?.” Sagot ng yaya sa kanyang cellphone ng makitang ang amo niya ang tumatawag matapos pa ang ilang minutong pagbabantay sa magkapatid. “Inday, gabi na. Nasan na ba kayo?.” Mahihimigan ang pag-aalala sa boses ng ginang. “Eh ma'am.. pa-pauwi palang po kami. Nasa daan na po kami.” Pormal na sagot naman ng yaya na may halong kaba. Kasalukuyan na silang naglalakad pauwi ng bahay. Nasa likod pa rin ng magkapatid ang yaya ng batang babae, nakasunod sa mga ito. Hindi naman gaanong malayo ang park sa bahay nila kaya nangulit ang batang babae na maglakad nalang sila. Pumayag naman ang dalawa dala ng pangungulit nito. “It's late. Nakasakay na ba kayo?.” Tanong naman ng ginang. “Eehh ma'am.. ahm ka-kasi po.. nagpumilit po kasi si senyorita na maglakad kami pa-pauwi eh.” Kinakabahang sagot naman ng yaya at napakagat labi pa sa takot na baka mapagalitan siya. “Hay naku! Okay, just make sure to be careful. Inday, huwag mong pababaya----” “Ho-Ho-Hoi! Yu-Yung cellphone ko! Hooyyy! Magnanakaw! Magnanakaw! Magnanakaw!.” Pero naputol ang pagsasalita ng ginang nang marinig ang sigaw ng yaya na palayo ng palayo at pahina ng pahina. “Inday?! Inday, what's going on?! Hello??!! Inday?!.” Napalakas naman ang boses ng ginang dahil sa narinig sa kabilang linya. Kinabahan din siya dahil sa pag-aalala. Samantalang ang yaya naman ng batang babae ay nagtatatalon na at napapaiyak pa dahil sa nangyari. Napatulala naman ang batang babae dahil sa gulat habang ang binatilyo naman ay tumakbo at hinabol ang taong nanghablot sa cellphone ng yaya. “Hoooyyy! Cellphone ko yan! Magnanakaw! Aahh-ai-ai-ai cellphone ko!.” Hysterical pang sigaw ng yaya na patuloy pa rin sa pag-iyak. “Kuya! Kuya, wait!.” Nang mahimasmasan ay napasigaw na rin ang batang babae dahil sa pag-aalala sa kapatid. Susunod sana siya sa pagtakbo pero napatigil siya nang makita niyang tumawid ang magnanakaw na naka-hoodie sa kabilang kalsada. Sinundan naman ito ng kanyang kapatid. Nang makitang nasa gitna na ng kalsada ang kapatid niya ay napatingin naman siya sa malaking truck. Pot! Pot! Pot! Pot! Pot! Pot! Pot! Pot! Pot! Nanlaki ang mga mata ng batang babae nang makitang babangga ang malaking truck sa kuya niya. Napatigil naman sa pagtakbo ang binatilyo ng marinig ang busina ng malaking truck. Bigla ding nanlaki ang mga mata niya sa gulat kahit nasisilaw na siya sa ilaw nito na malapit ng bumangga sa kanya. “Kuyaaaa!!!.” Sigaw ng batang babae na tumakbo palapit sa kung saan ang kuya niya. Malayo-layo na rin kasi ito sa kanya. Pot! Pot! Pot! Pot! Pot! Pot! “Kuyyyaaa!!! Kuyyyaaa!!! Kuyyyaaa!!!.” Iyak na sigaw ng batang babae ng makitang bumangga ang malaking truck mismo sa kapatid niya na siyang dahilan ng pagkatilapon nito. Ang yaya naman ng batang babae ay natigilan sa nakita. Hindi siya nakagalaw dahil sa gulat at sobrang pagkahabag. “P-P-Pa-Paulo...” Mahinang usal pa ng yaya na hindi makapaniwala sa nakita. “Kuyyyyaaaa!!!! Kuyyyyaaaa!!!.” Hagulhol na ng batang babae dahil sa nasaksihan. “Kuyyyyaaaa!!!!.” Sigaw pa rin nito na patuloy pa rin sa paghagulhol. Napaluhod pa ito sa sakit. . . . “Kuyyaa!!!.” Biglang sigaw ng babae na bigla ding napabangon sa pagkakahiga. Pawis na pawis ito at hinihingal pa. “K-K-Kuya..” Mahinang usal niya pa nang marealize niyang panaginip lang ang lahat. Pero ang panaginip na yun ay ang masamang pangyayaring matagal na panahon na ang nakalilipas. Isang masamang pangyayari na hanggang sa kasalukuyan ay pilit siyang binabalikan dahil sa kanyang konsensya. Tok! Tok! Tok! “Besh?? Beshy??.” Rinig niya namang katok sa pinto ng kwarto niya, kasunod ay boses babae. Malalalim pa rin ang paghinga niya. Nang pakiramdaman niya ang mata niya ay basa din ito ng luha. Gaya ng laging nangyayari, napapaiyak siya dahil sa panaginip na iyon. “Beshy?? Are you okay?? Beshyyy??.” May pag-aalala na sa boses ng babaeng kumakatok sa pinto niya. Tumayo na rin siya at wala sa sariling binuksan ang pinto. Agad naman siyang niyakap ng babaeng kumatok nang makitang wagwag ang kanyang buhok, lumuluha at nanghihina pa. “Be-shhyy.” Yakap niya na din sa beshy niya at napaiyak na. “Sssshhhh.. sssshhhh.. besh, tahan na. Ssshhh.. lika pasok muna tayo. Maupo ka muna.” Pag-aalo at akay naman ng babaeng pinagbuksan niya ng pinto at pinaupo siya sa kanyang kama. “What happened?.” Biglang pasok naman ng isa pang babae na may pag-aalala rin sa mukha. “Ay jusko!.” Dahil sa gulat ay napahawak naman sa dibdib ang babaeng nag-akay sa babaeng nagmamay-ari ng kwarto. “Jusko naman, Cheska! Mamamatay ako sa gulat sayo eh!.” Pagsusungit pa nito nang lumingon sa intruder. “Sorry naman besh Dianne.” Ngiting alanganin pa ni Cheska sabay peace sign. “Anyway, what happened to besh Pauleen?.” Dagdag niya pang tanong na umupo na rin sa tabi ng nakatulalang si Pauleen. Binigyan naman siya ng makahulugang tingin ni Dianne na agad niya namang nakuha. Kumuha din ng tubig si Cheska at pinainom ito sa nakatungong si Pauleen. “Thanks beshies. Don't worry, I'm fine.” Pilit na ngiting saad naman ni Pauleen pagkatapos niyang uminom ng tubig. “Besh, nandito lang kami okay?.” Said Cheska habang hinahagod ang likod ni Pauleen na siyang kinangiti nito ng konti. “Haaayyy... hanggang ngayon ba ay sinisisi mo pa rin ang sarili mo sa nangyari sa kuya mo?.” Seryosong tanong naman ni Dianne habang nakatayo sa harap ni Pauleen. Napatingin naman si Pauleen sa kanya pagkatapos ay umiwas ulit ng tingin. “Kasalanan ko naman talaga ku-kung bakit.. kung bakit siya na-nasagasa-an eh.” Kinagat ni Pauleen ang ibabang labi niya para pigilan ang sariling mapahikbi. Pero kahit anong pigil niya ay tumulo na naman ang luha niya. Hanggang sa hindi niya na napigilan ang sariling umiyak nang maalala na naman ang nangyari labing limang taon ng nakalipas. “Besh... Haayyss! It's not your fault. Aksidente ang nangyari at walang sinuman ang may gustong mangyari yun.” Naaawang saad ni Dianne na umupo sa tabi ng kaibigan at niyakap ito. “Kasa-lanan ko yun b-besh! Nangu-lit ako! Ma-Maku-lit ako!.” Patuloy pa ring iyak ni Pauleen habang nakayakap sa kaibigan. “Besh, tahan na. Wala kang kasalanan.” Awang-awa na sa kaibigan si Cheska. Ilang taon na rin kasi nitong dinadala ang mabigat na pagsisisi. “Besh...” Maya-maya, nang humina na ang paghikbi ni Pauleen ay pinaharap siya ni Dianne at tiningnan sa mga mata. Nagtaka naman si Pauleen nang hindi nagsalita ang kaibigan at nakatitig lang ito sa kanya. “Bakit ang tanda-tanda mo na, iyakin ka pa rin?.” Dahil sa pagkaseryoso ng mukha ni Dianne sa tanong niya ay napangiti naman bigla si Pauleen. “Besh naman eehh...” Kunwari'y pout pa ni Pauleen habang pinupunasan ang luha na parang bata. “Hay naku! Hindi ka na bata noh! Tingnan mo nga oh, nagkalat pa ang muta mo. Naku! Naku! Baka maturn off sayo nito si Kenneth eh.” Kunawari'y panenermon pa ni Dianne na may pagkaseryoso at may halong ngiti para lang asarin ang kaibigan. Tinutulungan niya na din sa pagpunas ng luha ang kaibigan habang natatawa na sa reaction nito. Napangiti naman ng tuluyan si Pauleen dahil sa sinabi ng kaibigan. “Besh, tawagan ko na ba?.” Seryosong singit na tanong naman ni Cheska kay Dianne na kinuha ang cellphone sa bulsa niya. Si Kenneth ang tinutukoy niya sa tanong niya. Palipat-lipat naman sa dalawa ang tingin ni Pauleen at nang makitang seryoso ding tumango si Dianne ay nanlaki ang mga mata niya. (Riiinnnggg... Riiinnnggg... Riiinnnggg...) “Beeessshhh!!.” Biglang sigaw naman ni Pauleen ng marinig na magring sa kabilang linya. Ni-loudspeak kasi ito ni Cheska. “Besh naman eh! Huwag nga kayo! Nakakahiya!.” Patuloy pa ring reklamo ni Pauleen na mangiyak-ngiyak na sa pang-aasar ng dalawa. Hindi naman siya pinapakinggan ng dalawa na hinihintay ang pagsagot mula sa kabilang linya. “Besh, patayin mo na yan. Hindi na ko iiyak. Besh naman eh.. nakakahiya kay Ken.” Dire-diretsong saad pa ni Pauleen na kinakabahan na rin na baka sumagot nga sa kabilang linya ang nobyo niya. “Besh, isa! Pleeaassee naman oh! Patayi----” “Hello? Besh naman ang aga pa. May problema ba dyan?.” Napatigil naman sa pagsasalita si Pauleen ng marinig na boses babae ang sumagot sa kabilang linya. Nang tingnan niya pa ulit ang dalawa ay nakangiti na ang mga ito, ngiting malaki at playful. Nang marealize niya pang pinagtulungan siyang lokohin ng dalawa ay napasimangot na siya. “Eeeeehhhh!! Nakakainis naman kayo eh!.” Dahil sa reaksyong ito ni Pauleen ay napatawa na ang dalawa. “HAHAHAHAHA.” Tawa pa ng dalawa na halos maluha-luha na. “Hello? Guys, ano bang nangyayari?.” Clueless pa ring tanong ng boses babae sa kabilang linya. “Aaarrrggghhh.. nakakainis talaga kayo.” Kumuha ng unan si Pauleen at pinaghahampas ito sa dalawa. “Hmp! Hmp! Hmp! Nakakainis kayo.” Patuloy na hampas pa ni Pauleen sa dalawa na panay naman ang tawa. Ang akala niya'y boses ng boyfriend niya ang maririnig niya pero hindi pala dahil naging boses ito ng isa pa nilang beshy na si Ana. Inaasar lang pala siya ng dalawang kaibigan. Hanggang sa nag-pillow fight na nga ang tatlo. ----- ◆Pauleen's POV.◆ Pagkatapos naming maglaro na parang mga bata ng mga beshy ko ay bumaba na rin kami para mag-breakfast. Apat kaming magkakasama sa iisang bubong dahil nung High School palang kami ay naplano na namin ang ganitong set-up, ang magkaroon kami ng sariling bahay pagka-graduate namin, para magkakasama pa rin kami kahit may kanya-kanya ng trabaho. Naging close kaming apat nung High School kami hanggang sa naging magkakapatid ang turingan. Nung una ay ayaw akong payagan ng Dad ko na umalis ng bahay, for a reason that my life might be put at risk because of him, being a rich businessman. Umabot pa ng ilang buwan ang panunuyo ko sa kanya hanggang sa pumayag na rin siya dahil sa kakulitan ko. Ako si Pauleen Evans, 26 years old at isa ng ganap na Doctor at a young age, a physician to be specific. Actually, magkasing-edad lang kaming apat at sa edad na twenty-six ay successful na kami sa mga career namin. Pagkatapos ng trahedya tungkol sa kuya ko, kung saan wala manlang akong nagawa para tulungan siya ay dun naman nag-umpisa ang pagpursigi kong maging isang Doctor para tulungan ang mga nangangailangan. Kahit dito manlang ay makabawi ako sa kapatid ko, by doing good deeds in a way of helping people. Sinuportahan naman ako ng parents ko. Sobrang sakit sakin ng nangyari. Lalo na ang isiping kung hindi dahil sakin ay buhay pa sana ang kuya ko. Ito din ang dahilan kaya mas ginusto kong umalis ng bahay. Ang dami ng memories namin ng kuya ko dun at sa isiping ako mismo ang pumatay sa kanya ay isang bangungot. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin napapatawad ang sarili ko, kahit pa hindi ako sinisi nina mom at dad. “Ui besh? Tulaley kna naman dyan? Kain na nang makaalis na tayo.” Bigla naman akong napatingin kay Cheska nang magsalita siya. Isa siyang Manager ng sarili nilang Restaurant. Sabay-sabay din talaga kaming umaalis hangga't maaari. May sari-sarili din naman kaming sasakyan, courtesy of having such luxury. “Oh. Sorry.” Sagot ko naman na napatingin kay Dianne na kasalukuyang gumagawa ng mango shake. Isa naman siyang Secondary Teacher kaya minsan ginagawa niya kaming artist, taga-drawing ng mga materials niya for school. “You want besh?.” Tanong niya pa nang mapansing nakatingin ako. Umiling naman ako bilang sagot. I'm so thankful for having them dahil hindi lang ako nagkaroon ng kaibigan, nagkaroon pa ako ng mga kapatid. “Ang hilig mo talaga dyan. I won't be surprised kapag pinaglihian mo yan balang araw.” Ngiting saad ko naman na siyang kinasimangot niya. “Tumigil ka nga dyan besh. Baka nakakalimutan mo, ikaw ang may boyfriend sating apat kaya ikaw ang mauuna.” Bitter talaga tong isang to. Palibhasa naloko at iniwan eh. “Pagbubuntis naman yung usapan eh, hindi boyfriend.” Nanlaki yung mga mata niya dahil sa sinabi ko. Nginitian ko pa siya ng ubod ng tamis. “Hoy, Miss Evans. Tumigil-tigil ka dyan ah! Magkakaboyfriend din naman ako balang araw noh!.” Irap niya pang sagot at pinanlakihan ako ng mga mata. “As if..” Mahinang usal naman ni Cheska kaya napatawa ako ng malakas. May pagkamanang kasi ang kaibigan naming to eh. “Hahahaha. Hindi ako nagsabi nun.” Inosenting defend ko agad pero natatawa pa rin. “Aaarrrggghhh! Bullies!.” Dinilan pa kami ng bruha. Hahaha ang sarap din talagang gumanti. Mga bully din naman kasi sila sakin eh. Pagkatapos naming mag-ayos ay umalis na rin kami ng bahay papunta sa aming mga trabaho. Si Ana naman, na isa pa naming beshy ay hindi nakauwi dahil napa-overtime sa trabaho niya. Isa siyang pulis kaya minsan hindi siya namamalagi sa bahay, lalo na kapag may bago silang case na kailangan ng kanilang buong atensyon. Pagdating ko sa Lazaro's Hospital ay agad na sumalubong sakin si Jazzlyn na galing pantry, isang surgeon. And mind you, she's a lesbian, a butch one. “Hey, Doc. RG.” Tawag niya sakin na ang ibig sabihin ay "Rich Girl". Baliw din kasi to eh. “Ang aga-aga mong mang-asar ah.” I rolled my eyes at her. Sumakay na rin kami ng elevator papuntang third floor dahil nandun yung opisina namin. “Hindi naman.. namiss lang kita.” Alam kong nagbibiro lang siya kasi ang totoong gusto niya ay si Cheska. “Bakit kaya hindi mo sabihin kay besh yan.” I smiled sheepishly. “Pinagpipilitan mo na naman ang hindi totoo.” In-denial talaga tong isang to. Halata na nga't lahat-lahat eh. Haha. “Okay-okay. Whatever.” Sagot ko nalang na lumabas na ng elevator at naglakad papunta sa opisina ko. “Sandali, Doc. RG.” Pigil niya naman sakin kaya tiningnan ko ulit siya. “May meeting mamaya para sa medical mission, 5:00 pm.” She added then smile and wave her hand before leaving. Hindi manlang ako pinagsalita. Hay naku!. Pagpasok ko sa opisina ay nagbihis na rin ako ng uniform, ang white gown. Pagkatapos ay pinapasok ko na kay Helen isa-isa ang mga pasyente para gawin na ang aking trabaho. Si Helen ay isang Nurse na siyang assistant ko na din. Nagsimula na akong magtrabaho on my patients, doing check ups with the help of Helen. May mga bago ding dumating na mga pasyente kaya hindi na namin napansin ang oras. Kahit nung lunchtime ay hindi na namin alam kung anong oras kami nakakain. Ang huli kong pasyente sa maghapon ay si Nanay Pasita. Limampu't limang taong gulang na ito. Mukhang hindi naaalagaan ng maayos kaya nangangayayat. “Nay, kailangan niyo po munang mag-undergo ng mga test para malaman natin kung ano ang dahilan ng mga komplikasyon niyo sa katawan. Okay lang po ba?.” Kailangan pa rin naman ang willingness ng mga pasyente. Nasa harap ko siya nakaupo habang kinakausap ko. “Sige, Doc.” Tango niya namang sagot. Napangiti naman ako sa kanya. Pagkatapos kuhaan ni Helen ng sample ng dugo at ihi si Nanay Pasita ay pinaupo ko na muna ulit siya sa harap ko. Dinala naman ni Helen sa laboratory ang mga samples. Pagkatapos ng ilang minuto ay tiningnan ko na rin ang mga result ng test ni Nanay Pasita. Pagkaanalyze ko dito ay niresetahan ko na rin siya ng mga gamot na dapat niyang inumin. Pero ang problema ay wala daw siyang pera. Kaya naman, katulad ng nakagawian ko ay ako na ang gumawa ng paraan. And exactly 5:00 pm ay nagsimula na nga ang meeting namin para sa medical mission. We were informed on what to bring as we will be staying for three days. Sinabi rin samin kung saan at kailan. Malayo ang location kaya dapat magprepare ng mabuti. Pagkatapos ng meeting ay lumabas na rin kami para umuwi. “Hey, Doc. RG.” Ang pasaway na surgeon na naman. Nilingon ko naman siya. “Hmmmm?.” Sagot ko naman na pagkatapos tumigil saglit ay nagpatuloy na rin sa paglalakad. Sumabay naman siya at nakapamulsa pa. “I heard what you did. As always eh?.” Ngiti niya pang saad. “Saan mo na naman ba nalaman, ha?.” “Well.. sikat ang bida sa istorya eh kaya kumalat. Haha.” “Is that a compliment... or something?.” Kunot-noong tanong ko naman pero nakangiti. “Haha. Of course it's a compliment. It was just amazing everytime you do it.. pero hindi ka naman kaya mamulubi niyan?.” Tawang saad niya pa. Hay naku!. “It was the least on my mind.” “Oh yeah! Nakalimutan ko, RG ka nga pala.” “Ewan ko nga sayo!.” Kunwari'y irap ko pa sa kanya pero tinawanan niya lang ako. Pasaway talaga!. “Maswerte talaga ang mga nagiging pasyente mo. Bukod sa talagang hands-on ka, eh may mga pagkakataon pang ikaw yung bumibili ng mga gamot nila.” Saad niya. Ayoko sanang malaman ng mga tao ang tungkol sa ginagawa ko pero sa kasamaang palad, kumalat ito sa hospital at naging usap-usapan. Ganunpaman, hindi ito naging dahilan para tumigil ako. “Hindi naman lagi, Doc. Jazz. Yung mga walang-wala lang naman yung binibilhan ko ng mga gamot eh.” Sagot ko naman sa kanya. Napailing-iling naman siya habang nakangiti. “Bakit?.” Tanong ko pa dahil sa naging reaksyon niya. “Wala.. wala naman. Maswerte sayo yung mapapangasawa mo, Doc. RG.” Bakit naman kaya napunta sa asawa tong usapan namin. Baliw talaga to. “Wala pa sa isip ko yan noh.” “Haha okay! okay!, sabi mo eh. Gue, dito na ako Doc. RG. Hastalavista! Haha.” Tawa niya pa sabay paalam at liko papunta sa direksyon ng kanyang opisina. Natatawa naman ako sa kanya. Pagkabihis at pagkakuha ko naman ng mga gamit ko ay bumaba na rin ako through elevator para umuwi. “Goodnight, Doctora.” “Ingat ka, Doctora.” “Bye, Doctora.” Iba't-ibang bati ng mga Nurse na nakakasalubong ko. Tinatanguan ko naman sila habang nakangiti. Paglabas ko ng hospital, nagulat ako ng si Ken ang bumungad sakin. Nakangiti ito habang nakasandal sa sasakyan niya at may hawak na bulaklak. Ang gwapo niya talagang tingnan sa suot niyang white suit, black slack at black shoes. Halatang galing siyang office. “Hey, babe.” Ngiting lapit niya pa sakin at humalik sa pisngi ko. Napangiti naman ako sa kanya. Kahit kailan talaga napaka-sweet niya. Ito din ang dahilan kung bakit mas lalo akong nahuhulog sa kanya. “For you..” Dagdag niya pa at inabot sakin ang bulaklak. Inamoy ko naman ito habang nakangiti. “Thank you, babe.” Ngumiti lang naman siya as a response. “Anyway, ni hindi mo manlang sinabing darating ka. Napaghintay pa yata kita ng matagal.” Nagsimula na rin kaming maglakad papunta sa kanyang sasakyan habang nakaalalay siya sa bewang ko. “Hmmm.. no worries, babe. I actually wanted to surprise you.” Sagot niya naman at pinagbuksan ako ng pinto. Sumakay naman siya sa kabilang side. “And you succeeded.” Ngiti ko pa pagkaupo niya sa driver seat. Gustong-gusto ko na rin kasi talagang makita yung mga ngiti niya, pampatanggal ng stress. “Don't I deserve a reward?.” Pilyong ngiti niya naman na nakatitig sa mga mata ko. Oh gosh! Corny it may sound but I like his eyes, it's his best asset. “Aarrgghh! Tumigil ka nga dyan, babe.” Nahihiya ko namang tugon na tinakpan yung mukha niya ng mga kamay ko. “Ow-oww! My babe is so cute. Haha.” Nakakaasar din talaga minsan tong lalaking to. “Mag-drive ka na nga lang!.” Kunwari'y inis kong saad pero nangingiti naman. “Hahaha. Opo malady.” Biro niya pa na natatawa. Haha. I really love this man. Nagkakilala kami ng magkabanggaan kami sa Mall, accidentally. Natapon niya yung hawak niyang juice sa damit ko, sa inis ko naman eh sinungit-sungitan ko siya. Until then, parang destiny naman na nagkakasalubong kami sa ilang lugar na aming napupuntahan. And everytime it happens ay inaasar niya naman ako. Hanggang sa magkaaminan at manligaw siya sakin. Limang buwan ko din siyang pinahirapan. Haha. At ngayon ay mag-iisang taon na rin kami. Yup! Going strong yung relationship namin. And we're taking things slowly lalo pa't hectic naman yung schedule naming dalawa. Hindi pa niya ako napapakilala sa parents niya dahil sa pagka-busy niya sa kanilang business. Madalas din siyang wala sa bansa dahil sa business trip and negotiations nila kaya madalang lang din kaming magkita. I think once a month? Maswerte kapag umabot ng dalawa. “Babe? Ui babe?.” Hawak ni Ken sa mga kamay ko na siyang kinatingin ko sa kanya. “Are you okay?.” Worried niya pang tanong habang palipat-lipat ang tingin sakin at sa daan. “Hmmm-hmmmm. Okay lang ako, babe. Namiss lang kita.” Ngiting sagot ko naman sa kanya. Napangiti din siya at pinisil-pisil ang kamay ko. “I love you, babe.” Saad niya pa at hinalikan ang likod ng kamay ko, while his eyes are on the road. I find it sweet. “I love you more, babe.” Sagot ko pa na sobrang laki ng ngiti. Dinala niya naman ako sa isang restaurant. Ang usual place na kinakainan namin at favorite ko. He really knows me. Haha. “Ngiting-ngiti ang babe ko ah.” Natatawang saad naman ni Ken pagkatapos niya akong ipaghila ng upuan at magkaharap na kami. “Oo naman noh! Kasama kita eh.” Ngiting saad ko naman. “I really love it everytime you throw such lines.” Napangiti na naman ako sa sinabi niya, seryoso kasi siyang nakatitig sakin eh. Ang galing talagang magpakilig ng lalaking to. Haha. “Oo na. Oo na. Haha.” Sagot ko nalang. “Sir, ma'am, may I take your order?.” Singit na tanong naman ng babaeng service crew, mukhang bago lang din siya dito sa restaurant. Iba rin yung tingin niya sa babe ko. Haha mukhang type niya pa ata yung boyfriend ko. Inorder naman ni Ken yung mga favorite ko at favorite niya. Pagkaalis ng babae ay napatingin naman siya sakin nang nagtataka. “Oh? Bakit ganyan ka naman makangiti?.” Takang tanong niya pa. “Ang gwapo talaga ng babe ko! Hahaha.” Abot at pisil ko pa sa pisngi niya. “Ara-y! Ara-ara-aray! Ba--b-e!.” Daing niya naman saka hinaplos-haplos yung pisngi niya. “Ano na naman bang pinagsasabi mo, babe?.” Tanong niya pa na nakakunot ang noo. “Haha. May nadala na naman kasi ng charm mo.” Sagot ko naman na natatawa. Hindi na din naman bago sakin to eh, madami din kasi talagang babae ang gustong makuha yung atensyon niya, kahit pa nga magkasama kami. May iba pa ngang gumagawa na ng paraan eh pero hindi naman nagtatagumpay. “Aissshhh! Ang sakit ng pisil mo babe.” Haplos niya pa rin sa pisngi niya. Nilambing ko naman siya saka tinulungan sa paghaplos ng pisngi niya na siyang kinatuwa niya. Haha naku naku!. “Pasaway ka talaga! Haha.” Pisil ko na din sa ilong niya. Ang laki kasi ng ngiti niya tapos may pataas-baba taas-baba pa ng kilay. Haha. “Haha. But seriously babe, hindi ka ba nagseselos sa kanila?.” Tanong niya naman na ang tinutukoy ay ang mga nagkakagusto sa kanya. Hinahayaan ko lang din kasi eh. Hindi naman kasi ako yung tipo ng taong makikipag-away kapag may lumalandi sa boyfriend ko. “Nagseselos naman ako babe pero mas nagtitiwala lang talaga ako sa pagmamahal mo.” Ngiting sagot ko naman sa kanya na siyang nagpangiti din sa kanya. Hinawakan niya pa ang kamay kong nakapatong sa mesa at pinisil. I'm so thankful for having him. Pagkatapos naming mag-dinner ay hinatid niya na din ako sa bahay. Nakipagkulitan lang din siya saglit sa mga beshy ko bago siya tuluyang umalis dahil may aasikasuhin pa daw siya. Sobrang busy ng future husband ko. ~ ~ ~ ⇨acacabas_019ツ.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD