EPISODE 2.

4648 Words
“REALITY LIES” EPISODE 2. ◆RJ's POV.◆ Kumusta na kaya siya? Kumusta na kaya ang batang babae na yun? Siguradong magandang dilag na siya ngayon. At siguradong may nobyo o asawa na siya ngayon. “Pare? Hoy, pare! Anong nginingiti-ngiti mo diyan?.” Yugyog sakin ni Joe kaya naputol ang pagbabalik tanaw ko. “Kanina ka pa nakangiti pare ah? Ano? Nagbago na ba ang isip mo? Hindi na ba natin itutuloy yung pagkuha kay Miss Byutipol?.” Dagdag niya pang tanong na bumalik ulit sa pagkakaupo niya. “Wala, may iniisip lang ako. At hindi na magbabago ang plano ko, pare.” Sagot ko naman sa kanya kaya napatitig nalang siya sakin. “Hay naku! Bahala ka na nga!.” Sagot niya nalang na inubos na ang iniinom niyang softdrink. “Tara na nga.” Aya ko nalang sa kanya pagkatapos kong magbayad kay Aling Mayang. Dala ng araw-araw ko na pag-eehersisyo ay naging maayos ang pangangatawan ko. Lumaki ang mga braso ko at nagkaroon din ako ng apat na abs. Naging mahirap para sakin yun pero dahil sa kasipagan at pagtitiyaga ko ay nakamit ko naman. Habang naglalakad kami papunta sa bahay ay panay naman ang kausap sakin ng mga nakakasalubong namin. “RJ, kumusta ka na?.” “RJ, inom tayo minsan ah?.” “Huwag kang mawawala sa birthday ng anak ko, RJ.” Nariyan din yung ngingiti at tatango. Sinasagot ko naman sila ng maayos at binabati na rin. Maliit lang ang baryo namin kaya naman hindi din ganun kadami ang mga nakatira dito. Halos magkamag-anak na din ang turingan namin dito. “Oh. Mukhang may power ranger na bisita sila Boyet ah?.” Pansin ni Joe sa maputing kainuman ng barkada nila Boyet. Napatigil din kami sa paglalakad. Power ranger ang tawag namin sa mga napapadpad dito sa lugar namin na mga taga-Maynila. “Tanghaling tapat nag-iinuman na sila.” Saad ko pa na nakatingin din sa di kalayuan kung saan umiinom sila Boyet. Mga kaedaran lang din namin sila. Nasa tapat sila ng tindahan, nakapalibot ang inuupuan nilang mga istool sa de-kahoy na mesa. Maingay din sila dahil sa kanilang kasiyahan. Lima silang lahat at pawang mga binata. Ewan ko nga lang sa bisita nilang power ranger. “Tara na. Dito nalang tayo dumaan.” Aya ko na kay Joe na tinuro ang iskinitang daanan papunta sa bahay. ----- ◆General's POV.◆ Patuloy ang kasiyahan nina Boyet kasama ang bisita niya na pinsan niyang galing Maynila. May pagkamayabang din ito. “Wooooh!!! Inom pa kayo! Huwag kayong mag-alala, sagot ko lahat ng to.” Pagyayabang na saad ng bisita ni Boyet. “Mukhang marami kang pera ngayon pinsan ah?.” Kausap naman ni Boyet dito. “Haha siyempre naman pinsan! Ako pa ba?.” Yabang pa ulit na sagot nito na sinabayan pa ng malakas na halakhak. “Mas madaming pera, mas madaming inumin! Woooh!! Hahaha.” Saad naman ng isa pang kainuman nila Boyet na panay ang lagok ng beer. Makalipas ang ilang oras na pag-iinuman ay lasing na rin ang mga ito. Naroon ang hindi maayos na pagkilos ng kanilang katawan dala ng kalasingan. Ang iba sa kanila ay napapasubsob na sa mesa. “Anoh? Walah *hik* palah *hik* kayoh weeh..” Lasing na din ang pinsan ni Boyet pero nagagawa pa rin nitong magyabang. “Hihndih fah akoh lahsing ui *hik*.” Sagot naman ni Boyet na pipikit-pikit na rin. Kahit lasing na ang mga ito ay hindi pa rin sila matapos tapos sa kanilang inuman. Panay pa rin ang tawa nila na parang mga baliw. “Wihtweeeehhww...” Kandahirap hirap man ay nagawa pa ring magpapansin ng pinsan ni Boyet sa dalagang dumaan sa mesa nila papunta sa tapat ng tindahan ng kanilang pinag-iinuman. Hindi naman ito pinansin ng dalaga at bumili nalang. Tumayo naman ang pinsan ni Boyet at pagiwang-giwang na lumapit sa tindahan at pumwesto sa tabi ng dalaga. “Hi mishh..” Hindi na rin ito makapagsalita ng maayos. “Aling Marta, dalawa nga pong itlog at isang sardinas.” Kausap naman ng dalaga sa tindera at hindi na pinansin ang lasing. Amoy na amoy niya pa ang hininga nitong amoy alak. “Haha. Gustoh moh ng hitlog? Merohn akoh.. dalahwah fah.” Biglang singit naman ng pinsan ni Boyet. “Wahahahaha.” Tawanan pa nina Boyet na nakarinig ng sinabi niya. Pati ito ay natawa rin. Nababastusan man ay hindi nalang ulit ito pinansin ng dalaga. “Mish.. huwahg kah nahmang hisnob.” Saad pa nito na lalong dumikit sa dalaga. Natakot naman ang dalaga dahil dito. Pagkaabot sa kanya ng tindera ng kanyang binili ay mabilis siyang nag-abot ng pera para makaalis. Tumalikod na ang dalaga at humakbang na rin para umalis doon. “Hep! Sandalih ngah!.” Pero mabilis din naman siyang nahawakan ng pinsan ni Boyet sa kanyang braso. Para pang nawala ang kalasingan nito dahil sa pagpapahiyang ginawa ng dalaga sa kanya. “Bitawan mo nga ako!.” Pilit na winawaksi ng dalaga ang kamay nito pero mahigpit siya nitong hinawakan. “Masyado ka naman atang nagmamadali, ha misshh? Pinapahiya mo koh sa mga kaibigan ko oh!.” Tumaas pa ang boses ng pinsan ni Boyet na tila nairita sa ginagawang pagwawaksi ng dalaga. “Bitawan mo ko sabi eh! Ano ba! Nagmamadali ako! Please naman!.” Natatakot na rin ang dalaga at nasasaktan sa hawak ng binata sa kanya. “Haha hindi pwedeh. Halika! Dito ka munah! Dali-dali.” Hilang saad pa nito sa dalaga na hinawakan na rin ang balikat nito. “Ayoko. Bitawan mo ko!.” Pagpupumiglas na saad ng dalaga. “Ano ba! Gusto mo bang masaktan ha?!.” Yamot ng sigaw ng binata na pinanlakihan pa ng mata ang dalaga. Wala namang ginagawa ang mga taong nakakakita sa nangyayari. Takot na madamay at baka sila pa ang masaktan. “Bitiwan mo ko. Please lang.” Pakiusap pa ng dalaga na halatang takot na rin. “Alam mo? Lalo kang gumaganda kapag natatakot ka. Hahaha.” Natutuwa pa ang binata dahil sa nakikitang takot sa mga mata ng dalaga. “Saka dito ka muna. Tapon mo na muna yan.” Dagdag pa nito na biglang tinapon sa daan ang binili ng dalaga. Dahil dito ay nabasag ang binili nitong itlog. “Ay! Walanghiya ka! Bakit mo tinapon yung binili ko?! Bitawan mo ako! Ano ba!.” Gulat pang tili ng dalaga ng makitang basag na ang binili niya. Nagpupumiglas pa rin siya pero marahas na hinila siya ng binata at kinandong sa sarili nito. Tanging tawa lang din naman ang ginagawa nina Boyet. Tila tuwang-tuwa pa ang mga ito sa nakikita. “Bitawan mo ko.” Naiiyak ng saad ng dalaga na halatang nandidiri sa pagkakandong sa binata. “Woohoo!! Inom pa tayo! Hahaha.” Tuwang sigaw pa ng binata na sinagot naman ng tawanan ng iba niyang kasamahan. ----- “Magpapahinga lang muna ako, pare.” Paalam ni Joe kay RJ pagdating nila ng bahay. Magkatapat sila ng kwarto at hindi naman ganun kalaki ang bahay nila. Gawa lang din ito sa matitibay na tabla at semento. Simpleng bahay lang ito. “Hmmm-Hmmm.” Tangong sagot naman ni RJ sa kaibigan na umupo naman sa maliit nilang sala. Riiinnnggg... Riiinnnggg... Riiinnnggg... Makalipas ang ilang minuto ay tumunog ang phone ni RJ kaya kinuha niya ito mula sa kanyang bulsa. “Hello, boss?.” Sagot ni RJ sa tawag ng makitang ang bossing niya ito at walang tao sa paligid. Dalawa ang cellphone niya, isa para sa trabaho at isa naman para sa personal na purpose. “Black Tiger?.” Dahil sa narinig na saad ng bossing niya ay alam niyang may ipapatrabaho ito sa kanya. Tinatawag kasi siya nito sa kanyang pet name sa tuwing may ipapagawa ito. Black Tiger ang pet name niya sa tuwing may tinatrabaho siya o may pinapapatay sa kanya. Pero gumagawa muna siya ng sariling imbestigasyon bago kumana. Sinisiguro niya kasi muna na ang papatayin niya ay taong hindi na dapat nabubuhay. Mga taong halang ang kaluluwa na yumayaman dahil sa maduming gawain. “Yemen-Echo-Sierra.” Ito naman ang lagi niyang sagot para ikumpirmang on the go siya para sa bossing niya. “Good! Yohan Yushiko at Pampanga, room 305 at Narazo Hotel. It would be five days from now.” Ganito naman ang mga impormasyon na binibigay sa kanya ng kanyang bossing. Ang mga tinatrabaho niya ay malayo sa tinitirhan niya, madalas ay sa Maynila pa. “Copy boss.” Huling sagot niya naman bago binaba ang tawag. Bukod sa malaki ang utang na loob niya dito ay may personal siyang dahilan kung bakit hindi niya ito mahindian. Sinulat niya na ang impormasyong binigay sa kanya sa maliit na papel saka ito tinext sa taong pinagkakatiwalaan niya. Ang taong lihim na tumutulong sa kanya para malaman ang anumang impormasyon tungkol sa papatayin niya. Tok! Tok! Tok! Habang abala siya sa pagtetext ay may bigla namang kumatok sa pinto ng bahay nila. Tumayo siya para buksan ito. “Oh, Nonoy? Napasugod ka? Okay ka lang ba?.” Kunot-noong tanong ni RJ sa batang napagbuksan niya ng pinto. Hinihangal kasi ito at halatang tumakbo ng malayo. “Ku-Kuya *hah* *hah*.” Hinihingal pa rin ito at hindi makapagsalita ng maayos. Kuya din ang tawag sa kanya ng iba pang kabataan sa lugar nila, na hindi naman naging problema sa kanya at sa mga tao. “Relax lang. Gusto mo ba munang pumasok at uminom ng tubig?.” Tanong na ni RJ sa bata at inaya pa itong pumasok pero nagtaka naman siya ng umiling ito. “Kuya *hah*.” Napalunok muna ito at pinakalma sandali ang sarili niya bago muling nagsalita. “Si Ate Daphne binabastos ng kainuman *hah* nila Boyet.” Hinihingal man ay pilit niya pa ring pinaintindi kay RJ ang gusto niyang iparating. Napakunot naman lalo ang noo ni RJ dahil sa narinig. “Ganun ba. Tara.” Kunot noong aya niya na kay Nonoy at mabilis na ring naglakad paalis. ----- “Hahaha woooh. Hmmm ang bango mo naman. Hahaha.” Patuloy pa rin sa pambabastos ang binata sa dalaga na inaamoy-amoy pa ang braso nito pataas sa leeg. Pilit na umiiwas naman ang umiiyak na dalaga pero hindi siya makaalis dahil sa higpit ng pagkakahawak sa kanya ng binata. Lalong namang nabwesit si RJ ng makita ang kalagayan ng dalaga. Halatang takot ito na iyak pa ng iyak. Mahigpit na napakuyom ng kamao si RJ at nang-gigil sa kapangahasang nakikita. “Hahahaha. Huwag kang mag-alala. Ibibigay ko sayo ang dalawang itlog ko kaya huwag ka ng malungkot dyan. Wahahaha. Hmmmm.” Pambabastos pa ng bisita ni Boyet sa dalaga na humawak pa sa pisngi nito. “Wo.wo.wo.wo.woi.” Nagulat naman ang mga binata ng biglang binuhat ni RJ sa side ang mesa nila at itinumba ito sa kanilang harapan. Thud! “Aray!.” “Arrgghh!.” “Agh!.” Daing pa ng tatlo ng bigla silang mapasubsob sa semento dahil sa pagka-out balance. Bigla din namang napatayo sina Boyet at ang pinsan nito. Dahil dito ay nabitawan ng binata ang dalagang hawak niya kaya mabilis itong tumakbo sa likod ni RJ at nagtago. Pagkakita ng tatlong kasama ni Boyet na si RJ ang nasa harap nila ay mabilis silang tumayo sa tabi ni Boyet. “Sino ka bang pakialamero ka ha?.” Dahil sa masculine physique ni RJ ay lagi itong napagkakamalang lalaki. Pabor naman iyun sa kanya dahil nga Lesbian siya. Pinigilan naman ni Boyet ang pinsan niya na gusto ng sumugod. “RJ, huwag ka namang ganyan. Kita mo namang nagkakasiyahan lang kami dito eh.” Halatang inis naman si Boyet dahil sa nangyari. “Huh! Nagkakasiyahan? Ang pambabastos na ginagawa niyo, kasiyahan ba yun?.” Inis at sarcastic na sagot naman ni RJ kay Boyet. Alam ni Boyet kung paano magalit si RJ dahil minsan na rin siyang nakatikim ng galit nito. Pero sadyang may kayabangan lang talaga ito kaya hindi nadadala. “Eh siraulo ka pala eh! Nagsasaya kami dito, nanggugulo ka!.” Yamot na sabat naman ng pinsan ni Boyet. Ang mga kasamahan niya naman na takot man ay hindi nalang nagpahalata. “RJ, huwag mo naman akong ipahiya sa pinsan ko!.” Pagtatapang-tapangan pang sagot ni Boyet. “Kaya yung kababaihan dito satin ang ipinapahiya mo?.” Kunot-noong sagot naman ni RJ. Kitang-kita sa mukha niya ang pagkadisgusto sa nakita. “Gusto mo ng sakit ng katawan noh?! Hindi mo ba ako kilala ha?.” Pagyayabang pa ng pinsan ni Boyet na inikot-ikot pa ang kamay niya na tila naghahanda ng makipagbugbugan. “Tumabi ka na muna, Daphne.” Saad naman ni RJ sa dalaga na agad namang tumalima at lumapit kay Nonoy. Agad na sumugod kay RJ ang pinsan ni Boyet. Sinuntok siya nito sa mukha pero mabilis niya naman itong naiwasan. Pagkaiwas niya ay ginantihan niya ito ng suntok sa tagiliran. “Hmpf!.” Impit na daing ng binata na bahagyang napaatras pa. Sinuntok niya pa ulit ito sa mukha dahilan para matumba ito sa istool na nandoon. “Agghh!.” Daing pa nito. Lalapitan na sana ito ni RJ para sipain ng bigla naman siyang suntukin ni Boyet sa mukha. “Ahmpf!.” Dahil hindi inasahan ay tinamaan si RJ sa may pisngi at napaurong ng konti sa kanang bahagi. Pumutok ang gilid ng labi niya dahil sa lakas ng pagkakasuntok. Nang susuntukin ulit sana siya ni Boyet sa tagiliran ay agad niya itong nasipa sa may tiyan. Sinipa niya ulit ito ng isang beses sa mukha. “Hmpf!.” Daing naman ni Boyet na napasubsob sa mesang nakataob. Hindi manlang siya tinulungan ng tatlo niyang kasama. Nasa paanan kasi siya ng mga ito natumba. Nang lumapit si RJ kay Boyet ay napaatras naman ang tatlo na halatang natakot. Kita kasi nilang nangangalaiti na sa galit si RJ. Mabilis na binangon ni RJ si Boyet at tinapon ito sa papatayong pinsan niya. Sabay na napatumba naman ang dalawa dahil dito. “Arrgghhh!.” “Hmmppff!.” Daing pa ng mga ito na nagkatamaan dahil sa lakas ng pagkabangga sa isa't-isa. Hindi pa rin nakuntento si RJ. Hiwakan niya sa magkabilang balikat ang pinsan ni Boyet at itinayo ito pagkatapos ay sinuntok ito sa tagiliran ng paulit-ulit bago ito sinipa. Thugs! “Hmmmppff.. Grrrggghhh..” Masakit na daing pa nito na bugbog sarado na. Sumunod na nilapitan naman ni RJ ay si Boyet na halatang masakit pa rin ang pagkakatumba. Nang hawakan niya ito sa balikat para itayo ay bigla naman itong lumuhod. “RJ, tama na. *hah* sorry na. Hindi na namin uulitin *hah*.” Yumakap pa ito sa paa niya habang nagmamakaawa. “Ang tigas ng ulo mo Boyet! Sa susunod hindi lang to ang aabutin mo! Paulit-ulit ka nalang!.” Malalalim na paghingang sagot naman ni RJ dito saka ito bahagyang sinipa para tanggalin ang pagkakayakap nito sa paa niya. “Grrrggghhh..” Patuloy pa rin ang daing ng pinsan ni Boyet habang hawak ang tagiliran niya. Nilapitan ito ni RJ at hinawakan ang damit nito sa balikat at itinulak sa harap ng dalagang binastos nito. Napasubsob ito sa paanan mismo ng dalaga. “Hmppff! A-Aggh!.” Patuloy na daing pa nito na hindi naman pinansin ni RJ. “Humingi ka ng tawad.” Utos pa ni RJ dito pero parang wala itong narinig. “Humingi ka ng tawad!.” Ulit pa ni RJ na mas binigyang diin pa ang tono. Nagulat naman ang binata dahil dito. “Pa-Patawari-rin mo a-ako. *hah* hindi-di ko na u-uulitin.” Mangiyak-ngiyak na rin nitong paghingi ng tawad sa dalaga. Natatakot man ay natuwa na rin ang dalaga dahil dito. Naturuan na kasi ng leksyon ang binata ng taong tagapagtanggol sa lugar nila. “Boyet, bayaran niyo yung mga nasira.” Lakad ni RJ palapit kay Boyet. “Opo. O-Opo, bossing.” Agad na sagot naman ni Boyet kay RJ na yumuko-yuko pa. “Huling warning ko na sa inyo to. Wala ng sisihan sa susunod.” Babala na ni RJ kay Boyet at sa tatlong kasama nito na walang nagawa dahil sa sobrang takot kay RJ. Agad pang lumuhod ang mga ito at ginaya ang pagyuko-yuko ni Boyet sa harap ni RJ. “Opo, bossing!.” Sabay-sabay pang saad ng tatlo. Pagkatapos maitayo ang mga natumbang gamit ay pinabili ni RJ ang pinsan ni Boyet ng isang dosenang itlog at isang dosenang sardinas para sa dalaga. Kapalit ng abalang ginawa nito at pagtapon sa biniling pagkain ng dalaga. Wala naman itong nagawa kundi ang sumunod. Pinagpanday din ni RJ ang mga ito sa mga nasirang mesa at upuan. Nawala ang kalasingan ng mga ito dahil sa nangyari. Ang dalawa kahit hirap at paika-ika ay wala ding nagawa kundi ang tumulong sa pagpanday ng mga nasira. “Buti nga sa kanila.” “Yan. Tama lang yan sa kanila.” “Buti nalang dumating si RJ. Ang babastos naman kasi eh. Huh!.” Bulong-bulungan pa ng mga tao sa paligid. Hindi na rin naman iba sa kanila ang ganung senaryo dahil nga madalas itong mangyari. Si RJ na nagtatanggol sa mga inaapi at nambubugbog sa mga nanggugulo. “Anong nangyari dito?.” Biglang dating ng mga pulis sa pangunguna ni SPO2 Richard Monares. “Ikaw na naman, RJ?.” Lapit pa nito kay RJ na halatang nayayamot. Kaedaran niya lang ito, gwapo at matipuno. “Pasensya na sa abala, sir. Inaayos na rin naman po namin eh.” Sagot nalang ni RJ. Kahit papaano naman kasi ay pulis pa rin ito. “Wala pong kasalanan si RJ, officer. Ito pong mga to ang nanggugulo.” Gaya ng laging nangyayari, may magsasalita at magtatanggol kay RJ. Mga nakasaksi sa nangyari at mga taong naniniwala sa kanya. Wala namang nagawa si SPO2 Monares kundi ang tumahimik at magtimpi. Lumapit pa siya lalo kay RJ. Mapapansin din ang titigan ng dalawa na tila walang gustong bumitaw. Para silang nagsusukatan ng titig. “Sa uulitin, huwag kang masyadong pabida baka hindi kita matantsa!.” Mahinang bulong na may diin pang babala ni SPO2 Monares bago umatras at binigyan si RJ ng nagbabantang tingin. Hindi nalang din naman sumagot si RJ dito. Sanay na rin kasi siya sa trato sa kanya ng officer. “Tara.” Aya pa ni SPO2 Monares sa mga kasamahan niya at umalis. May tinatagong galit kasi ito kay RJ. Naghahanap lang din ito ng tiyempo para hulihin si RJ. Pagkatapos magpasalamat kay RJ ng dalagang si Daphne ay umuwi na rin ito. Labing-walong taong gulang na ito at masunuring dalaga sa mga magulang. Masaya itong umuwi dahil ang dalawang itlog na binili niya ay naging isang dosena, pati na rin ang sardenas. Marami na silang ulam para sa lima niya pang mga kapatid. Pagkatapos ng nangyari ay bumalik na rin si RJ sa bahay nila. Naabutan niyang naglalaro sa maliit na sala ang mga batang pinang-ampon niya na mga batang lansangan. Limang bata na kanyang inaalagaan sa kasalukuyan. Tatlong lalaki at dalawang babae. “Atkuy!.” Masayang sigaw ng mga bata at mabilis na lumapit sa kanya. Binigyan siya ng mga ito ng tig-iisang halik sa pisngi. Atkuy ang tawag ng mga ito sa kanya na ang ibig sabihin ay "ate at kuya". “Atkuy, bakit may sugat ka? Nakipag-away ka na naman po ba?.” Cute na tanong ng bunso-bunsuan sa limang bata na si Rom2x. Pitong taon palang ito. “May tinuruan ka na naman ba ng leksyon, Atkuy?.” Segundang tanong naman ng tumatayong panganay sa lima na si Jan2x. Labing-apat na taon na ito. Alam din kasi ng mga ito ang tungkol sa pambubugbog niya ng mga bad guys dahil sa ganoong pangyayari sila nakilala ni RJ. “Kayo talaga oh..” Natatawang sagot nalang ni RJ sa mga ito. “Ang mabuti pa mag-snack nalang tayo.” Dagdag niya pa na agad namang bumenta sa mga bata dahil duon na nabaling ang atensyon nila. “Yeheeeyyy! Atkuy, mag'halo-halo nalang tayo oh.” Agad na request naman ng pangalawang matanda sa kanila na si Leneth. Labing-tatlong taong gulang naman ito. “Atkuy, burger at halo-halo sakin.” Request din naman ng pangatlo na si Tam2x. Labing-isang taong gulang naman ito. “Nag-request na naman ng burger ang matakaw.” Birong asar naman ng pang-apat na si Maya. Sampung taon naman ito. Sa kanilang lima kasi, si Tam2x ang matakaw at mataba. ”Nye. Nye. Nye.” Sagot lang naman ni Tam2x kay Maya bilang ganti ng pang-aasar dito. “Oizzzt! Tama na yan. Baka kung saan pa mapunta yan eh.” Saway naman ni RJ sa mga ito. “Tara na. Huwag kayong mag-alala. Kahit anong gusto niyo ay pwede.” Dagdag pang saad ni RJ na ngumiti na sa mga bata. “Yeheeeyyy!!.” Masayang sagot naman ng mga bata na tumatalon-talon pa. Naglakad na din sila palabas. “Oi. Oi. Oi. Teka pare, anong merun?.” Takang tanong naman ng nagising na si Joe na kakalabas lang ng kwarto niya. Napatingin naman si RJ sa kanya na nasa may pinto na rin habang ang mga bata ay nakalabas na. “Mag-i'snack kami. Dyan ka na lang.” Sagot naman dito ni RJ na sinara pa ang pinto at naglakad na rin. “Hoy. Hoy. Hoy, pare! Teka lang! Sama ako!.” Sigaw pang habol ni Joe, na sa pagmamadali ay muntik pang mahulog sa hagdan. Limang hakbang ang hagdanan nila papunta sa kanilang kwarto. Hindi naman iyun mataas dahil nga hindi naman malaki ang kanilang bahay. ----- ◆RJ's POV.◆ Pagkatapos naming mag-snack ay umuwi na rin kami para makapagpahinga na ang mga bata, maliban kay Joe na nagpaiwan dahil may nilalanding mga dalaga sa tindahan. Galing kasi sa gala ang mga bata. Sinama sila ni Sabrina sa Park at ipinasyal. Tuwing linggo kasi ay ang araw ng pagba-bonding namin. Pero hindi kami nakasama ni Joe dahil may importante akong inasikaso kasama siya kanina. “Atkuy, sa susunod sama ka na samin sa pamamasyal ha?.” Inaantok na saad ni Rom2x na kandong-kandong ko. Nandito ako sa sala nakaupo habang yung apat naman, ayun na sa kwarto at nagpapahinga. Itong bunso kasi naglalambing eh. “Oo. Basta matulog ka na ngayon, promise sasama ako sa susunod.” Sagot ko naman sa kanya pero nang tingnan ko siya, nakatulog na pala. Napangiti naman ako sa batang to, malambing at bibo. Anak na rin kasi ang turing ko sa kanila, kaya hangga't maaari ayokong mapahamak sila. “Sana lang ay totoo na yan at hindi mo na naman pinapaasa yang bunso mo.” Nagulat naman ako ng may biglang nagsalita. Pagtingin ko sa may pinto, si Sab pala. Siya si Sabrina, isa siyang Nurse sa Center ng baryo namin, dalawampu't-pitong taong gulang na siya. Isa sa mga taong pinagkakatiwalaan ko sa mga bata sa tuwing umaalis ako at si Joe para sa trabaho. Pero madalas namang kasama ng mga bata ay si Joe. May pagkakataon lang talagang minsan kailangan kong isama si Joe sa trabaho kaya sa kanya ko napapatingnan ang mga bata. “Sab, ikaw pala.” Pansin ko naman sa kanya. Sab din ang tawag ko sa kanya. “Huwag kang mag-alala, sa susunod sasama na ako.” Ngiting dagdag ko pa. “Hmmm.. ilang beses ko na kayang narinig yan.” Sagot niya naman na lumapit na rin sa inuupuan ko. “Haha minsan lang din namang napalya eh.” Tawang sagot ko naman sa kanya. “Sandali lang at iakyat ko muna tong batang to. Baka mangawit pa to kapag nagising eh.” Paalam ko pa na siyang tinanguan niya naman. Kinarga ko na si Rom2x at dinala sa kwarto nilang lima. Sa gitna namin ni Joe yung kwarto nila. Malaki-laki ang espasyo. Pinagawan ko sila ng dalawang katre, magkatabi sina Jan2x, Tam2x at Rom2x sa isang katre habang sa isa naman ay sina Leneth at Maya. Nilagyan ko nalang din ito ng foam para mas maging komportably ang tulog nila. Pagkatapos kong maayos yung higa ng mga bata ay bumaba na rin ako. “Oh? Ano yan?.” Takang tanong ko kay Sab nang makitang may hawak siyang bulak at alcohol. “Ito?.” Sabay pakita ng hawak niya. “Para diyan sa sugat mo oh. Hay naku!.” Dagdag niya pa na tinuro yung sugat ko gamit ang nguso niya. Pumutok kasi yung gilid ng labi ko. “Haha. Ano ka ba, Sab. Malayo sa bituka to saka okay lang ako.” Nakakatawa talaga minsan ang sobrang pag-aalala ng kaibigan kong to. Sa bawat sugat na natatamo ko sa pagkikipagbugbugan ay siya naman ang taga-gamot, libre pa ah. “Huwag ka ng kumontra kung ayaw mong dagdagan ko yan.” Pagsusungit niya naman. Haha nagiging dragon na naman to. “Lika na dito.” Tapik niya pa sa tabi ng inuupuan niya, pahaba ito at gawa sa kawayan. Tumabi nalang ako at hindi na nagreklamo. Inumpisahan niya na ring gamutin yung sugat ko sa may labi. “Aray ah.. mukhang may galit ka ata eh.” Natatawang reklamo ko sa kanya. Dinidiinan niya kasi eh. “Baka imbes na gumaling yan eh madagda--- aray!.” Bigla naman akong napangiwi ng mas lalo niyang idiin yung bulak na may alcohol sa sugat ko. Napalayo pa ako ng konti sa kanya. “Ang ingay-ingay mo naman kasi eh. Hindi ako makapag-concentrate.” Ang sungit talaga. Haha nagbehave nalang ako para hindi na siya magsungit pa. “Aray! Aray! Ang sakit! Aray!.” Nagulat kami ng biglang pumasok si Joe na umaaray. Pero wala naman itong hinahawakan sa katawan na nagpapakitang nasasaktan ito. “Oh? Anyare sayo?.” Takang tanong ko naman nang makalapit siya samin. Kahit si Sab ay napatigil din sa ginagawa niya. “Ang sakit kasi eh...” Pabiting sagot pa nito na may pakindat-kindat pa. Napakunot naman ako ng noo. Masakit pero kumikindat? Siraulo talaga. “Ang sakit niyo sa mata. Hahaha masyado kasi kayong sweet eh. Hahaha.” Dagdag niya pa na biglang umupo sa pang-isahang upuan. Tawa pa siya ng tawa. Baliw talaga! Gawain niya din kasing asarin kami ni Sab sa isa't-isa. “Baliw ka talaga!.” Iiling-iling ko ng saad. “Sinabi mo pa.” Segunda naman ni Sab na pinagpatuloy na ang panggagamot sa sugat ko. “Hahaha. Hindi na ako magtataka kung isang araw bigla niyo nalang sabihin samin na kayo na. Haha.” Saad pa ni Joe na panay pa rin ang tawa. Natatawa nalang ako sa mga pinagsasabi niya. Ang lakas maka-imagine ng mokong na to eh. “Ayaw mo nun, pare? May Nurse ka na, may girlfriend ka pa. Bonus pa yung maganda si Sabrina.” Dagdag niya pa na iniisa-isa sa kamay niya ang kagandahan tungkol kay Sab. “Makapagsalita ka diyan parang wala ako dito ah.” Singit naman ni Sab na nakakunot ang noo. Lalo tuloy kaming natawa ni Joe. “Hahaha sabagay pare. Pero bukod dun, magiging punching bag niya ako. Hahaha.” Tawang sakay ko naman sa trip nitong kaibigan ko. “Hmmp!.” Sungit namang reaksyon ni Sab na bigla din akong hinampas ng mahina. Hahaha. “Yun lang, pare. Hahaha.” Lagi talagang pikon tong si Sab kapag ganitong inaasar namin siya ng ganito ni Joe. Hahaha. Napansin ko naman ang biglang pagtitig sakin ni Sab habang natatawa ako. “Haha. Oh? Nagbibiro lang.” Tawang saad ko pa sa kanya. “Hindi ka na nasanay eh.” Dagdag ko pa na ti-nap ang ulo niya. Napangiti naman siya ng konti sa ginawa ko. Panay pa rin ang asar ni Joe sa kanya habang siya naman ay nagsusungit dito. Natatawa nalang akong tingnan silang dalawa. Hahaha. Naging mahirap man sakin ang panahon ng kabataan ko. Nabawi naman ito ngayong matanda na ako. May mga kaibigan akong maaasahan at mga batang tinutulungan. Sila ang matatawag kong sarili kong pamilya. ≈≈≈≈≈ Just let me know if you're liking the story ^_^ .. ~ ~ ~ ⇨acacabas_019ツ.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD